Share

Chapter 9

"Good morning!" masayang saad ni Jade habang inuunat ang kaniyang braso. Napatingin naman siya sa kaniyang mga kasamahan na nakahiga pa rin.

"Hey! Wake up everyone!" muli niyang saad habang niyuyugyog ng bahagya ang mga balikat ng tatlong kaibigan.

"Rise and shine!" bati naman ni Zhyryl habang inaayos ang kaniyang buhok. Kaagad din na kinuha niya ang maliit na salamin sa side table na malapit lamang sa kama.

"Nice! I'm still beautiful," puri ni Zhyryl sa kaniyang sarili kaya napailing na lamang si Jade.

"Ahh!" gulat na saad nina Jade at Zhyryl ng bigla na lamang na umupo si Elle mula sa pagkakahiga.

"Hey! You scared me!" reklamo ni Zhyryl at pinalo ang braso ng kaibigan. 

Muli silang nagtaka ng pinagmamasdan sila ng maigi ni Elle.

"What's wrong?" Bakas sa tono ng boses ni Jade ang pag-aalala sapagkat tinitignan lamang sila ni Elle. Lumapit siya rito at hinawakan ang kaniyang pisngi.

Bahagya siyang nataranta ng makitang namuo ang luha sa mga mata ni Elle at nagsimulang tumulo ang ilang butil ng luha sa kaniyang pisngi.

"What happened?" Kaagad na tanong ni Gwen na kagigising lamang. Nagising ang kaniyang diwa ng marinig ang mahihinang hikbi ng isang tinig.

"Haha, I'm fine, guys. I just have a bad dream. I thought its not true that were finally complete," madamdaming saad ni Elle ngunit sa huli ay ngumiti rin.

"Aww! Come here, ate Elle," saad naman ni Gwen at niyakap ang katabi. Sumabay na rin sina Jade at Zhyryl at sa huli ay nagsitawanan na sila.

Kagabi ay na-discharged na sina Jade at Gwen kaya kaagad na rin silang nagtungo sa bahay ni Elle. Nagpaalam na rin muna si Zhyryl na kaniyang manager na manatili muna sa bahay ng kaibigan sapagkat hindi pa naman nagsisimula ang kanilang shooting.

Pagkatapos na maayos ang sarili at kagamitan nina Jade at Elle at umalis na sila sahay at sumakay na sa kotse patungo sa trabaho samantalang naiwan naman sina Gwen at Zhyryl.

***

"See you later, Jade," paalam ni Elle at lumabas na sa elevator. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin siya sa pinakamataas na floor.

"You look really happy, Ms Wetzel," tinig ng isang malalim na boses sa kaniyang tabi. Kaagad naman siyang napatingin sa kaniyang kanan. Nakita niyang nasa tabi na niya ang kaniyang boss. 

"Good morning, sir," magalang na bati ni Jade at bahagyang yumuko. Nagtaka naman siya sapagkat masyado naman atang maaga na dumating si Greg.

"How are you? And your friend?"

"We're good, sir. Maraming salamat po ulit sa pagtulong niyo sa amin."

"It was nothing. I'm just glad that both of you are fine..." Sandaling tumigil sa paglalakad si Greg at tumitig sa mga mata ni Jade. "And next time, please be careful," saad muli ni Greg ng maalala ang nangyari. Sa hindi malamang dahilan ay sobrang natakot at kinabahan talaga siya ng muntik na niyang mabangga ang magkaibigan. At hindi mawala sa kaniyang isipan ang itsura ni Jade noon.

"That's all, we need to work now."

***

Lumipas ang ilang buwan ay mas lalong napalapit sa isat-isa ang magkakaibigan. Sa tuwing mayroon silang bakanteng oras ay palagi silang namamasyal o nanatili lamang sa bahay ni Elle. Bumabawi sila sa isat-isa sa ilang taon na hindi sila nagkasama-sama.

"The christmas is near, are you guys free?" tanong ni Elle habang nanonood sila sa sala. Dalawang linggo na lamang ay pasko na. Mayroon na rin na dekorasyon ang bahay ni Elle.

"Well, we need to finish shooting the movie. Kapag natapos kaagad kami ay maaaring makasama ko kayo sa pag-celebrate ng christmas."

"How about you Gwen?"

"I'm definitely celebrating christmas with you, girls!"

"That't great! But be sure to tell it to your parents," paalala ni Elle ngunit napairap na lamang si Gwen.

"Don't worry, Elle. Hinahayaan lang naman nila ako kahit na anong gawin ko. For sure, they won't find me on christmas."

Sa kabilang banda ay tahimik lamang si Jade na nakaupo sa isang upuan. Nakikinig lamang siya sa usapan ng kaniyang mga kaibigan. Masayang nagpaplano ang mga ito sa darating na pasko, nag-iisip ng kanilang lulutuin at magkakaroon din sila ng exchange gifts.

