KELLY
IKINALMA ko ang aking sarili at nagdasal na sana paglabas ko ng banyo ay wala siya sa kuwarto. I remember what he said. Pinagpinaw ko nga siya ng sinampay noon at pinatulong dahil ang dami kong labada. He was more than eager to help me, kaya naman pala dahil mas malapit sa kaniya ang mga underwear ko.
Pero sa kabila ng kakulitan niya, I also know that Brandon respected me. Ako pa nga ang unang nanghalik sa kaniya noon at hindi pa ako marunong. He knew what he was doing and tinuruan niya ako. It was his first birthday with me. We have been dating for three months but he never attempted to kiss me on the lips bukod sa yakap, halik sa noo o pisngi. But more often than not, he would kiss my hair. Walang palya niya akong inihahatid pauwi ng bahay, pero hindi niya ako sinusundo sa amin. Well, those were the days. A lot has changed since then. Hindi na kami mga paslit.
Nakahinga ako nang maluwag nang mabuksan ko ang pinto at hindi siya makita sa kuwarto. I have so many things to do at hindi ko alam kung alin ang uunahin. Hinagip ko ang cell phone ko at tatawag ako sa auto shop para hilahin ang kotse ko. Pero ang pesteng cell phone ko ay walang signal kahit isa! Ganoon ba kaliblib ang bahay na ’to? Parang hindi naman at may nakita akong cell sites. Magse-send rin sana ako ng text kina Nanay na nakarating ako nang maayos.
Napatampal ako sa noo ko. May landline naman siguro dito. Magbabayad na lang ako ng extra o iaawas ko sa bill. Iyon pa palang kalat ko sa baba ay lilinisin ko pa. Kung puwede lang magpadulas sa hagdan ay ginawa ko na. Sobrang pagod na ako at maaga pa akong gigising bukas para magsimulang maglinis at ihanda ang bawat kuwarto. Nasaan kaya si Brandon?
Binaybay ko ang pasilyo at bumaba ng hagdan. I saw his back turned at may dalang panlinis. Wala na ang maputik kong mga bakas ng paa kanina at pati ang mga tulo ng tubig ay napunasan na rin niya. I don’t know why he did that.
Ipagpapabukas ko na lang ba ang pagtatanong sa kaniya ng landline o magpapasalamat ako sa kaniya? Damn it. I don’t want to give him the impression that we can be friends again. Sa sobrang dala ko sa nangyari ay mas mabuti na ang single habambuhay Mauunahan pa nga akong mag-asawa ni David dahil two months ago ay nag-propose na siya sa girlfriend niya.
“Do you need anything?” tanong ni Brandon. He was wearing a pair of pajamas as well at mukhang naglinis lang bago matulog.
Napalunok ako. “Itatanong ko lang sana kung may landline dito? Wala kasing signal ang cell phone ko. Baka kasi mag-alala ang mga magulang ko.”
“You can use my phone. Ang alam ko sa landline ay hindi pa uli activated. Here.”
Inabot niya sa akin ang isang latest model ng iPhone. Bigla tuloy akong nahiya dahil nakailang palit na ng model ay na-stuck na ako sa pang-anim. However, it is still wiser not to spend on gadgets kung hindi naman kailangan. At para saan? Para sikat? Para mas maganda ang telepono habang walang laman ang bulsa? Ito naman ang ipinagtataka ko sa kabataan at maging sa mga magulang. Wala nang maihain sa mesa pero mas mahal pa ang cell phone sa groceries. Kung sana nangunguya ang cell phone, e walang magugutom. But of course, if you have the money at unlimited ang balon ng pera, then buy as much as you like. As for me, hindi ko afford ’yon. I would rather be sensible at gagastos lang sa kailangan kaysa iparada ang rangya.
Nang hawakan ko ang cell phone niya ay bukas na ’yon. Ang ipinagtaka ko ay ang wallpaper sa cell phone niya. It was the place we usually go to back in high school—Bukal Falls in Liliw.
“Ibabawas ko na lang sa bill ’yong paggamit ng phone mo,” sabi ko sa kaniya.
