Share

Chapter 8

“Oo nandyan lang yan sa baba,” Sagot naman ni lola Belinda at dahan-dahan na itong tumayo. Inakay nito ang kanyang asawa at akmang aakyat na nanaman ulit sa hagdanan ng pigilan ito ni Artemis.

“Lola Belinda, huwag niyo po sanang mamasamain, ano po ba ang inyong gagawin sa taas? Tulungan na po namin kayo lola,” At maagap naman agad na inalalayan.

“Ngunit... kami ba ay hindi nakakaabala sa inyo? Mukhang may mahalaga kayong lakad?” Tanong naman ulit ni lola.

“Lola, wala ng mas mahalaga pa keysa sa kaligtasan ninyo. Mas mapapanatag lamang kami kung makasisiguro kaming maayos kayong makakarating sa inyong paroroonan,” Mahinahon namang sagot ni Xinniang.

Walang nagawa ay pumayag na lamang si Lola Belinda. Umakyat silang muli sa matarik na daan habang akay-akay ang dalawang matanda. Hingal na hingal naman sila ng makarating sa taas. Hindi man lamang nila napansin na ganito na pala katarik ang daang kanilang tinatahak. Masyado silang nalunod sa lalim ng kanilang iniisip.

Pagkarating nila sa taas, agad na nagpaalam ang dalawang matanda na silay hahayo na.

“Mag-iingat kayo, iha at mga iho. Mahirap ang daang inyong tatahakin, ngunit kung ang inyong mga damdamin ay buo, at ang inyong isipan ay matibay, manalig kayong ang tubig ng dalisay ay mapapasakamay, basbas ng kabutihan ay inyong baunin...” Nagulat silang lahat ng biglang lumiwanag at nawala nalang ng parang bula ang dalawa.

Ilang saglit rin silang nakatulala, maya-maya para silang nagising sa isang malalim na panaginip. Ang kanilang huling natatandaan ay ng buksan ni Artemis ang pendant na kuwentas. Wala na silang kahit na ano pa mang ala-ala patungkol sa mag-asawang kanina lamang ay kanilang tinulungan.

“Aahh... tayo na, kailangan na nating simulan ang paglalakbay, hanapin ang mainit na bukal,” Masayang wika ni Blue.

Muli nilang tinahak ang daan ng may saya sa puso, nananalig silang malalagpasan nila ang ano mang pagsubok na kakaharapin. Tila gumaan din ng bahagya ang bigat sa kanilang puso, nabawasan ang bigat na kanilang dala-dala.

Masaya naman silang pinagmasdan ng matandang sorcerer.

“Mag-iingat kayo, prinsipe Artemis, alam kong magagapi ninyo ang kasamaan, nananalig ako,” Mahinang bulong nito sa hangin.

Napahinto si Prinsipe Artemis, tila may narinig syang boses na bumulong sa hangin.

“May problema ba?” Lingon ni Xinniang kay Artemis.

Umiling lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakbay.

Pababa ng hagdan ay masaya silang nagkwentuhan, pampawala ng hingal at pagod. Ng makarating sila sa ibaba, nakita nila ang dalawang pulubi sa magkabilaang daan. Nakalahad ang mga palad na animoy nanghihingi. Nanlalaki ang mga nangingitim na mga mata at sira-sira ang kanilang damit. Mabaho na tila isang taon ng hindi nakakatikim ng ligo at buhaghag ang buhok. Nangingitim at nanggigiyayat narin ang kanilang mga mukha at katawan. Itinuturo ng mga ito ang bit-bit nilang pagkain.

Agad nilang tinulungan ang mga ito. Hindi na halos makagalaw dahil sa labis na kapayatan.

“A...anong...Paano nagkaroon ng mga tao sa liblib na lugar na ito? Lubhang napakaliblib ng lugar na ito. Paanong...?” Naguguluhan man ay ibinigay na lamang nila ang ilang pagkaing baon nila.

Pinakain at pinainom nila ang dalawa, tuwang-tuwa nilang pinagmamasdan ang masayang mukha ng dalawa. Nalaman nilang hindi pala sila nakakapagsalitang pareho kaya hindi nila matanong kung saan sila nanggaling at paano napunta sa ganito kadisyertong lugar. Kung titingnan, ay para itong abandonadong templo na may matarik na daan. Mga poste na lamang ang nananatiling nakatayo, makapal ang hamog at nakakatakot ang atmospera ng paligid.

