Share

Chapter 8

Kinuwento naman ni Jade ang nangyari kagabi.

"Thank you so much, girls. Don't worry, babayaran ko kayo sa pagtulong ninyo sa akin," saad ng babae habang nasa kusina na sila at nagsisimulang kumain.

"We're fine. Hindi mo kami kailangan bayaran. We're just glad that nothing happened to you," saad Jade.

"By the way, what is your name? How old are you? It seems like your just a year younger to Jade," turan naman ni Elle habang pinagmamasdan ang babae.

"Ohh... I'm Gwenneth and a gorgeous twenty one years old lady. How about you, girls?"

"My name is Rosabelle or you can call me Elle. I'm twenty five years old."

"I'm Cryatallyn Jade and I'm twenty two years old."

Pagkatapos magpakilala ay nagtaka sina Elle at Jade ng mapansin na nakatitig sa kanila si Gwen.

"Is there something wrong, Gwen?" tanong nina Elle at Jade ngunit nanatiling nakatingin lamang sa kanila ang babae.

"No way," mahinang saad ni Gwen at makailang beses na iniling ang kaniyang ulo.

"What's wrong?!" muling tanong ng dalawa ngunit wala pa rin silang nakuhang sagot sa babae.

"Hello, guys! I'm back!" malakas na saad ng isang pamilyar na babae. Kaagad naman na napatingin sina Elle, Jade at Gwen sa sala.

"Zhy?!"

"Ate Ryl?!"

Tinawag nina Elle at Jade ang bagong dating ng mayroong pagtatanong sa kanilang boses.

"Diba, ngayon ang balik mo sa Pilipinas?"

"Hindi na natuloy kasi mayroong nabago sa shooting place namin. And I suggested somewhere near your place. Isn't that cool? Makakapag-bonding ulit tayo!" masayang saad ni Zhyryl ngunit napalitan ng pagtataka ang kaniyang ekspresyon sa mukha ng mapansin ang isang babae.

"Ohh... I didn't know you have a visitor. Sorry for interrupting. Hello! I'm Zhyryl! A young and beautiful twenty five years old lady," saad niya habang kumakaway sa babae. Nagulat naman si Zhyryl ng irapan siya ng babae at yumuko ito.

Kaagad naman silang natigilan ng mapansin ang pagnginginig ng katawan ng babae at ng marinig ang mahinang tinig ng paghikbi.

"Hey, what's wrong with you?"

"Are your hurt?"

"Why are you crying?" Magkakasunod na tanong nina Elle, Jade at Zhyryl ngunit tanging pag-iyak lamang ang ginagawa ng babae.

"I'm leaving," saad ng babae at biglang tumayo. Naalarma naman ang tatlo at hindi alam kung ano ang nangyayari kay Gwen.

"Wait. Where are you going, now?"

"You don't need to know! You guys don't care about me anyway!" malakas na sigaw ni Gwen na nagpagulat sa tatlong magkakaibigan. Masyado rin silang naguguluhan sapagkat hindi nila alam kung ano ba ang nangyayari kay Gwen.

"Hey. Calm down. What's wrong with you? And what do you mean that we don't care about you? Jade just help you last night at pinatuloy ka namin sa bahay," turan naman ni Elle ngunit mas lalong nagalit si Gwen.

"Hey!" muling pagtawag ni Elle at pinigilan si Gwen sa pag-alis habang hinahawakan ang balikat. Ngunit sa hindi inaasahan ay naibaba niya ang manggas ng damit na suot ni Gwen. Sa kadahilanang maluwag ang damit na suot ni Gwen at bahagya niyang naibaba ng damit ng babae ay nasilayan ni Elle ang isang marka na nakapagpatigil sa kaniya.

Marahas naman na tinanggal ni Gwen ang kamay ni Elle at humarap sa tatlong magkakaibigan.

"I hate you!" malakas na saad ni Gwen, bakas sa kaniyang mukha ang galit ngunit ang kaniyang mga mata ay nagpapakita ng lungkot. Tuluyan ng umalis sa bahay si Gwen na umiiyak pa rin.

