Share

Chapter 6

Penulis: Angel_266
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-18 10:34:04

“Huh? Bakit nyo naman natanong ang bagay na iyan?” Takang tanong ko. Ano na bang nangyayari sa labas ngayon??

“Hindi mo na nanaisin pang tingnan at titigan ang noon ay magagandang tanawin at masiglang bayan, ngayon ay naging parang libingan na. Kumalat na ang sakit sa buong kaharian. Bagsak na ang ekonomiya at lahat ng tao ay naghihirap na, wala na silang makain,” Mahinahon ngunit pagalit na sabi ni Xinniang. Bahagya pang nakakuyom ang kamao nito.

Bagsak ang balikat ni Prinsepe Artemis dahil sa narinig. Hindi pa man nya nakikita ay nailalarawan na nya ito sa kanyang isipan, naitakip na lamang niya ang kanyang mga palad sa mukha. Galit at pagkamuhi, yan ang kanyang nararamdaman ngayon, nabigo sya, ano na ang gagawin nya ngayon? Paano na ang kanyang pangako sa sarili? Paano na ang kanyang mga nasasakupan, hindi mapigilang tumulo ng kanyang mga luha. Labis na kabiguan ang kanyang nararamdaman.

“Ayos ka lamang ba Prinsipe Artemis?”Mahinahong tanong naman ni Kael dito. Nakikita nito kung gaano kasakit para sa naturang Prinsipe ang narinig.

Dali-dali itong tumayo, ngunit dahil sa nanghihina pa ito ay agad din itong bumagsak pabalik sa higaan. Mabilis naman agad itong inalalayan ni Xinniang.

“Prinsipe, wag mo munang biglain ang iyong sarili, ngayon ka lamang nagising at mahina pa ang iyong katawan, ipahinga mo na muna yan, ito, kumain ka muna,” Maagap naman agad itong pinaupo pabalik ni Xinniang.

"Pero..." Naputol ang kanyang sasabihin ng inilagay ni Xinniang ang kanyang hintuturo sa mga labi niya at iniumang ang kutsara sa bibig.

“Kumain ka nalang muna pwede ba, saka muna gawin yang ibang bagay kapag maayos at magaling kana, maaari ba?” Bakas ang inis sa boses ni Xinniang dahil sa katigasan ng ulo ng Prinsipe. Wala na syang pakialam kung Prinsipe pa ito, ang mahalaga ay kailangan nitong gumaling sa lalong madaling panahon.

“Okay?” Hindi na nga nakapalag si Prinsipe Artemis. Parang nawala tuloy ang tapang nya ng makitang naiinis at namumula na si Xinniang.

'Lagot, nainis ko pa yata'

****

Mabilis na lumipas ang araw at pangatlong araw na ngayon simula ng magising si Prinsipe Artemis, Maayos at malakas na rin sya.

Kasalukuyan syang naglalakad patungo sa silid-tanggapan nina Kael. Kailangan na nyang magpaalam sa mga ito, mahaba pa ang kanyang lalakbayin at ngayon pa lang ay kailangan na nyang simulan ang kanyang paglalakbay.

Pagkarating nya, naabutan nya silang lahat na nakaupo sa mahabang lamesa, sya nalang pala ang hinihintay, natagalan sya sapagkat nag-empake pa sya ng kanyang mga gamit bago pumunta roon.

Nagtataka namang tiningnan ni Prinsipe Artemis ang lahat dahil pawang may mga dala din itong mga gamit, maging si Kael ay meron din. Napakunot ang kanyang noo.

“Anong? Saan kayo pupunta? Aalis din ba kayo?" Bungad na tanong ni Artemis ng makapasok ito sa loob.

Lumingon silang lahat sa kanya.

"Sasama kami sayo, alam naming aalis ka kaya inunahan ka na namin, nais naming tumulong sa kung ano man ang iyong gagawin, alam naming may plano ka, tutulong kami," Determinadong sambit ni Xinniang.

