KELLY, Senior High . . .
PAMBIHIRA! Late na naman si Vicky. Nasa kaniya pa naman ang project na isa-submit ngayon.
Kanina pa ako naghihintay sa gate at malapit nang mag-ring ang bell. Nang dalawang minuto na lang at wala pa siya ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa loob. May flag ceremony pa kami at kapag wala ako sa pila ay siguradong kakanta akong mag-isa sa unahan!
I was almost there when someone knocked me over. Mabuti na lang mabilis ang reflexes niya, kung hindi ay bangas ang mukha ko sa pavement.
“Ano—”
Whatever I have to say to the stupid person who bumped into me was frozen in my throat. Ang lalaking nasa harap ko ay napakaguwapo kahit medyo payat. He was more the lean type at mukhang sporty din. Otherwise, paano niya ako masasalo nang ganoon kabilis kanina?
“Sorry, nagmamadali kasi ako at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito,” sabi niya sa akin.
Diyos ko po! Pati ang boses ay masarap sa tainga.
May sinasabi siya sa akin pero parang wala akong naririnig. Iyong mga labi niya lang ang kumikibot-kibot, until I heard a familiar voice.
“Miss Lavarejos, may I remind you that you are in school grounds at hindi appropriate na nakikipagyakapan ka sa premises ng school na ito.”
Sukat sa narinig ko ay bigla akong napatanga. “Wala naman akong ka—” Bigla akong bumitiw sa lalaking hindi ko kilala. Kasalanan niya ito, e.
“Sorry po, ma’am. N-Natapilok po ako at tinulungan niya lang ako. Kung hindi po niya ako naagapan ay pumutok na sana ang ulo ko kanina.”
Biglang kumunot ang noo ni Miss Santos. “Is this true?” tanong niya sa lalaki.
“Opo, ma’am. Pasensiya na. Pareho kaming nagmamadali para makaabot sa flag ceremony kanina,” paliwanag niya. “Wala pong malisya ang nakita n’yo sa amin kanina. Tinulungan ko lang po siya.”
Miss Santos looked relieved. “Okay, I will let this go for now but you two should come fifteen minutes before the flag ceremony para hindi kayo nagtatatakbo nang ganyan. Find your classmates and get in line. Hindi ko kayo pakakantahin nang solo sa unahan mamaya.”
“Salamat po, ma’am,” sagot ko sa kaniya.
Naglakad ako papunta sa mga kaklase ko nang mapansin kong nakasunod rin siya. Ah, bahala siya sa buhay niya. Transferee yata ito at bagong mukha. Guwapong mukha.
Nang mahanap ko ang section ko ay pumwesto ako sa likod. Hindi ko akalain na ang lalaki kanina ay pipila sa likod ko.
“I’m Brandon Aspirez, ikaw?” bulong niya sa akin mula sa likod.
Kumunot ang noo ko pero hindi ko siya hinarap. “Are you sure na nasa tamang linya ka?” Hindi ko sinabi ang pangalan ko.
“I’m supposed to join IV-Coral.”
Mukhang kaklase ko pa siya. Ang pagkakataon nga naman.
Hindi ko na siya sinagot. Nang matapos ang dasal at flag ceremony ay nagsimula na kaming bumalik sa classroom. Straight ang pila at malapit na kaming umalis sa courtyard nang makita ko si Vicky na tumatakbo. Hingal na hingal siya nang makalapit sa akin.
“O, bakit na-late ka?” tanong ko sa kaniya.
“Nasiraan ’yong jeep na sinasakyan ko. Akala ko nga babalik na ako sa bahay,” kuwento niya sa akin. She was about to say something more nang mamataan niya ang lalaking nasa likod ko. “Bago ka?”
“Yes, transferee ako galing Maynila. I’m Brandon.”
“Ako si Vicky Abdon.”
“E, siya?”
Hindi ako sumasali sa usapan nila. I’m still pretty shaken up from earlier when his arms were wrapped around me.
“Hindi pa kayo magkakilala?” gulat na tanong ng kaibigan ko. Gusto ko siyang batukan. “Kelly Lavarejos.”
“Kelly. Beautiful name,” saad niya.