"What's wrong with that, girl?" nagtatakang tanong ni Zhyryl.

"Are you okay, Elle?" tanong naman ni Jade habang bahagyang niyuyugyog ang balikat ng kaibigan na kasalukuyan pa ring nakatulala.

"She's... She is Gwen."

"Yes, your rigth. Her name is Gwen," turan naman ni Jade at bahagyang naguguluhan sa ekspresyon ng kaibigan.

"No! What I mean is... She is our bunso. Siya si Gwen na kasama natin sa bahay-ampunan sa Pilipinas. She's our little Gwenny!" bulalas ni Elle at parehong nagulat naman sina Jade at Zhyryl.

"Are you sure?" parehong tanong nina Jade at Zhyryl.

"Yes! I'm definitely sure! 'Yong marka niya sa may kanang likod na parte ng kaniyang braso. Kaparehong-kapareho 'non ang marka ni Gwenny," paliwanag ni Elle at mukhang natauhan naman ang dalawa.

"Bakit hindi ko 'yon napansin kagabi?" tanong ni Jade sa kaniyang sarili sapagkat siya ang naglinis sa katawan at nagbihis kay Gwen.

"What are we even doing here?! Let's find her!" malakas na saad ni Zhyryl. Dali-dali naman na umalis sa bahay ang tatlong babae at hinanap na ang kanilang kaibigan.

***

'Where could she be?' tanong nina Jade, Elle at Zhyryl sa kanilang sarili habang patuloy ang paglilibot sa kanilang lugar. Tinitingnan rin nila ang bawat sulok ngunit hindi nila makita si Gwen. Masyado na silang nag-aalala sa kaibigan lalo na at wala man lang itong suot na tsinelas o sapatos ng lumabas ng bahay.

"There she is!" malakas na saad ni Elle habang nakaturo sa kanilang unahan. 

"Wait! Gwen!" saad nila ng muling tumakbo si Gwen. Binalot sila ng kaba ng makitang tumawid ito sa kalsada kahit na mabilis at walang tigil ang mga nagmamaneho ng ibat-ibat sasakyan.

'No! No! Mababangga siya!' turan ni Jade sa kaniyang isipan.

"Wait! Jade!" sigaw naman nina Elle at Zhyryl ngunit hindi na ito pinansin ni Jade. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kaibigan.

"Gwen!" nagagalak na pagtawag ni Jade habang yakap-yakap na ang kaibigan.

Ngunit ang saya na kaniyang nararamdaman ay napalitan kaagad ng takot ng makita ang isang kotse na paparating na sa kanilang kinaroroonan.

Ginalaw ni Jade ang kaniyang katawan upang mapunta sila sa gilid ni Gwen ngunit hindi niya alam kung pareho ba silang maililigtas sa kaniyang ginawa.

"Gwen! Jade! Are you alright?" kaagad na tanong nina Elle at Zhyryl ng malapitan ang dalawang kaibigan. Pareho silang binalot ng kaba at takot ng makitang mabubundol sina Jade at Gwen.

"Ano bang pinag-iisip niyo, ha?!" tanong ni Zhyryl habang humihikbi, napaupo na rin siya sa gilid ng kalsada habang niyayakap ang dalawang kaibigan.

"Sa tingin niyo ba playground ang kalsada kung saan tatakbo na lang kayo basta-basta?! Hindi ba kayo nag-iisip na dalawa?! Paano na lang kung nabundol kayo?! Hindi kayo nag-iingat!" pangangaral ni Elle ngunit kasunod 'non ay ang pagsimula na rin niyang pag-iyak.

"Huwag... Huwag niyo ng gagawin 'yon. Alam niyo bang... parang mabbabaliw ako sa kaba habang... habang pinagmamasdan kayong naghahabulan sa gitna pa talaga ng kalsada! Sobra akong natakot!" umiiyak na saad ni Elle. 

