Si Mikaela, nawasak ang puso matapos matuklasan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, ay ibinuhos ang kanyang kalungkutan sa alak sa isang lokal na bar. Sa kalasingan, nagkaroon siya ng one-night stand sa isang estranghero. Limang taon ang lumipas, habang nahihirapan siyang makahanap ng pera para sa operasyon ng kanyang maysakit na anak, napilitan siyang magtrabaho bilang isang GRO ng isang gabi. Sa isang high-end na bar, iniligtas siya mula sa mga agresibong parokyano ng mga bodyguard at dinala sa isang VIP room, kung saan nakilala niya ang lalaking nakasiping niya noon. Napagtanto niyang ito ang ama ng kanyang anak at isang makapangyarihang bilyonaryo, ang may-ari ng Enriquez Empire. John Troy Enriquez, bussiness man. Isang mapusok at nakakatakot na tao isang makapangyarihang angkan. Tinulungan siya nitong makuha ang kinakailangang medikal na pangangalaga para sa kanilang anak. Ano kayang mangyayari sa kanyang buhay? Malampasan ba kaya niya ang ang pagsubok sa kanyang buhay pag-ibig?
View MoreChapter 20 Pagkatapos ng pagbisita ni Carla, hindi na maalis sa isip ko ang tanong na iniwan niya. Habang abala ako sa araw-araw na gawain, palagi kong naiisip. 'Paano nga kaya kung magpakasal kami ni Troy?' sambit ko sa aking isipan. Kinabukasan, habang si Aerol ay nasa eskwelahan, napagpasyahan kong lumabas at maglakad-lakad sa parke malapit sa bahay. Sa tahimik na paligid, tila mas naging malinaw ang mga katanungan sa isip ko. Nais kong tanungin si Troy kung iniisip rin ba niya ang tungkol dito, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap na iyon. Dumaan ang ilang araw at dumating ang linggo na ipinangako ni Troy na babalikan niya si Aerol. Kaya hinanda ko ang aking sarili para sa binabalak ko. Nang dumating siya, naramdaman kong may kakaiba sa kanyang mga galaw—parang may mas malalim siyang iniisip. Habang tinutulungan niyang mag-ayos si Aerol ng mga laruan bago sila umalis, sinubukan kong mag-ipon ng lakas ng loob upang itanong ang bumabagabag sa akin. “Tr
Chapter 19 Lumipas ang ilang araw at isang hapon, dumalaw ang matalik kong kaibigan na si Carla. Siya ang ninang ni Aerol at isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. Habang abala akong nag-aayos ng meryenda sa kusina, narinig ko ang kanyang pamilyar na boses mula sa sala. “Mikaela, hindi mo man lang ako binabati! Ako pa itong dumalaw sa inyo, ha!” biro ni Carla habang pumasok sa kusina, dala ang kanyang masayahing enerhiya. Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. “Naku, pasensya ka na. Abala lang talaga ako. Kamusta ka na?” tanong ko dito. Umupo siya sa mesa at tinignan ako nang seryoso. “Ako? Ayos lang. Pero ikaw, kailan ka ba magiging ayos? Lagi ka na lang busy sa restaurant, ni Hindi mo ako magawang dalawin man lang!" madamdaming bigkas niya. Hindi ko alam kung saan patungo ang tanong na iyon, kaya tumingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata. “Kawawa naman ang inaanak ko,” malungkot niyang sabi, habang sumimsim ng kape. “Alam mo, Mika, bakit hindi na lang kayo
