Share

Chapter 26

KELLY

“MAGKAKAROON na ba ’ko ng apo? Magandang pa-birthday ’yan.”

Hindi ko nakikita ang mukha ko ngayon pero sa tindi ng init ng magkabila kong pisngi hanggang leeg ay alam kong mapulang-mapula ako. Narinig kasi ni Tatay ang sinabi ni Brandon at imbes na magalit, natuwa pa!

“Oh my God!” Napatakip ako ng mukha habang si Brandon naman ay kinabig ako sa dibdib niya.

“O siya, mananahimik na talaga ’ko. Anak, kung gusto mong buntisin ’yang dalaga ko ay pakasalan mo muna. Hindi ako papayag na mabubuntis ’yan nang hindi apelyido mo ang dala-dala.” I heard him walked away while laughing.

Cool si Tatay, pero susme, hiyang-hiya pa rin ako. Kainin na sana ako ng lupa ngayon. Daig pa ni Tatay ang namimikot para sa akin. Mag-demand ba naman ng kasal bago ako buntisin, e iilang araw pa lang simula nang maging kami uli ni Brandon?

Nang mag-angat ako ng mukha ay nakatingin siya sa akin. “Para kang makopa.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw kasi, ang daldal mo. Kung ano-ano’ng lumalabas diyan sa bi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status