He didn’t say anything more but it was a start of his presence in my daily life. Kung nasaan ako, madalas ay naroon din siya. He made friends easily dahil natural na charming. Hindi lang mga lalaki ang mabilis niyang naging kaibigan, pati ang mga babae sa klase at kabilang section ay palaging tumatambay sa classroom namin. Nakakairita din dahil puro na lang pagpapa-cute ang ginagawa nila.
A month later, naging kagrupo ko siya sa science. Absent si Vicky at nang mag-pair ang teacher ay kaming dalawa ni Brandon ang pinagsama niya.
Ngayon pa lang ay gusto ko nang masuka. Maghihiwa kami ng bulate. Naglalagay kami ngayon ng gloves at naka-mask din pero wala akong intensiyon na gawin ang activity ngayon. Baka sa malas ay sukahan ko pa ang bulate.
“Are you scared of worms? Ang putla mo,” sabi sa akin ni Brandon.
“Hindi, ah. Para bulate lang,” tanggi ko sa kaniya.
“Okay. I think there are six or seven worms here. Tig-isa daw tayo ng dapat i-disect, so I guess ang iba ay spare lang.” He checked the time and noticed that we have thirty minutes to do it. “Let’s get to work.”
I watched him work with ease. He pinned the two ends at nagsimula siyang maghiwa sa gitna nang paunti-unti. Samantalang ako ay kanina pa sinusubukan na i-pin ang kabilang dulo pero mailap ito. Ang hindi ko in-expect ay ang pagtayo niya sa likod para tulungan ako. My back was pressed against his chest at may kung anong kilig ang bumalot sa akin.
Everybody had a crush on him but I keep telling myself that I am not one of them. Nangako kasi ako kina Nanay na hindi ako makikipagrelasyon hanggang hindi ako nakatatapos ng kolehiyo. May pinaghuhugutan naman ako dahil ang mga pinsan ko ay kay aagang nabuntis at ngayon ay mag-isang pinapalaki ang anak nila. Hindi na sila nakapagtapos at ngayon ay miserable ang buhay. I don’t want that for myself.
“Hold your hand steady. Don’t close your eyes. Kaya hindi mo ma-pin ang buntot ay pumipikit ka,” natatawang sabi niya sa akin.
“Hindi ako pumipikit,” tanggi ko sa sinabi niya.
“I saw you. Anyway, come on. You can do it. Bulate lang ’yan at hindi ahas. Hindi ka kakagatin niyan.”
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero pinanatili kong mulat ang aking mga mata at nahuli ko rin ang buntot ng bulate sabay baba sa table ng hawak ko. Napayakap ako sa kaniya sa tuwa. His arms wrapped around me this time.
“See, I know you can do it,” bulong niya sa akin.
Naputol ang saya ko nang makarinig ako ng tikhim. “Miss Lavarejos, tuwing makikita ko kayong dalawa ay palagi kayong magkayakap. Boyfriend mo ba si Brandon?” tanong ni Miss Santos.
Diyos ko naman! Active din ang imagination ni Miss Santos at palaging ako ang pinupuna niya. Hindi pa ako nakasasagot ay narinig ko na ang tinig ni Brandon.
“She’s my girlfriend.”
Hindi lang ako napanganga, pati ang teacher namin at mga kaklase ay halos sabay-sabay ang pagsinghap. Sino raw ang girlfriend niya?