“Anong klaseng lugar ba ang napuntahan natin, nakakatakot. Iharap nyo nalang ako sa mga sundalo wag lang sa multo...” Nanginginig ang panga at bahagya pang nakahawak ng mahigpit sa damit ni Kael si Red.

Iwinaksi naman agad ito ni Kael, hawak ang espada, pinagmasdan nilang maigi ang paligid.

“Teka pwede tayong magtanong ku.....” Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Blue ng paglingon nya da pwesto ng dalawang pulubi ay wala na ang mga ito.

Nanlalaki ang kanyang mga matang itinuro ang pwesto ng dalawa.

“A...asan n...na a..ang d...dal..aw..a?” Napalingon naman silang lahat sa itinururo ni Blue. Nagulat din sila sa kanilang nakita. Wala na doon ang dalawang pulubi.

Nakarating na sila sa pangalawang bantay ng pinto. Ang mapanglinlang na kambal, sila ang magkapatid na mangkukulam. Isinumpa silang hindi na kailan man makakalaya mula sa tarangkahang kanilang binabantayan. Kailangan nilang matalo ang dalawa upang makapasok sa pangatlo at panghuling tarangkahan. May tatlong tarangkahan kang kailangang lagpasan bago makarating sa mahiwagang bukal. Sila ang mabuti, mapanlinlang at masama.

Nakapasa sila sa unang tarangkahan, ngayon ay kailangan na nilang harapin ang pangalawa.

Mayamaya lang, “Hahahhahaha,” Isang matinis at nakakatulog na tawa ang kanilang narinig.

“Hahahha, maraming salamat sa pagkaing inyong handog, ngunit mas masarap parin kung ang kaluluwa ninyo ang inyong iaalay sa akin, hahahahaha,” Malakas nitong muling halakhak.

Dinig sa buong lugar ang masakit sa tenga nitong tawa.

“Eeeehehehe, at sino ang nagsabing maaari mong solohin ang mga bisita, Marita, hihihihi, kahit kailan ay tuso ka pa din,” Tinig naman ng isa pang boses.

Hawak ang mga espada, pomorma sila ng bilog at itinutok sa direksyon ng mga tinig ang kanilang mga sandata.

“Hindi maaari, nandito tayo sa pangalawang tarangkahan, nanganganib ang mga buhay natin, kailangan nyong maging alerto...” Napalunok na lamang ng laway si Kael. Nagsisi syang hindi nya sineryoso ang kwento ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito tungkol sa mahiwagang bukal.

“Anong ibig mong sabihin Kael,” Sigaw naman ni Xinniang. Winawagayway nya ang kanyang espada sa harapan.

Si Artemis naman ay matamang pinagmamasdan ang paligid. Pinapakinggan ang bawat hampas ng hangin, ngunit kahit anong gawin nya ay wala talagang ni katiting na hangin sa lugar na ito.

“Masama ito...” Yun na lamang ang kanyang nasambit. Napamura sya ng muli nanamang pumailanlang ang matitinis na boses sa paligid..

“Tama! Naalala ko, mga mangkukulam sila, mga isinumpang mangkukulam. Sila ang mga bantay sa pangalawang tarangkahan,” Malakas na sigaw ni Kael. Napakunot naman ang noo ng mga kasama. Anong tarangkahan ba ang tinutukoy ni Kael?

“Mga duwag, magpakita kayo sa amin, wag kayong magtago na parang mga daga, harapin niyo kami!” Malakas naman na sigaw ni Levy.

“Hahahhaha, matapang, yan ang gusto ko. Pero kahit ano pang tapang ang ipakita ninyo, kapag iniharap ko na sa inyo ang mga ito...” Isang kumpas ng mga kamay, ay lumitaw ang gabundok na mga ginto, “Ay bibigay din kayo... mga nilalang na hangal, hahahaha!”

Napalunok naman ang ibang mga kasamahan ni Xinniang, sa buong buhay nila ay ngayon lamang sila nakakita ng ganito karaming ginto, kung kukuha sila ng kahit isang ginto ay natitiyak nilang hindi na nila kailangan pang maghirap, o sumuong sa mga pagsubok. Pwede na silang mamuhay ng masaya at magpakalayo-layo.

“Sige... Lapit, lumapit ka, yan ang gusto ko, kumuha ka ng hanggat gusto mo, hahahha!”

Gulat na gulat at nanlalaki ang kanilang mga mata ng makita si...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status