Share

Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)
Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)
Penulis: Maecel_DC

Prologue

Penulis: Maecel_DC
last update Tanggal publikasi: 2024-11-10 05:16:03

PROLOGUE:

Tahimik at mapayapa akong naghuhugas ng mga plato sa kusina namin na hindi ganoon kalaki. Ang sementong pader na walang pintura ay aking tinititigan. Kailangan ko nga talagang mag-aral nang mabuti para mai-angat ang buhay namin nila Mama at ng bunsong kapatid ko.

Habang naghuhugas, nalingon ko si Mama na mukhang aalis. “Saan ka pupunta, Mama? Aalis kayo ni Bunso?” tanong ko at sandaling tumigil.

“May ipabibili ka bang gamit mo ngayong 4th grading niyo na sa high school?” tanong ni Mama kaya ngumiti ako at pasimpleng lumapit sa kaniya.

“Bagong ballpen sana, Mama. Paubos na kasi ’yung gamit-gamit ko pa noong third grading eh,” paglalambing ko pa.

“Osya, sige, aalis muna kami. Babalik rin kami kaagad.” Ngumiti ako at tumango-tango na para bang masunuring bata.

Nang umalis sila, binelatan ako ng kapatid kong lalaki kaya gumanti rin ako. Tapos ay bumalik na sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ewan ko ba, kung nandito siguro si Papa, baka hindi ganito ang buhay namin. Hindi ko nga siya nakilala sa personal, pero sabi ni Mama, ’yung kaisa-isang picture daw ni Papa ay ingatan ko.

“Miran! Ano ba’t pakalat-kalat ang libro mo rito!” Mabilis akong lumingon sa salas at nakita ko si Tito Jubal, ang pangalawang asawa ni Mama.

“Ah, sandali po, tatapusin ko lang po ang hugasin at aayusin ko na po ’yan,” paninigurado ko. Suot-suot pa niya ang unipormeng suot ng mga taekwondo instructors.

’Yon kasi ang trabaho niya. Nag-aaral kasi ang bunsong kapatid ko ng taekwondo, at doon sila nagkakilala ni Mama. Ang tadhana nga naman, pero masaya naman si Mama kaya ayos lang.

“Miran, ano ba!” Ngumuso ako at mabilis na iniwan muna ang hugasin tapos ay pinulot ang libro ko sa eskwela. Matapos kong pulutin ’yon ay isinilid ko sa bag ko, ngunit natigilan ako nang may humawak sa bewang ko dahilan para mabilis akong lumayo kay Tito Jubal.

“B-Bakit po, Tito?” kinakabahan kong tanong at lumunok, ngunit sobrang nailang ako nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.

“Miran, lumapit ka nga sa akin,” mahinahon niyang sabi, kung kaya’t sa sobrang masunurin ko ay lumapit ako, ngunit halos maitulak ko siya nang halikan niya ako sa leeg.

“T-Tito, ano bang ginagawa niyo?” natatakot at kinakabahan kong tanong sa kaniya.

“Wala namang masama sa ginagawa ko, ‘di ba’t anak na rin kita?” Lumunok ako at mahinang kinagat ang dila sa sobrang kaba.

“Maghuhugas na po ako,” wika ko at mabilis na umalis sa salas upang maghugas. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang takpan niya ang bibig ko mula sa likod dahilan para magpumiglas ako.

Mangiyak-ngiyak akong pumalag lalo na nang hawakan niya ang mga parteng hindi dapat, kung kaya’t pilit ko siyang itinutulak ngunit malakas siya. “Subukan mong magsumbong sa kung sino, malalagot ang nanay at kapatid mo sa akin, tandaan mo ‘yan.” Banta niya mula sa tenga ko at binitiwan ako, kung kaya’t mula sa padilim na kalangitan ay takot na takot akong tumakbo.

“Miran!” malakas niyang sigaw.

“Miran, bumalik ka rito!” Panay ang takbo ko dahil sa takot na nararamdaman hanggang sa derederechong pagtakbo ko ay may tali akong natakbuhan dahilan para sumubsob sa mismong daan na magaspang.

“Miss!” tawag ng lalaki ngunit panay ang iyak ko at pilit itinatayo ang sariling katawan hanggang sa may malaking aso ang naupo sa harap ko at dinilaan ang ulo ko.

“Miss,” malamig na tinig ng lalaki ang narinig ko hanggang sa tinulungan niya akong makaupo. Tatayo sana ako ngunit hindi ako makatayo dahil sa hapdi ng sugat ko.

“Look what you’ve done, Bullet,” tila sinesermonan niya ang aso, kung kaya’t tiningala ko ang tangkad niya. Hanggang sa makita ng nanlalabo kong mata ang mukha nito at napalunok ako.

“H-Hindi mo ba nakita na tumatakbo ako? Bakit ang haba-haba ng tali ng aso mo?” inis kong reklamo at panay kuskos sa mata kong may luha.

