Share

Chapter 7

Ngunit, ang inaakala nilang payapa ay isang malaking kabaliktaran pala ng katotohanan. Sa kagubatan pala naglulungga ang karamihan sa mga barumbadong tauhan ng hari. Sila ang nagbabantay sa mga nagtatangkang tumakas o manguha ng mga bungang-kahoy sa kagubatan.

Nakapalibot ang halos nasa labing-limang sundalo habang masayang kumakain at umiinom. May mga babae pa itong mga bihag at pilit na minomolestiya.

Napapikit nalang si Prinsipe Artemis at napahawak sa kanyang sandata ng mahigpit. Maagap naman itong nahawakan sa balikat ni Kael ng magtangka itong sumugod. Umiling si Kael sa kanya indikasyon na pinipigilan syang gumawa ng ano mang hakbang na maaaring sumira sa plano nila. Mabilis na nilang hinila palayo si Artemis sa lugar na ito.

“Alam naming nais mo nang sumugod roon, pero pakiusap maghunos-dili ka, tingin mo maililigtas mo sila gamit ang karahasan? Hindi, kasi hindi lang sila ang gumagawa ng ganong karumal-dumal na gawain! Isipin mo ngang mabuti," Inis na pangaral ni Xinniang

“Pero kailangan nila ng tulong natin, bakit hindi natin sila tulungan?” Malakas naman na wika ni Artemis.

“Tulungan? Tingin mo matutulungan mo sila? Tingin mo kapag natulungan mo sila ngayon ay wala na ulit aabuso sa kanila? Pwede bang mag-isip ka!” Mabilis na tumalikod at naglakad papalayo si Xinniang.

Sya man ay nakokonsensya at naiiyak, nanggigigil din dahil sa kanyang nakita, pero kailangan nyang pigilan ang kanyang sarili. May mas mahalagang misyon silang kailangang gawin at yon ang dapat na pagtuunan ng pansin.

“Alam mo prinsipe, tama naman si Xinniang, alalahanin mong may mas mahalaga tayong bagay na kailangang gawin, pano kung dito palang namatay na tayo? Pano nalang ang misyon na iniatas sayo?” Hinawakan ni Artemis ang kanyang ulo at inis na sinabunutan ito ng malakas. Maya-maya, ay tumayo ito.

“Siguro nga tama kayo...”

Mabilis naman agad na hinabol nilang lahat si Xinniang. Naabutan nila itong pinagtatagpas ang sanga ng puno. Indikasyon na naiinis ito sa mga nangyayayari.

Lumapit si Artemis kay Xinniang, “Patawad binibining Xinniang, tama ka, isa akong hangal at di marunong mag-isip, masyado akong naging padalos-dalos sa naging desisyon ko. Patawad!” Tiningnan naman sya ni Xinniang at matamang pinagmamasdan.

“Tama ka rin naman, masyado rin ako naging mapusok, patawad prinsipe," Sagot naman nito.

“Hayys, tama na nga yan, ngayon ay may mas mahalaga tayong bagay na dapat pag-usapan. Kailangan natin ng mapa at mga gamit na maaaring magamit natin sa ating paglalakbay. Ang kompas ng direksyon at ang mapa na magtuturo sa atin ng daan papuntang Kanluan," Sabat naman ni Kael.

Doon lang pumasok sa isip ni Artemis na wala nga pala silang mapa, paano sila pupunta sa Kanluan. Magiging mahirap sa kanilang maglakbay ng walang kasiguraduhan. Bigla namang sumagi sa isip nya ang kuwentas na isinuot a kanya ng ina.

Binuksan nya ang pendant nito, duon ay biglang may lumabas na usok. Biglang may mga sulat na lumutang sa kanilang harapan.

“Anong klaseng wika ito Artemis? Kakaiba, hindi ko batid ang mga letrang nakaukit dito," Nakakunot naman ang noong tanong ni Kael. Tinitigan pa nito ng husto ang sulat ngunit hindi nya talaga malaman ang mga karakter na nakapaloob dito.

“Ako, alam kong basahin yan!" Presenta naman ni Dustin,“ Ang wikang yan ay wika ng mga itim na Anohar. Itinuturo ito sa tribo namin noon kaya maalam akong basahin yan,” Agad naman syang pumunta sa harapan upang basahin ng malakas ang nakasulat.