BRANDON Three months later . . . I WILL never understand why my father had to cheat. If he was no longer happy, bakit hindi na lang niya kinausap si Mommy at nakipaghiwalay nang maayos? Siguro nga ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang tama at mali. I just know that I will be a better father to my kids and a better husband to my wife. Ngayong alam ko ang dinanas ni Mommy sa piling ng asawa niya, naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling. She was simply trying to shield me from harm. Sa takot niya, sumobra naman. Idagdag pa na may pangyayari mula sa nakaraan sa pagitan nila ng pamilya ng magulang ni Kelly. “I thought this day would never come,” bulong sa akin ni Kelly habang pinagmamasdan si Mommy kasama ang mga biyenan ko. Narito sila ngayon sa bahay namin ni Kelly. As soon as the doctor gave us the go signal, isinama ko ang aking ina pauwi ng Pilipinas. Gusto kong maiba ang paligid niya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Bilang na bilang sa d
BRANDONIT’S been two weeks since the accident, and instead of going home to our condo, my wife and I stayed at my parents’ house. Pangalawang araw namin dito ngayon. Bukod sa walang kasama si Mommy, si Kelly rin ang may gusto nito para maalagaan niya kami nang sabay. Hindi raw dapat iniaasa sa kasambahay o sa nurse ang pag-aalaga sa pamilya kung mayroon namang kapamilya na available—at siya ’yon. “I didn’t expect to find you here.” Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ama na kararating lang. He looked exhausted from his trip. Ako dapat ang magsabi sa kaniya na hindi ko siya inaasahang makita rito. My mother told me that their divorce was finalized a few days ago. Ni hindi ko nakita si Dad sa ospital at ang sabi sa akin ni Ate ay nasa Australia pa ito. “That makes two of us. What brought you here?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung aware si Mommy na darating ang aking ama ngayon. “I just came to pick up a few things. This is still my house, Brandon.” Humila siya ng isan
KELLY“SHE’S my half sister . . . but nevertheless, still a sister. My mother got pregnant pero hindi pinanagutan ng aking ama. My father married someone he loves at hindi ang nanay ko ’yon. I was a product of a one-night stand, believe it or not. Bihira kaming magkita ni Cordelia, pero tuwing dadalawin ako ni Tatay sa birthday ko ay isinasama niya ang kapatid ko. Some people don’t like it. Ayaw nila na may kahati. Pero ang pusong puno ng pagmamahal, kaya niyang tanggapin halos lahat. And I love my sister. She’s nice to me even though I think she’s a brat. Hindi sila mayaman, pero dahil iisa siyang anak ay nagagawa niya ang lahat ng ibigin—including taking your father away from your mother.”Sinabi sa akin ni Nanay ang tungkol kay Cordelia pero katulad niya ay hindi ko alam na may nakatatandang kapatid ito. “Eventually, my mother married someone, mahirap din katulad niya, pero hindi sila nagkaanak at sa kalaunan ay naghiwalay rin. I don’t know where he is now but when my mother died,
KELLYTHE woman just looked at me and left immediately. There were tears in her eyes at kahit hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman sa kaniya, pinili kong huwag makaramdam ng galit. Labas ako sa nangyari noon.Huminga ako nang malalim at inayos ang expression ng aking mukha. Nang pumasok ako ng silid ay mabilis na pinahid ni Mommy ang luha niya. “Bakit ang tagal mo?!” May angil ang pagtatanong niya. She’s trying to cover up her anger . . . and sadness. I smiled at my mother-in-law. “May pila po kasi sa cafeteria.”Mommy made a face but didn’t comment.“Hindi ko po pala naitanong kung ano’ng gusto n’yong tea. Binili ko na po ’yong tatlong available. Green tea, chamomile, at—”“Green tea na lang. Iyong chamomile, sa ’yo na para makatulog ka.” It’s funny how she’s giving me a cold treatment, and a few seconds later, she would give me words that let me know she cares. And it made of think of how she was before all this mess. Mas mapagmahal ba siya o sadyang ganito na ang uga
KELLYNANG pumasok ako sa silid ni Mommy ay nadatnan ko siyang gising at nanonood ng TV. Her leg and arm is on a cast and I feel bad for her. Kahit pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita, I know she’s a proud woman. Siya iyong tipo ng tao na hindi tumatanggap basta-basta ng tulong. “Good evening po,” bati ko sa kaniya.She didn’t bother to look at me but she didn’t send me away so I will take it as a good sign. Naupo ako sa isang silya roon at sumandal. Gusto ko sanang itaas ang binti ko pero nahihiya ako. “If you want to put your feet up, do it,” paangil niyang wika sa akin. Hindi ako tumingin sa kaniya pero ginawa ko ang sinabi niya. Naroon ang concern sa salita niya kapag hindi pinansin ang tono. She was watching some movie that I am not familiar with. Baka naghanap lang siya ng mapanonood para pampalipas ng oras. Nilingon ko siya and that’s when I noticed the remote was too far from her. Kaya pala parang wala siya sa mood kanina pa, hindi mailipat ang channel. I wondered w
