Chapter 4
“U-uncle Tristan,” nauutal na wika ni Cedric habang nanlalaki ang matang nakatingin sa tiyuhin na ngayon ay yakap ng isang kamay si Gaile. Napatingala naman ang babae at napalunok ng laway nang makitang sa dibdib ni Tristan lumanding ang mukha niya. Agad niyang naitukod ang palad sa dibdib ng lalaki at bahagyang tinulak ito. “U-uncle Tristan,” nauutal niyang wika habang nagtataka kung bakit nasa eskwelahan nila ang lalaki. “Is that the right way to treat your aunt, Cedric?” mabalasik na tanong ni Tristan. Agad namang napayuko ang lalaki bago umatras. “I'm sorry, Uncle,” anito habang nakayuko pero masama ang pagkakatingin kay Gaile. Agad namang lumapit si Krystal at hinawakan ang braso ni Tristan. Para itong isang maamong tupa na hindi makabasag pinggan. “Ahm, Tristan, wala namang kasalanan si Cedric. Pinagyayabang kasi ni Gaile na mag-asawa na kayong dalawa kaya sinita lang siya ni Cedric,” wika pa ng babae. Agad namang napatingin si Gaile sa kanyang ate. Hindi talaga siya makapaniwala na kaya nitong magsinungaling para lang mapahamak siya. “Hindi totoo 'yan, ate Krystal!” aniya para depensahan ang sarili. Ngumisi ang babae tapos inilabas nito ang cellphone. Plinay nito ang video at itinapat sa mukha ni Tristan. Narinig ni Gaile ang sariling boses sa Cellphone kaya sinilip din niya ito. Nakunan pala ng video ni Krystal ang mga nangyari kanina. “Sige subukan mo! Asawa na ako ni Tristan ngayon! Isa siya sa investor ng school na ito! Sige subukan ninyo akong saktan! Kapag sinaktan ninyo ako, parang siya na din ang binastos ninyo!” Humigpit ang kapit ni Tristan sa braso niya kaya napangiwi siya sa sakit. “U-uncle Tristan–” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil hinila na siya ng lalaki palabas sa school. Isang magarang kotse ang pumarada sa tapat nila, binuksan ni Tristan ang pinto sa likod at pabalya siyang ipinasok. Nauntog pa nga ang ulo niya, mabuti na lang dahil hindi malakas. “U-uncle, saan mo ako dadalhin?” tanong niya bago sumiksik sa sulok. Naupo sa tabi niya si Tristan, hindi ito kumikibo pero ramdam ni Gaile ang tensyon na nanggagaling dito. Maya-maya ay inilabas nito ang isang papel at iniabot sa kanya. “Pirmahan mo,” utos nito. Binasa niya ang nakasulat. Iyon ang papeles para sa kasal nila at pangalan nila ang nakasulat dito. Nakapaloob din sa mga papeles ang prenuptial agreement. “P-pero uncle, hindi naman nating kailangan magpakasal ng totoo,” aniya bago kinagat ang ibabang labi. Mannerisms niya iyon kapag natatakot siya at kinakabahan. Galit na bumaling ang lalaki sa kanya. Saktong napatingin pa ito sa labi niyang kinakagat niya. Saglit na natigilan ang lalaki bago umiwas ng tingin. Bumalik ang galit nito nang magsalita. “Pagkatapos mong ipagsigawan sa school ninyo na asawa kita? Nagpapress conference pa ang mga magulang mo para kumpirmahin ang kasal natin? Sasabihin mo ngayon na pwede kahit hindi natin totohanin ang kasal!” singhal nito habang kuyom ang kamao. “Pwede ko naman itama ang lahat. Pwede akong magpa-interview–” hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang sakalin ng lalaki. Napahawak siya sa kamay nito bago pilit na inaalis sa kanyang leeg. Pero mistulang bakal ang braso ng lalaki. “Akala mo ba makukuha mo ako sa pagbabait-baitan mo? Kilala ko ang mga Cuevaz. Alam ko kung gaano kayo kagaling umarte! Kung napapaikot ninyo ang mga magulang ko, ibahin ninyo ako!” padaskol nitong binitiwan ang leeg niya kaya napaubo siya habang hinahaplos ito. Hindi din niya napigilang maluha habang kagat muli ang ibabang labi para pigilin ang mapahikbi. Ayaw niyang umiyak ng malakas dahil sa takot na baka lalo itong magalit. “Pirmahan mo na 'yan,” mariing utos nito bago umiwas muli ng tingin. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang papel at ballpen bago pinirmahan ang papeles. Pagkatapos non ay iniabot niya ito kay Tristan. Matapos tignan ang papel ay walang anumang inabot nito iyon sa secretary nitong nakaupo sa tabi ng driver. “Baba,” utos nito kaya mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse. Bababa na sana siya nang biglang may maalala. “Uncle Tristan, hindi ko pinagmamalaki o pinagsisigawan ang kasal natin. Binubully nila ako at 'yon lang ang naisip kong paraan para iligtas ang sarili ko. Kilala mo naman siguro ang pamangkin mo,” aniya bago tuluyang bumaba at padaskol na isinara ang pinto ng kotse. Patakbo siyang pumasok sa loob ng school habang pinipigil pa rin ang pag-iyak. Wala na ang nagkukumpulang mga estudyante doon kaya tahimik siyang naglakad papunta sa klase niya. Pagpasok niya sa loob ng classroom ay natutok ang atensyon ng lahat sa kanya lalo na ni Cedric. Ang sama ng pagkakatitig nito sa kanya. Nakaramdam siya ng takot pero hindi niya ito ipinakita. Taas noo siyang naglakad at naupo. “Gaile, anong nangyare sa leeg mo? Bakit may pasa?” tanong ni Shiela, ang bestfriend niya. Kaisa-isang bestfriend na laging nagtatanggol sa kanya tuwing nabubully siya. Galing din ito sa mayamang pamilya pero mabait at hindi spoiled brat na tulad ng mga kaedad nila. “Wala. Nakamot ko lang,” aniya pero alam niyang hindi ito naniniwala. “Mukhang intense ang naging first night ninyo ni uncle, ah? Masarap ba?” nakangising wika ni Cedric. Yumuko pa ito para tignan ang pasa sa leeg niya. “Ano naman ang pakealam mo? Legally married kami ni Tristan, I'm not a minor na din kaya walang masama kung gawin namin ang nasa isip mo,” matapang niyang sagot bato tinitigan sa mata si Cedric. Ngumisi pa siya kaya nainis ang lalaki. Nanlisik ang mata nito bago itinaas ang palad at akmang sasampalin siya. Napapikit na lamang siya at hinintay na dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Kaso lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin nangyari ang inaasahan niya kaya nagmulat siya ng mata. Nakita niyang may pumipigil sa kamay ni Cedric. Nang tignan niya kung sino ito ay halos matulala siya sa nakita. “U-uncle Tristan...” bulalas niya bago nakagat ang kanyang ibabang labi.Chapter 4“U-uncle Tristan,” nauutal na wika ni Cedric habang nanlalaki ang matang nakatingin sa tiyuhin na ngayon ay yakap ng isang kamay si Gaile.Napatingala naman ang babae at napalunok ng laway nang makitang sa dibdib ni Tristan lumanding ang mukha niya. Agad niyang naitukod ang palad sa dibdib ng lalaki at bahagyang tinulak ito.“U-uncle Tristan,” nauutal niyang wika habang nagtataka kung bakit nasa eskwelahan nila ang lalaki.“Is that the right way to treat your aunt, Cedric?” mabalasik na tanong ni Tristan. Agad namang napayuko ang lalaki bago umatras.“I'm sorry, Uncle,” anito habang nakayuko pero masama ang pagkakatingin kay Gaile.Agad namang lumapit si Krystal at hinawakan ang braso ni Tristan. Para itong isang maamong tupa na hindi makabasag pinggan. “Ahm, Tristan, wala namang kasalanan si Cedric. Pinagyayabang kasi ni Gaile na mag-asawa na kayong dalawa kaya sinita lang siya ni Cedric,” wika pa ng babae.Agad namang napatingin si Gaile sa kanyang ate. Hindi talaga siya m