“Tama, ganun din ako, sasama rin ako, gagawin ko ito hindi para sa sarili ko, kundi para sa bayan ko, para sa buong Mount Povo!” Madamdamin namang wika ni Kael.

Hindi alam ni Artemis kung saan pa ilalagay ang galak na kanyang nadarama. Akala nya ay mag-isa lang nyang lalakbayin ang daan ng walang kasiguraduhan, ang hindi nya inaasahan ay makakatagpo sya ng mga kaibigan sa kanyang daan.

“Kasama mo kami Prinsipe Artemis,”

Nakangiti namang lumapit si Xinniang sa kanya at bahagyang tinapik ang kanyang balikat.

“Ngunit... mapanganib ang lugar na aking pupuntahan, handa ba kayong suongin ang panganib kahit pa walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba tayo pagkatapos ng lahat ng ito? Pupunta ako sa Kanluan, ang lugar ng walang hanggang pasakit, kalungkutan at pighati. Sa lugar ng mga halimaw, doon ay may kailangan akong mahalagang bagay, ang aklat ng Dawane,” Paliwanag naman ni Prinsipe Artemis.

“Handa na kami Prinsipe...” Naputol ang sana ay sasabihin ni Kael.

“Artemis, yun nalang ang gusto kong itawag nyo sa akin, hindi na ako isang Prinsipe ngayon, wala ako sa kaharian kaya isa lamang akong normal na mamamayan ngayon,” Pagtutol ni Artemis.

“Kung iyon ang iyong nais, A...Arte..Artemis, Yun nga, sabi ko, nakahanda na kami, hindi na rin naman ligtas ang aming mga buhay sa kamay ng bagong hari, kaya para saan pa kung matatakot pa kaming sumuong sa panganib, mahigit isa't-kalahating linggo nang nanganganib ang aming mga buhay, patago at parang kriminal dahil palihim lamang na nagmamasid sa labas, nakatingin sa mga mamamayang unti-unting kinakain ng gutom, pinapatay ng sakit at uhaw. Ano pa bang bago, hindi ako sanay makita na ganito ang sitwasyon ng bayan na pinaghirapang itayo ng aking ama,” Mahabang sagot naman ni Kael.

“Ako din, nais naming sumama, hindi narin naman kami makakapaglakbay ng malaya, hindi narin kami makakapangalakal pa, wala na kaming magagawa, kung ang iyong gagawin ay makakabuti para sa bansa, nakahanda kaming suportahan ka,” Matatag na sabi naman ni Xinniang.

Hindi makapaniwala si Artemis, sa sobrang galak ay hindi nya sinasadyang mayakap ng mahigpit si Xinniang. Nanigas naman at namula ng husto ang pisngi ng huli.

Ng marealize ni Artemis ang kanyang ginawa, ay dahan-dahan nyang binitawan si Xinniang. Napakamot nalang sya sa kanyang pisngi sa hiya.

“Aahh... p..pasensya na, natuwa lang ako,” Namumulang sabi naman ni Artemis.

Napahagikhik nalang ang iba dahil sa reaksyon ng dalawa.

“Ahh/Aah,” Magkasabay nilang sabi.

“Ikaw na ang mauna,” Mahinhing sabi naman ni Artemis

“Ahh, ano, tara nah, tamah! Umalis na tayo,” Nauutal pang mabilis na sambit ni Xinniang.

"Tama! Mabuti pangang umalis na tayo ba..." Hindi na natapos pa ni Red ang kanyang sasabihin ng titigan sya ng masama ni Xinniang.

Napatakbo nalang ito sa likuran ng mga kasama. Kahit papano, ay medyo gumaan na ang kanilang mga nararamdaman.

Maya-maya lang ay maingat na silang lumabas sa likurang bahagi ng mansyon nina Kael. Patago silang naglakad patungo sa kagubatan, duon sila dadaan upang mas maging payapa ang kanilang paglalakbay.

Ngunit, ang inaakala nilang payapa ay isang malaking kabaliktaran pala ng katotohanan...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status