"I'm sorry... I'm sorry," tugon naman ni Gwen habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sapagkat muntik na silang mapahamak dahil sa kaniya. Niyakap naman siya ng kaniyang mga kaibigan. Dinaan na lamang nilang apat sa pag-iyak at  pagyakap sa isat-isa ang pagkatakot at kaba kanina at ang kagalakan na ligtas ang dalawa.

"Did anyone get hurt?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Kaagad na pinunasan ni Jade ang kaniyang mga luha at tiningnan ang lalaki na nakatayo sa kanilang harapan.

"Sir Greg?"

***

"Thank you so much, sir Greg. Pasensya na rin po sa abala," saad ni Jade habang umuupo sila. 

Sa ngayon ay narito na sila sa ospital kung saan huling idinala si Jade. 

Nagpapasalamat na lamang sina Jade at Elle dahil ang boss nila ang nagmamaneho ng sasakyan na 'yon. Kaagad din na huminto ito ng makita ang dalawang babae na nasa kaniyang harapan kaya hindi niya nabundol sina Gwen at Jade. Si Greg na rin ang dumala sa kanila sa ospital upang ipagamot ang mga paa ni Gwen na puno ng sugat dahil sa pagtakbo ng walang suot na sapatos o tsinelas man lamanag.

"Thank you, sir," saad naman ni Elle ng lumapit ito sa kanila.

"It was nothing. I'm glad that no one hurt. I think I should get going now. I'm sorry but I still have a meeting," magalang na paalam ni Greg.

"Sige po. Pwede na kayong umalis. Maraming salamat po ulit," saad nina Jade at Elle. 

Tatayo na sana si Jade ngunit nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang kaliwang paa at dahil dito ay nawalan siya ng balanse at muling napaupo.

"What happened to you, Ms Jade?"

"Namumula ang paa mo, Jade," saad ni Elle habang pinagmamasdan ang paa ng kaibigan.

"You should let it check by a doctor. Let's go!" turan ni Greg. Hindi na nakagalaw o nakapalag man lamang si Jade ng bigla siyang buhatin ng kaniyang boss.

***

"What happened to you, Jade?" 

"Na-sprain ang paa ko but the doctor said that I will be fine. I just need to rest my feet," turan ni Jade sa tanong ng kaniyang ate Ryl.

"That's good to hear."

Sa kasalukuyan ay pareho ng naka-confine sina Jade at Gwen sa ospital ngunit maaari rin naman silang umuwi sa pagsapit ng gabi o kinabukasan. Naroon din sila sa iisang kwarto.

Pagkatapos magamot at malagyan ng benda ang kaliwang paa ni Jade ay nagpaalam na ang kaniyang boss. Naiwan naman ang apat na magkakaibigan.

"Ngayon, pag-usapan na natin ang nangyari," saad ni Elle habang lumalapit sa kama ni Gwen.

"What's wrong? Bakit ganoon ang naging reaksyon mo, Gwenny?" malambing na tanong ni Elle at naging dahilan ito upang magsimula na namang humikbi si Gwen.

"Hey, bunso. Aren't you happy to see us?" tanong naman ni Zhyryl.

"I hate you, girls!"

"Why? What's is your reason to hate us?"

"Hah! Didn't you remember what you did? Sinabi ko na ayaw kong magpaampon. Pero hinayaan niyo akong kunin ng ibang tao!"

Muling bumalik sa alaala ng tatlo ang nangyari noon. 

Pilit na kumakawala ng batang Gwen sa mag-asawang Amerikano na kaniyang magiging magulang sa papel. Patuloy itong umiiyak habang nakatingin sa kaniyang mga kaibigan. Humihingi ng tulong sapagkat ayaw sumama ng batang Gwen sa mag-asawa.

Wala naman na nagawa ang tatlong bata noon na sina Jade, Elle at Zhyryl kundi ay pagmasdan ang kanilang bunso na papaalis habang umiiyak.

Ang salitang 'I hate you' ang huling tinuran ng batang Gwen sa kanila.

"But its for your own good," malumanay naman na saad ni Elle habang hinahaplos ang basang pisngi ni Gwen.