“Suit yourself,” walang emosyon niyang sabi sa akin at hinayaan akong tumawag.
***
BRANDON
HOW much does she hate me for what happened years ago? Kung tutuosin ay pareho naman kaming biktima ng pagkakataon pero bakit kasalanan ko ang lahat?
Ang laki nitong kuwarto at dalawang queen beds ang narito. The rain outside would have been perfect to get a good night’s sleep pero ala-una na ng umaga ay mulat na mulat pa rin ako. I can’t sleep in the same room with her kung hindi ko rin lang siya katabi. What was I thinking going ahead with this plan?
Ang totoo ay puwede naman siyang pumili ng kahit aling kuwarto dito para tuluyan. Walang sinabi ang tiyahin ko kung hindi ako na ang bahala sa lahat. After all, sa akin na naman ito. My aunt wanted to sell this place and I thought it was a perfect place to raise a family. Hindi naman talaga ito bed and breakfast. It’s just a vacation house. Vacation house namin ni Kelly. Bumili na ako ng bahay sa Laguna para sa aming dalawa. Hindi ’yon kalayuan sa bahay ng parents niya para hindi siya malungkot.
I’ve made mistakes. Blame it on being young and impulsive but I have always respected our relationship. May ibang bagay lang na wala sa kamay ko. Hopefully, I’m not too late to get her back.
Although I need someone to clean this place, umayon lang ang panahon at bumagyo. Now I have more time to spend with her. She will hate me again when she finds out that I planned everything. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang hindi pagdating ng dalawa niyang staff.
When I found out the names of the people she’s sending, pina-contact ko ’yon isa-isa sa assistant ko at binayaran ang buong linggong mawawala sa kanila. They didn’t want to take it. Kaya nga si Suzette ay huli na nang umatras. They feared that they will lose their job. I promised to give them another one if that ever happens. Marami namang trabaho sa company.
For now, I just need Kelly to fall in love with me all over again. Plan A pa lang ito. There is still plan B and C kung hindi mag-work out.
BRANDON Three months later . . . I WILL never understand why my father had to cheat. If he was no longer happy, bakit hindi na lang niya kinausap si Mommy at nakipaghiwalay nang maayos? Siguro nga ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang tama at mali. I just know that I will be a better father to my kids and a better husband to my wife. Ngayong alam ko ang dinanas ni Mommy sa piling ng asawa niya, naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling. She was simply trying to shield me from harm. Sa takot niya, sumobra naman. Idagdag pa na may pangyayari mula sa nakaraan sa pagitan nila ng pamilya ng magulang ni Kelly. “I thought this day would never come,” bulong sa akin ni Kelly habang pinagmamasdan si Mommy kasama ang mga biyenan ko. Narito sila ngayon sa bahay namin ni Kelly. As soon as the doctor gave us the go signal, isinama ko ang aking ina pauwi ng Pilipinas. Gusto kong maiba ang paligid niya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Bilang na bilang sa d
BRANDONIT’S been two weeks since the accident, and instead of going home to our condo, my wife and I stayed at my parents’ house. Pangalawang araw namin dito ngayon. Bukod sa walang kasama si Mommy, si Kelly rin ang may gusto nito para maalagaan niya kami nang sabay. Hindi raw dapat iniaasa sa kasambahay o sa nurse ang pag-aalaga sa pamilya kung mayroon namang kapamilya na available—at siya ’yon. “I didn’t expect to find you here.” Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ama na kararating lang. He looked exhausted from his trip. Ako dapat ang magsabi sa kaniya na hindi ko siya inaasahang makita rito. My mother told me that their divorce was finalized a few days ago. Ni hindi ko nakita si Dad sa ospital at ang sabi sa akin ni Ate ay nasa Australia pa ito. “That makes two of us. What brought you here?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung aware si Mommy na darating ang aking ama ngayon. “I just came to pick up a few things. This is still my house, Brandon.” Humila siya ng isan
