Share

Chapter 1

Author: Maecel_DC
last update publish date: 2024-11-12 03:25:33

Hakuna Miran’s Point of View

Mula noong araw na ’yon, takot at pangamba ang naramdaman ko dahil naulit nang naulit ang panghihipo niya sa akin, lalo na kapag wala sila mama. Minsan, ayaw ko nang umuwi dahil sa takot ko. Nagkaroon rin ako ng mga pasa at sugat sa mga nakatagong parte ng katawan ko.

Apat na linggo na mula noong unang beses niyang ginawa sa akin ’yon. Tanging Linggo lamang ang araw na hindi niya nagagawa ’yon dahil hindi umaalis sila mama.

“Miran!” Nang marinig ko ang pagtawag niya, nagkulong ako sa kwarto.

“Miran, bumaba ka na riyan!” sigaw niya mula sa ibaba, ngunit hindi ako nakinig at niyakap ang kumot sa buong katawan ko. Panay na nga ang suot kong pajamas at mahahabang t-shirt, ngunit patuloy pa rin siyang gumagawa ng kababuyan.

Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, dahilan para kumuyom ang kamao ko sa takot.

“Tito, ’wag po,” pakiusap ko habang nakayakap sa sarili at umiiyak.

Ngunit nakakaloko siyang ngumisi at sumampa sa kama, dahilan para yakapin ko ang sarili habang lumuluha.

“T-Tito…” panay ang hikbi ko dahil sa takot, habang siya ay tila isang demonyong nakangisi.

“Mabuti ka pa, sexy. Hindi tulad ng nanay mong nagugurang na,” sabi niya habang hinahaplos ang legs ko, kaya itinago ko ang mga iyon.

“Tama na po!” malakas kong sigaw.

“Lalaban ka sa akin? Kaya kong patahimikin ang kapatid at nanay mo, Miran.” Ang tibok ng puso ko ay hindi maipinta—sobrang lakas noon, at pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso. Nagtuluy-tuloy ang panginginig ng mga kamay ko habang yakap ang katawan ko, ngunit siya ay pilit na inaalis ang mga kamay ko. Nakakadiri ang ginagawa niya sa akin.

Si Tito Jubal ay hindi mataba. Para siyang bodybuilder sa isang gym dahil instructor nga siya at black belter. Magaling talaga siya, kaya takot na takot ako na baka madamay ang kapatid ko.

Matapos ang ginawa niya sa akin, dumiretso siya ng banyo, kaya’t nagtalukbong ako ng kumot at pumikit.

Makalipas ang isang araw, may kumatok sa kwarto ko, at natakot na naman ako. Ngunit nakahinga ako nang maluwag nang malaman na ang bunsong kapatid ko na si Yamato ang kumakatok.

“Bakit?” tanong ko.

“Third year na ako, ate, pero hindi ko pa rin maintindihan ’tong math namin. Ikaw nga sumagot, matalino ka sa math eh,” nagmamaktol niyang sabi, kaya kinuha ko ’yon at sinubukang sagutan.

“Ate, bakit may pasa ka rito?” tanong niya nang ituro ang parte ng braso ko. Napalunok ako.

“Nadulas kasi ako sa banyo,” matipid kong sagot.

“Saan mo balak magkolehiyo, ate?” tanong niya, kaya ngumiti ako.

“Sa pinakamagandang school dito sa atin,” nakangiting sagot ko at inimagine ang sobrang laki ng school.

“Pero wala tayong pera, ate,” bulong niya.

“May scholarships na binibigay ang may-ari ng school ’no. Konting araw na lang, magtatapos na rin ang high school days ko,” pagkukwento ko pa.

“Gusto ko rin mag-aral doon, ate. Isama mo ako. May high school din doon sa school na ’yon,” sabi niya kaya napaisip ako.

“Sigurado ka ba? Kaya mo ba?” bulong ko.

“Kailangan magaling ka sa school ’no. Pataasin mo pa ’yung grade mo,” sagot ko. Tumango-tango siya.

