Share

Kabanata 5:

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-29 19:52:55

Inabutan naman siya nito ng sandwich. ''Kumain ka muna bago umalis, saka Goodluck.''

Malambing niya itong nginitian, saka inabot ang tinapay na binigay sa kanya.

''Thank you po tita.''

Habang kumakain sila ay inilabas niya muna ang kanyang maliit na notebook mula sa kanyang bag. Nakasulat na doon ang tatlong kompanya na balak niyang puntahan.

9:00 AM - office staff tapos sumunod rin ang 11:30 AM - sales agent, at ang panghuli ay ang 2:00 PM ang administrative assistant.

''Marami ka palang puntahan?'' Biglang singit ng kanyang tiyahin habang nakatingin din pala sa kanyang notebook.

''Ah, Opo tiya. Kilangan ko talagang maka hanap ng trabaho agad.''

''Dont worry pamangkin, may pera kapa ba?'' Tumango naman ang dalaga sa naging tanong sa kanya.

Bago siya nagpa alam na siya ay aalis na, tinawagan niya muna ang kanyang ina para ipag bigay alam na maghahanap na siya ng mapapasukan.

''Mag-iingat ka anak, kung may mangyari-''

''Ma, okay lang ako. huwag kana pong mabahala.'' Pinutol niya rin ang sasabihin pa ng kanyang ina bago pa humaba ang usapan.

Pagkababa niya ng tawag, isinilid niya sa kanyang bag ang cellphone. ''Ready naba?'' lumingon siya sa kanyang tiyahin at tumango. ''Good luck Pamangkin.'' kahit malakas ang kabog sa kanyang dibdib ay tinibayan niya ang kanyang loob, pasasaan pa't andito narin lang. Yun ang tumakbo sa kanyang isipan.

Paglabas pa lamang niya ng subdivision ay agad siyang sinalubong ng ingay ng syudad. 

Mga sasakyang kaliwa't kanan ang pagtakbo, mga taong nagmamadali dahil may mga kanya kanya ring mga trabahong dapat na mahabol para hindi mahuli ng pasok, may mga bus at jeep na halos sabay rin ang dating.

Napahawak siya ng mahigpit sa strap ng kanyang bag. ''Okay Max, kaya mo yan!'' Sigaw niya sa kanyang sarili habang nakataas ang kanyang mga braso sa eri at nakakuyom ang kanyang kamao. napatingin ang ibang taong napadaan sa gawi niya, kaya inayos niya ulit ang kanyang sarili bago napayuko ng kaunti.

''Nakakahiya!'' Pinagalitan niya pa ang kanyang sarili dahil sa kahihiyang ginawa niya, mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napag-isipan naman niyang kuhanin ulit ang cellphone saka niya binuksan ang map at hinanap ang unang kompanya na kanyang puntahan.

Hindi niya alam na ganito pala kahirap ang maghanap ng trabaho sa syudad. Pero dahil determinado siya ay pilit naman niyang winaglit sa kanyang isipan iyon.

Pagdating niya sa unang kompanya, ay halos isang oras siyang naghintay bago matawag ang kanyang pangalan.

''May experience ka na?'' tanong ng office staff sa kanya.

''W-wala pa po, pero willing po akong matuto.''

Tiningnan naman siya ng interviewer. ''Unfortunately, we're looking for someone with experience.'' 

Nangalay bigla ang kanyang balikat sa narinig, gusto niyang maiyak pero tumango na lamang siya sa interviewer at umalis na sa opisina. Paglabas niya ng building napabuntong hininga siya.

First rejection.

Hindi pa tapos ang araw, kaya nagpatuloy parin siya. Sa pangalawa namang kompanya mas maikli ang naging sagot sa kanya.

''We'll call you if you're shortlisted.'' Mas mabilis na ang naging rejection sa kanya. 

Pagod siyang ngumiti at nagpaalam. ''Okay lang, two down.'' Hindi siya sumuko.

May isa pa siyang pupuntahan, at habang naglalakad siya patungo sa susunod na building. Hindi niya napansin ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa kabilang bahagi ng kalsada.

