共有

Chapter 6

作者: Lady Fei
last update 最終更新日: 2025-10-11 07:25:11

Pagdating nila sa mansion ng mga Venzon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay para i-welcome. Pagpasok naman nila sa pinto ay nakaabang na doon ang Mama ni Tristan na si Doña Leticia. Agad na humalik si Tristan sa Doña.

Nahihiya man ay lumapit pa rin siya sa ginang para b****o.

“Hailey Gaile, Iha. Welcome to our home. Halika, tuloy ka iha,” magiliw nitong hinawakan ang kamay niya at marahang hinila.

“Thank you, Gra–Mama,” aniya. Nasanay kasi talaga siyang tawaging Granie ang ginang dahil halos isang taon din niyang naging fiance si Cedric. Madalas din silang magkita ng ginang noon dahil sa mga business gatherings. Isinasama din kasi siya ng kanyang Papa sa request na din ni Doña Leticia. Pero kung hindi mag-request ang matanda, ang ate Krystal lang naman niya ang isinasama nito.

“Iha, sabihin mo nga sa akin kung ano ang ginagawa ng asawa mo? Nagpa-book ako para sa honeymoon ninyo, travel to Paris pero nalaman ko sa assistant ko na hindi kayo tumuloy. Business pa rin ba ang inaasikaso niya?” tanong ng ginang.

Magkaharap silang naupo sa magarang upuan habang hawak pa rin ng ginang ang kamay niya.

“Ma, alam mo naman ang totoong sitwasyon, hindi ba? We're not a real couple,” giit ni Tristan bago padaskol na naupo sa pang isahang sopa.

“You're already married, for god's sake! At walang Venzon ang nakikipaghiwalay sa mga asawa nila, Tristan, alam mo 'yan!” giit ng ginang.

Mariin ang pagbigkas nito ng bawat salita kaya napaka-elegante pa rin nitong tignan kahit nagagalit. Hindi ito sumisigaw pero may pinalidad ang boses.

“M-Mama, huwag na po kayong magalit. Hindi rin po kasi ako pwedeng umabsent sa klase ng matagal,” ani Gaile para matigil na ang away ng mag-ina.

“Nakapagparegister na ba kayo?” tanong muli ng ginang habang nakatingin kay Tristan.

“Bukas, Mama. Ipaparegister ko na ang kasal,” tugon nito sa malamig na boses.

Napakagat labi siya dahil ramdam niyang napipilitan lang ang lalaki na akuin ang responsibilidad na dapat ay kay Cedric. Sila ang ipinagkasundo pero si Tristan ang sumasalo.

“Mama, pwede naman pong huwag na lang i-register ang kasal,” aniya. Kung ayaw ni Tristan na matali sa kanya ay tutulungan na lang niya itong kausapin ang parents nila.

“No, hindi ako papayag, iha. Alam na ng mga press, alam na rin ng mga business partners ang kasal ninyong dalawa ni Tristan. Ayaw kong magmukha kang kawawa sa mga tao kapag iniwan ka pa ng lintek na ito. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga magulang mo kapag nangyari 'yon,” masuyong wika ng ginang bago hinaplos ang buhok niya. “Gusto kong dumito muna kayong mag-asawa,” dagdag pa nito.

“Ma!” agad namang pagtutol ni Tristan. Tumayo pa ito habang kunot ang noo.

“Tristan, alam kong ikaw na ngayon ang namamahala sa kumpanya. May sarili ka na ring disposisyon sa buhay pero sana pagbigyan mo naman ako, anak. Miss na miss na din kasi kita.” Lumambot pa ang ekspresyon sa mukha ng ginang. Tumayo ito at nilapitan ang anak na para bang naglalambing na bata. Napabuntong hininga naman si Tristan habang kinakamot ang kanang kilay. Napansin niyang mannerism iyon ng lalaki kapag naiinis o kaya naman ay napipilitang gawin ang isang bagay.

