“Ako po si Lita.” Aniya. “Lagi niyo na lang po nakalilimutan ang aking pangalan, binibini,” nahihiyang dagdag niya.
Napatawa ako ng hilaw. “Gano’n ba? Pagpasens’yahan mo na ako, Lita,” wika ko kahit hindi naman talaga ako makalilimutin. As a doctor, I can’t forget important things especially the information regarding to my patients. Sasakyan ko na lang lahat ng sasabihin niya para hindi na siya malito sa akin at hindi niya mapansin na ibang Helena ang nasa kan’yang harapan.
“Lita? Tama ba?” paninigurong tanong ko. Tumango lang siya bilang tugon.
“Anong petsa na ba ngayon?” segway kong tanong. Gusto ko lang makasiguro na nagkakamali lang ako sa aking hinala.
“Ika-tatlongpu't isa po ng Marso.”
March 31? Hindi ba April 1 na bago ako umalis ng L.A? 9 pm ako umalis doon plus 15 hours na biyahe…dumating ako sa Pilipinas ng 1 pm ng tanghali? Dapat April 3 na ngayon! Bakit March 31 pa lang?
Napatingin ako kay Lita. “Anong taon ngayon, Lita?”
“Isang libo walong daan at walong pu't dalawa.” Sagot niya.
Shit! Did I really go back in the past? Is this for real? Hindi ba talaga ‘to prank? O isang variety show? Hindi pa ba sapat na niloko ako ni Kim at kailangan na pag-uwi ko ng Pilipinas ay maging ganito ang mangyari? Isa na bang malaking katatawanan ang buhay ko?
“Lita, sigurado ka ba sa iyong sinasabi?” pagkukumpirma kong tanong sa kan’ya.
“Oo naman po,” siguradong sagot niya.
“Hindi mo ba ako binibiro?” naninigurong tanong ko. Please magsabi ka ng totoo. Huwag mo naman akong gawing katawa-tawa. “Hindi ba ako naeengkanto?”
“Bakit naman po ako magsisinungaling, binibini?” Aniya habang pinagmamasdan akong mabuti. “Hindi ko po alam, ngunit ang inyong mga kinikilos ay labis na kakaiba ngunit hindi po kayo naeengkanto.” At pumunta ito sa aking likuran at inayos ang nagulo kong buhok. “Hindi ko man po mawari ang inyong iniisip ngunit, kailangan na po nating bumalik ng mansyon kung ayaw po natin parehong pinaghihintay si Don Raul.” Aniya at humarap sa akin ng may ngiti.
Seriously? I still mystified of everything what’s going on. How possible that I went back in past through P2P bus? That’s really amazing if P2P buses are really travelling in the past. If this really exist I will go back in time where I met Kim and rejected his wedding proposal then it wouldn’t happened this shitty divorce! I wouldn’t be hurt and look miserable of how he played on me!
Tahimik kaming naglalakad at nasa aking likuran si Lita na tahimik na sinusundan ako. Gusto ko sanang sabihin sa kan’ya na mauna siya dahil hindi ko alam kung nasaan ba ang mansyon namin na sinasabi niya.
“Lita, bakit nariyan ka sa aking likuran?” tanong ko na patuloy sa paggala ang aking mga mata para hanapin ang mansyon.
“Binibini, isang hamak na tagasilbi niyo lamang ako at hindi po nararapat na ako’y sumabay sainyo sa paglalakad,” simpleng saad niya.
Bigla akong nairita sa kan’yang sinabi. Ano kung isa siyang tagapagsilbi? Wala na ba silang karapatan para maglakad sa nilalakaran ng mga mas nakakaangat sa kanila? Bakit kailangan sila ang mahuli sa paglalakad? Hindi ko makuha ang punto sa nakabub’wesit na diskriminasyon na ito sa estado ng pamumuhay ng isang tao. Porke’t mayaman o mapera sila lang may kakayahan na makakuha ng nararapat na karapatan at ang mahirap hindi? This is bullshit! Pare-pareho lang tayo tao! Pareho ang nilalanghap nating hangin at kinakain natin! Bakit kailangan pairalin ang bulok at makasariling kaisipan na tulad niyan? Iyan ang dahilan kung bakit hindi nagkakaisa at nagkakaunawaan ang bawat tao kasi laging sasabihin, “mayaman sila, mahirap tayo.” Nakakainis pakinggan ang bulok na kaisipang gan’yan!
Hinatak ko si Lita para sabay kaming maglakad.
“Tandaan mo, Lita. Walang mayaman o mahirap pag ako ang kasama mo,” mariing saad ko.
“Pero---
“Walang pero-pero. Gusto ko pagkasama mo ako hindi mo maramandaman na mahirap ka, mayaman ako. Pareho tayo tao at gusto ko pantay lang ang tingin mo sa akin gaya ng tingin ko sa ‘yo. Naiintindihan mo ba?”
Ngumiti si Lita na may galak sa kan’yang puso. “Maraming salamat, binibini. Labis ang kabutihan ng inyong puso,” nakangiting wika ni Lita.
Hinimas ko ang kan’yang buhok. She’s so young para maging tagapagsilbi. Imbes na nag-aaral siya ay heto at nagsisilbi para lamang magkaroon ng pera at may maigastos pang-kain ng kan’yang pamilya.
“Binibini? May gumugulo na naman ba sainyong isipan?” nag-aalalang tanong ni Lita.
Ngumiti ako at umiling. “Wala. Halina at baka magalit na si Don Raul.”
Biglang natawa si Lita ngunit mabilis na pinigilan ang kan’yang tawa dahilan para mapakunot-noo ako. “Bakit ka tumatawa, Lita?”
“Paumanhin po sa aking inasal.” Aniya at ikinumpas ang kan’yang sarili ngunit hindi niya magawang mapigilan ang kan’yang pagtawa.
“Bakit ka tumatawa, Lita? May nakakatawa ba sa aking sinabi?” naguguluhan kong tanong.
“Napakapilya mo po kasi. Tinatawag niyo po lamang na Don Raul ang inyong ama,” paliwanag ni Lita na pilit pinipigilan ang muli niyang pagtawa.
Shit! Ama ko pala si Don Raul? Damn! nagiging tanga ako sa panahong ito! Nakakahiya!
Napasapo na lamang ako sa aking noo at napatawa ng ilang. “Huwag mo na lang ipaalam kay ama ang aking itinuran at baka magalit siya pati ikaw ay madamay,” pagdadahilan kong sabi.
Shit! Helena, sino ka ba kasi? Nakaka-stress ang panahon mo! Pati ako ay napapahiya ng walang oras sa ‘yo.
Tumango na lamang si Lita at naglakad na kami patungo sa mansyon. Nagk’wentuhan kami ni Lita ng ilang bagay-bagay para makakuha ako ng kaunting impormasyon tungkol sa katauhan ni Helena. Buti na lang may naalala pa ako sa mga itinuro ni Lola Linda, advantage rin na mahilig akong sumali sa panitikan noong nag-aaral ako kun’di mabubuko na ako ni Lita. Mabuti na lang at sa Cavite lang din ako napadpad kung sa ibang lugar ‘to tulad ng Cebu, tapos ka Helen Grace Rosario!
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.