Share

Chapter 25

MGA HALIK pa rin nito ang gumising sa kanya makalipas ang mahabang oras ng pamamahinga.

Agad ang pagmulat niya ng mga mata; ang pag-ikot ng paningin sa buong silid. Niyuko niya ang sahig kung saan alam niyang doon inihagis ni David ang mga kasuutan kagabi. Wala ang mga iyon. Ganoon din ang sapatos at medyas nito.

Ganoon din ang amoy ng perfume nitong naiwan pa sa mga bedsheets at sa katawan niya.

"Hello, My princess" Nakangiti itong nakatunghay sa kanya, nangingislap ang mga mata. "Akala ko pa naman kuwentong pambata lang iyon. Hindi ko akalaing halik ko lang pala ang gigising sa iyo."

"K-kanina ka pa gising?" she asked huskily.

Marahang natawa si David. "Baby, galing na ako sa bangko sa bayan. Nakapagpasuweldo na rin ng mga tao sa dalawang asyenda." Namilog ang mga mata niya. "A-anong oras na?"

"Alas-kuwatro y media."

Mabilis siyang bumangon. Bakit hindi siya ginising ni David? Hindi niya gustong mag-absent lalo na at nakikita niyang nahihirapan na sa pagkilus-kilos si Yvonne. At mar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status