“Ok, ok... Matitiis ba naman kita, Mama? Pero please behave,” may pagbabanta sa boses ni Tristan.

“Why? I'm not doing anything. Gusto lang kitang makasama pati na rin ang aking daughter in law. Alam mo namang matagal ko nang gustong mag-asawa ka,” anang ginang na nakalabi pa.

Napangiti naman si Gaile sa nakitang lambingan ng mag-ina. Kahit paano ay nakita niya ang soft side ni Tristan. Malapit pala ito sa kanyang ina.

“And I hope, magkaroon din ako ng mga apo, soon..” dagdag pa ng ginang.

Agad na namula ang mukha ni Gaile at hindi makatingin ng diretso kay Tristan. Yumuko na lang siya at pinaglaruan ang palad.

“Ma...” may pagbabanta naman sa tinig ng binata.

“What?” tugon naman ng ginang habang pilyang nakangiti.

Lumapit muli ito kay Gaile at pinatayo ito. “Wala pa akong wedding gift para sa iyo, iha,” wika nito bago naupo muli sa tabi niya. “Fely!” tawag nito sa assistant na agad namang dumating. May iniabot itong papel kay Doña Leticia at iniabot naman iyon ng ginang sa kanya.

Nanlaki ang mata niya nang mabasa ang nakasulat sa papel.

“Iha, alam mo naman na isinanla sa amin ng Papa mo ang kumpanya ninyo, hindi ba? Hanggang sa malugi ito at tuluyang ibenta sa amin,” tanong ng ginang.

Alam niya ng bagay na 'yon kaya nga tinuloy nila ang kasunduan ng dalawang patriyarko ng pamilya para hindi mawala sa mga Cuevaz ang kumpanya nila. Nakapangalan na sa Venzon ang kumpanya pero mananatiling presidente ng kumpanya ang ama ni Gaile.

“Mama, anong ibig sabihin nito?” tanong niya sa ginang.

“Binabalik ko sa iyo ang ownership ng Cuevaz Jewelry, iha,” nakangiting tugon ng ginang.

“What? Why did you do that!” galit na tanong ni Tristan. Kinuha pa nito ang papel at binasa.

Halos malukot na ang papel sa higpit ng hawak nito. Nagiigtingan din ang panga ng lalaki dahil sa tinitimping galit.

“Ano naman ang masama doon, anak? Asawa mo naman si Gaile kaya kahit nakapangalan sa kanya ang kumpanya nila, e, parang sa iyo na din 'to. Iisang pamilya na lang tayo anak,” paliwanag ng ginang pero marahas lang na napahampas sa mesa si Tristan.

“Ma, alam mong pumayag akong ituloy ang kasal at inako ko ang dapat na responsibilidad ni Cedric dahil hinihingi nilang compensation ang Cuevaz Jewelry! Harap harapan na tayong pinaiikot ng pamilyang 'yan pero pinapayagan lang ninyo!” singhal pa nito.

Nasaktan siya sa sinabi ni Tristan pero may katotohanan naman 'yon.

“Anak, ayaw ko rin namang kay Cedric makakasal si Gaile. Mabuti na ring sa iyo siya naipakasal kasi mas responsable ka. Mabait na bata si Gaile, maganda pa kaya ano bang inaayaw mo?” wika ng ginang.

Talagang sa harap pa niya nag-usap ang mga ito. Gusto na lang niyang lumubog sa inuupuan dahil sa sobrang hiya.

“Ma, don't tell me, may kinalaman ka kaya hindi sumipot si Cedric sa simbahan?” mabalasik na tanong ng lalaki.

“H-ha? W-wala... Bakit ko naman gagawin 'yon?” halatang defensive na wika ng ginang. Napakamot na lang sa kilay ang lalaki dahil sa sobrang inis.

