Mag-log inPaalam Probensya
Maaga pa lang ay nagising na si Maxein.
Hindi paman tuluyang sumisikat ang araw pero ang liwanag na nagmula sa maliit ng kanyang bintana ay unti-unti nang pumapasok. Naririnig niya mula sa labas ang pagtilaok ng mga tandang manok, ang ingay ng mga taong nagsisimula nang maggayak dahil may kanya-kanyang inaasikaso rin ang mga ito para sa pagtrabaho ng mga asawang lalaki.
At syempre hindi rin mawawala ang presko ng hanging binibigay ng kalikasan dahil sa pamumuhay na nakaugalan ng mga tao, Ilang minuto namang nakatitig muna ang dalaga sa kanilang kisame.
napabuntong hininga siya, marahil hindi siya makapaniwalang ngayong araw ang kanyang alis patungong maynila. Paniguradong lalagnatin siya dahil obvious namang hanap hanapin niya ang naging buhay niya sa kanilang probinsya.
Humugot ulit siya ng malalim na paghinga bago siya tuluyang bumangon sa kama.
Paglapag palang ng kanyang mga paa sa sahig, agad niyang napansin ang dalawang maleta na nakalagay sa tabi ng kanyang maliit na mesa. Hindi naman ganoon karami ang laman ng mga iyon. Ilang damit at ilang personal na pangangailangan lamang ang nilagay sa kanyang maleta, saka syempre hindi niya kakalimutan ang dokumento para sa kanyang magiging trabaho kung sakali mang makahanap na siya.
May mga bagay din siyang dala-dala na ayaw niyang maiwan dahil may sentimental value ito para sa kanya.
Kinuha niya ang isang lumang litrato na nakalagay sa ibabaw ng mesa.
Larawan iyon ng kanyang pamilya. siya, at ang kanyang ina saka ang kanyang ama.
Hindi niya maiwasang mapangiti nang kaunti habang tinitingnan iyon. ''Ang bilis ng panahon,'' mahina niyang bulong sa kanyang sarili.
Noon, hindi niya kailanman naisip na darating ang araw na kailangan niyang umalis sa lugar na kinalakihan niya. Subalit wala naman siyang ibang mapagpilian na paaran kundi ito lang rin.
Kailangan niya kasing maghanap ng trabaho na mas doble pa ang laki ng pinapasahod sa probinsya, kilangan niyang mag-ipon ng sariling pera para nadin sa kanilang ikakaginhawa balang araw.
Hindi naman sa ayaw niya sa buhay nila sa probinsya, Mahal niya ang lugar nila, dito siya lumaki at natutong magbanat ng buto para sa kaniyang pamilya. At dito rin siya magsimulang mangarap at masasayang ala-ala na naging parte na sa kanyang pagkatao.
Pero habang tumatagal, mas nararamdaman niyang hindi na sapat ang buhay nha mayroon sila.
Kaya nang sabihin ng kanyang tiyahin na puwede muna siyang tumira sa Maynila habang naghahanap ng trabaho ay hindi na siya nagpa tumpik tumpik pa, agad nila itong tinanggap.
May konting kaba na namumuo sa kanyang dibdib syempre, sa isipan niya'y maynila iyon. Malayo sa naging nakasanayan niya.
Maraming tao at maraming sasakyan, at hindi mawawala ang mga bagay na bago palamang para sa kanya.
Ngunit, kailangan niyang subukan, para saan pa't tinanggap niya na ang anging alok ng kanyang tiyahin sa maynila.
''Maxein!''
Napalingon siya sa bungad ng kanyang p***o nang marinig ang tawag ng kanyang ina.
''Yes, Ma?''
''Almusal na. baka mamaya mahuli ka sa ruta ng bus.''
''Andiyan napo!'' Muli niyang tiningnan ang laman ng kanyang maleta bago niya ito isinara.
Huminga ulit siya nang malalim at napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin bago pilit na ngumiti.
'This is it, New life new begins.'
Napatawa naman siya sa kanyang sarili bago nagdesisyong lumabas sa kanyang kuwarto. Naamoy niya agad ang nilulutong almusal ng kanyang ina, simple lang ang pagkain nila, may pritong itlog, tuyo at kanin.