Natutuwa naman si Jade sapagkat ito ang magiging unang pasko na makakasama niya ang mga kaibigan matapos ang ilang taon. Ngunit nakakaramdam din siya ng lungkot sapagkat ito rin ang pasko kung saan first year death anniversary ng kaniyang kinilalang mga magulang.

Lumipas man ang ilang buwan ay bakas pa rin sa kaniyang memorya ang huling sandali na nakasama niya ang mag-asawa na nasawi sa pangyayari na 'yon noon. Hindi niya ito malilimutan sapagkat parte na ito ng kaniyang buhay. Isa itong puzzle na kailangan niyang buuin ngunit bago ito ay kailangan niya munang hanapin ang mga piraso ng puzzle.

Natuon si Jade sa malalim na pag-iisip. Muling sumagi sa kaniyang isipan ang mga katanungan na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nahahanap o nakukuha ang kasagutan.

'Sino ba ang lalaki na 'yon? Anong motibo niya? Bakit niya pinatay ang mga magulang ko? Mayroon ba silang naging kasalanan?' Ito ang ilang sa mga katanungan sa kaniyang isipan. 

'At bakit mukhang nagulat siya ng naroon ako? Hindi rin ba alam ng lalakj na mayroong inampon ang mag-asawa?' Ito ang tanong sa isipan ni Jade kung saan nakakaramdam siya ng lungkot sapagkat katulad ng mga katrabaho o kakilala ng kaniyang mga magulang wala rin itong mga alam na mayroon palang inampon na batang babae ang mag-asawang Emily at Rodric Wetzel. 

"Jade? Jade?" makailang beses na tawag ng tatlong babae sa kanilang kaibigan ngunit mukhang hindi sila naririnig nito.

Bahagya naman na niyugyog ni Elle ang kaniyang katabi atsaka pa lamang nabalik sa realidad si Jade.

Bakas ng lungkot ang mukha ni Jade kaya kaagad din na nabahala ang kaniyang mga kaibigan.

"What are you thinking, Jade?"

"Are you okay?"

"What's wrong?" Ilan lamang ito sa tanong nina Elle, Zhyryl at Gwen ngunit tiningnan lamang sila ni Jade at umiling.

"I will sleep now. You should take a rest too because we will be all busy tomorrow," saad ni Jade at nauna ng tumungo sa kaniyang kwarto. Ngayong gabi ay nagdesisyon siyang mapag-isa na muna.

***

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Ngayon na ang araw ng pasko at katulad ng dati ay puno ng niyebe ang paligid. Umaga pa lamang ngunit wala ng tigil sa pag-ulan ng niyebe. Bahagyang nababalot ng hamog ang kapaligiran dahil na rin sa nakapalamig ng klima ngayong araw.

Napabuntong hininga na lamang ng malalim si Jade habang nakatingin sa labas ng bintana ng kaniyang kwarto. Wala siyang ibang makita kundi kulay puti na paligid. Ilang minuto na rin siyang nakatayo at sumisilip sa bintana ngunit wala pa siyang nakikitang dumaraan na sasakyan.

'Mukhang hindi ako makakalabas sa araw na ito,' turan ni Jade sa kaniyang isipan.

"Jade," pagtawag ng isang tinig habang kumakatok sa pintuan. Tumingin naman si Jade dito at nakita si Elle na pumasok sa kaniyang kuwarto pagkatapos kumatok.

Bahagya niyang tiningnan ito at muling tumingin sa labas ng bintana.

"Hey, Jade," malumanay na pagtawag ni Elle habang lumalapit sa kaibigan.

"Do you want to visit them?" Kaagad na natigilan si Jade sa tanong ni Elle.

'Yes!' Ito ang sagot na gustong-gustong  sabihin ni Jade ngunit nag-aalinlangan siya sapagkat ito rin ang araw kung saan magkakasama silang apat na magdiwang ng pasko. Ayaw na masira ni Jade ang araw na ito para sa mga kaibigan. Alam niya na gustong sumaya ng kaniyang mga kasama kaya hindi niya sisirain ang araw na ito. Mas pipiliin ni Jade na masaktan ng mag-isa sa halip na idamay pa ang mga kaibigan sa lungkot na kaniyang nadarama.

"Bukas na lang. Malakas din kasi ang pag-ulan ng niyebe baka mapahamak pa tayo," saad ni Jade at bahagyang ngumiti.

"Ohh, okay. Just tell us what time your going there. Don't worry Jade. The three of us will be with you when you meet them." Ngumiti na lamang si Jade sa tinuran ni Elle.

"Happy holidays!"

"Merry christmas, girls!"

"Merry christmas everyone!"

"Cheers to the three of us!"

Napuno ng tawanan at kulitan ang bahay ni Elle. Hindi mawala ang ngiti sa kanila. 

Kinabukasan ay naghanda kaagad si Jade sa pagdalaw sa kaniyang mga magulang. Sumama na rin sa kaniya ang tatlo niyang nga kaibigan.

