Share

Chapter 2

Author: Maecel_DC
last update Petsa ng paglalathala: 2024-11-12 03:32:39

Kinaumagahan, masaya kaming bumiyahe ni Yamato, dala-dala ang mga requirements na kailangang dalhin. Nang malapit na kami, kinailangan naming maglakad papunta sa malaking unibersidad dahil sa traffic.

“Ang laki ng school, Ate!” Napangiti ako at minadali si Yamato na pumasok sa loob.

Pinapasok naman kami ng guard at tsaka binigyan kami ng mapa, ngunit hindi ko ito maunawaan kaya lumapit ako sa isa sa mga nandoon. “Miss, saan po yung daan papuntang gym?” Nangunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

“Doon, kumanan ka matapos mong deretsuhin ang hallway na ’yan.” Nagpasalamat ako at sinunod siya.

Habang naglalakad, pinagtitinginan si Yamato. Feeling cute naman ang loko! Gwapo naman kasi talaga ang kapatid ko, at mas matangkad siya sa akin kahit na mas bata. Siguro ay nakuha niya kay Papa ang tangkad na ’yon.

Nang marating ang gym, dahan-dahan kaming pumasok. Karamihan ng naroon ay mga magulang, kaya naupo kami ni Yamato sa gilid. Maya-maya lang, pumasok na ang may-ari ng school.

Sila ang mag-asawang Sandoval—sobrang yaman nila at mababait pa. Maganda ang mga ngiti nila, ngunit napalunok ako nang makita sila nang malapitan.

“Ate, ang ganda niya, ’no?” bulong ni Yamato, kaya tumango ako.

“Bakit parang hindi sila tumatanda? Tignan mo yung asawa niya, Ate, oh, ang laki pa rin ng katawan.” Napangiti ako at tinitigan silang dalawa habang pumunta sa stage.

“Lahat ba kayo ay kumain na?” tanong nila mula sa mikropono, kaya napalunok ako.

Sumagot ang iba ng “Hindi pa,” at doon ako namangha nang may pumasok na may mga dala-dalang tray. Namilog ang mga mata ko nang bigyan kami ng pagkain sa paper styro at malamig na tubig.

“Ate, orientation ’to, hindi birthday, ’di ba? Sure ka bang tama tayo ng pinuntahan?” mabilis na sabi ni Yamato. Dahil napalakas ’yon, nahihiya ko siyang sinaway dahil nakatingin sa amin ang mag-asawa, na para bang nagpipigil-tawa.

“Ang ingay mo, Yamato,” sita ko.

Nang buksan ko ang pagkain, napalunok ako nang makita kong pritong manok ang laman. “Ate, birthday ata napuntahan natin,” sabi ni Yamato, kaya napalo ko siya sa binti, dahilan para matawa na sila.

“Kumain na muna kayo bago natin simulan ang orientation, okay? Hindi ’to birthday, pfft—”

“Vince, ano ba? Huwag ka nang tumawa,” sita ng babaeng Sandoval kaya napangiti ako at kumain na.

Pagkatapos ng ilang oras, lumapit kami ni Yamato sa mag-asawa, sobrang kinakabahan ako. Nang maupo na kami, inabot namin ang requirements.

“Hindi niyo kasama ang parents niyo?” nakangiting tanong ni Mr. Sandoval.

“Ah, hindi po, may work po kasi si Mama,” sagot ko, dahilan para tumango siya.

“High school ka na ba, hijo?” tanong ni Mr. Sandoval kay Yamato.

“Opo.”

“Ikaw, hija? Anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo?” Ngumiti muna ako bago sumagot.

“Architecture po sana,” nahihiya kong sagot.

“Oh, kaparehas mo pala ang apo namin,” nakangiting sabi ni Mrs. Sandoval kaya napalunok ako.

“M-Magiging kaklase ko po yung apo niyo?” nanlalaki ang mata kong tanong, at natatawa naman silang tumango-tango.

“Siguro, depende sa section niyo, hija. Gusto mo ba siyang maging kaklase?” nakangiting tanong nito kaya naman napalunok ako.

“Hehehehe, pwede naman po,” kinakabahan kong sagot.

“Kung ganoon, sige. Matagal pa naman bago ang pasukan,” nakangiting sabi nito.

“Ma’am, may tanong po sana ako,” kinakabahan kong sabi.

“Ano ’yon, hija?” tanong nito.

“M-May—”

“Ate, ako na po magtatanong, Ma’am. Nahihiya po kasi siya. Ang tanong niya po ay kung may libreng uniporme at libreng kagamitan,” nakangiti pa ang kapatid ko kaya nasipa ko siya.