Sa maliit nilang bahay, hindi na kailangan ng maraming bagay para maging masaya ang hapagkainan, kahit simpleng pagkain lang ang nakahain basta't magkasama lang sila ay sapat na iyon.
Nakita niya ang kanyang ina na abala sa paghahanda ng pagkain. ''Umupo kana,'' sabi nito nang makalapit.
''Ma, okay lang ba talaga kayo dito?'' Napatingin sa kanya ang kanyang Ina.
''Bakit mo naman natanong anak?''
Balik na sagot ng kanyang ina habang abala parin sa pagsandok ng kanin sa bawat plato at nilagyan ng mga kubyertos. Napa-isip sandali si Maxein sa maari niyang sagot.
''Wala lang. First time ko kasing aalis nang ganito katagal.''
Ngumiti naman ng kunti ang kanyang ina at inilagay ang isang platong may kanin na sa kanyang harapan.
''Magiging okay kami, sarili mo ang iyong dapat na isipin.''
Dahan-dahang sumubo si Maxein, hindi muna siya nagsalita, at hindi niya din alam kung bakit parang ang bigat ng kanyang dibdib ngayong araw.
Excited naman siya pero mas nangingibabaw yung kaba na sinisigaw ng kanyang sarili. At sa totoo lang, nakaramdam siya ng takot na hindi niya maipaliwanag.
''Paranoid kalang Max kaya kung ano-ano nalang ang pumasok sa makitid mong utak.'' Biglang suway ng dalaga habang abala siya sa pag-subo ng kanin sa kanyang bibig.
Pagkatapos nilang kumain, bumalik muna siya sa kanyang kuwarto para kunin ang mga gamit niya. Nang makalabas siya'y nakita niyang nakatayo na sa labas ang kanyang ama.
Tahimik itong nakatingin sa kanya, iniiwas ang paningin nito na huwag magawi sa kanyang deriksyon.
''Ready kana ba anak?'' Halatang pilit itong nagpaka tatag sa kanyang boses, pero nahalata ng dalaga na nagpupunas ito sa kanyang mukha habang nakatalikod sa kanya.
Tumango siya kahit hindi nakikita ng kanyang ama ang naging tugon niya, ngunit nagsalita siya at pilit na ngumiti. ''Pa, Huwag po kayo mag-alala kasi kapag naka kita na ako ng trabaho doon? aba'y gusto ko buong pamilya ko ang patayuan ng Condo haha.''
Pinasigla niya ang kanyang boses kaya humarap ang kanyang Ama at binatukan ang kanyang ulo. ''Huwag mo ko ma biro-biro ha! pilya ka talagang bata ka. Palo talaga abot mo sakin kapag may ginawa kang kalukuhan doon.''
Bulyaw ang inabot niya dito habang pinanglakihan siya ng mga mata.
''Papa naman! Opo!''
''Aba'y naninigaw pa,'' Akmang papaluin na naman siya pero nahinto ang mga braso nito sa ire at napabuntong hininga na lamang, bago hinaplos ang kanyang buhok.
''Sigurado kana ba talaga anak?'' Pag-ulit na tanong nito sa kanya.
Napangiti naman siya, alam niyang nag aalala ng labis ang kanyang ama sa kanyang kaligtasan doon sa maynila. Bagay na mas lalong hanapin niya kapag nawalay na siya sa kanyang mga magulang.
''Opo Pa. kailangan ko rin namang subukan, para din po ito sa inyo.''
Natahimik ito at ilang segundong hindi nakapagsalita.
''Basta't tandaan mo palagi ang habilin namin sayo Anak, Mag-iingat ka sa maynila.''
''Opo.''
''Makinig ka sa tiyahin mo,''
''Opo.''
''Pero huwag kang lubos magtiwala.''
''Op- po? bakit naman Pa?''
Naputol ang sasabihin niya sa biglaang pagbago ng atmosphera ng kanyang ama, naging seryuso ito habang parang may malalim na iniisip.
''Ayh! basta, kalimutan mo na iyon. kapag may problema ka doon tumawag ka kaagad sa amin, andito lang kami palagi anak.''
''Opo naman! yan lang pala eh.''
Napangiti ang kanyang Ama, subalit hindi naman nagtagal ang mga ngiti nito. Napapansin niyang parang may gusto pa itong sabihin.
