Hola, may update na... Salamat sa patuloy na pagbabasa at sa pagfollow sa'kin. Sana tuloy2 na ito at huwag nang sumakit ang ulo ko...huhu
NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?
DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya
PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh
DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
NANG maiparada ni Mayumi ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng Ayala Entertainment, biglang may bumangga sa kaniyang kotse. Labis na kaba at takot ang kaniyang naramdaman sa pag-aakalang katapusan na iyon ng kaniyang buhay dahil sa tantiya niya ay ilang sentimetro na lang ay tuluyan na siyang masasagaan ng kotse. What a careless driver?! Higit ang kaniyang paghinga ay napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Ilang saglit pa, malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan sa ere upang pakalmahin ang kaniyang sarili. At nang tuluyang makabawi sa nakagugulantang at nakatatakot na pangyayari, kunot ang noo at galit na tinapunan niya ng tingin ang kotse na muntikan nang makasagasa sa kaniya. Kung nakalulusaw lamang ng sasakyan ang matalim na titig niya, malamang na nalusaw na iyon kasama ang driver na hindi ata marunong magmaneho. At dahil sa inis at galit niya, nanggagalaiting hinubad niya ang kaniyang high heels at ibinato niya iyon sa windshield ng kotse. Sa lakas nang pagkakaba
“MAYUMI, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Bunny nang dumating ito sa kaniyang condo. “Akala ko kanina ay may nangyari na sa ’yong hindi maganda dahil basta ka na lang nawala roon sa pinagtataguan mo.” “Thanks to Sergeant Jeff Reyes. Tinulungan niya akong makaalis doon, Bunny,” wika niya. “I’m sorry. Gusto sana kitang hanapin at isamang tumakas kanina pero malapit na akong makita ng mga taga-media. Naisip kong iwan ka na lang tutal hindi ka naman dudumugin mga iyon. I’m sorry talaga. Maayos naman ang kalagayan ko ngayon.” “Who is he? Siya siguro ’yong guwapong guy na nakasalubong ko sa labas ano?” nakangising tanong nito sa kaniya. Naglaho na ang pag-aalala sa mukha nito. “Knight in shining armor, ang peg.” “Yeah, he is. He helped me out of that damned place. Buti na lang. Dahil kung nakita ako ng mga taga-media kanina ay talagang kalahati ng buhay ko ang masisira.” Bigla na naman siyang nakadama ng galit dahil sa lalaking nakabangga sa kotse niya kanina. “At dahil
MATAPANG na sinugod ng isang kabit ang asawa ng lalaking kinakasama nito. Intense ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal ng iisang lalaki. “Akin lang si Mikael, Amanda!” bulyaw ng babae. Parang tigreng mangangagat na kahit anong oras ay gusto siyang sunggaban nang matatalim nitong pangil.“Anong sa ’yo lang ang asawa ko? Hoy babae kabit ka lang ng asawa ko kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!” Ganti ni Amanda sa babaeng sumugod sa kaniya.“Anong silbi ng pagiging asawa mo kung sa akin na siya sumasaya ngayon? Alam mo, kung magaling ka lang sana sa kama e ’di sana hindi na maghahanap ng iba ang asawa mo,” sarkastikong sabi ulit sa kaniya ni Rosalinda na puno ng pagmamayabang. Ang dakilang kabit na kung makapag-asta ay daig pa ang totoong asawa. “Aba? Look at me! ’Di yata’y mas maganda at sexy ako kumpara sa ’yo. Siguro ahas ka at may dugong higad kaya mo nakuha ang loob ng asawa ko. Pero ngayon, hindi ko na hahayaan na magtatagumpay ka sa binabalak mong pag-ag
KADADATING lang ni Kalel sa Condo unit niya buhat sa sementeryo. Dinalaw kasi niya ang puntod ng kanyang yumaong ina. Kumuha kaagad siya ng beer sa refrigerator saka uminom. Hindi naman siya apektado sa mga sinabi ng matanda pero napapaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami kaya ng mga tatanga-tangang babae ang nakabangga na niya, kaya sino kaya sa mga iyon?Napapailing siyang naupo sa couch. Pumikit at hinilot ang sintido. "How terrible," naibato niya beer in can sa may trash bin. Di ito pumasok pero 'di na niya pinagka-abalahang damputin.Tumunog ang cellphone niya. Kaya tumayo siya para tingnan ang kung sino nag-text. Nang makita kung sino ay mas uminit ang ulo niya.Ang step-mother niya si Shirleyang nag-text. Pinapauwi siya ng bahay dahil may dinner na gaganapin."Why is she inviting me for dinner? Something fishy. She's not like this before," pumikit siya ulit at inilapag ang cellp