Share

Kabanata Sixty-Two

BUMUNGAD sa aking harapan ang nag-aalalang mga mukha nina Don Raul at Doña Celestina nang ako'y magising.

“Ama, Ina,” mahina kong tawag sa kanila.

Wala pang salitang pumalabas sa bibig ni Doña Celestina ay bumuhos na ang kanyang mga luha. “Anak,” humihikbi niyang tawag sa akin. “Anong ginawa nila sa ‘yo?” tanong niya na pilit nagpapakatatag.

Muling nanariwa sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Nina dahilan para bumuhos ang aking mga luha.

Nararamdaman ko ang paghawak ni Don Raul sa aking kamay. “Huwag kang matakot, Anak, sabihin mo sa amin anong ginawa nila sa inyo?” tanong ni Don Raul.

Mas bumuhos ang aking luha nang sandaling iyon, pilit kong pakalmahin ang aking sarili para makasagot sa kanila. Huminga ako nang malalim na may kasamang panginginig sa aking dibdib. “Pinagsamantalahan niya kami, Ama,” garalgal at nahihirapan kong sagot kay Don Raul.

“Diyos ko!” napasinghap na bulalas ni Doña Celestina. “Paano nila nagawa ang kababuyang ito sa i

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status