Route to Iba Memorial Gardens, Zambales.Pagkatapos kong kuhanin ang sasakyan ni Afsheen sa garahe. Ipinarada ko Ito malapit sa building ng Sarreal Music Academy. Pumasok ako sa loob at nagtanong sa receptionist kung saan Banda ang office ng naturang academy. Agad naman niyang itinuro sa akin ang direction at tumalima na kaagad ako. Biglang natulala ang babae pagkakita sa akin. Bumati ako sa kanya at pinaupo niya ako. “Hija ano ang kailangan mo?” tanong sa'kin ng babae.Ma'am paano po ba magpa enroll sa academy na ito?“Simply lang, ipakita mo lang ang iyong talento sa pagkanta. Kapag approved ang talent mo isasalang ka namin sa training o shall we say rehearsal. Then, kapag ready kana pwedi kanang sumalang sa local at international competition like others. Magkano po ang bayad every month. Enroll ka muna saka natin pag-uusapan ang tungkol sa bayad. Kapag maganda ang boses mo we offer for free at ikaw pa ang bibigyan namin Ng allowance. Kapag tagilid ang boses mo syempre bayaran mo
Zhykher povTumayo ako kahit nahihilo parin ako sa suntok na iginawad ni pareng Afzal sa'kin.“Saan ka naman pupunta?”...si JeremySa bahay nila Lessery, haharapin ko ang mga magulang niya. Hihingi ako ng kapatawaran, kung gusto nilang maparusahan ako tatanggapin ko. Wala rin namang silbi kung tutunganga ako dito mas lalo lang bibigat ang kalooban ko. G*g* kasi ako kaya ito na ang kaparusahan ko.Kayo Andrew and Zante mga pinsan ko kayong buo pero nagawa ninyo akong g*g*hin. Wala kayong pinag-iba sa ama kong walang hiya. Sana maging masaya kayo sa kinahihinatnan ko ngayon. Namatay ang babaeng nagawan ko ng masama. At lumayo na sa akin ang taong minahal ko na sana ng husto.Bumaba na ako ng aking unit at tinungo ang aking sasakyan. Buo na ang aking desisyon na hingin ang kapatawaran ng mga magulang ni Lessy. Kung ano man ang ipapataw na parusa sa akin tatanggapin ko. Nakita ko sa aking side mirror na naka convoy ang mga kaibigan ko. Sinusundan pa talaga ako ng mga g*g*. Akala siguro ni
Kinabukasan maaga kaming umalis para pumunta sa Zambales kung saan nakalibing ang Ate ni Lessy. Kapag walang masyadong sasakyan pinapabilis ko ang speed para makarating agad kami sa sementeryo ng maaga.Tuwang-tuwa si Zaile ng makita niya ako kagabi na natutulog sa kwarto nila ng mama niya. Agad niya akong niyapos at hinalikan sa pisngi. A first hug ang kisses claiming him my own real son is melted my heart. Kinulong ko agad siya sa aking mga bisig. At hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. Nararamdaman ko ang tunay na kapayaan at kagalakan ng aking puso. When he first called me papa masaya ako pero sa kabilang utak ko may bumubulong na sana he is my real son. The wish that I didn't expect to be fulfilled.“Baby Zaile halika nga dito, ang kulit mo eh nagdadrive ang papa mo nakakandong ka pa diyan.”...saway ni Lerian sa pamangkin.“Ufffff please don't baby me and im not makulit tita mama, you're just over acting and you just want to cut my happiness.”...zaile answered.“Kaligayahan ba an
Pesting shokoy mukhang maaabutan pa yata ako. Mabuti nalang sa daming naglalakad na mga tao naiwala ko. Agad akong pumunta sa parking kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Pinaandar ko ito, sana hindi niya mapansin ang plate number ng sasakyan ni Sheen.Habang dahan-dahan kong pinapatakbo palabas ng sementeryo ang sasakyan nakita ko sa side mirror na tumatakbo siya papalapit. Kinabahan ako ng husto pero pilit kong kinakalma ang sarili ko para wala akong masagasaang tao. Nang kalampagin na niya ang sasakyan para ihinto ko doon na ako nagpapanic. Panay na ang bosena ko para tumabi ang mga tao. Nang makalusot ako at medyo lumuwag na ang kalsada saka ko pinaharurot ang sasakyan.Huuuuu! napabuga ako ng hangin na marating ko ang mean road pabalik maynila. Ang Plano ko pa sana ay bibisita sa dating lugar namin. Mukhang hindi magandang idea dahil tiyak pupunta din sina nanay at tatay doon. Sobrang na miss ko ang anak ko pero kailangan ko munang tiisin dahil ayokong makita ang pagmumukha n
