NABABALOT ng pagkawindang ang aking utak ng mga katungang gustong-gusto ko na malaman ang mga kasagutan ngunit wala akong mahagilap kahit na paulit-ulit akong gumawa ng simulation. It always ends with a big question mark.
“Why they keep messing the truth?” tanong ko sabay napasapo sa aking noo.
Naagaw ang aking atensyon nang maramdaman ko na may humawak sa aking kamay dahilan mapalingon ako kay Nina na labis na nag-aalala. “Ate Helena, may problema ka ba?” tanong niya.
Shit! Nawala sa isip ko na narito siya masyado akong nagpakain sa isipan ko. “Sorry, Nina. If I made you worry,” paghingi ko ng tawad sa kanya na siya niyang ikinakunot ng noo.
Oh crap!
Napasapo ako ng aking noo nang ma-realize ko na nagsalita na naman ako ng English. “Pasens’ya na, Nina. Nadala lang ako ng aking iniisip kaya kung ano-ano na naman ang lumalabas sa aking bibig,” pagdadahilan ko.
“Ayos lang po ‘yon ‘wag niyo na po alalahanin iyon. Ikaw po, ayos ka lang po ba?” tanong
“HAYOP KA!” malakas na sigaw ni Nina at mabilis na sinugod si Don Emilio. “Napakawalang puso mo! Paano mo nagawang traydurin si Ama? Paano mo nagawang ipagkanulo ang iyong kaibigan para lang sa posisyon na ‘to? Paano mo naatim ang lahat ng kawalang-hiyaan na ito? Paano?” umiiyak at nagsusumigaw na tanong ni Nina habang hinihila ang damit ni Don Emilio.Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata nang sandaling iyon, alam kong labis na nahihirapan si Nina sa kanilang sitwasyon ngunit hindi ito ang lugar kung saan maaari niyang pairalin ang kanyang emosyon. Lalopa’t nagkalat ang mga Guardia Civil sa buong paligid anong maling kilos na gawin namin dito sigurado ako na anumang oras ay nakahandusay na kami sa lupa. Hindi ko maaaring hayaan na mamatay si Nina kaya kahit na maaaring makagulo ang aking kilos ay kailangan ko siyang awatin. Habang gulat pa ang lahat sa ginawa ni Nina ay sinamantala ko na ang pagkakataon at mabilis na tumakbo papalap
HALOS dalawang araw na rin ang nakakalipas na walang nangyayari sa aming masama ni Nina simula nang ilipat kami rito sa Fort San Felipe. Walang nanakit o nagbabalak ng masama sa amin at nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw hindi gaya nang nasa lugar pa kami ni Don Marco na kung hindi pa kami dalhan ng pagkain ni Doña Celestina at Lita ay hindi kami makakain. Kahit papaano ay nalalaman na rin namin ni Nina kung ilang araw na ang lumipas dahil may maliit na bintana ang naroon na kung saan ay makikita namin ang panahon sa labas. Hindi naman sila nababahala na kahit may ganoon dahil nasa lower ground pa rin kami at sa taas ay may mga Guardia Civil na mahigpit na nagbabantay kaya imposible na magkaroon nang koneksyon sa sinumang taga-labas.Ikatlong araw na namin dito at tahimik lang ang aming pananatili rito habang patuloy namin inaanalisa ang lahat ng mga pangyayari.“Sa tingin mo, Ate Helena, posible ba talagang may traydor sa kanilang tatlo na natitira?” mahinan
HINDI ko magawang alisin ang mga titig ko kay Joaquin habang patuloy ako sa pagbihis at kahit nang alalayan ko si Nina na binabalot pa rin ng takot at hindi pa rin natitigil sa panginginig ay ni hindi nagawang mawaglit ng aking mga mata sa kanya.“Tapos ka na ba?” tanong niya.“Oo,” maikli kong sagot.Humarap siya sa akin habang tinitignan si Nina na yakap-yakap ko. Walang imik na lumapit siya sa kinaroroonan namin at naupo sa tabi ni Nina.“Nina,” mahina niyang tawag sa kanyang kapatid.Tumingin si Nina sa kanya na may labis na takot. “Kuya…” naluluhang tawag niya kay Joaquin. Umalis siya sa aking pagkakayakap at lumipat sa kanyang Kuya Joaquin.“Kuya!” humahagulgol na iyak ni Nina. Sa bawat pagtawag at luhang umaagos sa kanyang mukha ay ramdam na ramdam ang hirap na sakit na kanyang pinagdadaanan at sa punto na namang ito wala na naman akong nagawa para sa kanya.Nanlulumo at nanliliit ako sa sarili ko puro ako salita pero ni kahit isa ay