“Gaile, iha. Halika, ihahatid kita sa kwarto ninyong MAG-ASAWA. Magpahinga ka muna at mamaya ipatatawag na lang kita para sa dinner,” halatang umiiwas na niyaya siya ng ginang.

Kagat labing sumunod naman si Gaile habang pigil ang pagtulo ng luha.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 19

    Pagdating ni Tristan sa opisina ay agad niyang binuklat ang files tungkol kay Hailey Gaile.Hindi maganda ang school records nito lalo na nung mga unang taon sa senior high. Palaging absent, mababa ang grades at madalas na tulog sa klase. “Sir, ayaw daw siyang pag-aralin ng mga magulang niya dahil nagsasayang lang daw sila ng pera. Mahal ang tuition sa pinapasukan niyang school pero halos hindi siya pumapasok. Ang naisip ng mag-asawang Cuevaz ay ipakasal siya sa mayamang pamilya para hindi siya maging kawawa,” wika ng secretary niya. “Paano siya nakabalik sa pag-aaral?” tanong niya habang mariing nakatikom ang kamay. Lalo lang siyang nainis sa mga Cuevaz, hindi lang pala kasi kumpanya at yaman ng Venzon ang gusto ng mga ito. Gusto pa nilang ipasa sa kanila ang responsibilidad sa pagdedesiplina ng anak.“Eh, si Ms. Krystal po ang nagbabayad ng tuition at nagbibigay ng allowance ni Ma'am Gaile. Mabait naman po pala sa kapatid ang isang 'yon,” anang secretary.Hindi akalain ni Tristan

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 18

    Itinukod ni Gaile ang braso sa matigas na dibdib ni Tristan bago pwersahang inilayo ang sarili dito. Umikot si Tristan kaya napailalim siya dito. Napasinghap siya at muli sanang makikiusap pero agad na nitong nasakop ang labi niya.Sa una'y marahas ang bawat paggalaw ng bibig nito pero kalaunan ay naging malumanay din at mapanukso. Nang tutugunin na niya ang halik nito ay para itong napapasong lumayo sa kanya.“Shit!” bulalas pa nito bago nasapo ang noo. Naupo ito sa gilid ng kama, habang si Gaile naman ay nanatiling nakahiga habang ang mga paa ay nakalaylay sa kama. Niyakap niya ang sarili bago mariing kinagat ang ibabang labi.“I'm sorry. I didn't mean to do that,” halos pabulong na wika nito.Tumulo ang luha ni Gaile, hindi niya maiwasang masaktan sa sinabi nito. Para bang isang malaking kasalanan ang halikan siya. Siguro'y iniisip nitong nagkasala ito kay Aria.Marahas na tumayo si Tristan at nagmartsa palabas ng kwarto. Inayos naman ni Gaile ang sarili bago bumalik sa higaan. Hin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 17

    Naalimpungatan sa pagtulog si Gaile nang maramdamang may ibang tao sa kwarto niya. Napahawak siyang mabuti sa kumot habang pinakikiramdaman ang taong naglalakad. Pigil niya ang paghinga sa pag-aakalang napasok sila ng magnanakaw. Naupo sa gilid ng kama ang bulto ng lalaking nakita niya. Hindi niya makilala kasi madilim ang paligid. Nang mahiga ito sa tabi niya ay mabilis niya itong kinubabawan sabay sigaw ng malakas.“Tulong! May magnanakaw! Tulungan ninyo ako! Manang Norma! Mang Damian! Tulong!” “What the hell!” bulalas ng lalaki. Natigilan naman si Gaile at napahinto sa pagkalmot dito. Para kasing kilala niya ang boses nito.Bumalikwas ang lalaki at iglap lang ay ito na ang nakaibabaw sa kanya.Doon naman bumukas ang pinto at pumasok si Doña Leticia. Bumaha din ang liwanag nang sindihan nito ang ilaw.“What happened–oh, dear, I'm sorry. Wala akong balak mang-istorbo,” natatarantang wika ng ginang bago nagtakip ng mata pero nakasilip naman ang isang mata nito sa kanila.Nagkatingin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 16

