Share

Chapter 3: Alinlangan

Leif Patrick Trevor

"Fierce who?" Ani ng mataray na dalaga na kulot at pilit na inalis ang pagkakayakap ni Sven sa akin.

"I think you got it all wrong."

"We don't know you sir if you please—"

Ani ng isa pang mataray na dalaga na may tuwid na buhok. Palipat-lipat Ang tingin ko sa kanila dahil kuhang-kuha nila ang hitsura ni Fierce lalo na ang mata at Ang kamalditahan nito. Lumabas ang nag record sa loob. At nakita ko sila ng malapitan at nakikita ko sa kanila ang younger version ko.

"Let's eat. I'm hungry."

Ani ng nagsalita at walang nakuhang umimik pero kinalabit ako ni Sven at bumulong na siya si Forest ang pinaka kuya.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Forest at nanlaki Ang mata ko.

"Nakakapagsalita kayo ng tagalog?"

"We are Filipino by blood at least." Ani ng unang lumabas dala ang bag.

"Its kuya Kerztch, ang sumunod kay kuya Forest Bali sixtuplets sila Forest, Kerztch, Silas, Makalla, yung kulot at Archelle yung tuwid at Ross." paliwanag ni Sven ang kumakausap sa akin dahil ang iba tahimik lang.

Nauna na silang lumabas nagpahuli kami. Kahit papano ay hindi ako na ilang dahil sa kinakausap ako ni Sven kahit pa panay ang daddy niya sa akin. Dumating nga ang taxi at sumakay na sila at sumakay sa akin ang apat kaya pinaandar ko na rin ang sasakyan sakay ang tatlong tahimik at isang makulit. We end up sa McDonald at pinagdikit ng mga nauna sa amin ang mga mesa to accomodate us.

"Why here? It's too crowded for us."

Reklamo ng kulot na m*****a. Pero balewala ito sa masayang-masaya na si Sven.

"Ate Kal write us a letter. Forge mom's signature like you always did." Pinitik ito sa taenga ni Makala at inirapan ako. Natawa ako sa sinabi ni Sven.

"And why would i do that?"

"We want to join Dota 2 in the China."

"Can you at least ask mom? Im sure you're dead when she finds out."

"And you're dead too when she find out your here for modelling."

"Let's eat."

Dumating ang apat na bitbit ang pagkain. Dumukot ako ng pera sana sa bulsa para sa share ko pero may pumigil sa akin. "I'm Ross the youngest of the six."

Naupo ito katabi ko. Kitang-kita ko kung paano sinuguro ni Forest na may pagkain ang lahat bago ito naupo para kumain. Yung dalawang babae din ay panay paalala kay Niyall at Sven na huwag makalat kumain. Nasisiyahan akong makita silang alaga ang isa't isa. Magana akong kumain na kasama sila. Kahit nakikitawa lang ako sa kanila. Si Sven ang makulit sa kanilang lahat at si Ross. Payabangan sila ng payabangan hanggang sa nauwi sa tawanan.

"I'm Silas. Here." Inabot niya sa akin ang soda.

"Thanks. I'll go for water."

"You don't drink soda?"

"Yeah I'm kinda allergic to carbonated beverages."

"YES! YES!"

Napalingon ang mga tao sa amin sa pagsigaw ni Silas na tila nanalo ng jackpot. "See? Its not weird having allergy in soda. I'm glad i find someone who can relate me."

"You're also allergic to soda?"

"Yup!"

"Wow! It's indeed rare to find a person with the same allergies."

"My grandpop is also allergic to soda."

"So you're a married guy."

Natahimik sila sa tanong ni Forest. Kahit ang tahimik na si Sven ay natahimik. Mukhang lahat ata sila ay tahimik pag nagsasalita si Forest ang pinaka kuya. "I—"

Hindi ko natukoy ang sasabihin dahil biglang lumapit ang crew ng McDonald to inform us na meron silang karaoke sa labas, if we wish to sing pakita lang daw namin ang recibo na may surprise gift daw sa makakuha ng mataas na score.

"I think were done eating here let's go baka hinahanap na tayo ni mommy Elly's."