“Oh, it’s Bullet’s fault.” Napairap ako at tinignan ang aso na nakatagilid pa ang ulo kaya ngumuso ako at hinawakan siya, but then the man stopped my hand.

“Your hands are dirty,” itinuro niya ’yon, ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko dahil walang emosyon ang mata at buong mukha niya.

“Robot ka ba?” tanong ko tapos ay tutusukin na sana ang tuhod niya, but then he stepped back.

“Your hands are dirty,” he repeated.

Tinignan niya ako at tsaka siya bumuntong-hininga. “Can you stand?” tanong niya at sinilip ang mukha ko. Sinubukan ko namang tumayo, at nang makatayo ay naupo ako sa bench sa gilid ng convenience store.

“Wait,” wika niya at isinama ang aso pabalik sa loob ng convenience store. Nang muling lumabas ay may hawak na siyang kung ano.

“This is a medicine. Can you treat yourself? We’re in a hurry,” maayos niyang sinabi ngunit punong-puno ako ng pagtataka.

“Kung hindi ka robot, mannequin ka ba?” tanong ko ngunit umiling siya.

“Person. I am a human,” paglilinaw niya.

“My dog is really sorry. Forgive Bullet,” maayos na sabi niya. At ang abo, oo abo ’yung kulay ng mata niya! Para siyang gwapong manika, mannequin, o ano pa man.

Binuksan niya ang wallet niya at natigilan ako nang kumuha siya ng pera at ilagay sa loob ng mga gamot. “Treat your wound. My parents are doctors. I bought the right medicine,” paalam niya, at tangay-tangay ang aso niya ay mabilis na pumara sila ng masasakyan.

Hindi pa ako nakakita ng lalakeng sobrang gwapo tulad niya. Natigilan ako ng maalala ang ginawa sa akin ni Tito Jubal, at doon ako natakot muli. Kinuha ko ang paper bag at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makahawak ng isang libong makunat.

Tatlong ganoon ang nakita ko, at pagkatingin ko sa daan ay napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha ang water bottle na kasama sa binigay niya at hinugasan ko ang sugat sa tuhod tapos sa siko. Ginamot ko ang sarili tulad ng sinabi niya.

Sino kaya siya? At Hakuna Miran, ano ba? Bakit mo pa gustong malaman ang pangalan ng robot na ’yon, halos mamatay ka nga sa takot.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lorna
0.0 uyyyy new book
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 140

    Hakuna Miran's Point of View. After dancing the whole night, I've never felt so tired as I was enjoying his company. Even though the heels were a bit high, my legs were enjoying walking, swaying with him. I realized I was very happy with him. After the romantic song he held my hand and held it tight as if it was the first time we ever held hands. "Laze." Sambit ko sa pangalan niya, nalingon niya ako at agarang nalusaw ang puso ko ng ngumiti siya na para bang sinisigurado niya na ako lang. Nahiya ako ng dalhin niya ako sa harap ng parents niya dahilan para mag-init ang mukha ko. "A-Ano?" Bulong ko. "I am being responsible, meet my parents." Ngising sabi niya, "Mom, dad this is my girl." Nanlaki ang mata ko at napahawak sa likuran ng damit niya. "Huy." "I knew it, kayo rin sa huli." Ngising sabi ng dad niya. "P-Po?"

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 139

    [Janella's Point of View.] Umawang ang labi ko habang nakatitig kay Jem na salubong ang kilay, "You know what, I don't understand you Jeremy. You were never that protective, but now you act like you're someone who's my brother, my sister, my dad." Inis na sumbat ko matapos niya akong hilain kasama yung nanliligaw sa akin. "'Di ba sabi ko sa'yo gagaguhin ka lang no'n?" Inis niyang sabi. "May iba pang nilalandi 'yon, bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?" Dagdag niya kaya umawang ang labi ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib. "Look, he's a good guy. Ikaw lang 'tong pinag-iisipan siya ng masama, at isa pa pwede ba huwag kang magbintang?" Naiiritang sabi ko. "Know your limits, hindi naman tayo magkapatid." Inis na dagdag ko at sinamaan siya ng tingin, bakit siya magagalit sa akin dahil sumasama ako doon? He's being so protective. Natigilan ako ng

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 138

    Hakuna Miran's Point of View. Nakagat ko ang gilid ng sariling pisngi dahil sa kahihiyan, bigla ay nauhaw ako kaya mabilis kong kinuha ang kupita ng sariling alak at nilagok 'yon lahat. Sandali akong natulala bago ko naramdaman ang panghihina ng tuhod. Nalingon ko si Laze na nanatiling nakatingin sa akin, seryoso ang mga tingin at magkalapat ang mga labi, magkahawak ang kamay niya habang nakasandal ang mga siko niya sa mesa. "What now, Hakuna Miran?" Napatitig ako sa kanya at tsaka ako huminga ng malalim. "You're in a relationship with someone?" Kwestyon niya, dahan dahan akong umiling. "But I will be, soon." Tumango tango siya. "Why did you do that?" Kwestyon niya muli parang nagtataka, o naguguluhan sa inasta ko. "Wala." Wika ko, "Trip ko lang, hindi ka naman masasaktan." Gitil ko at umiwas tingin. "Do you like me?" Sa tanong niya ay ngumiwi ako. "N-No." Ngumisi siya at tumayo sa harapan ko kaya napahakbang ako ng isang beses paatras habang nakatingin sa kaniya. "Alright,

