Share

Chapter 2: Skyee

Skyee Blue Fuentebella

Sobrang busy ako sa paghahanda ng kasal ni Racer. Last year ikinasal din si KC at si Navyee ang nag ayos ng kasal nito dahil sila ang magka vibes sa mga magpinsan. Dapat sana si Royalle ang mag-aasikaso sa kasal ni Racer dahil busy ako kaso masilan ang pagbununtis nito kaya hindi pumayag si Archie na mapagod si Royalle. Hindi naman ako nilubayan ni Racer kaya umoo na ako kahit sobrang busy ko na.

"Goodmorning tita."

Bati ko kay tita Faye na dumating para e check ang magiging venue ng kasal. Isang maikling ngiti lang ang ibinigay nito sa akin. Agad kong nakita si tito Red at nag hi ako dito. Tulad ni rin ni tita Faye ay isang tango lang din ang ibinigay nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako lubos na pinatawad sa nagawa ko noon. Kahit naman si daddy ay casual lang akong kausapin at tahimik na rin ito. Hindi na rin sila masyadong nag uusap ni tito Red dahil sa pagitan namin ni Fierce. Malaki ang epekto ng nagawa ko noon at hanggang ngayon ay pinagbabayaran ko parin ito.

FLASHBACK

Simula pa noong bata kami ni Leif ay magkasundo kami. Akala ko nga ay kakambal namin siya kahit iba ang kulay ng kanyang mata. Mabait din kasi si Leif at magalang. Kapag may nilalaro siya at kukunin ito ni Royalle ay binibigay niya ito huwag lang itong umiyak. Ginagawa niya rin ng bahay-bahay si Navyee kaya naman gustong-gusto ko si Leif. Pero iba ang gusto ni Leif.

Si Fierce.

Kulang sa pansin siya kay Fierce. Kapag andyan na ito ay parang baliw itong nagtatalon-talon at kinukuha niya ang mga tago niyang chocolate at binibigay dito. Well, binibigyan din naman niya kami nina Navyee and Royalle pero iba parin kay Fierce kasi kung walang ribbon ay may kalakip itong drawing. Na ibig sabihin ay mas espesyal ito.

Tumutulong din siya kay mommy sa pagtatanim ng Roses yun pala ay para ibigay kay Fierce ang buong paso ng bulaklak. Nung nahuli ko siyang hinalikan si Fierce ay doon ko napatunayang, hindi pagtinging kapatid ang naramdaman ko kay Leif. Na sa munting puso ko ay alam kong mahal ko siya.

Pero kailan man ay espesyal parin si Fierce para sa kanya kahit baliktarin man ang mundo. Alam ng parents ko ang pagsintang pororot ko kay Leif at alam din nila ang nararamdaman ni Leif kay Fierce kaya ang sabi nila sa akin ay kalimotan ito.

Andun na ako.

Gusto ko na rin siyang kalimutan dahil nahihirapan na din ako. Pero tuwing nakikita ko siyang malungkot at umiiyak dahil sa pangungulila kay Fierce ay mas nagagalit ako kaya hindi na ako nakatiis at gusto ko siyang magising sa katotohanan.

"Fierce—"

"Fierce! Puro nalang Fierce! Kailan kaba magigising Leif? Bumalik man yun hindi ka niya magugustuhan dahil para sa kanya ay pinsan ka niya!"

"Pero ampon lang ako. Hindi kami magkadugo."

"Tito Red and tita Fayee would prefer a rich guy for Fierce at hindi ikaw yun. Isa pa baka nakalimotan mong ang mommy mo ang bumaril kay tito Red na almost nitong ikinamatay."

"Skyee!"

Sigaw ni Lief na umiiyak na. Narinig ko lang naman ito sa mga usap-usapan. Pero ng tanungin ko si Mommy ay inibia nito ang usapan.

"Yes they don't blame you. But anak ka parin niya. Kaya wag mong pangarapin na mamahalin ka ni Fierce. You are nothing Leif, ni wala kang tunay na pamilya at pera."

"SKYEE!!!"

Malakas na sigaw ni mommy at hinila ako papasok ng bahay at na tsinelas pa ako. "How could you say that to Lief?"

"Totoo naman yun narinig ko kay lola. Sabi niya masama ang mommy ni Leif dahil binaril nito si tito Red."

"Still hindi mo dapat ganun kinausap si Leif. Bakit ba napaka m*****a mo Skyee? Ayokong e kompara ka sa mga kapatid mo pero bakit ganyan ka?!"

