KELLY
KAY agang mambuwisit ng lalaking ’yon! May tuyong laway raw ako kahit wala. ’Tapos mag-aaya na magsalo sa almusal? Neknek niya! Hindi niya ako makukuha sa mga suhol na ’yan. Mas mabuti na pa umpisahan ko na ang trabaho at bakasakaling mas maaga akong matapos dito.
Kung sana ay dalawa kami ni Suzette na maglilinis, mas mabilis. At ang buwisit na bagyo ay wala pa ring tigil. Tuwing naaalala ko na nalubak si Brandon kahapon at nasabuyan na naman ako ay gusto ko siyang tirisin nang pino. Ganoon din ang nangyari sa amin noong high school. Iyon daw ang unang kita niya sa akin.
Bandang alas-otso ay nakaramdam ako ng kalam ng sikmura at ang sakit ng aking ulo ay palala nang palala. Masakit din ang kasu-kasuan ko at mukhang tatrangkasuhin pa ako rito. Sabi ko na nga ba at walang magandang dulot ang pagkikita namin ni Brandon.
Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo ngayon pero itinigil ko ito at naghugas ako ng kamay saka tinungo ang kusina. Kape at tinapay lang ay ayos na. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig sa percolator ay biglang dumating si Brandon.
“Excuse me for a second, kukuha lang ako ng baso.” He was standing so close to me at amoy na amoy ko ang sabon na ginamit niya sa pagligo.
Hindi nakatulong na nakatalikod ako at pumwesto siya sa likod ko. All sorts of emotions and visuals came rushing in at lalo akong nahilo. Pati ang mainit niyang hininga ay ramdam ko sa may gilid ng aking mukha.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
“I’m . . . I’m f-fine.” Kanda-utal na ako sa pagsagot sa kaniya.
Nang maibaba niya ang baso sa counter ay lalo siyang dumikit sa akin at hindi pa nakontento, ipinatong sa magkabilang gilid ang mga kamay. He caged me at wala akong kawala.
“You looked flushed. Are you sure you’re okay?” His voice was so low it came out as a whisper.
“O-Okay l-lang a-ako.” Bigla akong nilamig at lalong sumakit ang ulo ko.
“I missed you.”
Now I can’t distinguish reality. Na-miss daw niya ako? Totoo ba ang narinig ko o nagdedeliryo lang ako?
Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at hinayaan ko lang siya. Ang mainit niyang hininga ay palapit nang palapit sa leeg ko, at nang maramdaman ko ang mga labi niyang magpatak ng halik doon ay napapikit ako.
I’m dizzy.
“Jeez, Kelly! You’re burning up.” Iyong ang huli kong narinig na sinabi niya.
***
BRANDON
MABILIS ko siyang binuhat at dinala sa salas. Inihiga ko siya sa sofa, tinanggal ang sapatos niya at saka kinumutan. Kaya siya namumula at hindi pumapalag sa advances ko ay hindi dahil marupok siya kung hindi nilalagnat siya. Paano ko paiinumin ng gamot ang babaeng ’yon kung hindi pa siya kumakain? Napakatigas kasi ng ulo, e.
Kinuha ko ang ice cubes mula sa freezer at inilagay sa bowl na may tubig. Binalikan ko siya at nilagyan ng benda saka bumalik sa kusina. Mabuti na lang at open concept ang bahay kaya nakikita ko siya at nababantayan kahit nasa salas siya.
Nakakulo na ang tubig sa percolator at nang magbuklat ako ng cupboard ay may ilan pang instant noodles na nasa cup. Ito muna ang ipakakain ko sa kaniya at kailangan ay madalian. Kumuha rin ako ng dalawang acetaminophen para bumaba ang lagnat niya.
I prepared a tray at saka siya binalikan sa salas. Her eyes were closed at ang kaninang panginginig niya ay humupa nang bahagya. Inalis ko ang benda at ibinalik sa bowl.
“Kel, higupin mo itong broth para makainom ka ng gamot.” I helped her up and put a few pillows behind her.
She looked so weak. Kasalanan ko kung bakit siya nilalagnat ngayon. What was I thinking leaving her to walk in the rain yesterday? Kahit naka-jacket siya ay may lamig pa rin ang hangin and she was soaked from head to toe. Hindi ako dapat nagpadala sa pagtataray niya. I should have expected her reaction upon seeing me.