Unang araw ko sa company ni Afsheen.Maaga ding dumating si Sheen para ipakilala ako sa lahat. Temporary substitute lang ako, pero kapag kabisado ko na ang pasikot-sikot sa kompanya pwedi akong mamili kung saang section ko gustong magpa-assign. Na amazed daw siya sa sinasabi ni tatay na mas magaling ako sa automotives kaysa sa kanya noong binigyan niya si tatay ng talyer. Hambog talaga itong tatay ko, wala naman akong certificate sa pagiging mekaniko. Paano nalang kapag hinahanapan ako ng certificate ng mga katrabaho ko eh di nganga ako."Good morning everyone! I want to introduce to you my friend here as your new colleague. She will be the temporary replacement to our automotive engineer. Since Mr. Bernal is on leave dahil pansamantala na nagpapagaling pa ito sa kanyang karamdaman.She is Lessery Sarreal a certified automotive specialist graduated from university of London.Anak ng baklang serina, pesti ka Sheen! palagi mo akong pinapasabugan ng bomba. Nakitaan ko naman ng pagkamangh
Zhykher povNatuwa ako ng mag live video si Queen at kitang-kita ko ang pinakamamahal ko. Nasa company siya ni Queen nagtatrabaho ngayon. Mas mabuti na rin yun dahil madali ko na siyang ma monitor o mahanap. Makakapag update na ako sa kanya anytime.Talagang walang kurap akong nakatutok sa kanya habang chine-check niya ang isang kotse. Nakaka- amazed ang kanyang ginagawa at talagang professional na professional ang dating. Ito na ang sinasabi ng mga magulang niya na isa nga talaga siyang engine doctor. Na mas mahusay pa kaysa kay tatay Lito.Believe din ako kay Queen, dahil alam kong magaling din siya sa larangan ng makina pero umaakto siyang walang alam. Alam kong sinasadya niya ito para mailabas ni Lessy ang kanyang husay sa pagiging mekaniko. Though mas lamang si Lessy kay Afsheen dahil since bata pa ito forte na niya ang makisalamuha sa mga makina. Nakaka-proud ang mga babaeng ito dahil nilamangan pa kaming mga kalalakihan. May mga mala anghel na hitsura pero magaling dumiskarte s
Isang linggo na pala mula ng buong gabi kaming nagkukwentuhan ng kakambal ni tatay. Ikinwento niya ang lahat ng mga pangyayari. Katulong pala si nanay sa bahay nila tatay noon. Matanda ng dalawang taon si nanay kay tatay. Dahil maganda ang nanay ko nagkagusto si tatay. 17 years old palang daw si tatay noon ng mabuntis niya si nanay at si ate Leah nga ang batang iyon. Pero ayaw ng Lolo at Lola namin kay nanay dahil mahirap lang. Uso sa kanila ang isipin gold digger si nanay. Pinalayas nila si nanay at binayaran. Pero nakahanda na rin pala ang passport at ticket ni tatay para sumama kay nanay sa Pilipinas. Sa Zambales na nga sila naninirahan. At ang perang binayad ni Lolo kay nanay ay iyon ang kanilang naging puhunan para makapagsimula. May-ari ng Mercedes Benz of Colindale ang pamilya ni tatay. Kaya marami na siyang alam sa makina. Siya ang next generation heir ng Clarkson kaya sinanay siya ng maaga.Ang hirap paniwalaan na ang isang natapagmana sa Britanya ay simpling mekaniko lang n
Nabitawan ko ang aking hawak na cellphone. At namalayan ko nalang na nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Minahal ko na nga ba talaga siya ng husto? Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig. Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa ngayon ng masaksihan ko ang sweetness nila ng babae niya. Bakit ba naman kasi ako umaasa sa babaerong tao na yun. Sakit na niya ang pagiging babaero kaya kahit anong pagbabago ang gagawin niya hindi parin niya kayang panindigan.Nagulat ako ng bigla na namang umingay ang cellphone. Video call parin ito, nanginginig ang mga kamay ko. Agad kong dini- decline ang kanyang tawag at sinwitch-off ito. Patuloy paring nag-uunahan sa pag-agos ang aking mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, mas nasasaktan ako para sa mga anak ko more on for myself. Takti anak nga ako nang porenger kaya napapa-english na ako...tudyo ng kabila kong utak.Wala ng pag-asang mabuo pa tayo mga anak ko. Patawarin ninyo ako kung hindi kayo magkakaroon ng kompleto at masayang pa