KELLY“WHAT are you doing here?”He is Brandon’s ex. At alam kong noong unang makita ko siya sa ospital ay naroon siya dahil tumulong siya sa airlift assistance ni Ate. This time though, she is not needed here.Saglit na gumuhit sa mga mata niya ang pagkagulat at umawang ang mga labi niya. I bet she wasn’t expecting my tone. Iyong tanong ko, normal ’yon. Pero iyong tono ko, that’s me marking my territory. My hunch was right when the thought crossed that she’s still pining over my husband. They were over a long time ago. And she’s pregnant for fuck’s sake. Kapatid pa ni Brandon ang ama ng bata. It’s ridiculous!“I heard about the accident on the news and I—”“He is in the intensive care right now. Visitor’s hours are over. You can leave now,” malamig kong tugon sa kaniya. If she was just a plain friend, bakit ako magagalit na dumalaw siya? May hidden agenda siya at iyon ang hindi ko gusto. I am no saint at hindi ko ugali ang makipag-away lalo na kung tungkol sa lalaki rin lang. But Br
KELLYI COULDN’T feel anything when I heard the news. Naaksidente si Bran at ang mommy niya nang pauwi na sila sa bahay ng huli. It has stopped snowing and the road has been plowed and salted nang sumakay ako ng taxi kanina papunta rito sa ospital. Susunduin sana ako ni Ate pero sinabi kong magta-taxi na lang ako at doon na lang kami magkita. Ayaw ko nang magpabalik-balik pa siya at maaksidente rin. “Kel,” tawag niya sa akin nang matanaw ko siya sa pasilyo. “Ate, kumusta sila?”Niyakap niya ako nang makalapit ako sa kaniya. Halatang galing sa pag-iyak ang mga mata niya. Ako man ay hindi matigil sa pag-iyak kanina at hindi ko na pinansin ang taxi driver na patingin-tingin sa akin. “Mom fractured her arm and leg. But Bran hit his head, may bubog din na tumama sa may tiyan niya. He lost a lot of blood. Hindi kami magka-match ng dugo. I was hoping you’re an O negative. B kami ni Mommy.” She was shaking in fear. “B rin ako, Ate. Pero si Daddy, ka-match siya ni Bran. Natawagan mo na ba
KELLYI DIDN’T have the chance to talk after she answered my question. When Bran came back to the dining room, siyang tayo ni Mommy at pinuntahan si Ate para magpaalam. She took her purse at walang lingon-likod na tinungo ang pinto. I saw her car drove away from the window. Nag-aya nang umuwi si Bran para makapagpahinga na ako. Ate wanted us to stay a little bit longer lalo na at naunang nagpaalam si Mommy pero sinabi ng asawa ko na dadalaw na lang kami uli.Nag-shower ako nang makauwi kami sa bahay at nagpalit ng damit. Suot ko ang T-shirt ni Bran nang sumampa ako sa kama. Automatic ang pagyakap niya sa akin. I noticed he hasn’t changed his clothes. “Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?”“I will, in a second.”Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Tahimik lang siyang nakayakap sa akin. Bilang asawa niya, ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya ngayong oras na ito. It’s not easy to be around people who doesn’t like being around you. Patunay ako roon kung gaano ka-awkward ang pakira
KELLYTHE day I was dreading came after two weeks. Makahaharap ko na ang biyenan ko at hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Hindi naman ako galit sa kaniya sa mga binitiwan niyang salita kay Bran. Knowing what her marriage was like made me sad for her, actually. Kahit ’yong mga pangyayari noong high school kami ni Bran at pananakot niya sa akin ay napatawad ko na rin. She did what she thought was best for her son at the time. “Happy birthday, Ate.” Iniabot ko sa kaniya ang dala naming regalo at nang kunin niya ’yon ay binigyan niya ako ng isang mainit na yakap.“I’m glad you came. Tayo lang naman ang narito. I didn’t invite any friends because we already went out a few days ago. Kaya malaya tayong makakapagkuwentuhan.” She giggled. “I’m going to offer you wine but I don’t think it’s a good idea. Baka magkakaroon na ako ng pamangkin,” tukso niya sa akin. Nahilo kasi ako noong isang araw at si Brandon na overacting, dinala kaagad ako sa doktor. Nag-order ng urinalysis at bloodwork