''Pa?''
''Hmn?''
''May problema ba?''
Umiling agad ang kanyang ama at ngumiti ng pilit na parang kinukumbensi siyang 'Okay' lang at walang ipag-aalala.
''Wala.''
Pero iba talaga ang kutob ni Maxein, na may tinatago ito na ayaw talagang sabihin sa kanya. Hindi na niya ito kinulit pa at baka pagod lang rin ito sa buong mag hapong trabaho sa construction site kaya parang wala ito sa sarili.
Oh kaya'y baka labis lang din ang pag-aalala nito para sa kanya, kaya hindi maiitangging kung ano-ano lang ang pumapasok na mga posibleng problemang kanyang harapin pagdating sa maynila. Kinuha ng kanyang ama ang isa niyang maleta.
''Tara na,''
Habang naglalakad sila papunta sa labas, huli niyang tiningnan ang kanilang bahay.
Kahit simple lang iyon, hindi magara kumpara sa ibang mga bahay na nakikita niya sa internet, pero bahay niya iyon na nakakapag para sa kanya.
At yun din ang bahay na may masasayang ala-ala ng kanyang pamilya na hindi maihahalintulad sa iba. At ngayon, nalulungkot siyang kilangan niya munang lumisan para sa kanyang pinangarap na maka-ahon naman sa kahirapan.
Sa labas nama'y naghihintay na nag sasakyang maghahatid sa kanya papunta sa terminal. Bago siya sumakay niyakap niya muna nang mahigpit ang kanyang Ama at Ina.#
''Tandaan mo, mag-iingat ka doon ha?''
''Opo.''
''Kapag nahirapan ka, huwag kang mahihiyang umuwi.''
Napangiti siya kahit medyo gusto na niyang maiyak.
''Babalik naman ako Ma, pero sana kapag bumalik ako, may maipagmalaki man lang ako sa inyo.''
Hinawakan naman ng kanyang Ina ang pisngi niya. ''Hindi mo kailangang may maipakita sa amin para maging proud kami sa'yo.''
Napayuko siya at bago napailing.
Pagkatapos niyang magpaalam, sumakay narin siya sa bus. Habang umaandar ang sasakyan pinanood niya mula sa bintana ang kanyang pamilya na unti-unting lumiliit sa kanyang paningin.
Kumaway siya hanggang sa tuluyan na silang mawala sa kanyang paningin. Hindi niya alam kung kailan siya makakauwi.
Hindi rin niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya doon sa maynila. Ang gusto lang niya'y magsimula ulit ng matiwasay na pamumuhay gaya ng nakagawian niya sa kanilang probinsya.
Gusto niyang magkaroon ng sariling trabaho para kahit paano ay maka tulong siya sa kanyang ina't ama. At gusto niyang makawala sa buhay na pakiramdam niya ay paulit-ulit na lang.
Inabutan naman siya nito ng sandwich. ''Kumain ka muna bago umalis, saka Goodluck.''Malambing niya itong nginitian, saka inabot ang tinapay na binigay sa kanya.''Thank you po tita.''Habang kumakain sila ay inilabas niya muna ang kanyang maliit na notebook mula sa kanyang bag. Nakasulat na doon ang tatlong kompanya na balak niyang puntahan.9:00 AM - office staff tapos sumunod rin ang 11:30 AM - sales agent, at ang panghuli ay ang 2:00 PM ang administrative assistant.''Marami ka palang puntahan?'' Biglang singit ng kanyang tiyahin habang nakatingin din pala sa kanyang notebook.''Ah, Opo tiya. Kilangan ko talagang maka hanap ng trabaho agad.''''Dont worry pamangkin, may pera kapa ba?'' Tumango naman ang dalaga sa naging tanong sa kanya.Bago siya nagpa alam na siya ay aalis na, tinawagan niya muna ang kanyang ina para ipag bigay alam na maghahanap na siya ng mapapasukan.''Mag-iingat ka anak, kung may mangyari-''''Ma, okay lang ako. huwag kana pong mabahala.'' Pinutol niya rin an