“Ah…” natawa ang mag-asawa.

“Tanging uniporme at kaunting kagamitan lang ang maibibigay namin. Kung may kulang pa, estudyante na ang sasagot no’n. Pero kung may financial problem ka… hmm, paano ba ’to, hubby?” Nagkatinginan ang dalawa.

“Kaya mo ba mag part-time?” tanong ni Mr. Sandoval kaya mabilis akong tumango.

“Opo! Game na game po ako!” sagot ko.

“Good, then. Sa high school naman, walang problema, kaya walang gagastusin ang kapatid mo. May monthly allowance pa siyang matatanggap,” napangiti ang kapatid ko at tumango-tango.

“Ngayon ko lang po hiniling na sana pasukan na ulit. Ang ganda po ng school niya, Ma’am. Sobrang laki!” napangiti ang mag-asawa sa sinabi ng kapatid ko.

“Kukunin ko ang pangalan at phone number mo, hija, para ma-contact kita.” Nakangiti akong tumango.

“Wala pa po akong 18, Ma’am. Pwede po ba ’yon?” kabado kong tanong.

“Ilang taon ka na ba, hija?”

“17 po, Ma’am,” kinakabahan kong sagot.

“Okay na ’yan. I thought you’re just sixteen,” nakangiting sabi nito.

“Thank you po, Ma’am!”

“Salamat po talaga. Hinding-hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ito. Kung kailangan ko na pong magtrabaho bukas, handa na po ako,” nakangiting sabi ko, dahilan para mangiti sila.

“Paniguradong proud na proud ang papa mo sa’yo, dahil ako ngang hindi ko ama ay napapabilib mo,” napangiti ako lalo sa sinabi ni Mr. Sandoval kaya tumango-tango ako.

“Salamat po.”

“Salamat po talaga.”

“Kung ganoon, gusto mo bang makita na kung saan ka magtatrabaho ngayon? Sakto, matatapos na rin itong orientation.” Nanlaki ang mata ko sa alok nito.

“Opo, Ma’am!”

“Good then. I’ll contact you later, then.” Tumayo kami at bahagyang nag-bow, tapos ay excited na umalis ng gym dahil sa saya.

“Ate, ang babait nila.”

“Oo nga, sobrang babait nila,” pagsang-ayon ko.

“Magtatrabaho ka, Ate? Mas mabuti para hindi ka na saktan ni Tito o ano pa man.” Tumango ako bilang pagsang-ayon.

First Day of Work

Binigay nila ang uniform ko at tinuruan rin ako sa mga bagay-bagay. Wala na rito ang mag-asawang Sandoval.

“Miran, hatiran mo muna si Sir Laze ng order niya. Ito oh,” wika nila, kaya naman napalunok ako.

“Ingat ka ha? Kahit anong mangyari, huwag kang magsasabi ng kung ano-ano. Alam kong gwapo siya pero huwag na huwag mong sasabihin ’yon, huwag mo rin papansinin ang lahat-lahat sa kaniya, okay?” Napatango na lang ako at kinuha na ang ide-deliver sa kaniya.

Maingat akong naglakad ngunit halos mapasigaw ako nang may mag-away na magkasintahan, dahilan para masiko ako ng lalaki at bumagsak sa sahig kasama ang order ni Laze.

“Miran!” gulat na sabi ng mga kasama kong mas matanda sa akin.

Kaya naman kinakabahan akong tumayo at pinulot ang mga nabasag. “S-Sorry po, Sir,” paghingi ko ng sorry.

“Bakit ba kasi basta-basta kang sumusulpot! Tanga-tangang waitress!” sigaw ng lalaki kaya napayuko ako at pupulutin na sana ang pirasong basag nang may humawak sa pulsuhan ko. Tiningala ko siya at ganoon na lang nanlaki ang mata ko nang mamukaan siya.

“Don’t pick up broken glasses,” wika nito.

And then I saw his dog, Bullet. “It’s not your fault, why are you sorry?” he asked kaya naman lumunok ako at tumayo ng tuwid.

“So you’re saying it’s my fault?” sumbat ng lalaki kaya napayuko ako.

“Obviously, this is not a place to pick a fight. But because of your recklessness, you bumped into her, which caused this mess. So instead of being sorry, you’re blaming her.” Napalunok ako dahil hindi siya natakot sumbatan ang nakakatanda sa kaniya.

“How about you leave before I call the cops and tell them you’re physically hurting your girlfriend?” dagdag pa ng mannequin na lalake. Inirapan niya ito bago siya umalis na akay ang girlfriend nito.