    Pagkauwi ni Gaile galing hospital ay sinalubong siya agad ng nag-aalalang si Manang Norma.“Kumusta ang pakiramdam mo Gaile? Ayos ka lang ba?” tanong nito bago hinawakan ang dalawang kamay niya.Tila may humaplos na mainit na kamay sa puso niya nang makita ang pag-aalala ng katiwala.“Okay lang po ako, Manang Norma. Thank you po,” aniya bago ito niyakap nang may luha sa mga mata.Dalawang araw kasi siya sa hospital hindi man lang dumalaw ang Mama niya. Hindi nga niya alam kung alam ng mga ito ang nangyari sa kanya. Hindi tuloy maiwasang sumama ang loob niya. Pero ano pa ba ang aasahan niya sa mga ito? Noon ngang nasa poder siya ng mga magulang ay wala silang pakealam sa kanya, ngayon pa kayang wala na siya doon.“Gaile, iha. How are you, my dear daughter in law? Ano ba kasi ang nangyari?”Napatingala sa hagdan si Gaile nang marinig ang boses ni Doña Leticia. Pababa ang ginang sa hagdan at makikita din sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Pagkababa nito ay agad itong lumapit para yaka

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 15

    Tahimik na sumakay sa kotse si Gaile. Agad siyang niyakap ni Fiona habang tinitignan kung may galos siya sa katawan. “Gaile, I hope you're okay,” ani Aria habang makikita sa mga mata nito ang simpatya. Pinilit niyang ngumiti rito bago bahagyang yumuko. “Sabi ko na nga ba, wala talagang gagawing maganda 'yang Cedric na 'yan! Dapat doon pinakukulong! Hindi porke mayaman ang angkan niya, pwede na niyang gawin ang gusto niya!” pagbubunganga ni Fiona bago siya mahigpit na niyakap. “Mabuti na lang, nasundan namin kayo. Kung hindi, nako, makakalbo ko ang Cedric na 'yon!” bulalas pa nito. “Tama na, Fiona. Salamat sa concern mo tsaka sa tulong mo. Akala ko tinakbuhan mo na ako,” wika niya habang nagpupunas ng luha gamit ang palad. Kinuha naman ni Fiona ang panyo tapos ito na ang nagpunas sa mga luha niya. “Tumakas ako para makahingi ng tulong. Alam mo namang hindi ako pumapayag kapag naaagrabyado ka. Matuto ka naman kasing lumaban!” panenermon pa nito. “Lumalaban naman ako, eh. H

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 14

    Nang uwian ay inabangan ni Gaile si Tristan. Kasama niya ang kaibigang si Fiona na naghihintay din ng sundo.Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa harap nila. Iniluwa non si Cedric na nakangisi pa sa kanya.“Auntie Gaile, hinihintay mo ba talaga si Uncle Tristan?” tanong nitong parang nanloloko.“Cedric, ayaw ko ng gulo,” aniya bago umiwas dito. Sinundan naman siya ng lalaki.“Pinapasundo ka ni uncle kaya halika na,” mariing wika nito bago siya hawakan sa siko.“Hoy, bitiwan mo nga ang kaibigan ko! Bastos ka, Auntie mo na siya ngayon!” pagtataray ni Fiona.Sinubukan pa ng dalaga na itulak ang lalaki. Nagalit naman si Cedric at tinawag ang mga barkada nito.Pinagtulungan nilang isakay sa kotse si Gaile. Nagpumiglas siya pero wala siyang laban sa mga ito.“Gaile! Hoy, saan ninyo dadalhin si Gaile? Mga walang hiya kayo!” sigaw ni Fiona. Akmang hihilain siya ng kaibigan pero humarang si Cedric dito.“Cedric, please, pakawalan mo ako. Pabayaan mo na ako,” pakiusap niya sa dating fiance

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status