Chapter 18 Mikaela POV Habang naglalakad papalabas ng cafe, ramdam ko pa rin ang bigat ng pag-uusap namin ni Troy. Ang hangin sa labas ay malamig, ngunit tila mas malamig pa ang pakiramdam ko sa loob. Hindi dahil sa galit o tampo, kundi dahil sa takot para sa hinaharap ni Aerol. Paano kung masyadong mabilis na tinutulak ni Troy si Aerol sa responsibilidad ng pagiging tagapagmana ng kompanya? Bata pa siya, at gusto ko siyang protektahan mula sa bigat ng mundong iyon, kahit na alam kong balang araw ay wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ito. Tahimik akong nagmaneho pauwi, ang isipan ko ay puno ng mga tanong. Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Aerol na naglalaro sa sala, abala sa mga laruan niya. Nakangiti siyang tumingin sa akin, walang kaalam-alam sa mga bagay na pinaplano namin ng kanyang ama para sa kanya. “Mama, tingnan mo! Ginawa ko 'to!” masaya niyang sabi, ipinakita ang isang robot na kanyang pinagsama-sama mula sa mga piraso ng Lego. Ngumiti ako, pilit na
Chapter 17 Napabuntong-hininga na lamang ako hanggang umakyat sa aking silid. Pagdating ko sa loob, umupo ako sa kama, ramdam ang bigat ng pagod at mga iniisip. Bumabalik sa akin ang mga alaala ng nakaraan, mga pangyayaring hindi ko kayang kalimutan, lalo na ang gabing nakita ko si Mikaela sa bar. Nandoon siya, umiinom nang mag-isa, tila may dinadala rin sa kanyang isipan. Malayo ang tingin niya, parang may hinahanap na sagot sa bawat lagok ng alak. Noon ko lang siya nakita sa ganoong estado—tahimik, malungkot, at parang pinipilit itago ang sakit. Ngunit sa mga mata niya, ramdam kong may bagay siyang gustong iparating, kahit walang sinasabing salita. Naisip ko, paano kaya kung lumapit ako sa kanya noong gabing iyon? May magbabago kaya? Hanggang bumalik ang sa nakaraan. Kung paano ko nito nilapitan at nagpakilala ako dito, dahil ngayon ko lamang ito nakita sa ganoong lugar. Hanggang humantong sa One night stand. Flashback "Hi!" bigkas ko. Agad itong lumingon sa akin na maymap
Chapter 16 Troy POVHabang natutulog Ang aking anak ay naisip kong dalhin ito sa aking kompanya upang makilala ito sa aking mga empleyado. Pumunta muna ako sa banyo upang maglinis ng ngipin at magbihis saka ako tumabi sa pagtulong ng aking anak na mahihimbing natutulog. Kinabukasan, maaga akong nagising upang ipaghanda ito ng almusal bago kami pupunta sa kompanya."Anak, pagkatapos mong kumain ay maligo ka agad dahil isasama kita sa aking kompanya," wika ko habang sininyasan ang isang katulong na hatiran lami ng tubig. "Talaga daddy? Isasama mo ako?" ngiti nitong sabi. Tanging tango lamang ang aking sagot habang ngumunguya sa aking kinain. Hindi nagtagal kaming natapos kumain kaya agad itong umakyat sa silid para maligo at magbihis.Habang nasa loob ako ng aking opisina sa loob ng aking mansyon ay agad kong tinawag ang pangalan ng aking anak. "Aerol, anak. Tayo na, aalis na tayo. Pupunta tayo sa kompanya na pagmamay-ari ko ngayon, ngunit magiging iyo rin balang araw," sabi
Chapter 15Habang nasa himpapawid ako pauwi sa Pilipinas, hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement sa aking puso. Miss na miss ko na ang aking anak na si Aerol na nasa pangangalaga ng kanyang ina.Habang lumilipad ang eroplano, nagbalik-tanaw ako sa mga masasayang alaala namin ni Aerol. Ang mga oras na ginugol naming magkasama sa paglalaro sa parke, ang mga kwentuhan bago matulog, at ang mga simpleng sandali na puno ng tawanan at pagmamahal. Hindi ko maiwasang mag-isip kung gaano na siya kalaki ngayon at kung ano na ang mga bagong natutunan niya habang wala ako.Paglapag ng eroplano, mabilis akong kumuha ng aking mga bagahe at nagmamadaling lumabas ng paliparan. Habang papalapit ako sa tirahan ni Mikaela, nararamdaman ko ang pagtibok ng aking puso nang mas mabilis. Sa wakas, makikita ko na ulit ang aking anak.Pagdating ko sa pintuan, kumatok ako ng marahan. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mikaela, may ngiti sa kanyang mga labi. "Nandito ka na pala,"