Nang bandang hapon ay nagtungo na sila sa Chatham cemetary. Nang makababa sa kotse ay kaagad naman na nagtungo si Jade sa lugar kung nasaan ang kaniyang mga magulang. 

Inilagay niya ang dalang dalawang bulaklak sa magkabilang bahagi ng puntod. Inilabas na rin ni Jade ang dalawang kandila, inilagay niya rin ito sa magkabilang bahagi ng puntod at sinindihan na. Pagkatapos ay taimtim siyang nagdasal kasabay na rin ang kaniyang mga kaibigan.

Napahawak si Jade sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng kinikilalang magulang. Kaagad siyang napapikit ng muling maalala ang pangyayari noon dahil lamang sa nakita niya ang araw ng pagkamatay ng mag-asawa.

Sa kabilang banda ay tahimik lamang na nagmamasid kay Jade ang tatlo niyang kaibigan. Nalulungkot din sila sa nangyari sa mag-asawang kumupkop kay Jade. Ngunit hindi nawawala sa kanilang isipan ang mga tanong tungkol sa nangyari.

Nagtataka sina Elle, Zhyryl at Gwen kay Jade sapagkat hindi nagkwekwento siya. At sa tuwing magtatanong silang tatlo ay iniiba ni Jade ang uusapan.

Kaunti lamang ang alam ni Elle at Zhyryl samantalang nalaman naman ni Gwen ang nangyari base sa kwento ng dalawa. Ang iniisip ng tatlo ay isang insidente lamang ang nangyari sapagkat masyadong madulas ang kalsada dahil sa niyebe na naging yelo at ganoon din naman ang mga balita na kanilang nakita. Ngunit sa ikinikilos ni Jade ay mukhang hindi lang ganoon ang nangyari.

Sa ilang taon na nagkasama lamang sila noon ay kilala na nila ang isat-isa at kapag ganoon si Jade ay alam nilang mayroon siyang itinatago.

"It wasn't an accident," panimula ni Jade matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang apat.

"It was intentional. That man... He wanted my poster parents to die." Kaagad na nagulat ang tatlo sa tinuran ng kaibigan. Pinaharap din nila si Jade sa kanila.

Bakas sa kanilang mga mukha ang ekspresyong hindi makapaniwala. Nagtatanong din ang mga mata nina Elle, Zhyryl at Gwen ngunit hinayaan na lamang nila na magkwento pa ang kaibigan.

"There's a man behind what happened to us. He wanted my parents to die and he was glad when it happened. But when he saw me... He didn't know my identity pero binalak niya pa rin akong patayin," saad ni Jade habang inaalala ang nangyari noon. Naikuyom din ni Jade ang kaniyang kamao. She feel helpless that time kaya nagagalit din siya sa sarili niya.

"What the?! Bakit ngayon mo lang sa amin sinasabi ito?!"

"Do you know who could be that man?"

"Did you report it to the police before?"

Kumawala ng isang buntong hininga si Jade bago sinagot ang mga tanong ng kasama.

"Ngayon ko lamang sinabi sapagkat ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na i-kwento sa inyo... I didn't know him because I don't know anyone na kaaway ng poster parents ko. And I did report it to the police but no one believe in me. They all think that I'm just hallucinating and maybe I was trauma kaya kung ano-ano raw ang naiisip ko... I'm concious that time therefore I know what I heard."

"We should investigate it now. I know someone who can help us to investigate it," turan ni Elle.

"We will help too."

"Your not alone on this, Jade."

Muling napabuntong hininga si Jade. "I don't know. I investigate it on my own pero wala rin akong nakuhang inpormasyon tungkol sa katauhan ng lalaki."

"What?!"

Kinuwento naman ni Jade ang ginagawa niyang pag-inbestiga simula ng tumira siya sa bahay ni Elle. Nasapo naman ni Elle ang kaniyang noo sapagkat wala siyang kaalam-alam sa ginagawa ng kaibigan.

"Bakit ngayon mo lamang sinasabi ang mga ito? Gosh! I can't believe it!"

"I'm sorry," saad na lamang ni Jade kay Elle.

"I'm a bit dissapointed to myself kasi hindi ko man lang napansin ang ginagawa mo. Pero hayaan mo na 'yon. Ngayon na alam na namin, hindi ka namin hahayaan na mag-isa lang na magresolba nito. We will help you, Jade. And we will found out the man who killed your poster parents." Napangiti naman siya sa sinabi ni Elle. Niyakap ni Jade ang kaniyang mga kaibigan at nagpasalamat siya. Mas lalong naging determinado si Jade na hanapin ang katotohanan sa nangyari noon sapagkat hindi na siya nag-iisa ngayon. Nandiyan ang kaniyang mga kaibigan upang tulungan siya.

"Actually... I think there's two man that night. I did heard his voice too asking me if I am dead that night. But after that, I lost my consciousness."

'Who could be that second guy?' tanong ni Jade sa kaniyang isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status