Pagkababa ni Maxein ng sasakyan, ilang segundo muna siyang nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero maayos at malinis ang buong paligid. May maliit na garden sa kabilang side at may ilang paso rin ng halaman sa harapan.At isang lumang upuan na nakalagay malapit sa pintuan, napatingin sa kabuoan ng bahay.Huling beses niya itong nakita noong bata pa lamang siya kaya medyo nakakapanibago na makaapak siyang muli sa pamamahay nito.''Max?''Agad siyang napalingon ng marinig niyang tinawag siya, nasa tabi na niya ang kanyang tiyahin.''Bakit ka nakatayo lang diyan?'' Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok.''Parang ang tagal ko kasing hindi nakikita itong bahay.'' Tumawa naman ito ng mahina at saka siniko siya ng kaunti sa kanyang tagiliran.''Eh kasi namang bata ka, ilang taon kapa lang nung huli kang napunta dito sakin,'' Lumapit naman ang kanyang tiyahin sa kanya at kinuha pa ang isa niya pang maleta.Napatingin siya saglit dito, ''Ako na tit
Biyahe Patungong MaynilaHalos dalawang oras na ang nakalipas mula ng umalis si Maxein sa kanilang lugar, pero pakiramdam niya ay parang ilang minuto pa lamang ang lumipas.Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus habang nakasandal ang ulo sa malamig na salamin. Nakatingin siya sa mga tanawin sa labas na unti-unting nagbabago habang patuloy silang bumibiyahe.Kanina, puro mga puno at malalawak na bukirin ang nakikita niya pero ngayon, mas dumadami na ang mga bahay at mas dumami rin ang mga sasakyan, hindi rin magpapahuli ang bilang ng mga taong nakikita niya bawat kanto.At habang papalapit sila sa maynila, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. 10:50 a.m. May ilang messages siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Flora.Mama: Nakarating kana ba sa terminal?Mama: Mag-iingat ka, anak.Mama: Tawagan mo kami pagdating mo sa maynila.Napangiti naman si Maxein, mabilis siyang nag type ng reply
Paalam ProbensyaMaaga pa lang ay nagising na si Maxein.Hindi paman tuluyang sumisikat ang araw pero ang liwanag na nagmula sa maliit ng kanyang bintana ay unti-unti nang pumapasok. Naririnig niya mula sa labas ang pagtilaok ng mga tandang manok, ang ingay ng mga taong nagsisimula nang maggayak dahil may kanya-kanyang inaasikaso rin ang mga ito para sa pagtrabaho ng mga asawang lalaki. At syempre hindi rin mawawala ang presko ng hanging binibigay ng kalikasan dahil sa pamumuhay na nakaugalan ng mga tao, Ilang minuto namang nakatitig muna ang dalaga sa kanilang kisame.napabuntong hininga siya, marahil hindi siya makapaniwalang ngayong araw ang kanyang alis patungong maynila. Paniguradong lalagnatin siya dahil obvious namang hanap hanapin niya ang naging buhay niya sa kanilang probinsya.Humugot ulit siya ng malalim na paghinga bago siya tuluyang bumangon sa kama.Paglapag palang ng kanyang mga paa sa sahig, agad niyang napansin ang dalawang maleta na nakalagay sa tabi ng kanyang mal
Prologue'Hindi Ito dapat Mangyari, ano bang naging kasalanan ko?'Iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang nakaupo siya sa malamig na sahig ng isang kuwartong hindi siya pamilyar.Tumingin siya sa kanyang mga kamay at kalaunan napatingin rin siya sa kanyang mga paa, nakagapos ang mga ito at napapangiwi siya sa sobrang hapdi ng bawat lubid na nagmarka sa kanyang mga balat.Na baling ang atensyon niya sa kabilang gilid, sa harap niya ay may isang malaking bintana ngunit makapal ang kurtinang nakatakip dito. Wala siyang makita sa labas na kahit ano. Hindi niya alam kung gabi naba o madaling-araw na dahil ang tanging pag-kakaalam niya'y naka kulong siya sa isang silid na walang ibang makikita kundi mga kurtinang sinasayaw ng malamig na hangin.At napatingala siya sa bawat kisame ng kuwarto, ramdam niya ang pananahimik sa buong silid maliban sa tunog ng orasan na nakadikit sa dingding.Tick.Tick.Tick.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinipigilan ang pangingi