“Mag-aaral ako ng mabuti, ate!” Ngumiti ako at tumango. Labing-apat na taong gulang na siya ngunit para siyang bata.

“Nasaan si mama?” mahina kong tanong sa kaniya.

“Umalis siya, ate. May assignment ako kaya hindi na ako sumama,” sagot niya. Tumango akong muli at inilabas rin ang gamit ko sa school.

“Yamato, may sasabihin ako sa’yo ha. Gusto ko sa atin lang ito,” sabi ko. Nangunot ang noo niya ngunit itinuon ang atensyon sa akin. Ibinaba niya ang ballpen na hawak at tinignan ako.

“Sinasaktan ka ba ni Tito, ate?” Napalunok ako at dahan-dahan na tumango.

“Hindi niya lang ako sinasaktan, may ginagawa rin siyang kababuyan.” Pinigilan kong maluha kaya nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

“Ate, isumbong natin sa pulis,” suhestyon niya, kaya umiling ako.

“Sasaktan niya kayo ni mama. A-ako ang gagawa ng paraan,” mahina kong sabi.

“Ate, baka umabot sa punto na—”

“Hindi niya gagawin ’yon sa akin. Magkakaroon ako ng ebidensya laban sa kaniya,” mahina kong sagot. Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya.

“Tuturuan ba kita ng self-defense? Hindi pala pwede dahil siya ’yung instructor, ate. Anong gagawin ko? Gusto mo bang bugbogin ko siya?” Umiling ako.

“Mapapahamak ka lang,” bulong ko.

“Dapat malaman ’to ni mama, ate.”

“Hindi. Pag nangyari ’yon, si mama ang sasaktan niya,” sagot ko kaya bumuntong-hininga siya.

“Hindi na lang ako aalis sa tabi mo, ate?” Tumango ako sa sinabi niya.

“Pag aalis si mama, huwag ka nang sumama,” wika ko na mabilis niyang sinunod.

Bumukas ang pinto at nang makita ni Tito na nandito si Yamato, hindi niya itinuloy ang balak, kaya nakahinga ako ng maluwag.

Muling lumipas ang mga araw, at nakagawa pa rin siya ng paraan para magawa ang binabalak sa akin. Hanggang sa graduation day ko, natapos ang ceremony at proud na proud sila mama at Yamato dahil nanguna akong muli sa klase.

“GO, ATE!” sigaw ni Yamato kaya kinawayan ko siya.

“Valedictorian, Hakuna Miran Romero!” Nagpalakpakan ang lahat at ginawa ko na ang speech ko. Nakangiti ang lahat bukod sa isang kaklase ko na salutatorian. Ginalingan ko kasi para sa scholarship na maaaring makuha ko.

Matapos ang speech ko, maraming lumapit sa akin at sinabing ang galing ko, kaya sobrang saya ko. “Dahil diyan, kakain tayo sa Jollibee!” nakangiting sabi ni mama at inakbayan ako.

“Yehey!” Siyempre, si Yamato ang unang nag-react.

“Ang dami mong medal, ate! Bakit ako, iisa lang?” reklamo ni Yamato kaya ngumisi ako.

“Ayos na ’yan basta meron. Ah, mama, isasama ko po si Yamato sa malaking university para kumuha ng scholarship,” kinakabahan kong sabi.

“Oh? Baka buyuin kayo doon dahil scholar lamang kayo?” Ngumiti ako at umiling.

“Hindi, mama. Balita ko mababait ang mga tao doon. May orientation po kasi ’yung may-ari ng school para sa scholarships,” paliwanag ko kaya tumango si mama.

“Kung gano’n ay sige, pag-igihan niyo,” sagot ni mama. Nang makarating kami sa Jollibee, excited na excited ang kapatid kong kumain dahil bibihira lang ito.

“Bibigyan ko na lamang kayo ng pera para bukas, ha?” tanong ni mama kaya nakangiti akong tumango.

“Mama, gusto ko ’yung spaghetti na may fried chicken at fries,” suhestyon ni Yamato.