“Miran! Okay ka lang?” tanong ng isang ka-trabaho ko, kaya tumango ako.

“Opo, Ate,” mahinang sagot ko.

“Sir Laze, uulitin na lang po namin yung order niyo. Pasensya po,” sabay lingon ko sa gray-eyed man na sobrang tangkad.

“It’s okay,” sagot niya at bumalik sa kinauupuan.

“Jusko ka, Miran! Aatakihin ako sa puso dahil sa’yo. Buti na lang hindi nagalit si Sir Laze,” bulong ng kasama ko, kaya naman ngumuso ako at mahina akong nagsorry.

“First day na first day mo, sablay ka na,” puna ng isa pang kasama na dumaan at nagpaalala. Umalis rin ito kaagad, kaya naman lumunok ako at nagpalit ng ekstrang damit na nasa locker.

“Ayos lang yan, huwag mo nang isipin ang sinasabi niya,” sabi ng mas nakakatanda kong kasama, kaya tumango-tango ako.

“Ihatid mo na ’to kay Sir Laze,” utos niya muli.

“Kilala ka ba niya?” tanong nito nang mahina, kaya umiling ako.

“P-Pero hindi ito yung unang beses na nagkita kami, Ate,” sagot ko.

“Kaya pala. Ingat ka na lang, ha,” paalala niya kaya naman tumango ako at mas nag-ingat sa paghawak sa mga dadalhin.

Mukha naman siyang mabait, pero wala siyang emosyon—parang robot.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 140

    Hakuna Miran's Point of View. After dancing the whole night, I've never felt so tired as I was enjoying his company. Even though the heels were a bit high, my legs were enjoying walking, swaying with him. I realized I was very happy with him. After the romantic song he held my hand and held it tight as if it was the first time we ever held hands. "Laze." Sambit ko sa pangalan niya, nalingon niya ako at agarang nalusaw ang puso ko ng ngumiti siya na para bang sinisigurado niya na ako lang. Nahiya ako ng dalhin niya ako sa harap ng parents niya dahilan para mag-init ang mukha ko. "A-Ano?" Bulong ko. "I am being responsible, meet my parents." Ngising sabi niya, "Mom, dad this is my girl." Nanlaki ang mata ko at napahawak sa likuran ng damit niya. "Huy." "I knew it, kayo rin sa huli." Ngising sabi ng dad niya. "P-Po?"

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 139

    [Janella's Point of View.] Umawang ang labi ko habang nakatitig kay Jem na salubong ang kilay, "You know what, I don't understand you Jeremy. You were never that protective, but now you act like you're someone who's my brother, my sister, my dad." Inis na sumbat ko matapos niya akong hilain kasama yung nanliligaw sa akin. "'Di ba sabi ko sa'yo gagaguhin ka lang no'n?" Inis niyang sabi. "May iba pang nilalandi 'yon, bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?" Dagdag niya kaya umawang ang labi ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib. "Look, he's a good guy. Ikaw lang 'tong pinag-iisipan siya ng masama, at isa pa pwede ba huwag kang magbintang?" Naiiritang sabi ko. "Know your limits, hindi naman tayo magkapatid." Inis na dagdag ko at sinamaan siya ng tingin, bakit siya magagalit sa akin dahil sumasama ako doon? He's being so protective. Natigilan ako ng

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 138

    Hakuna Miran's Point of View. Nakagat ko ang gilid ng sariling pisngi dahil sa kahihiyan, bigla ay nauhaw ako kaya mabilis kong kinuha ang kupita ng sariling alak at nilagok 'yon lahat. Sandali akong natulala bago ko naramdaman ang panghihina ng tuhod. Nalingon ko si Laze na nanatiling nakatingin sa akin, seryoso ang mga tingin at magkalapat ang mga labi, magkahawak ang kamay niya habang nakasandal ang mga siko niya sa mesa. "What now, Hakuna Miran?" Napatitig ako sa kanya at tsaka ako huminga ng malalim. "You're in a relationship with someone?" Kwestyon niya, dahan dahan akong umiling. "But I will be, soon." Tumango tango siya. "Why did you do that?" Kwestyon niya muli parang nagtataka, o naguguluhan sa inasta ko. "Wala." Wika ko, "Trip ko lang, hindi ka naman masasaktan." Gitil ko at umiwas tingin. "Do you like me?" Sa tanong niya ay ngumiwi ako. "N-No." Ngumisi siya at tumayo sa harapan ko kaya napahakbang ako ng isang beses paatras habang nakatingin sa kaniya. "Alright,

