Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Helaena warmly welcomed her boyfriend, Harley Francisco. "Hi," aniya at ikinawit ang braso sa beywang ng binata. "Mabuti naman at maaga ka ngayon. I have a surprise for you." Umawang ang kilay ni Harley kasabay ng pagguhit ng ngiti. "Oh, wow. Ang dami mo namang pakulo. Anong meron?" "Yup. And you'll be proud of me." Inakay niya ang kanyang boyfriend patungo sa malaking leatherette sofa at parehong naupo. Ang dalawang kamay niya ay nakakapit sa braso nito. "I'll make a wild guess," wika ng binata na itinaas ang kamay at inakbayan ang dalaga. "Is this surprise about you finally agreeing to go out with me?" At hinapit nito ang dalaga at akmang hahagkan sa mga labi subalit agad namang iniwas ni Helaena ang sarili. Inirapan niya ang boyfriend at bahagyang lumayo, "Ikaw talaga. Para namang hindi ako sumasama sa iyong lumabas paminsan-minsan." "Alam mo ang ibig kong sabihin, Helaena." Si Harley at muli siyang inabot at ginawaran ng isang mariing halik sa mga labi. Mabilis na kumawal
Naging abala ang mga unang araw ni Helaena sa Hayes Company. Nakahulihan agad niya ng loob si Keith, ang executive secretary ng personnel manager Ito ang nagbigay sa kanya ng briefing sa mga gagawin niya. Sa personnel siya na-assign bilang assistant nito. "Kailan ba ang labas niyang nasa tiyan mo?" tanong niya rito. "Three months pa. Kaya nga nagpa-advertised agad si Sir Mauro para ma-train ka sa sandaling mag-leave ako," sagot ni Keith habang itinuturo ang filing system ng employees' records. "At ano ang malay mo?" patuloy nito. "Baka ma-impress mo si Sir Mauro sa trabaho at i-permanent ka kaya pagbutihin mo, Helaena. " aagad, Nilinga niya ang dalawang personnel clerk, Sina Fauna at Ashley. "Bakit hindi ang isa sa kanila ang mag-relieve sa iyo?" "May sari-sarili silang trabaho. At karaniwan na ay malimit utusan ang dalawa sa field. Pero kung talagang walang qualified na na-hire, si Fauna muna ang sekretarya ni Sir Mauro." "Sana ay hindi ka magsawang turuan ako. Alam mo na, first t
ILANG MINUTO na lang at alas-siete na at si Helaena na lang ang tao sa bahaging iyon ng building. Pero hindi iyon alintana ng dalaga at patuloy sa tahimik na pag-iyak. Hindi niya matiyak kung pride nga lang ba ang nasaktan sa kanya o pati na puso. Matagal na siyang niloloko ni Harley at wala siyang kamalay-malay. And if there was one consolation for her, ay iyong hindi niya pagpayag sa gustong mangyari nito na mag-sex sila. At kaya siya narito pa sa opisina hanggang sa mga sandaling iyon ay dahil hindi niya gustong umuwi at makipag-komprontasyon dito. At wala naman siyang mapupuntahang iba. Kanina sa restaurant nang magkasalubong ang mga tingin nilang dalawa ni Harley ay kitang-kita niya ang biglang pagkailang nito. Guilt were written all over his face. Siguro ay marahil hindi gaanong mahalata ay tinanguan pa sila ni Keith. But he couldn't have waited to get out of the place as fast as he could. Kinse minutos pagdating nila ni Keith sa opisina ay agad na tumawag si Harley sa kanya
Kitang-kita ni David ang paghahalili ng emosyon sa mukha ng dalaga. And for the life of him, he was intrigued! He never bothered himself with his employees' personal problems before, malibang direktang sangkot ang kompanya. "Ano ang problema mo?Were you harassed by your co-employees?" Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi sa ganoon... it's personal." Sa wakas ay nakahagilap siya ng sasabihin. Nag-angat siya ng mukha at tiningala ang lalaki. Suddenly, nakadama siya ng panganib. Kung saan man nanggaling ang damdaming iyon ay hindi niya alam. Subalit hindi panganib na baka siya gawan ng masama nito. Natitiyak niyang hindi gagawin ng lalaki iyon. But she felt it in her bones that this man was dangerous. Kung saan ay hindi niya matukoy. Kumuha ng silya si David at naupo roon. "Care to tell me about it?" Nangunot ang noo ng dalaga. "About what?" Nagkibit ng mga balikat si David. "Kung ano man ang problema mo?" "Why should I do that?" May bahagyang iritasyon siyang nadama. She thoug
IMPOSIBLE! Naghuhumiyaw iyon sa isip ni Helaena. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha upang tumitig sa lalaki. His eyes danced in silent amusement confirming her thoughts. "H-hindi ikaw si..." Umiling siya. "N-no..." She stammered. "You can call me David, my friends do. Mr. Samonte lang ako rito sa opisina," walang anumang wika ng lalaki. "Oh!" Clutching her bag, she closed her eyes at nanlulumong napasandal sa dingding. How could she be so stupid na ipagkamaling ordinaryong empleyado ang lalaking ito'? No one in her right mind would think so. Nothing in this man was ordinary. But then she was not in her right mind, was she? Bukod doon ay hindi pa naman talaga niya nakikita si Mr. Samonte. Kung si Harley nga minsan lang naman sila magkita, maliban kung pareho nilang bababain o aakyatin ang isa't isa'y tsansa nang magkita sila sa elevator o sa canteen o hindi kaya ay sa company parking area, ang David pa kayang ito? "Ano ang ibig sabihin ng 'oh' na iyan?" amused nitong tanong. An
"Ano ang gusto mo?" tanong ni David sa kanya. "Or you preferred that I order for you?" "Kung... ano ang gusto mo," sagot niya kasabay ng paghinga nang malalim. Gusto niyang umalma kung hindi lang siya magmumukhang gaga sa harap ng waiter. David smiled. Alam nitong nanggigigil siya sa inis pero hindi makapalag. He couldn't remember forcing any woman to join him for dinner. And he was amused by the novelty of it. Tumingala ito sa waiter. "T-bone. Medium rare sa akin, well-done for the lady. French orange juice and scotch, double." Pagkaalis ng waiter ay inikot ng dalaga ang paningin sa loob ng restaurant upang huwag lang matuon sa lalaki ang paningin niya. Sa kabila ng inis ay may iba pang damdaming sumasalit at hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. "Relax, Lena," banayad na sabi ni David. "Kakain lang tayo at pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." Isang buntong-hininga pa uli ang pinakawalan ng dalaga at sinikap na ang sarili sa kabila ng alam niyang nasa kanya nakatuon ang