Bumuka ang bibig niya at inabot sa akin ang tasa pero nanginginig ang mga kamay niya. Sa takot kong mabuhos sa kaniya ang mainit na sabaw ay hindi ko iyon binitiwan.
“Let me help you.”
“K-Kaya k-ko,” sagot niya sa akin. Kelly has always been a proud woman kahit noong high school pa lang kami. She rarely asked for help.
“Could we just get along while you’re sick, please? Ceasefire muna,” wika ko sa kaniya sa mababang boses.
Nag-iwas siya ng tingin at pagkuwa’y tumango. Hinayaan niya akong kapitan ang tasa at painumin siya. When she was done with it, ibinaba ko ’yon sa lamesita at kinuha ang gamot.
“Here, take this. Acetaminophen lang ito para sa lagnat mo.”
Kinuha niya ’yon sa akin at inabot ang isang baso ng tubig sa akin.
“Uminom ka nang marami para pagpawisan ka. Nilalamig ka pa ba?”
Ibinalik niya ang baso sa akin at saka tumango. “Nilalamig pa rin ako.”
“I’ll take you upstairs para mas makapahinga ka nang maayos. Or would you rather stay here in the living room for a bit? I can turn on the TV if you like.”
“D-Dito muna ’ko. And please turn on the TV para kahit paano may m-marinig ako.”
I turned it on and gave her the remote. Namimigat ang mga mata niya habang inaayos ko ang kaniyang kumot. Kinuha ko ang benda niya sa bowl at saka piniga. Ibinalik ko ’yon sa noo niya at bahagya pa siyang umangil.
“Sshh. You need this para bumaba ang lagnat mo,” paalala ko sa kaniya.
Maya-maya ay tuluyan na siyang pumikit at iginupo ng antok. Dinala ko sa kusina ang kinainan niya at hinugasan. I came back to the living room with a bottled water at naupo sa tabi niya. Kinuha ko ang isang kamay niya at h******n ’yon. Tulog na tulog pa rin siya pero hindi na siya nanginginig ngayon.
Naupo ako sa carpet habang kapit ang kamay niya at tahimik na nanood ng TV. Pati ako ay dinalaw ng antok. I just know that I am glad na nandito ako sa tabi niya lalo na at may sakit siya.
BRANDON Three months later . . . I WILL never understand why my father had to cheat. If he was no longer happy, bakit hindi na lang niya kinausap si Mommy at nakipaghiwalay nang maayos? Siguro nga ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang tama at mali. I just know that I will be a better father to my kids and a better husband to my wife. Ngayong alam ko ang dinanas ni Mommy sa piling ng asawa niya, naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling. She was simply trying to shield me from harm. Sa takot niya, sumobra naman. Idagdag pa na may pangyayari mula sa nakaraan sa pagitan nila ng pamilya ng magulang ni Kelly. “I thought this day would never come,” bulong sa akin ni Kelly habang pinagmamasdan si Mommy kasama ang mga biyenan ko. Narito sila ngayon sa bahay namin ni Kelly. As soon as the doctor gave us the go signal, isinama ko ang aking ina pauwi ng Pilipinas. Gusto kong maiba ang paligid niya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Bilang na bilang sa d
BRANDONIT’S been two weeks since the accident, and instead of going home to our condo, my wife and I stayed at my parents’ house. Pangalawang araw namin dito ngayon. Bukod sa walang kasama si Mommy, si Kelly rin ang may gusto nito para maalagaan niya kami nang sabay. Hindi raw dapat iniaasa sa kasambahay o sa nurse ang pag-aalaga sa pamilya kung mayroon namang kapamilya na available—at siya ’yon. “I didn’t expect to find you here.” Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ama na kararating lang. He looked exhausted from his trip. Ako dapat ang magsabi sa kaniya na hindi ko siya inaasahang makita rito. My mother told me that their divorce was finalized a few days ago. Ni hindi ko nakita si Dad sa ospital at ang sabi sa akin ni Ate ay nasa Australia pa ito. “That makes two of us. What brought you here?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung aware si Mommy na darating ang aking ama ngayon. “I just came to pick up a few things. This is still my house, Brandon.” Humila siya ng isan
KELLY“SHE’S my half sister . . . but nevertheless, still a sister. My mother got pregnant pero hindi pinanagutan ng aking ama. My father married someone he loves at hindi ang nanay ko ’yon. I was a product of a one-night stand, believe it or not. Bihira kaming magkita ni Cordelia, pero tuwing dadalawin ako ni Tatay sa birthday ko ay isinasama niya ang kapatid ko. Some people don’t like it. Ayaw nila na may kahati. Pero ang pusong puno ng pagmamahal, kaya niyang tanggapin halos lahat. And I love my sister. She’s nice to me even though I think she’s a brat. Hindi sila mayaman, pero dahil iisa siyang anak ay nagagawa niya ang lahat ng ibigin—including taking your father away from your mother.”Sinabi sa akin ni Nanay ang tungkol kay Cordelia pero katulad niya ay hindi ko alam na may nakatatandang kapatid ito. “Eventually, my mother married someone, mahirap din katulad niya, pero hindi sila nagkaanak at sa kalaunan ay naghiwalay rin. I don’t know where he is now but when my mother died,
KELLYTHE woman just looked at me and left immediately. There were tears in her eyes at kahit hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman sa kaniya, pinili kong huwag makaramdam ng galit. Labas ako sa nangyari noon.Huminga ako nang malalim at inayos ang expression ng aking mukha. Nang pumasok ako ng silid ay mabilis na pinahid ni Mommy ang luha niya. “Bakit ang tagal mo?!” May angil ang pagtatanong niya. She’s trying to cover up her anger . . . and sadness. I smiled at my mother-in-law. “May pila po kasi sa cafeteria.”Mommy made a face but didn’t comment.“Hindi ko po pala naitanong kung ano’ng gusto n’yong tea. Binili ko na po ’yong tatlong available. Green tea, chamomile, at—”“Green tea na lang. Iyong chamomile, sa ’yo na para makatulog ka.” It’s funny how she’s giving me a cold treatment, and a few seconds later, she would give me words that let me know she cares. And it made of think of how she was before all this mess. Mas mapagmahal ba siya o sadyang ganito na ang uga
KELLYNANG pumasok ako sa silid ni Mommy ay nadatnan ko siyang gising at nanonood ng TV. Her leg and arm is on a cast and I feel bad for her. Kahit pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita, I know she’s a proud woman. Siya iyong tipo ng tao na hindi tumatanggap basta-basta ng tulong. “Good evening po,” bati ko sa kaniya.She didn’t bother to look at me but she didn’t send me away so I will take it as a good sign. Naupo ako sa isang silya roon at sumandal. Gusto ko sanang itaas ang binti ko pero nahihiya ako. “If you want to put your feet up, do it,” paangil niyang wika sa akin. Hindi ako tumingin sa kaniya pero ginawa ko ang sinabi niya. Naroon ang concern sa salita niya kapag hindi pinansin ang tono. She was watching some movie that I am not familiar with. Baka naghanap lang siya ng mapanonood para pampalipas ng oras. Nilingon ko siya and that’s when I noticed the remote was too far from her. Kaya pala parang wala siya sa mood kanina pa, hindi mailipat ang channel. I wondered w
KELLY“WHAT are you doing here?”He is Brandon’s ex. At alam kong noong unang makita ko siya sa ospital ay naroon siya dahil tumulong siya sa airlift assistance ni Ate. This time though, she is not needed here.Saglit na gumuhit sa mga mata niya ang pagkagulat at umawang ang mga labi niya. I bet she wasn’t expecting my tone. Iyong tanong ko, normal ’yon. Pero iyong tono ko, that’s me marking my territory. My hunch was right when the thought crossed that she’s still pining over my husband. They were over a long time ago. And she’s pregnant for fuck’s sake. Kapatid pa ni Brandon ang ama ng bata. It’s ridiculous!“I heard about the accident on the news and I—”“He is in the intensive care right now. Visitor’s hours are over. You can leave now,” malamig kong tugon sa kaniya. If she was just a plain friend, bakit ako magagalit na dumalaw siya? May hidden agenda siya at iyon ang hindi ko gusto. I am no saint at hindi ko ugali ang makipag-away lalo na kung tungkol sa lalaki rin lang. But Br