“Gano’n na rin sa akin, mama,” sagot ko at ngumiti. Tumayo si mama at umorder na.

“Nasasaktan ka pa rin ba ni Tito?” mahina niyang tanong kaya tumango ako bilang sagot.

“Sa gabi,” bulong ko.

“Ang sama-sama niya talaga. Antayin mo, ate, magpapalaki rin ako ng katawan,” sabi niya kaya natawa ako at tumango.

“Tama ’yan,” sagot ko.

“Kumain ka na muna, ate. Excited na ako bukas!” masayang sabi ni Yamato kaya napangiti ako at tahimik na hinawakan ang mga medalya ko na nakalagay sa malaking lagayan nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 11

    Hakuna Miran’s Point of View. Umalis na siya batid sa narinig ko ngunit natigilan ako ng hawakan ni Laze ang kamay ko dahilan para kabahan ako ng sobra. Ngunit mabilis kong nabawi ang kamay ng bahagya niyang itaas ang sleeves ng suot ko. "Miran give it back," wika niya kaya naman itinago ko 'yon lalo. "Ayos lang siya Kuya Laze ako na ang bahala," wika ni Yamato. "Are you getting beaten?" tanong niya kaya umiling ako kaagad. "Then let me see your arms." Hamon niya kaya muli akong umiling bilang sagot. Narinig ko ang pag buntong hininga niya dahilan para tignan ko siya ngunit nangunot ang noo ko ng makita ko ang emosyon sa mukha niya. "Y-You have your emoti—" awtomatiko akong natigilan ng bumalik sa blangko ang tingin niya sa mata. "What?" "Wala." Sagot ko agad. "We have to go home already, T-Thank you." Pagpapasalamat ko at tumayo na tapos ay inayos ang gamit ko wala naman siyang nagawa at hinayaan ka, binuhat lahat ni Yamato ang gamit ko. Nang makauwi ay natigilan ako ng ma

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 10

    "Is that all ma'am?" Tanong kong muli."We're good thank you," tumungo ako at aalis na sana not until someone grabbed my wrist that made me glanced once again. It was Laze kaya naman ng mapansin ko ang tingin ng magulang niya ay para bang nakakita sila ng bagay na interesting."Ohh.""Yes sir?" Nakangiting sabi ko."Anything else?""No thank you, I got your number already." Namula ang mukha ko ng iba ang isipin ng magulang niya, halatang halata dahil tila nang-aasar ang ngiti nila."Take your phone," bahagya niya akong hinila at inilagay ang cellphone ko sa bulsa ko.Yumuko ako at umalis na sa sobrang hiya. "Who is she son?" "Ikaw ha, kaya pala hindi mo na ako tinatawagan parati." Tila nagtatampong sabi 'yon ng mommy niya."Mom she's my blockmate." At dahil nataon na kinukuha ko ang order ng isang costumer sa 'di kalayuan sa kanila ay naririnig ko ang usapan nila."But you're holding her phone, that's odd." Nakagat ko ang ibabang labi sa naririnig."Mom, it's not what you think it is

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 9

    After first class ay halos hindi ako makahinga sa sobrang hirap ng lectures! Wala akong maintindihan, at dahil naunang umalis si Laze ay kinakabahan akong tumingin sa mga kaklase ko. "Are you a kid or something?" Napalingon ako sa humawak sa bag ko."A-Ah hehe." Dahil hindi ko wari ang isasagot ay tumahimik na lang ako at hinayaan silang pagtawanan ako."Uy hi!" Napangiti ako ng lumapit sa akin ang isang babae na maiksi ang buhok at maputi. "Hi..""New ka lang ba sa university?" Tanong niya habang nakangiti kaya tumango tango ako."Ikaw ba?" "Well hindi eh, dito na kasi ako nag elem at hanggang ngayon." Sagot niya kaya naman napalunok ako ng akbayan niya ako at akayin."Tara cafeteria?" Ngumiti ako at tumango."Ah before that, I am Crizel!" Napangiti ako at nakipag-kamay nakakatuwa namang magkaroon ng kaibigan. "Miran, nice meeting you." Ngumiti siya at patuloy akong inakbayan.Habang tahak tahak namin ang daan papunta sa cafeteria ay kinakabahan ako dahil pinagtitinginan ako ng hal

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 8

    Hakuna Miran's Point of View.Damang dama ko ang sakit ng katawan lalo na ang bigat nito ngayon habang nagtatrabaho ako. "Miran ayos ka lang?" Pilit kong nginitian si Jem at tsaka ako naghatid ng mga order."Miran," wala sa sarili kong nilingon ang tumawag sa akin at doon ko napagtanto na si Laze ito kaya naman matipid akong ngumiti. "What's your order sir?" Tanong ko, sinuri niya ang hitsura ko."Can I have some buttered shrimp, and an iced red tea." Ang blangko niyang mata ay tinitigan ko."Miran." Napailing iling ako dahil pakiramdam ko ay lutang na lutang ako ngayon, isinulat ko 'yon at tsaka ako yumuko."Anything else sir?" "I'm good." Ngumiti ako at umalis na, nang makabalik sa counter ay inabot ko ang piraso ng papel sa kanila."Miran if you're not well get some rest," ngumiti ako kay Ma'am Miyu at umiling. "Ayos lang po ako ma'am, ayos na ayos!" Pinilit kong siglahan ang boses hanggang sa ihahatid ko na ang dalawang order ay nauna yung sa iba bago kay Laze.Nang papalapit na

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 7

    “Ah, sorry, I stepped a bit,” paglilinaw niya. “Simula na,” wika ni Tito Jubal. “Why are you an instructor?” tanong ni Laze. “Taekwondo, all around the Philippines,” pagmamayabang ni Tito Jubal, na totoo naman. “Oh really? Good, then.” Napalunok ako. Kung hindi ko alam at hindi ako sanay, ay maaasar ako dahil yung tingin sa’yo ni Laze ay parang “I don’t give a fuck.” Kaya naman kahit kabado, ay nagchi-cheer ako sa isip ko. Nang sumuntok si Tito Jubal, halos mapatakip ako sa bibig nang saluhin ni Laze ’yon at ibato ang kamao nito. “Uhm,” hindi alam ni Laze ang gagawin dahil napahiya si Tito Jubal. “I’m sorry, sir, but maybe next time? Me and Miran have some errands.” Napatitig ako sa kaniya nang unang beses niyang tawagin ang pangalan ko. “Okay, go,” sabi ni Tito Jubal in his poor accent. Nang makalabas, nakahinga ako ng maluwag. “Okay na, hindi mo na ako kailangang akbayan,” kinakabahan kong sabi. “What happened?” tanong niya. “I didn’t know that Yamato is your brother. We

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 6

    Nang mabili ko ang mga kailangan, binilisan ko ring hanapin ang iba. Magaling kasi kaming magkapatid sa pagdo-drawing, kaya’t balak ko ring maging architect. “Wait lang po,” kinakabahan kong sabi habang nagbabayad ng pinamili ko.Yung pera na naipon ni Yamato ay iniutos niyang ibili ko na lang ng mga kailangan niya. Pagkatapos no’n ay umalis na rin kami ng mall at muling sumakay ng bus. Ginawa ulit ni Sir Laz— Laze ang pag-tap kaya pasimple akong napangiti.“Ano po pala yung sadya niyo papunta sa amin?” tanong ko.“Comic bookstore,” sagot niya, kaya napalunok ako.“Ah, madalas po doon yung kapatid ko. Sinusubukan niya rin po kasing gumawa ng comics,” nakangiting sabi ko.“Okay,” sagot niya, kaya napalunok ako at pasimpleng sinulyapan siya, tinitingnan kung naiirita na ba siya. Pero wala siyang reaksyon, kaya nagpatuloy ako.“May magaling raw po kasi na gumagawa ng comics doon, kaya madalas siya doon,” kwento ko pa.“Can I see his drawings?” tanong niya, kaya napalunok ako at alanganin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status