KELLY“MAGKAKAROON na ba ’ko ng apo? Magandang pa-birthday ’yan.” Hindi ko nakikita ang mukha ko ngayon pero sa tindi ng init ng magkabila kong pisngi hanggang leeg ay alam kong mapulang-mapula ako. Narinig kasi ni Tatay ang sinabi ni Brandon at imbes na magalit, natuwa pa!“Oh my God!” Napatakip ako ng mukha habang si Brandon naman ay kinabig ako sa dibdib niya. “O siya, mananahimik na talaga ’ko. Anak, kung gusto mong buntisin ’yang dalaga ko ay pakasalan mo muna. Hindi ako papayag na mabubuntis ’yan nang hindi apelyido mo ang dala-dala.” I heard him walked away while laughing.Cool si Tatay, pero susme, hiyang-hiya pa rin ako. Kainin na sana ako ng lupa ngayon. Daig pa ni Tatay ang namimikot para sa akin. Mag-demand ba naman ng kasal bago ako buntisin, e iilang araw pa lang simula nang maging kami uli ni Brandon?Nang mag-angat ako ng mukha ay nakatingin siya sa akin. “Para kang makopa.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw kasi, ang daldal mo. Kung ano-ano’ng lumalabas diyan sa bi
KELLYALAS-KUWATRO ng hapon ay nagsimula na kaming mag-ayos ng mesa. Brandon helped us set up, at dahil maliit lang ang bahay namin, may ilang mesa at silya na idinagdag sa labas para sa ilang panauhin ni Tatay. The food stayed inside at may mesa rin doon para sa iba. Mostly, mga lalaki ang nasa labas. Ang balak ni Tatay na walang painom ay hindi nangyari, pero kaunti lang naman daw ang iinumin nila. “Mapula ka na,” sabi ko kay Brandon nang pumasok siya sa loob at nakasalubong ko.He smiled sweetly. “Madali naman talaga akong mamula, pero hindi ako lasing.” Tinaasan ko siya ng kilay. “I only had two shots of lambanog.”Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Last mo na ’yon. Mag-pass ka na sa sunod.”Hinapit niya ako sa baywang at humalik sa aking noo. “Higpit ng kumander ko, ah,” natatawa niyang bulong sa akin. “Anong ku—Byron! Shane!” Bumitiw ako kay Brandon at sinalubong ang kaibigan ko at ang anak niya. “Was your drive okay?” “Hey!” nakangiting bati niya sa akin. Pagkuwa’y tumingin
KELLYHABANG magkasalo kaming kumakain ni Brandon ng chicken salad ay napadako ang tingin ko sa pinsan ko kasama nina Byron at Shane. She doesn’t look very happy when Byron’s talking to her, pero kapag tumitingin sa bata ay ngumingiti ito. Hindi ko maintindihan ang emosyon sa kaniyang mga mata. Lungkot ba? Bakit parang panghihinayang?“You’re staring,” wika ni Brandon sa akin.Napatingin ako sa kaniya at saka ngumiti. Nahuli niya ako. Akala ko naman panay lang ang kain ng isang ’to.“Napatingin lang, staring agad?” He smirked at me. “Para kasing may something doon sa dalawa.”“Selos ka?” masungit niyang tanong sa akin.Pambihira ’tong si Brandon. Hindi naman ’to ganoon magselos noon. Siguro dahil wala naman siyang pagseselosan kaya hindi ko nakita. But Byron is just a friend.“Selos mo mukha mo. O, nganga.” Iniumang ko sa kaniya ’yong kutsara na may lamang salad. Gusto rin magpasuyo ng lalaking ’to, e. Tingnan mo ngayon, nakangiti na. Pareho lang naman kami ng kinakain. “Saan ka nga p
BRANDON“ARE you scared of my mom?”Hindi ako kinibo ni Kelly. I couldn’t blame her. Bata pa kami noon, at kahit wala ako sa harap nila noong pinuntahan siya ni Mom ay alam kong natakot si Kelly sa paninindak nito. “I’m here, baby. Don’t be scared. Sa ’yo lang ako maniniwala. Ganoon ka rin sa akin. Can you do that? For us.” It took her a while to face me. Pumatak ang ilang butil ng luha niya. “Hindi ako bagay sa ’yo.”Tipid akong ngumiti sa kaniya at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya. “Do you think I care? You can be penniless and I will still love you. Wala akong pakialam kung umayaw ang lahat ng tao sa ’yo. Uulitin ko: hindi sila ang makikisama sa ’yo araw-araw. Whatever they say or think don’t matter. Hangga’t mahal natin ang isa’t isa, that’s all that matters.” I kissed her forehead. “I want you to remember how much I love you whenever you feel this way. Kahit ano’ng mangyari, ikaw lang ang para sa akin. Don’t forget that.”Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa isip