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 137

    Hakuna Miran’sPoint of View."I've got nothing to lose, Yuno." Seryosong sagot ni Laze, "It's actually a win-win situation." Nagtaka ako at tinitigan silang dalawa."Really? Then why can't you tell her a secret that we both know?" Napansin ko kung papaano humigpit ang hawak ni Laze sa kupita.Laze playfully pushed his tongue in the insides of his cheeks, not until he gazed at me and smiled. "You have nothing to worry," ngunit ganoon ako nagulat ng tumayo siya at tsaka sandaling tumigil nakaharap kay Yuno."Follow me." Sambit ni Laze at tsaka siya naglakad papaalis.Baka mag-away na naman sila?"Yuno, sandali." Hinawakan ko si Yuno sa pulsuhan."Don't have a fight with him, please." Ngumiti si Yuno at tumango sa akin kaya naman bumalik na ako sa pagkakaupo ng umalis siya.Kalagitnaan ng gabi ay medyo tinatamaan na ako sa iniinom ko, hindi na muli ang lumapit sa akin si

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 136

    Hakuna Miran’s Point of View. Nang makalabas ay nagulat ako ng makita si Yuno sa party, "I was late, are you okay?" Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako napayuko sa sarili kong palad. "I'm starting to hate my last name, Yuno." Nakagat ko ang ibabang labi, ngunit mahina siyang tumawa at itinaas ang tingin ko sa kaniya. "Let's change it to mine?" Nakangiting sabi niya kaya mabilis ko siyang nahampas sa braso, "G-Gago ka ba." Bulong ko. "Seryoso nga, ano?" Kwestyon ni Yuno kaya umiling ako. "That won't do," sambit ko. "Edi papalitan mo kay Laze, easy." Nang-aasar niyang sabi kaya napairap ako, "May girlfriend yung tao." Bulong ko. "Ay nanghihinayang ka? Agawin mo." Inakbayan niya ako, nang makita si Terry ay itinuro ko si Terry. "Siya yung mapapangasawa ko." Bulong ko. "Ah si Bautista," matipid niya

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 135

    Hakuna Miran's Point of View.Nag-suot ako ng puting dress para sa party ni Jami dahil 18 na si Jami, so 4 years ang age gap nila ng kuya niya? Woah ang tagal rin pala bago sinundan si Laze. White and black kasi ang theme ng party ni Jami, punong puno ng puti't itim na paru-paro ang venue kanina na animo'y nasa paraiso talaga kami.But then I noticed my grandmother and grandfather, parents ng dad ko. So they're also invited? Does that mean my grandparents are also something in the business industry? But then when I saw Terry in the crowd my forehead crumpled like a paper, that's odd. He's also a friend of Jami?I walked in before my friends, ngunit doon tumaas ang kilay ko ng makita ang girlfriend ni Laze. Sabagay, natural ay nandito siya dahil girlfriend siya ng kuya ni Jami. Pasimple akong napairap, pumwesto ako sa kung saan maganda ang pwesto ng table.Ngunit pagkaupo ay tinawag kaagad ako nila Crizel sa

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 4

    Nang matapos ko ang 8 hours ko, nagpaalam na ako sa kanilang lahat. May mga kasabay rin ako, kaya sumakay na lang ako ng bus papauwi sa amin dahil mahirap humanap ng jeep sa lugar na ’to—halos bus at taxi lang ang dumadaan.“Miss, suhestyon ko lang, sa susunod gumamit ka na lang ng e-load card para

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 3

    Hakuna Miran’s Point of View“Bullet, stop,” sinita niya ang sariling aso dahil dinidilaan nito ang kamay kong may hawak na tray.“This is your order, Sir,” maayos kong sabi at ibinaba sa table niya. Hindi niya ako tinugon at nag-focus sa librong binabasa niya.“Anything you need, Sir?” maayos na t

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 1

    Hakuna Miran’s Point of ViewMula noong araw na ’yon, takot at pangamba ang naramdaman ko dahil naulit nang naulit ang panghihipo niya sa akin, lalo na kapag wala sila mama. Minsan, ayaw ko nang umuwi dahil sa takot ko. Nagkaroon rin ako ng mga pasa at sugat sa mga nakatagong parte ng katawan ko.A

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Prologue

    PROLOGUE:Tahimik at mapayapa akong naghuhugas ng mga plato sa kusina namin na hindi ganoon kalaki. Ang sementong pader na walang pintura ay aking tinititigan. Kailangan ko nga talagang mag-aral nang mabuti para mai-angat ang buhay namin nila Mama at ng bunsong kapatid ko.Habang naghuhugas, naling

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status