"No! Its not! Hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ko ngayon?! Walang kabuluhan ang buhay ko! I just party everyday. Hook up to anyone. And cut classes. Didn't you know that I'm still a first year college? Its because I don't school! I don't like living here! I don't really like my poster parents! I just want... I just want to be with my ate's!" saad ni Gwen. Mas lalong bumuhos ang kaniyang luha. Dahil sa narinig ng tatlo ay napaiyak na rin sila.

Naramdaman nila na mukhang nahirapan talaga si Gwen ng mapalayo sa kanila. Wala naman kasing magawa sina Jade, Elle at Zhyryl noon sapagkat hindi na ma-contact ng bahay-ampunan ang mga magulang na umampon sa kanilang bunso. 

Lumapit na rin sina Jade at Zhyryl sa kama na Gwen at niyakap din ang kaibigan.

"We're sorry... I'm sorry bunso," saad ni Elle habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. Sa kanilang apat na magkakaibigan ay mas malapit talaga si Gwen kay Elle. Noon pa man ay pasaway na talagang bata si Gwen at tanging kay Elle lamang siya nakikinig.

"You know what, Gwen? Nahirapan din kami ng mapalayo ka sa amin kasi hindi na kami kompleto. Nawala 'yong nakapakulit na bunso namin," saad naman ni Zhyryl.

"Don't worry. Magkakasama na tayo ngayon at hindi na namin hahayaan na mapalayo ka muli sa amin," saad ni Jade ng nakangiti.

Umayos naman ng upo si Elle at tiningnan ang mga kaibigan. Huminga muna siya ng malalim bago magsimulang magsalita. "Honestly, akala ko rin ay magiging masaya ako noon ng sa wakas ay mayroon ng pamilya ang mag-aampon sa akin. Ngunit nagkamali ako. I was just happy for a months... Habang tumatagal ay pinapahirapan na ako ng mag-asawang umampon sa akin. You know that I'm not that smart. At sa tuwing mayroon akong mababang grades ay pinapagalitan, pinapalo and the worst thing is they would lock me in my room and starve me for a day."

Ang lahat ay hindi makapaniwala sa tinuran ni Elle. Gulat na gulat din sina Jade at Zhyryl sapagkat ng makilala nila ang mag-asawang aampon kay Elle ay ang babait nila.

"At first I just let it be. Iniisip ko rin na siguro ay ayaw nilang mapahiya sa kakilala o katrabaho na mayroon silang inampon na bobo. Pareho naman kasi silang professional, haha..."

"I stay in their house for another couple of months. Pero hindi ko na kinaya ang mga sunod na buwan na 'yon... Nagkaroon ulit ako ng mababang grade and they starve me for two days. I was lock in my room without water or food... I thought I was going to die. I even... I even ate my paper because of hunger," tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina pa pinipigilan ni Elle. Wala na ring nagawa ang kaniyang mga kasama kundi ang umiyak. Nasasaktan sila sa dinanas ni Elle.

"Soon... tumakas na ako sa kanila at bumalik sa  bahay-ampunan. Kaya lang... mayroon na rin palang umampon kay Jade at Zhyryl. Naiwan ako roon ng mag-isa. Syempre ang lungkot ko sapagkat wala na 'yong mga kaibigan at kapatid ko. But you know what... I promise to my self that time na magsisikap ako. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay ko at kapag nangyari 'yon ay hahanapin ko kayong tatlo..."

"Ilang taon ko kayong hinanap pero hindi ko naman kayo makita, hindi na rin kasi noon ma-contact ang mga cellphone number's na ibinigay ng mga poster parents niyo... But I'm really glad and happy right now. Siguro kung hindi ko tinulungan noon ang babaeng nahimatay sa unahan ng kotse ko which is Jade ay hindi ko rin kayo makikita Zhyryl at Gwen..."

"Because of Jade we are complete again. And I'm really thankful to you Jade. You become my way to see Zhyryl and Gwen again. Thank you, Jade. Thank you everyone. Napawi lahat ng sakit na naramdaman ko noon dahil sa muli ay nagkasama tayong apat."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status