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 137

    Hakuna Miran’sPoint of View."I've got nothing to lose, Yuno." Seryosong sagot ni Laze, "It's actually a win-win situation." Nagtaka ako at tinitigan silang dalawa."Really? Then why can't you tell her a secret that we both know?" Napansin ko kung papaano humigpit ang hawak ni Laze sa kupita.Laze playfully pushed his tongue in the insides of his cheeks, not until he gazed at me and smiled. "You have nothing to worry," ngunit ganoon ako nagulat ng tumayo siya at tsaka sandaling tumigil nakaharap kay Yuno."Follow me." Sambit ni Laze at tsaka siya naglakad papaalis.Baka mag-away na naman sila?"Yuno, sandali." Hinawakan ko si Yuno sa pulsuhan."Don't have a fight with him, please." Ngumiti si Yuno at tumango sa akin kaya naman bumalik na ako sa pagkakaupo ng umalis siya.Kalagitnaan ng gabi ay medyo tinatamaan na ako sa iniinom ko, hindi na muli ang lumapit sa akin si

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 136

    Hakuna Miran’s Point of View. Nang makalabas ay nagulat ako ng makita si Yuno sa party, "I was late, are you okay?" Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako napayuko sa sarili kong palad. "I'm starting to hate my last name, Yuno." Nakagat ko ang ibabang labi, ngunit mahina siyang tumawa at itinaas ang tingin ko sa kaniya. "Let's change it to mine?" Nakangiting sabi niya kaya mabilis ko siyang nahampas sa braso, "G-Gago ka ba." Bulong ko. "Seryoso nga, ano?" Kwestyon ni Yuno kaya umiling ako. "That won't do," sambit ko. "Edi papalitan mo kay Laze, easy." Nang-aasar niyang sabi kaya napairap ako, "May girlfriend yung tao." Bulong ko. "Ay nanghihinayang ka? Agawin mo." Inakbayan niya ako, nang makita si Terry ay itinuro ko si Terry. "Siya yung mapapangasawa ko." Bulong ko. "Ah si Bautista," matipid niya

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 135

    Hakuna Miran's Point of View.Nag-suot ako ng puting dress para sa party ni Jami dahil 18 na si Jami, so 4 years ang age gap nila ng kuya niya? Woah ang tagal rin pala bago sinundan si Laze. White and black kasi ang theme ng party ni Jami, punong puno ng puti't itim na paru-paro ang venue kanina na animo'y nasa paraiso talaga kami.But then I noticed my grandmother and grandfather, parents ng dad ko. So they're also invited? Does that mean my grandparents are also something in the business industry? But then when I saw Terry in the crowd my forehead crumpled like a paper, that's odd. He's also a friend of Jami?I walked in before my friends, ngunit doon tumaas ang kilay ko ng makita ang girlfriend ni Laze. Sabagay, natural ay nandito siya dahil girlfriend siya ng kuya ni Jami. Pasimple akong napairap, pumwesto ako sa kung saan maganda ang pwesto ng table.Ngunit pagkaupo ay tinawag kaagad ako nila Crizel sa

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 3

    Hakuna Miran’s Point of View“Bullet, stop,” sinita niya ang sariling aso dahil dinidilaan nito ang kamay kong may hawak na tray.“This is your order, Sir,” maayos kong sabi at ibinaba sa table niya. Hindi niya ako tinugon at nag-focus sa librong binabasa niya.“Anything you need, Sir?” maayos na t

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 2

    Kinaumagahan, masaya kaming bumiyahe ni Yamato, dala-dala ang mga requirements na kailangang dalhin. Nang malapit na kami, kinailangan naming maglakad papunta sa malaking unibersidad dahil sa traffic.“Ang laki ng school, Ate!” Napangiti ako at minadali si Yamato na pumasok sa loob.Pinapasok naman

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 1

    Hakuna Miran’s Point of ViewMula noong araw na ’yon, takot at pangamba ang naramdaman ko dahil naulit nang naulit ang panghihipo niya sa akin, lalo na kapag wala sila mama. Minsan, ayaw ko nang umuwi dahil sa takot ko. Nagkaroon rin ako ng mga pasa at sugat sa mga nakatagong parte ng katawan ko.A

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 4

    Nang matapos ko ang 8 hours ko, nagpaalam na ako sa kanilang lahat. May mga kasabay rin ako, kaya sumakay na lang ako ng bus papauwi sa amin dahil mahirap humanap ng jeep sa lugar na ’to—halos bus at taxi lang ang dumadaan.“Miss, suhestyon ko lang, sa susunod gumamit ka na lang ng e-load card para

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status