Chapter 3Dumiretso ang bagong kasal sa isang mamahaling subdivision. Sa pagkakaalala ni Gaile, may bahay doon si Tristan kaya lalo siyang kinabahan. Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Gaile tapos ngayon ay may asawa na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki.Pumasok ang kotse sa magarang bahay. Pagbaba ni Tristan sa kotse ay alanganin din siyang bumaba. Inalis muna niya ang suot na stiletto dahil kanina pa sumasakit ang paa niya pagkatapos ay mabilis na bumaba. Patakbo niyang sinundan si Tristan papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang siya dito hanggang paakyat ng magarang hagdan. Napakalaki ng bahay ng lalaki, mas magara pa kaysa mansion nila. Sabagay, mas mayaman naman ang mga Venzon kaysa sa mga Cuevaz, idagdag pa ang mga sariling investment ni Tristan sa iba't ibang kumpanya.Huminto sa tapat ng pinto si Tristan, mukhang iyon na ang kwarto ng lalaki. Nang pumasok ito ay pumasok na din siya. Iginala niya ang paningin sa paligid hangga
“Where's the groom?”“My gosh, kanina pa naghihintay ang bride, nasaan na ba ang groom?”“Ano pa bang aasahang mangyari? Edi tumakbo na. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magpakasal sa isang manang, 'di ba?”Samo't sari ang usapan ng mga tao sa harap ng simbahan. Sadya pa ngang nilalakasan ni Krystal at ng mga kaibigan nito ang pagtsitsismisan para marinig niya kahit nasa loob siya ng bridal car.Malaking kahihiyan ito lalo na sa pamilya ni Gaile kung hindi sisipot ang groom. Isang oras na itong late at hindi sigurado kung darating pa ba ito.Sa totoo lang, ipagpapasalamat pa ni Gaile kapag hindi sumipot si Cedric. 20 years old lang siya para matali sa isang kasal na wala namang pagmamahal. Madudusa lang siya dahil kinamumuhian niya si Cedric“Gaile, ano bang ginawa mo? Bakit wala pa si Cedric?” nag-aalalang wika ng Mama niya na kasama niya sa bridal car.“Ma, hindi ko po alam. Tayo ang magkasama mula pa kanina kaya pano ko malalaman?” aniya. Agad namang tinampal ng ginang ang braso
Chapter 1“Ma, Pa, hindi ninyo p'wedeng gawin sa akin 'to! Bata pa po ako para magpakasal,” luhaang pakiusap ni Gaile sa mga magulang. Ilang araw na mula nang malaman niyang pinagkasundo siya ng mga ito sa apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.Nang gabing 'yon ay pumasok sa kwarto niya ang mga ito dahil bukas na ang kasal niya. Muli siyang nakiusap pero bingi talaga sa kanya ang pamilya niya.Ang sakit lang isipin na para lang siyang gamit kung ipamigay ng sarili niyang pamilya.“Hailey Gaile! You know what will happen to us once you cancel your wedding. All of this... this lavish life will turn into nothing! Kaya kapag sinabi kong magpapakasal ka, magpapakasal ka, and that's final!” gigil na turan ng ama niya habang dinuduro siya. Marahas itong tumalikod at nauna nang lumabas ng silid niya.Awang ang bibig, at luhaan ang mga matang sinundan niya ang paglabas ng ama niya. Tangka sana niya itong habulin ng tawag subalit hindi na niya nagawa. Tanging ang ina at ang Ate Krystal niyang