KELLY“SHE’S my half sister . . . but nevertheless, still a sister. My mother got pregnant pero hindi pinanagutan ng aking ama. My father married someone he loves at hindi ang nanay ko ’yon. I was a product of a one-night stand, believe it or not. Bihira kaming magkita ni Cordelia, pero tuwing dadalawin ako ni Tatay sa birthday ko ay isinasama niya ang kapatid ko. Some people don’t like it. Ayaw nila na may kahati. Pero ang pusong puno ng pagmamahal, kaya niyang tanggapin halos lahat. And I love my sister. She’s nice to me even though I think she’s a brat. Hindi sila mayaman, pero dahil iisa siyang anak ay nagagawa niya ang lahat ng ibigin—including taking your father away from your mother.”Sinabi sa akin ni Nanay ang tungkol kay Cordelia pero katulad niya ay hindi ko alam na may nakatatandang kapatid ito. “Eventually, my mother married someone, mahirap din katulad niya, pero hindi sila nagkaanak at sa kalaunan ay naghiwalay rin. I don’t know where he is now but when my mother died,
KELLYTHE woman just looked at me and left immediately. There were tears in her eyes at kahit hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman sa kaniya, pinili kong huwag makaramdam ng galit. Labas ako sa nangyari noon.Huminga ako nang malalim at inayos ang expression ng aking mukha. Nang pumasok ako ng silid ay mabilis na pinahid ni Mommy ang luha niya. “Bakit ang tagal mo?!” May angil ang pagtatanong niya. She’s trying to cover up her anger . . . and sadness. I smiled at my mother-in-law. “May pila po kasi sa cafeteria.”Mommy made a face but didn’t comment.“Hindi ko po pala naitanong kung ano’ng gusto n’yong tea. Binili ko na po ’yong tatlong available. Green tea, chamomile, at—”“Green tea na lang. Iyong chamomile, sa ’yo na para makatulog ka.” It’s funny how she’s giving me a cold treatment, and a few seconds later, she would give me words that let me know she cares. And it made of think of how she was before all this mess. Mas mapagmahal ba siya o sadyang ganito na ang uga
KELLYNANG pumasok ako sa silid ni Mommy ay nadatnan ko siyang gising at nanonood ng TV. Her leg and arm is on a cast and I feel bad for her. Kahit pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita, I know she’s a proud woman. Siya iyong tipo ng tao na hindi tumatanggap basta-basta ng tulong. “Good evening po,” bati ko sa kaniya.She didn’t bother to look at me but she didn’t send me away so I will take it as a good sign. Naupo ako sa isang silya roon at sumandal. Gusto ko sanang itaas ang binti ko pero nahihiya ako. “If you want to put your feet up, do it,” paangil niyang wika sa akin. Hindi ako tumingin sa kaniya pero ginawa ko ang sinabi niya. Naroon ang concern sa salita niya kapag hindi pinansin ang tono. She was watching some movie that I am not familiar with. Baka naghanap lang siya ng mapanonood para pampalipas ng oras. Nilingon ko siya and that’s when I noticed the remote was too far from her. Kaya pala parang wala siya sa mood kanina pa, hindi mailipat ang channel. I wondered w
KELLY“WHAT are you doing here?”He is Brandon’s ex. At alam kong noong unang makita ko siya sa ospital ay naroon siya dahil tumulong siya sa airlift assistance ni Ate. This time though, she is not needed here.Saglit na gumuhit sa mga mata niya ang pagkagulat at umawang ang mga labi niya. I bet she wasn’t expecting my tone. Iyong tanong ko, normal ’yon. Pero iyong tono ko, that’s me marking my territory. My hunch was right when the thought crossed that she’s still pining over my husband. They were over a long time ago. And she’s pregnant for fuck’s sake. Kapatid pa ni Brandon ang ama ng bata. It’s ridiculous!“I heard about the accident on the news and I—”“He is in the intensive care right now. Visitor’s hours are over. You can leave now,” malamig kong tugon sa kaniya. If she was just a plain friend, bakit ako magagalit na dumalaw siya? May hidden agenda siya at iyon ang hindi ko gusto. I am no saint at hindi ko ugali ang makipag-away lalo na kung tungkol sa lalaki rin lang. But Br