Chapter 14 Pagkatapos ng meeting, bumalik ako sa aking opisina upang maghanda ng mga ulat at tumugon sa mga emails. Habang abala ako sa aking trabaho, kumatok si Maria sa pinto at pumasok. "Sir, may mga bagong dokumento na kailangan niyong pirmahan para sa susunod na phase ng proyekto," sabi ni Maria habang inaabot ang mga papeles. "Salamat, Maria. Iwan mo na lang dito at pipirmahan ko agad," sagot ko habang tinitingnan ang mga dokumento. Habang binabasa ko ang mga papeles, napansin ko ang ilang detalye na kailangan ng karagdagang impormasyon. Tinawag ko si Maria pabalik sa opisina. "Maria, may mga tanong ako tungkol sa mga detalye ng kontrata na ito. Pwede mo bang ipaliwanag?" tanong ko. "Oo, Sir. Ano pong parte ang gusto niyong linawin?" sagot niya habang lumalapit sa aking mesa. Habang pinag-uusapan namin ang mga detalye, napansin ko ang dedikasyon at kaalaman ni Maria. Alam kong malaking bahagi siya ng tagumpay ng proyektong ito. "Salamat, Maria. Malaking tulong ang mga pa
Chapter 13 Habang inaayos ni Maria ang mga alternatibong suppliers, bumalik si Hans na may dalang magandang balita. "Herr Enriquez, ich habe mit dem Lagerhaus gesprochen. Sie haben das Problem gelöst und die Materialien werden morgen früh geliefert," (Mr. Enriquez, nakausap ko na ang warehouse. Naayos na nila ang problema at darating na ang mga materyales bukas ng umaga.) sabi ni Hans sa akin. "Sehr gut, Hans. Das ist eine Erleichterung," (Napakabuti, Hans. Isang ginhawa ito) sabi ko habang nagpapasalamat sa kanya. "Maria, mukhang hindi na natin kakailanganin ang alternatibong suppliers, pero salamat sa mabilis mong aksyon," sambit ko dito. "Walang anuman, Sir. Mas mabuti nang handa tayo," sagot ni Maria habang ngumingiti. Sa kabila ng maliit na aberya, naging maayos ang takbo ng araw. Habang naglalakad ako sa site, naramdaman ko ang sigla ang bawat isa sa mga tauhan ko. Alam kong hindi magiging madali ang proyektong ito, pero sa tulong ng aking mga tauhan, sigurado akong magigi
Chapter 12 Lumipas ang mga buwan at andito pa rin ako sa Germany, kasalukuyang binibisita ang site kung saan itatayo ang bagong negosyo. Kasama ko ang ilang mga staff mula sa kompanya dito. "Beeindruckend," (Kahanga-hanga) sabi ko sa aking sarili. "Es sieht so aus, als würde dieses Projekt erfolgreich sein," (Mukhang magiging matagumpay ang proyektong ito) habang sinasabihan ang mga tauhan ko sa salitang Germany. Nagsalita ang isang staff sa akin sa lingwaheng Germany. "Herr Enriquez, wir haben alle erforderlichen Genehmigungen erhalten. Wir können mit dem Bau beginnen, sobald Sie das Okay geben," (Mr. Enriquez, nakuha na namin ang lahat ng kinakailangang permit. Maaari na tayong magsimula sa konstruksyon kapag binigay niyo na ang go signal.) sabi sa aking engineer kinuha. "Sehr gut," (Napakabuti) sabi ko habang tinitingnan ang mga dokumento. "Lasst uns keine Zeit verlieren. Wir beginnen sofort," (Huwag na tayong mag-aksaya ng oras. Magsimula na tayo agad.) dagdag kong sabi. H
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments