Share

Chapter 15

Via

"Sorry Kian." paghihingi ng tawad muli ni Trisha.

Napahinto kami nang magkamali na naman si Trisha sa praktis namin. Ang masaklap ay lagi nitong naapakan ang paa ni Kian.

"Are we still presenting this Trisha? Hindi ba pwedeng pili nalang? Yung talagang maalam sa pag waltz at graceful ang galaw? Hindi kami bagay sa pangmahinhin na sayaw. Sa rock pwede pa." suhestyon ng isang kaklase namin.

"I agree! Masyadong old at nakakahiya ang iprepresent natin sa harap ng mga studante. Magiging katawa tawa lang tayo." Sang-ayon naman ni Vim.

"Botohan nalang kung sino ang magprepresent. Yung nakakasunod." Singit ni Gio.

"Ako!" napatingin lahat kami kay Lalaine nang magsalita ito.

"Gusto mong sumayaw?" Manghang tanong ni Gio.

"Sira! Ako, boboto ako ang ibig kong sabihin." Paliwanag niya saka tumingin sa akin. "Gusto kong magpartner si Kian at Via. Parehas silang nakakasabay sa steps."

Namilog ang mata kong tumingi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status