Mahal kong anak,

Nais kong sabihin sayo na mag-iingat ka sa iyong gagawing paglalakbay. Mapanganib ang daang iyong tatahakin, ngunit may tiwala ako sa iyo anak.

Hanapin ang tubig, tubig na mainit

Bukal na kalooban, malinis na hangarin, hingin ang iyong nanaisin, sa tubig ng kalinisan, iyong makakamtan, ibigay kanyang nanaisin, wag itaboy, wag sasaktan, wag magmarunong at kasamaan iyong iwan saan man ikay kanyang gagabayan, ituturo daan ng iyong patutunguhan sa dalisay na kalawakan ikay kanyang dadalhin.

“Ano ang ibig sabihin ng sulat na ito? Wala akong maintindihan?” Takang tanong naman ng iba.

“Hanapin ang tubig, tubig na mainit??” Takang tanong ni Kael.

“Hindi kaya ay sa tubig natin mahahanap ang mapa? Mainit na tubig? May alam ba kayong bukal malapit dito?” Napailing naman ang lahat.

Tahimik namang inaanalisa ni Artemis ang kanyang narinig. Wala talaga syang maisip liban nalang sa literal nitong kahulugan.

Nagsimula silang maglakad ng maingat habang pilit paring inaanalisa sa kanilang mga isipan ang narinig kanina. Tahimik lamang silang lahat hanggang hindi nila namalayan ang daang kanilang nilalakaran. Nasa pababang hagdan sila patungo sa kweba ng isa sa pinakamatandang sorcerer na nagbabantay sa lagusan ng mahiwagang tubig. Ang tubig na pinaniniwalaang nakakapagpabuhay

ng mga patay. Isang mahimalang tubig ng bukal.

“Teka...Nasaan na nga ba tayo??” Mahinang tanong ni Blue sa mga kasamahan.

Doon lamang silang lahat bumalik sa huwisyo at pinagmasdan ang kanilang paligid. Nakita nilang pababa ang lupang hagdan na kanilang tinatahak. Sa baba ay may kadiliman dahil sa mga naglalakihang puno, kaya hindi nila masyadong kita ang nasa unahan.

Dahan-dahan silang naglakad ng may bahid ng pangamba at pagtataka na kung sa paanong paraan sila napunta sa lugar na iyon. Hindi nila alam na sa oras na mabasa nila ang nakasulat na mensahe sa loob ng mahiwagang pendant ay dadalhin sila nito sa lugar ng mahiwagang bukal. Doon nila haharapin ang mga pagsubok na ibibigay sa kanila ng matandang sorcerer bago nila makuha ang kanilang pakay.

Habang pababa sila, bigla silang nakakita ng dalawang matanda, para itong mag-asawa, inaakay ng babaeng matanda ang kanyang asawa paakyat sa hagdanan. Lumingon sila sa kanilang pinanggalingan, nakita nilang sobrang tarik na pala ng kanilang nilalakaran. Masyado pang malayo ang aakyatin ng mag-asawa para lang makarating sa taas.

Dali-dali silang tumakbo palapit sa dalawa. Inalalayan ni Xinniang at Artemis ang mag-asawa.

“Magandang hapon po sa inyong dalawa lola at lolo. Ano po ba ang inyong ginagawa sa lugar na ito? Napakadilekado po, pano nalang kung aksidenteng malaglag kayo o matalisod,” Dahan-dahan muna nilang pina-upo ang dalawa sa baitang ng hagdan.

“Lola, tumakas ho ba kayo sa mga masasamang sundalo at napunta sa lugar na ito?” Tanong naman ni Artemis.

“Isa-isa lang mga apo, mahina ang kalaban...nandito kami kasi dito kami nakatira, doon sa baba,” Itinuro nito ang ibabang bahagi ng hagdanan, “Sinubukan lang naming umakyat upang makapag-ehersisyo, ako nga pala si lola Belinda at ito naman si lolo karding. Pasensya na at hindi na sya nakakarinig kaya hindi nya tayo naririnig. Nakikita nya lang na nag-uusap tayo...” Sagot naman ni Lola Belinda.

“Aahh, dyan po kayo nakatira? May bahay po ba dyan? Wala naman po kaming makita, ang kapal kasi ng hamog lola...”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status