"Kuya—"

Pagmamakaawa ni Sven habang nakahawak parin sa aking kamay. Tumaas lang ang kilay nito at tahimik na umiyak si Sven. Niyakap ito ni Archkelle at nagsalita sa lenguwahe nila para siguro hindi ko naiintindihan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa palitan ng usapan. Palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Forest.

Naramdaman ko na lang ang pagkalas ng pagkakahawak ni Sven at nalungkot ako na tila ba habang nag-uusap sila sa sarili nilang lenggwahe ay para may ideya na ako.

"It's nice meeting you sir."

Ani ni Forest at tumayo na at naglakad palabas. Nakita ko ang paglingon ni Sven sa akin na umiiyak parin. "Na attach na ba ako ng sobra sa pagtatawag niya sa akin ng daddy?"

Nakatayo parin sila at tila nag-uusap. Hindi na ako lumapit baka ayaw nila nagulat na lang ako ng may nag-abot sa akin ng microphone at sinabinkong hindi ako kakanta pero hindi na ako maka apila ng binigay na sa akin ang songbook at microphone. For seventeen years ay ngayon lang ulit ako humawak ng microphone. Gusto ko sanang kantahin ang hanggang sa huli pero sa pinas lang meron nun wala dito kay yung Favorite ko nalang na kanta ni Arif Rahman. Nahiya ako nang matapos akong kumanta dahil nag kumpulan na ang nga tao sa paligid at pumalakpak na sila.

"Dad ang galing mo! Mana pala sila kuya sayo."

Napakamot ako sa ulo. Nakichizmiz na kasi ang mga tao ang sabi mga anak ko daw. Biglang lumapit si Forest at binigay ang recibo saka kinuha ang microphone. Tinawag nito ang mga kapatid at si Silas ay naglabas ng guitar while bass naman kay Ross. Pumailalim na ang tugtog na THIS I PROMISE YOU.

Naunang kumanta si Silas. Ang linaw ng boses. Agad pumalakpak ang mga nakinig sa paligid. Sumunod si Ross na para kang henehele sa lamig ng boses. Iba iba ang timbre ng boses nila pero lahat bumagay. Si Kertzch na ang sa koro. Nagpalakpakan na ang mga tao kahit na ang kumakain sa loob ay lumabas para makita ang mini concert ng Mcdonald . Kahit ang mga napapadaang private cars ay timigil din.

Kumanta na din si Forest. Sa kanilang apat mas gusto ko ang timbre ng boses niya kasi buo. Magkaboses pa nga kami eh. Nagulat ako ng inabot niya sa akin ang microphone. Saulado ko to dahil ito ang kinanta ko kay Fierce sa JS prom at isinayaw ko siya habang kinantahan. Nag duet din kami ni Forest.

Daming nag request na mga customer pero isang kanta lang ang pinagbigyan nila dahil aalis pa daw sila. Kinanta nila ang Just the way you are. Bilang tatay daw nila ayon sa mga audience ay proud ako to have talented sons na mga gwapo din.

Sa Airport hotel ko sila hinatid dahil may naghihintay umano sa kanila. Pagka park ko sa hotel ay nag elevator kami pataas. Nang bumukas ang door ay agad nagtago si Sven sa likod ni Makala, Si Niyall kay Archkelle. Tumambad sa amin ang embyernang babae na halos maubos na ang dugo sa kakasaway sa limang batang lalaki na nag re-wresting sa floor ng hotel lounge.

"Mommy Ellys."

Tawag ni Forest dito at lumingon ang babaeng halos maiyak na sa saya. "So siya pala ang warrior na ina na nagluwal sa labing labing lima"

"Dios kong mga bata kayo. Aatakihin ako sa inyo. Kamuntikan ko ng masabi sa nanay ninyo na wala kayo sa bahay."

"Nanay? May ina pa sila at hindi siya?" nilapitan ko siya at kinamayan ko. "Hello. Mrs pasensya kong natagalan kami."

"Sinong Mrs—Mrs. Siya—siya—"

Parang ibinabad sa suka ang babae at tila naputol ang dila dahil turo lang ito ng turo sa akin kaya hinila na siya si Forest palayo.

"Daddy!"