Tahimik lang ako habang pinapagalitan ni mommy. Totoo naman at tama siya ang sama ng mga sinabi ko kay Leif. Ang gusto ko lang naman kasi eh kalimutan niya si Fierce para ako na lang ang mahalin niya. Pero mukhang nagalit pa siya sa ginawa ko.

Nang magsumbong si mommy ay kamuntikan na nga akong isako ni daddy sa galit ng nalaman niya kung anong sinabi ko kay Leif. At kung anong paninira ko kay Fierce at tito Red at tita Fayee. Kung hindi kang ako anak malamang ipinatapon na niya ako. Narinig kasi ni mommy ang lahat.

Mula noon nag iba na si Leif. Hindi na siya sumasabay sa amin sa pagkain. Maaga din siyang gumigising. Nag je-jeep din siya papunta sa school. Doon ko nalamang sobrang bigat pala talaga ng sinabi ko para sa kanya. Mga sinabi kong mas aayawan niya akong mahalin kahit pa walang Fierce na involve.

Mas pinagbutihan niya ang pag aaral. Henyo si Leif pagdating sa computer kaya naman ginagamit niya iyon para sumasali sa mga tournament at manalo. Hindi na rin siya humihingi ng allowance kay daddy. Halos hindi na namin nakikita si Leif sa bahay. At nasaktan si daddy dahil iniisip niya talagang anak si Leif.

Nang mag highschool kami ay nagkaayos kami kahit papano pero Leif secretly built a wall. Sobrang taas ng wall na kahit na sino sa amin ay mahihirapang akyatin. Pag may gathering ang Fuentebella ay hindi na siya sumasali at nagdadahilan minsan.

Masaya naman siya pag kasama kami pero pag nag iisa ay napaka tahimik naman niya.

I try to changed for him. Kahit sa hilig niyang kantahan ay kinarer ko na rin buti na lang namana ko boses ni mommy. I even aked him to tutor me on how to play dota at hindi naman siya umayaw. Pero kahit anong gawin kong pagpapacute ka kanya.

I will always be SKYEE for him. And will never be FIERCE.

Naging masayahin ulit siya ng bumalik si Fierce pero hindi na siya showy. Naaalala siguro niya ang mga sinabi ko kaya kusa na siyang umiiwas dito at dahil doon ay mas natutuwa ako. I don't like Fierce. Hindi dahil kay Leif. Kundi dahil nasa kanya na ang lahat. Yung grand parents namin at kahit ang great grand parents namin ay iba ang trato kay Fierce. Wala sa amin ang makakapantay kay Fierce. She is an epitome of beauty and brain. Mas matangkad siya sa akin. Sa gulang na labing lima ay hubog na-hubog na ang katawan ni Fierce. Nakuha din niya ang malulusog na dibdib ni tita Fayee na parating bukambibig ni Navyee at Royalle dahil mga flat chested kaming tatlo na nagmumukha tuloy kaming mga lumpia. Na hindi namin nakuha sa mommy namin. Kaya asar na asar ako kay Fierce. Selos na selos ako sa kanya. Pakiramdam ko kaagaw ko siya sa lahat ng bagay. Na ang swerte niya kasi kahit hindi niya paghirapan ay makukuha at makukuha niya parin ang lahat ng gusto niya.

Pero biglang nag bago ang lahat ng malaman ko ang sekretong unawaan ng dalawa. I was there malapit sa MRF. I saw them how they kissed each other like uhaw na uhaw. Masokista na pero umiiyak lang akong habang nakatitig sa dalawa. Until someone covered my eyes.

"Now you know that they loved each other. Tingin ko it's time for you to give up."

Nilingon ko ang nagsasalitang si Racer at niyakap siya. Hinayaan ko na lang siyang akayin ako pabalik sa tent namin. Tahimik lang ako kasit maiiyak na namang ako sa sakit.

"Kayo na ang susunod."

Pagbabalita ni KC na pang best in talent talaga pagdating sa kainan. Tinawagan ko si Leif pero walang sumasagot. Nang tingnan ko si Racer ay nakangiti lang ito na tila gusto sabihin na busy sila.

Kahit walang Leif ay kakanta ako. Pero sa huling beses ay tinawagan ko siya pero hindi niya parin ito sinasagot. Kaya alam ko ng dapat ko siyang kalimutan. Kaya sa kanta ko ay gusto Kong malaman niya how much I like him. But again, while looking at him, he was there looking at her.

"Energetic ang loko."

Ramdam ko ang sakit ng kanta. I love him for so kong kaya ang sakit sakit sa dibdib. Naiyak ako pero piniligilan ko talaga ang luha sa pagtulo pero ang hirap. Nakita ko sa di kalayuan si Fierce na inakbayan ni Racer at kumaway pa ang gago kaya naman si Leif mas ginanahan sa paggigitara. Pagkatapos ng kanta ay umalis na ako. Hindi ko ata kayang makita silang dalawa na sweet sa isa't isa.

Dumaan ang mga araw at isang balik sa masayahing Leif ang nakikita ng pamilya. Sa bawat pagtitipon ay nakikigulo na ito. Tahimik lang akong nakikiramdam sa kanila ni Fierce pero secret lang nila ang relasyon nila. Kating-kati na akong isumbong sila pero binalaan ako ni Racer na pabayaan sila.

Dumaan ang mga buwan at palalim na ng palalim ang ugnayan ni Leif at Fierce at ako naman ay palalim na ng palalim ang hukay ko dahil pakiramram ko mamamatay na ako sa sakit. Kutang-kuta na kasi sa sakit.

Nainis pa akong makita si Fierce sa beach trip namin. Magkatabi sila ni Leif at magkaholding hand. Tanging ako at si Racer lang ata ang may alam. Wala naman kasing paki si KC basta may pagkain. Ibang Fierce ang nakikita ko ngayon. Tumatawa siya at nakikipag palitan ng jokes kasi pa sablay.

Naparami ang na inom ko kaya medyo na hilo na ako kaya inihatid na ako ni Navy at KC si Racer naman akay si Royal. Ayoko nga sana kasi nagpaiwan pa si Fierce at Leif. Kaso baliktad na talaga ang mundo ko. Hating gabi ng mahimasmasan ako ay agad kong hinanap si Fierce ay wala ito sa kwrto niya at doon ko siya nakita sa kwrto si Leif. I saw them in the act of having sex.

Napaiyak na naman ako habang rinig ko kung paano ka baliw si Leif kay Fierce at tawa ng tawa lang ang huli. Rinig ko parin kung paano sila sabay na narating r***k ng langit. Tumakbo akong iyak ng iyak. Nagising si Navy na nagtataka pero hindi ko siya pinansin.

Since then umiiwas na ako sa kanila. Nagkaroon na din ako ng ibang circle of friends na puro mga sosyalera. Natuto nandin akong uminom at mag wala sa dance floor.

Nang malaman ito ng parents ko ay na grounded ako pero sila din ang sumuko sa akin. Kaya nang makapagtapos kami ay balak nilang sa Cebu ako mag aral. Ok na ako doon para malayo kay Leif.

Pero I'm on my way nang makita ko si Leif at Fierce sumakay ng taxi kaya pinasundan ko sa driver ng taxi at nakita ko silang huminto sa condotel ng grandpop ko kung saan binigyan SI Leif Ng unit.

Nagrerebelde na naman ako sa galit. Kaya ng umuwi ako Bahay sinabi ko sa parents ko na ayoko sa Cebu. Hindi naman nila ako napilit.

"Ano ba kasing ayaw mo sa Cebu Skyee?"

Sita ni tito Green habang karga ang bunso nila ni tita Venice, gobernador na ito sa Cebu pero pagdating sa bahay nila ay yaya parin ito ng anak nila. Birthday ng anak ni tito Declan kaya complete halos Fuentebella. Pwere kay Leif na nasa Mindanao at Fierce na nasa States.

"Wala doon si Leif!"

Joke lang naman sana yun eh pero biglang dumating si tito White at Leif. Kaya nanuwi sa tuksuhan sa akin at Leif. Nakitawa lang ito. Kung alam lang nila ang relasyon nito kay Fierce ewan kong etutukso pa nila sa akin si Leif.

Tumawag sa aking si Nieven ang isa konpang kaibigang sosyalera. Kaya nagpaalam akong lalabas. Binalaan lang ako ni daddy sa oras . Dumating ako sa bar na puno ng tao. It's friday pala kaya punuoan buti nalang nasa private room sila. Umakyat na ako at nagulantang ako sa nakita. They are not just drinking but they are also doing drugs. Napaatras na ako at aalis na sana ng hinila ako si Nieven na sabog na rin.

"Akala ko ba iinom at sasayaw lang tayo?"

"Yup! We just want to enjoy! May problema si Binoy kaya need niya ng karamay."

She is referring sa friend daw niya where in fact they are having sex. They are the friends with benefits example. Umupo lang ako sa tabi ni Nieven while kahalikan niya si Binoy. I was like about to go ng may nag-abot sa akin ng wine glass tinanggap ko ito at yun lang ang huling naalala ko. Dahil nagising ako na may kasamang lalaki sa kama at pareho kaming hubad. Mabilis akong tumayo at hinanap ang suot kong damit ng may panginginig.

"Who are you?"

Nanigas ang buong katawan ko at tumakbo na ako sa banyo. Mabilis akong nagbihis at nakita ko siyang nag aabang sa pintuan kaya wala akong kawala kundi ang kausapin siya.

"I'm Skyee Fuentebella.

"You're a virgin."

"Was."

"I'm Dustin Zamora."

"I have to go. Bibitayin ako ng daddy ko pagnalaman niyang hindi ako umuwi ng bahay."

"I'll take you home."

"No need. I can manage."

Yun lang at umalis na ito sa harapan ng door. It's five am buti nalang at hindi morning person si daddy at mommy kaya malaya akong nakapasok ng bahay na parang walang nangyari. Isang linggo ko nang tinatawagan si Nieven para magtanong sa nangyari nung last time na inumin pero wala akong ma contact hanggang sa nakabalita nalang ako. Sina Nieven at Binoy na kapwa patay dahil sa na over dose sa droga. Graveh ang pangaral ni daddy at mommy sa akin nakakabingi na nga. Simula noon ay grounded na ako. Tinatamad na din akong lumabas ni ayaw ko na ngang malego.

Hanggang sa nalaman kong delayed na ako. Nag PT ako ng patago at doon ko na lamang buntis ako. Halos mabaliw na ako sa gagawing solusyon. Hanggang sa inuwi ni Racer si Leif na lasing at ako ang nakabukas ng pintuan. Habang ibinaba ko siya sa dati niyang kama ay napaisip ako sa solusyon ng problema ko. Kaya gaya ng sa drama ay naghubad na ako at hinubaran ko si Leif at natulog ako sa tabi niya.

Nagising na lang akonsa halos maiyak na na si Leif at itinapon sa akin ang damit ko. Walang sabi-sabi ay nag bihis ako at umalis sa kwrto niya. Hindi kami nag usap hanggang sa. Dumating ang isa pang huwan at nahalata ni mommy dahil nurse nga siya.

"Kala mo hindi ko malalaman? So sinong ama?"

Nabilaukan si daddy sa sinabi ni mommy. Si Navye at Royalle ay nanlaki din ang mata.

"Hindi po ako buntis mom!"

Gusto kong matawa sa hitsura ni Royalle. Napaghalataang may ginagawa ring kababalaghan.

"Shut up!"

"Nag make out lang kami wala kaming ginawa beyon—"

"SKYEE!"

Minsan lang m*****a si mama at ngayon nga ito. Galit na galit at mukhang masasaktan ako kapag hindi ko inayos ang pagpapaliwanag.

"Buntis ka?" Takang tanong ni Royalle sa akin. Si Navy ay nagulat at nakatakip pa sa bibig niya ang dalawang kamay. "Si Leif right? I saw both of you. Sa kama at pareh—"

Hindi na natuloy ni Navy ang sasabihin dahil nagwala na si daddy. Natakot naman ako dahil galit na galit si daddy.

"Book a flight! Were going to hunt Leif down! Hinding-hindi ko ito palalagpasin!"

Iyak ako ng iyak sa plane habang si mommy ay tahimik lang while si daddy ay galit na galit parin.

Hindi nila ako kinibo ng makarating kami sa Mindanao. Pagkarating sa bahay ay agad na umakyat si Daddy sa taas at hinanap si Leif.

"Mom sorry. Please unuwi na tayo. Huwag na nating guluhin si Leif."

"Gusto kong marinig mula sa kanya Skyee kung paninindigan ka niya o hindi."

"Paano pag hindi?"

"Well ihanda mo na rin ang sarili mong matikman ang usapin sa pagiging single mom. Ang ikaw ang magiging una sa pamilya."

"I'm sorry mom. Nagkamali lang naman kasi ako."

"Nagkamali? Seriously? Skye ang pagkakamali ay yung nakabasag ka ng baso o di kayay may natapunan ka ng juice. Yun ang mga pagkakamalinh simple lang na kay intindihin at patawarin pero ang magbuntis?"