KELLYMASAYA kaming nag-agahan ni Brandon sa Sammy Lynn’s—isang local café rito sa bayan. I just noticed his phone keeps lighting up pero hindi niya iyon sinasagot. I don’t know whether I should be happy that all his attention was on me but at the same time, I’m starting to think he’s hiding something from me. Call it woman’s instinct pero naniniwala ako roon. The last time I didn’t listen to it, I met his mother. I mentally facepalmed. Noon, naghinala ako na maykaya sila sa buhay at hindi isang simpleng pamilya lang ang pinagmulan niya. Brandon would just laugh and dismiss it. At dahil mga bata pa kami noon, I didn’t care much for it. Sa TV lang naman nangyayari ’yong langit at lupa nina Romnick at Sheryl. Moderno na ang panahon at hindi na uso ’yon. Pero nagkamali ako dahil hinamak ako ng kaniyang ina . . . at idinamay pa si Tatay.At ngayon, may agam-agam na naman ako. He tells me he loves me and I feel it. He respects me so much at patunay ’yong kagabi bukod sa maraming pagkakata
KELLYTIME flies! Dalawa na ang anak nina Flynn at Vicky habang kami ni Brandon ay hindi pa nakakaisa. Tahimik silang naglalaro sa isang sulok habang nanonood ng TV. “Mabuti naman at naisip mo ’kong bisitahin. Nakakatampo ka, Kel. Parang hindi mo ’ko best friend.” Nakasimangot si Vicky at halata ang tampo. Niyakap ko siya mula sa likod. “Sorry na. Alam mo namang sobrang busy ko sa agency. Hindi nga ’ko maka-reply sa chat, e.” “Tsk. Hindi ka naman talaga active doon.”Napatawa ako sa sinabi niya at kumalas sa pagkakayakap. Tinulungan ko siyang magbalat ng pinya habang hinihintay niyang kumulo ’yong bulalo.“Pero kayo ni Brandon, ha?” Pinamulahan ako ng mukha. “Ay nag-blush ang ale! Mahal mo talaga siya, ’no?”“Vicky, ang ingay mo.” Inirapan ko siya at saka ipinagpatuloy ang paghihiwa. “Kailan mo balak sundan ’yong bunso mo?”Tumawa ang kaibigan ko. “Ikaw muna ang magbuntis bago ako. Kapag lalaki ang naging anak mo, ipagkakasundo ko ’yan sa bunso ko kapag babae.” “Ay wow! Nasa kasun
BRANDONOUR trip didn’t happen. Kelly’s grandmother had a heart attack and we went to visit her instead in the province. Although nasa private hospital siya at nasabi ng doktor na stable na ang lagay nito ay hindi siya kaagad pinalabas. “’La, iniinom mo ba ’yong gamot mo?” tanong ni Kelly sa matanda. Hawig niya ito, at sa edad na eighty ay maganda pa rin. If not for the heart attack ay hindi ito magmumukhang haggard. Sina Tatay ay umuwi muna sa bahay ni Lola at doon nagpahinga. David couldn’t come because of work pero sinabing sa weekend ay dadalaw siya.“Siyempre naman, apo.” Nagtatalop ako ng mansanas at hinihiwa ito nang bite size para mas madaling makain ni Lola. She’s really nice to me kahit ngayon lang kami nagkita. Bihira siyang lumuwas ng Laguna at palaging sina Tatay lang ang dumadalaw kaya hindi ko siya nakikita noon. Ang kasama niya sa bahay ay isang pinsan ni Kelly na matandang dalaga. “Kailan ba kayo magpapakasal? Sana naman ay abutin ko pa.” Umubo ito. “Alam mo, hijo
BRANDONFifteen years ago . . .“BRAN, tara. Tambay tayo kina Aling Linda, baka maubusan tayo ng isaw,” aya ni Flynn sa akin. “Susunod ako. Susunduin ko lang si Kelly sa kanila.” Naunang umuwi si Kelly kasama ni Vicky dahil may practice pa kami ng basketball. Alas-singko na ng hapon at ngayon lang kami natapos. Uuwi muna ako sa bahay at maliligo saka ko siya pupuntahan. Ayaw kong magpunta roon na amoy pawis. Ang alam ko ay nasa trabaho pa si Tatay kapag ganitong oras at si Nanay ay sinusundo si David. Panghapon kasi ’yon kaya alas-dose ang pasok hanggang alas-singko. Papasok na sana ako sa pinto nang marinig ko si Kelly na kausap si Vicky.“Kel, nakilala mo na ba ’yong parents ni Brandon?” “Hindi pa. Pero tingin ko mayaman sila. Si Brandon lang ang tinatawanan ako kapag nagtatanong ako tungkol sa pamilya niya. Medyo secretive siya pagdating doon.” “Sa tingin mo, sino ang mas mayaman? Si Brandon o si Luis? Ang laki ng hardware ng mga ’yon at alam mo ba, narinig kong may gusto sa