SA BAWAT salitang binibitawan niya alam kong totoo ang lahat ng iyon kailanman hindi nagawang pagdudahan ang pag-ibig pero habang at kapag pinagpatuloy ko pa itong pag-iibigan naming ito walang maidudulot na maganda ito sa kanya, mas lalo lang siyang masasaktan. Kaya kahit mahirap at masakit para sa akin ang ilayo ang sarili ko sa kanya ay gagawin ko para lang hindi na siya mas masaktan pa. Kahit na ikamatay ko pa ang sakit na ito hinding-hindi ko na hahayaan na madamay pa siya sa gulong dala ko.Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob na natitira sa akin saka ako nagsalita. “Tumigil ka na, Joaquin. Tigilan na natin ito,” saad ko na pilit nagpapakatatag sa kabila nang panghihina ko.“Helena, ano bang kailangan kong gawin para patunayan na wala akong pakialam sa mga iniisip mong ‘yan? Ano ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin na hindi ka tulad ng iniisip mo na hindi ka nagbago at ikaw pa rin ang babaeng minahal ko noon at minamahal ko ngayon?” desperado niyang ta
LUMAPIT siya kay Joaquin na may labis na pag-aalala. They’ve gotten really close since I’ve been gone. Ang sakit na makita na ganoon sila pero may karapatan ba ako? Tama ba itong nararamdaman ko? Umiling ako at ikinumpas ang aking sarili. No, I shouldn't be hurt. I can't imposed na dapat hindi sila naging close dahil first of all ako dahilan kung bakit sila nagkaganito. It's in part my fault. If I hadn't returned to the present, I might have been the one with him. I'd be the one who spent time with him all hours of the day and night. If only... but those were just ifs created by my mind, and everything that happened cannot be undone.Huminga ako nang malalim para tangayin ng aking paghinga ang sakit at agam-agam ng aking isipan bago hinarap si Teresa.“Tulungan mo kami, Teresa,” mariing sabi ko.Kung walang tutulong sa amin dito sa loob much better na humingi kami ng tulong sa labas perhaps there will be someone who can truly assist us. I'm still hoping for the bes
NAGISING ako nang makarinig ako ng sumusuka. Pupungas-pungas akong bumango sa aking pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata para alisin ang bigat sa aking mga mata. Nakita ko si Nina sa isang gilid at panay ang kaduduwal narinig iyon ni Joaquin na siya niya ring ikinagising. Mabilis siyang lumapit kay Nina.“Nina, anong nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Joaquin habang patuloy na hinihimas ang likod ni Nina.Natigil itong sumuka at humarap kay Joaquin na nanlalata.“Hindi ko alam, Kuya,” nanghihina niyang sagot.Inalalayan siya ni Joaquin na tumayo at ilayo sa pinagsukahan niya at inalalayan itong makaupo sa isang tabi. Sinuri ko si Nina: nanlalata, habol ang hininga kahit hindi pagod, nangangayayat. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumapit kay Nina.“Nina, may gagawin ako sa ‘yo sabihin mo sa akin kung masakit, ha?”Nanghihinang tumango si Nina bilang tugon. Hinawakan ko ang kanyang puson at diniinan ng konti. “Nakakaramdam ka ba
“WALA na kami ng Ate Helena mo, Nina,” biglang saad ni Joaquin dahilan para pareho kaming mapalingon ni Nina sa kanya.“Ano po?” gulat na tanong ni Nina.“Wala na kami. Iyon ang ayaw naming ipaalam sa ‘yo dahil alam naming malulungkot ka lalo na at napalapit ka na kay Helena,” malungkot na saad ni Joaquin sabay yuko.While staring at him, he speaks very smoothly and convincingly. I'm not going to doubt that he's just making an alibi. Hindi ko alam pero noong marinig ko na manggaling iyon sa kanya ay sobrang napakasakit. Oo, ginusto ko iyon pero hindi ko inaakala na may kakaiba pa rin na impact kapag nanggaling iyon sa kanya, masasaktan pa rin pala ako kahit na ‘yon ang aking pasya. Ganito rin ba ang naramdaman niya nang sabihin ko iyon sa kanya?“Bakit? Anong rason?” hindi makapaniwalang tanong ni Nina.“Iyon ang kagustuhan ni Helena, Nina.”“Pero hindi ba mahal niyo ang isa't isa? Bakit kailangan niyong maghiwalay kung alam niyo sa sarili niyo na
ISANG MALAKAS na pagkalabog ang pumukaw sa aking diwa. Idinilat ko ang aking mga mata at sumambulat sa aking harapan sina Lito, Riko at Nardo; walang mga saplot.“Anong nangyayari?” mahina kong tanong. Pilit kong inalala ang mga nangyari pero ang huling natatandaan ko lang ay ang magkausap kami ni Nina.“Ate Helena, salamat naman at nagkamalay ka na,” nag-aalalang pagpapasalamat na sabi sa akin ni Nina.Hindi ako nakapagsalita agad at tinignan ko ang lalaking nakatayo sa aking harapan.“Mateo?” mahina kong usal ng kanyang pangalan dahilan para mapalingon siya sa akin.Tinignan niya ako na may labis na pagsusuri at makatapos ang ilang sandali ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Lito na ngayon ay nakaluhod at nakagapos ang mga kamay.“Akala ko ba naging malinaw na sa ‘yo ang sinabi ko, alamin mo kung saan ilulugar ang iyong sarili mo ngunit mukhang hindi naintindihan ang lahat ng iyon.&rdquo