Iniwan na ako ni mama at umakyt na siya sa taas. Narinig ko na ang pag sigaw ni daddy. Nahihiya akong makita si Leif.

"I'm sorry Leif. Im sorry."

Ilang sandali pa ay hinila na ako ni mommy at galit na galit si daddy na pinaandar ang sasakyan. Kung gaano kami ng bilis dumating ng Mindanao ay ganun din kami ka bilis umalis.

"Blue—"

"Now now Kim!"

"I'm sorry. Sorry kasi pinilit ko ang magtrabaho ulit hindi ko tuloy nabantayan ang mga bata."

Naawa ako kay mommy na sinisisi ang sarili sa nangyari sa akin. Lumambot naman ang expression ni daddy nang makita si mommy na umiiyak. Kaya niyakap niya ito at nag sorry din.

"I will never have a family like them."

Kinagabihan ay nakatanggap ako ng text ni Leif saying...mag-uusap kami pag balik niya and that he will marry me. Naging masaya ako sa kinalabasan pero hindi ko parin maewasan ang kabahan sa ginawa ko.

"Magiging akin ka rin Leif. Promise gagawin ko ang lahat."

END OF FLASHBACK

"Ang ganda ng design." Ani ni tita Faye sa akin at nakangiti. Ngumiti din ako para itagong nag daybdreming ako.

"Walang problema ba dito kahit isang libo ang tao?" Tanong ni Tito Red na naupo na din sa tabi ni tita Faye.

"Two thousand five hundred po ang kasya tito kaya rest assured po na hindi problema ang area sa dami ng guest."

"Thank you Skyee for helping."

"No problem tita. Hindi ko lang kasi ma hindian si Racer."

"Kung sanay andito lang si Fierce."

Nabigla kami ni tita sa sinabi ni tito Red. Naramdaman ko ang pagtapik ni tita sa kamay ko na tila she's telling me not to mind tito Red.

"I'm sorry po tito."

"It's has been seventeen long years Skyee. Kung saan man siya ngayon sana lang nasa mabuting kamay siya."

"We are not blaming you Skyee. Though nasasaktan parin kami bilang parents ni Fierce pero hindi ka namin sinisisi. Kung ano man ang desisyon ni Fierce siguro may dahilan siya at maling sa iyo namin e sisi ang lahat."

Niyakap ko si tita at ganun din siya sa akin. Naiyak na rin ako kasi ang tagal kong hiniling ang ganitong moment na mapatawad nila. Nagpaalam na rin ako dahil may nilalamay pa akong design ng bahay. Yes architect ako by profession. May sarili akong kompanya. Si Navyee ay isang Nurse. Police naman si Royalle.

Nakita kong nagluluto ang dalaga ko ng dinner while tawa ng tawa ang aking mudrakels na nagkakaedad na pero maganda parin. Kami nalang ang nasa bahay. Mula na ng mag-asawa ang mga kapatid ko ay hindi na pumayag si mommy na pati kami ay bubukod ng bahay.

"Si daddy?"

"Tinawagan ng tito Red mo. Magbobonding daw sila."

"Mom i just talked with dad hindi daw siya uuwi."

Nilingon ko si Cassy na masayang inilapag ang niluto sa table. Hanggang ngayon ay apektado parin ako basta usaping Leif.

"He is sad, until now tuwing nababanggit ang pangalan ni tita Fierce ay saka lang siya nabubuhay."

"He still hates me."

"He still loved her."-Cass

"And you are not over him yet!"

Tiningnan ko si mama na nakatitig lang din sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko. "Kailan ninyo aayusin ang pagsasama ninyo malakinna ang anak ninyo."

"Get a life! File for divorce kung wala na talaga or date someone! You are only thirty-four. Yes, kasalanan mo but don't you think seventeen years is long enough para pagbayaran mo yun?"

Naiyak na akong yumakap kay mommy. All these years wala silang alam tungkol sa tunay na ama ni Cass at ang divorce namin ni Leif at hindi ako sure if after a long time kung nag mature na ako. All these years nakita ko ang mga maling action ko sa buhay. At isa na doon ang ipilit ang sarili ko sa nagmamahalang Leif at Fierce.

Nang nasa kama na ako ay biglang may kumatok at walang pasabi ng humiga sa kama at niyakap ako ilang sandali ay nagsalita ito.

"Who's my dad? I'm 16 soon 17 i think nasa tamang edad na ako para malaman ko kung sino a ang ama ko."

"Cass—"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status