Share

Chapter 6

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-28 19:39:15

Chapter 6

Habang hinihintay ko silang makalabas sina Mikaela sa silid ni Aerol, napabuntong-hininga ako. "Mikaela," sabi ko, "alam kong nagkamali ako. Sana mapatawad mo ako balang araw," dagdag kong sabi.

"Hindi ko alam kung kailan, pero sana nga," sagot niya sa akin habang tinititigan ako. "Ang mahalaga ngayon ay makasama ko si Aerol," dagdag niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ng aming anak.

Wala akong pinagsisisihan sa desisyon ng Korte na makuha ni Mikaela ang karapatan bilang ina kay Aerol.

Hanggang tuluyan na silang umalis sa aking mansion. Tanging likuran lamang nila ang aking nakita hanggang humarap ang aking anak saka tumakbo pabalik sa akin.

"Mahal po kita, Papa! Mag-iingat po kayo palagi," sambit nito at yumakap sa akin saka bumalik sa kanyang ina.

Hindi ko maiwasang masaktan at mapaluha habang tinatanaw silang papaalis. Ang bawat hakbang nila palayo ay parang kutsilyong tumatama sa aking puso, ngunit alam kong ito ang tamang desisyon para sa kapakanan ni Aerol.

Hanggang tuluyan itong nawala sa aking paningin. Kaya agad kong tinawagan ang aking abogado upang magsampa ng kaso kay Blanca. Dahil sa pag-aabuso nito sa aking anak, dapat na pagbayaran niya ito sa kulungan.

"Attorney,ampa ng kaso laban kay Blanca. Hindi ko papayagang makaligtas siya sa ginawa niyang pag-aabuso kay Aerol," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit.

"Agad ko pong aasikasuhin, Sir. Kailangan nating makuha ang lahat ng ebidensya upang masiguradong mapapanagot siya," sagot ng aking abogado, na ramdam ang aking determinasyon.

"Siguraduhin mong magbabayad siya. Hindi ko hahayaang makaligtas ang taong nanakit sa aking anak," dagdag ko, habang pinipigil ang poot na nararamdaman ko.

"Yes, Sir. Aasikasuhin ko po agad," sagot niya, bago ko ibaba ang telepono.

Habang nakaupo sa aking opisina, hindi ko maiwasang magalit sa bawat alaala ng pagdurusa ni Aerol. Hindi ko mapapatawad si Blanca sa ginawa niyang kasamaan. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng iyon.

Sa mga sandaling iyon, alam kong walang makakapigil sa akin na makamit ang hustisya para kay Aerol. Gagawin ko ang lahat, kahit ano pa ang kailangan kong harapin, upang masiguradong makakamit namin ang katarungan.

Kinabukasan ay agad kaming nagtungo sa korte. Doon nakita ko si Blanca na balisa at namumutla. Ngunit hindi ako naawa sa kanya dahil minamaltrato niya ang aking 5 taong gulang na anak na si Aerol.

"Blanca, ngayon ay haharapin mo ang hustisya," sabi ko sa kanya, ang boses ko ay puno ng galit sa aking dibdib.

Hindi siya makatingin nang diretso sa akin, halatang natatakot sa mga posibleng mangyari. Pero wala akong pakialam sa kanyang nararamdaman. Ang tanging mahalaga sa akin ay ang kaligtasan at katarungan para kay Aerol.

Habang nasa loob ng korte, ipinresenta ng aking abogado ang lahat ng ebidensya laban kay Blanca. Ang mga larawan, testimonya, at mga medikal na ulat ay sapat na upang ipakita ang kalupitan na dinanas ni Aerol sa kanyang mga kamay.

"Your Honor, ang mga ebidensyang ito ay malinaw na nagpapakita ng pag-aabuso na dinanas ng batang si Aerol. Hinihiling namin na bigyan ng karampatang parusa si Blanca upang hindi na niya magawang manakit ng iba pang mga bata," sabi ng aking abogado, puno ng kumpiyansa.

Nang magsalita si Blanca, halata ang kanyang pangangatwiran at pagmamakaawa. "Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko," sabi niya, ang boses niya ay nanginginig.

Pero hindi ako natitinag. Alam ko ang totoo, at hindi ako papayag na makalusot siya sa kanyang mga ginawa.

Pagkatapos ng ilang oras ng pagdinig, nagbigay ng hatol ang hukom. "Blanca, sa mga ebidensyang iprinisenta at sa testimonya ng mga saksi, ikaw ay napatunayang nagkasala sa kasong pag-aabuso sa bata. Ikaw ay hinatulan ng pagkakakulong ng labinglimang taon," sabi ng hukom, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ko ang kaunting ginhawa. Alam kong kahit papaano, nakamit namin ang hustisya para kay Aerol.

Habang dinadala si Blanca palabas ng korte, hindi ko maiwasang mapansin ang takot at pagsisisi sa kanyang mukha. Pero wala akong awa para sa kanya. Ang tanging mahalaga sa akin ay ang kaligtasan at kapakanan ng aking anak.

Pagkatapos ng pagdinig, lumabas ako ng korte at huminga nang malalim. Lumapit sa akin ang aking abogado at tinapik ang aking balikat. "Nagawa natin, Sir. Nakamit natin ang hustisya para kay Aerol," sabi niya.

"Salamat, Attorney. Malaking bagay ang ginawa mo para sa amin," sagot ko, habang pinipilit ngumiti.

Pagkatapos kong magpasalamat sa attorney ko ay agad akong umalis at nagtungo sa mall. Doon ay nakita ko si Aerol na masayang namamasyal kasama ang kanyang ina na si Mikaela.

Kahit isang gabi lang kami nakahiwalay, ramdam ko ang pagkangulila sa kanya. Hanggang nakita niya ako kaya tumakbo siya patungo sa akin.

"Papa!" sigaw ni Aerol, habang mabilis na tumatakbo papalapit sa akin.

Agad ko siyang sinalubong at niyakap nang mahigpit. "Aerol, anak! Miss na miss kita," sabi ko, habang pinipigilan ang luha sa aking mga mata.

"Miss na miss din kita, Papa," sagot niya, habang mahigpit na yumakap sa akin.

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng aking anak. Alam kong kahit anong mangyari, siya ang aking inspirasyon at lakas.

Nang lumapit si Mikaela, ngumiti siya sa akin. "Mukhang masaya si Aerol na makita ka," sabi niya, habang tinitingnan kami.

"Salamat, Mikaela. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito, pero salamat sa pag-unawa," sabi ko, habang tinitingnan siya ng may pasasalamat.

"Walang anuman, Mr. Enriquez. Ang mahalaga ay ang kaligayahan ni Aerol," sagot niya, habang hinahaplos ang buhok ng aming anak.

"Papa, pwede ba tayong mamasyal kasama si Mama?" tanong ni Aerol, habang nakatingin sa akin ng may kislap sa kanyang mga mata.

"Oo naman, anak. Gagawin natin ang lahat para sa'yo," sagot ko, habang tinitingnan si Mikaela na tila nag-aalok ng isang bagong simula.

Kaya agad akong sumama sa kanilang pamamasyal, sa loob ng tatlong taon na wala akong balita sa kanya ay hindi ko akalain na ang babaing nakilala ko sa bar ay siyang ina ng aking anak ay naging matatag mula noong kinuha ko sa kanya ang bata.

Ang akala ko ah bubuhayin lamang nito ang aking anak pamamagitan ng pagbinta sa kanyang katawan.

Palihim ko iyong pina-imbestigahan at nalaman kong mula noon mawalay ang kanyang anak ay umalis ito nagtungo sa ibang bansa. Nag tatrabaho ito kasama ang kanyang kaibigan hanggang nakapagtayo ng sarili restuarant doon at dito.

'Ibang klaseng, babae!' tanging bigkas ko sa aking isipan habang naiisip ko ang kanyang mga dinadaan hirap upang maging isang successful chef.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Fate's Cruel Dance   Author's Note:

    Author's Note: Mahal kong mga mambabasa, Una sa lahat, nais kong magpasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso sa inyong walang sawang suporta at pagtangkilik sa kwentong ito. Ang inyong mga komento, pagbati, at pagbabalik-tanaw sa bawat kabanata ay nagbibigay sa akin ng labis na kaligayahan at inspirasyon upang magpatuloy sa pagsusulat. Ang kwentong ito ay hindi magiging ganito ka-makabuluhan kung hindi dahil sa inyo. Sa bawat pahina, ang inyong malasakit at pagpapahalaga sa mga karakter ay nagbigay ng buhay sa kwento. Lahat ng ito ay nagiging makulay dahil sa inyong pag-aalala at pag-unawa sa mga tema ng pagmamahal, pamilya, at pagtutulungan. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik. Hanggang sa susunod na kwento, nawa'y magpatuloy tayo sa paglalakbay ng mga kwentong nagbubukas ng puso at nagbibigay inspirasyon. Muli, maraming salamat at sana'y magpatuloy ang ating pagkakaibigan sa pamamagitan ng mga salita. Lubos na nagpapasalamat, Inday_Stories Morals Ang kwenton

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 119

    Chapter 119Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Ruby at Elias. Nagpasya kami na samahan siya ni Elias para sa check-up sa doktor. Excited kami dahil nais naming tiyakin ang kalagayan ng aking asawa at ng batang dinadala niya. Habang naghahanda si Ruby, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa magandang balita na ibinahagi niya sa akin. Hindi lang ako magiging tatay ulit, kundi may bagong miyembro pa ng pamilya.Pumunta kami sa ospital, at nang makapasok kami sa clinic, agad kaming tinawag ng nurse. Kasama si Elias na masaya at excited na makakita ng doktor. Habang si Ruby ay nagpapa-checkup, hindi ko maiwasang magmasid sa mga ginagawa nila. Tahimik lang si Elias sa aking tabi, habang ang kanyang mga mata ay puno ng kuryusidad.Pagkatapos ng ilang minuto, dumating ang doktor at sinabi ang isang bagay na ikinagulat ko."Aerol, Ruby," sabi ng doktor, "Hindi lang isa ang baby na dinadala mo, kundi dalawa. Twins!"Habang naririnig ko ang mga salitang iyon, hindi ko agad matanggap. Dalawa?

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 118

    Chapter 118Tinutok ko ang aking mata sa kanya, at nakita ko ang kaligayahan sa kanyang mga mata. "Ang pinakamahalaga, Ruby, ay yung magkasama tayo. Hindi ko na kayang mawalan pa ng ganitong buhay—ang buhay na puno ng pagmamahal at pagkalinga."Si Ruby ang naging ilaw ng buhay ko. Siya ang tumulong sa akin na baguhin ang mga maling pananaw ko. Siya ang naging katuwang ko sa lahat ng aspeto ng buhay—sa negosyo, sa pagpapalaki kay Elias, at sa lahat ng aspeto ng pagiging mag-asawa.Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na dumaan, ang pagmamahal namin ni Ruby ay naging matibay na pundasyon para sa aming pamilya. Hindi laging madali ang buhay, pero natutunan namin na magkasama, mas madali ang lahat. Ang bawat sakripisyo, bawat pagod, ay nagiging magaan dahil magkasama kami.Ngayon, habang nakaupo kami ni Ruby at tinitingnan si Elias na naglalaro sa sala, ramdam ko ang kabuuan ng buhay namin. Walang materyal na bagay na makakapantay sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Si Ruby at Elias ang

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 117

    Chapter 117Habang tinitingnan ko si Ruby, at ang anak namin na si Elias, ramdam ko ang kabigatan ng mga salitang iyon—ang lahat ng pagsubok, ang lahat ng sakripisyo na kami ay pinagdadaanan, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam ko na ang pinakamahalaga ay ang pamilya ko. Si Ruby, na hindi ko inisip na magiging kabuntot ko sa lahat ng laban ng buhay. Ang aming anak, si Elias, na hindi ko akalain na magiging pinagmumulan ng lakas ko sa mga oras ng pangangailangan.Minsan, iniisip ko kung paano kami nagsimula. Paano ba kami nagkakilala ni Ruby? Kung paano kami napadpad sa ganitong buhay na puno ng pagmamahal, sakripisyo, at pagtutulungan.Noong una, hindi ko inisip na magiging ganito kami. Nang una kong makilala si Ruby, hindi ko agad nakita ang lahat ng kahalagahan niya sa buhay ko. Isa siyang babaeng may sariling mundo, hindi nanghihingi ng kahit ano, at hindi madaling makuha ang atensyon. Nagsimula kami bilang magkaibigan, at unti-unti, nagbukas ang puso ko sa kanya. Hindi siya ka

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 116

    Chapter 116Nasa buhay kami ni Aerol ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. May mga pagkakataon na naiisip ko kung gaano kahalaga ang bawat hakbang na ginagawa namin bilang mag-asawa at magulang. Ang pagiging magulang sa isang batang tulad ni Elias ay nagbibigay ng mas malaking kahulugan sa aming buhay. Hindi na kami nagmamadali; natutunan na naming tanggapin ang bawat hakbang at ang mga pagsubok na kasabay ng buhay."Masaya ako," sabi ni Aerol isang gabi habang nag-uusap kami sa sala. "Masaya ako na ang lahat ng ito ay nangyari. Hindi ko kayang maisip kung anong buhay ang mayroon tayo ngayon kung hindi tayo naging magkasama."Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga salitang iyon. Minsan, kahit gaano kahirap ang buhay, ang mga simpleng sandali ng kaligayahan ay sapat na. Ang mga simpleng yakap, ang pagtawa, ang pagkakasama sa araw-araw—lahat ito ay nagbibigay ng lakas sa amin upang magpatuloy. Ang tunay na kayamanan ay ang mga simpleng bagay na mayroon kami ngayon."Salam

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 115

    Chapter 115 Habang tinitingnan ko si Elias na natutulog sa kanyang kama, hindi ko maiwasang magpasalamat sa lahat ng biyayang natamo namin. Minsan, mahirap paniwalaan kung paano mula sa simpleng pagkakakilala namin ni Aerol, nakarating kami sa puntong ito—isang masaya at buo na pamilya. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi kami nawalan ng pag-asa. Naalala ko pa noon, bago kami magpakasal, kung gaano kami kaligaya sa mga simpleng bagay. Madalas kaming maglakad-lakad sa parke, mag-kape sa isang maliit na kanto, at mag-usap ng mga bagay tungkol sa hinaharap. Hindi kami nagmadali. Pareho kaming nagnanais ng isang buhay na puno ng pagmamahal, hindi ng mga materyal na bagay. Si Aerol, kahit galing sa isang mayamang pamilya, ay hindi kailanman ipinagmalaki ang kanyang estado. Wala siyang pakialam sa mga materyal na bagay, ang mahalaga sa kanya ay ang pagmamahal at pagkakaroon ng magandang relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Ang simpleng buhay na mayroon kami ay mas binigyan namin ng hal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status