Lumingon sa akin ang mga batang busy kanina sa sahig. "Tama ba ng nakita ko? Bakit may hawig sila sa mga Fuentebella? They look exactly tito Green, tito Orange, tito Black at tito White plus tito Gray?" Tumakbo sa gawi ko ang isang batang lalaki na mga limang taong gulang ata at agad ay niyakap ako. Nagsitayoan ang apat na nag wrestling at ako na ang ni wrestling nila.

"Daddy you came!"

"Daddy bakit ngayon ka lang!"

"Daddy karga mo ako."

"Daddy ako din."

"Daddy wag kanang umalis please. Dito ka lang."

Hindi ko alam kung paano mag react sa mga batang kaharap. Mabuti na lang at mabilis si Ross at Silas na kunin ang dalawa at kinarga din ni Kertzch ang isa at ni Forest ang isa. Ang naewang isa ay agad na kinarga ni Aieous.

"Ano ba itong napasokan ko sa inyo. Natatakot na ako sa mangyayari." Panay irap sa akin ng babae at panay dabog. "Sven hindi mo siya mommy?"

"Yaya po namin siya."

"Kung ganun asan ang mommy ninyo?"

"Aerospace engineer po siya. Sa ngayon nasa special training siya. Siya kasi mismo ang gumagawa sa spacecraft. Head engineer po siya."

"My number ka maari ko bang makausap ang mama mo?"

"Po? Nako wag po patay kami pag nalaman niyang wala kaming lahat sa amin."

"Gaano ba siya ka terror?"

"Worst kay kulot at tuwid."

"Ganun ba sige kay Forest ko hihingiin." Pinuntahan ko kwrto ni Forest at nakita ko siyang kinakausap ang limang batang mugto na ang mata sa kakaiyak. Nang makita ako ay agad silang nagtakbohan sa akin.

"Daddy—"

"Hindi ka na dapat nag punta dito." Sita ni Forest.

"May sadya ako sayo, I need your moms number."

"HUH?"

"Kailangan ba talagang ma shocked siya?" Walang nagawa si Forest dahil sa mga makukulit na pakiusap Ng mga kapatid na ibigay sa akin nng number ng nanay nila kaya binunot nito Ang phone at ibinigay sa 'kin. Naawa ako sa limang nakatingin lang sa akin parang hinihiwa ang puso kong makita silang malungkot kaya magalit na si Forest ay naupo ako at niyakap ko sila.

"Ang sarap palang may maraming anak."

Kinarga ko silang lima at tawa sila ng tawa. Nilapag ko sila sa kama pero agad nila akong sinakyan kaya napahiga na ako. Tawa sila ng tawa. Panay daddy ng daddy at ang sarap sa taenga na tila mga musika.

"Daddy, huwag ka nang umalis, bati na kayo ni mommy." Ani ni Khalid at sinaway ito ni Forest.

"Daddy bakit kasi ang tagal mong dumating. Saan ka ba galing daddy? Sama ako sayo." iyak ng sinaway ni Forest na Zhari. Sinabihan pa ito ni Forest na hindi ako ang daddy nila pero sumagot lang ito at sinabing ako ang daddy nila. "Aalis ka na po? Iiwan n'yo na po ulit kami?"

Hindi nag tagal ay nakatulog sila kaya unti-unti na rin ako umalis sa kama. "Pasensya kana sa mga kapatid ko."

"Okay lang sanay na ako. Mga kaibigan ko ginagawa akong babysitter minsan. I only have one daughter at dalaga na rin siya kaya hindi na kasing kulit nila."

"We were leaving tomorrow."

"Sayang akala ko ma pasyal ko pa silang lima."

"We can't stay. Darating si nanay sa makalawa. Please don't mention about meeting us."

"Bakit?"

"Please."

Tumango nalang ako at umalis. Dumating ako sa office ng Omicron Infite at naalala ko ang number kaya tinawagan ko ito. Naka dalawang tawag ako bago may mukhang kagigising na nag Hello sa akin.

"Mrs. Romanov—"

Walang nagsalita sa kabilang linya.

"This is Leif Trevor."

"I can't talk at the moment. Please leave me an email. Bye!"

"Bakit ka boses niya si Fierce?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status