Tahimik lang itong nakatigil sa gilid, sa loob nito ay may isang lalaki ang nakatingin sa kanyang deriksyon na hindi niya namamalayan, at bago pa siya mapalingon dito ay kusa nang umandar ang kotse at nawala ng tuluyan sa daloy ng traffic.

Samantala, habang patuloy ang paglalakad ni Maxein nagsimula nang sumakit ang paa ng dalaga. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang naglakad sa isang building papunta sa isa pa.

''Haha, shortlisted daw. kamo!'' Naalala na naman niya ang pangalawang rejection niya kanina. naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit nahirapan siyang makapasok, graduate naman siya ng college sa kursong business accounting, pumasa pa siya sa CPA kaya bakit naging cruel ang rejection sa kanya. 

Minsan hindi niya rin maintindihan ang ibang kompanya, kung ano ba talaga ang kanilang gusto. Napailing siya at natawa nang mahina.

Umupo siya saglit sa isang bench sa labas ng building at binuksan ang kanyang wallet, tiningnan niya ang natitirang pera. Hindi naman agad siya mauubusan pero kailangan niyang magtipid. 

Hindi niya alam kung ilang araw o linggo ang kailangan bago siya makahanap ng trabaho. 

Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina Flora. 'Huwag kang susuko agad.'

''Promise, hindi ako susuko Ma.'' Tumayo siya at muling tiningnan ang address ng pangatlong kompanya. Malayo pa iyon mula sa kanyang kinaroonan.

Nagpatuloy siya sa panghuling kompanya, pagdating niya doon mas marami ang applicant's kaysa sa dalawang nauna niyang pinuntahan. Halos puno ang maliit na waiting area. Umupo siya sa pinakadulo at tahimik na naghintay kasabay nang iba pa.

Isang minuto.

Dalawang minuto.

Hanggang sa umabot ng tatlong oras ang kanyang paghihintay, unti-unti naring nauubos ang mga aplikante na kanina lang ay sobrang napakarami. Nang sa wakas ay siya na tinawag, agad siyang napatayo ay nilukob na naman siya ng kaba. 

Nang makapasok siya sa office sinimulan siyang interviewhin, kalaunan rejection parin ang kanyang natanggap.

''Am sorry, Miss Alcantara. The position has already been filled.'' Parang biglang nawala ang lakas niya, para saan pala ang pag interview sa kanya kung reject rin pala ang kalabasan? pinagluluko ba siya? mga katanungang nais niyang ihampas sa pagmumukha ng HR staff.

Hindi na siya nagpaalam, lumabas agad siya ng building, hindi niya mawari kung maiinis ba siya o matatawa.

Tatlong kompanya pero kaakibat rin ang naging tatlong rejection. Naupo siya sa gilid ng kalsada at tinitigan ang mga taong dumadaan, lahat ng mga ito'y may pupuntahan, samantalang siya ay hindi alam kung saan magsisimula ulit.

Wala na siyang ibang magawa kundi tawagan ang kanyang tiyahin at sinabi niya agad na kahit isa ay walang tumanggap sa kanya.

''Huwag kang mawalan ng pag-asa. May bukas pa naman.'' Mga salitang binitawan ng kanyang tiyahin bago niya binabaan ng tawag.

Pakiramdam niya'y dalawang araw siyang hindi naka inom ng tubig, nanlalamang ang kanyang pagka uhaw na hinaluan ng pagkalam sa kanyang sikmura. 

Habang naglalakad siya papunta sa sakayan, wala siyang ka malay-malay na may isang lalaking nakatayo sa kabilang bahagi ng kalsada.

Tahimik lang siya nitong pinagmasdan habang papalayo, umalis lang ito nang tuluyan ng nakasakay si Maxein sa loob ng jeep.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 5:

    Inabutan naman siya nito ng sandwich. ''Kumain ka muna bago umalis, saka Goodluck.''Malambing niya itong nginitian, saka inabot ang tinapay na binigay sa kanya.''Thank you po tita.''Habang kumakain sila ay inilabas niya muna ang kanyang maliit na notebook mula sa kanyang bag. Nakasulat na doon ang tatlong kompanya na balak niyang puntahan.9:00 AM - office staff tapos sumunod rin ang 11:30 AM - sales agent, at ang panghuli ay ang 2:00 PM ang administrative assistant.''Marami ka palang puntahan?'' Biglang singit ng kanyang tiyahin habang nakatingin din pala sa kanyang notebook.''Ah, Opo tiya. Kilangan ko talagang maka hanap ng trabaho agad.''''Dont worry pamangkin, may pera kapa ba?'' Tumango naman ang dalaga sa naging tanong sa kanya.Bago siya nagpa alam na siya ay aalis na, tinawagan niya muna ang kanyang ina para ipag bigay alam na maghahanap na siya ng mapapasukan.''Mag-iingat ka anak, kung may mangyari-''''Ma, okay lang ako. huwag kana pong mabahala.'' Pinutol niya rin an

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 4:

    Pagkababa ni Maxein ng sasakyan, ilang segundo muna siyang nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero maayos at malinis ang buong paligid. May maliit na garden sa kabilang side at may ilang paso rin ng halaman sa harapan.At isang lumang upuan na nakalagay malapit sa pintuan, napatingin sa kabuoan ng bahay.Huling beses niya itong nakita noong bata pa lamang siya kaya medyo nakakapanibago na makaapak siyang muli sa pamamahay nito.''Max?''Agad siyang napalingon ng marinig niyang tinawag siya, nasa tabi na niya ang kanyang tiyahin.''Bakit ka nakatayo lang diyan?'' Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok.''Parang ang tagal ko kasing hindi nakikita itong bahay.'' Tumawa naman ito ng mahina at saka siniko siya ng kaunti sa kanyang tagiliran.''Eh kasi namang bata ka, ilang taon kapa lang nung huli kang napunta dito sakin,'' Lumapit naman ang kanyang tiyahin sa kanya at kinuha pa ang isa niya pang maleta.Napatingin siya saglit dito, ''Ako na tit

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 3:

    Biyahe Patungong MaynilaHalos dalawang oras na ang nakalipas mula ng umalis si Maxein sa kanilang lugar, pero pakiramdam niya ay parang ilang minuto pa lamang ang lumipas.Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus habang nakasandal ang ulo sa malamig na salamin. Nakatingin siya sa mga tanawin sa labas na unti-unting nagbabago habang patuloy silang bumibiyahe.Kanina, puro mga puno at malalawak na bukirin ang nakikita niya pero ngayon, mas dumadami na ang mga bahay at mas dumami rin ang mga sasakyan, hindi rin magpapahuli ang bilang ng mga taong nakikita niya bawat kanto.At habang papalapit sila sa maynila, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. 10:50 a.m. May ilang messages siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Flora.Mama: Nakarating kana ba sa terminal?Mama: Mag-iingat ka, anak.Mama: Tawagan mo kami pagdating mo sa maynila.Napangiti naman si Maxein, mabilis siyang nag type ng reply

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 2:

    Paalam ProbensyaMaaga pa lang ay nagising na si Maxein.Hindi paman tuluyang sumisikat ang araw pero ang liwanag na nagmula sa maliit ng kanyang bintana ay unti-unti nang pumapasok. Naririnig niya mula sa labas ang pagtilaok ng mga tandang manok, ang ingay ng mga taong nagsisimula nang maggayak dahil may kanya-kanyang inaasikaso rin ang mga ito para sa pagtrabaho ng mga asawang lalaki. At syempre hindi rin mawawala ang presko ng hanging binibigay ng kalikasan dahil sa pamumuhay na nakaugalan ng mga tao, Ilang minuto namang nakatitig muna ang dalaga sa kanilang kisame.napabuntong hininga siya, marahil hindi siya makapaniwalang ngayong araw ang kanyang alis patungong maynila. Paniguradong lalagnatin siya dahil obvious namang hanap hanapin niya ang naging buhay niya sa kanilang probinsya.Humugot ulit siya ng malalim na paghinga bago siya tuluyang bumangon sa kama.Paglapag palang ng kanyang mga paa sa sahig, agad niyang napansin ang dalawang maleta na nakalagay sa tabi ng kanyang mal

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 1:

    Prologue'Hindi Ito dapat Mangyari, ano bang naging kasalanan ko?'Iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang nakaupo siya sa malamig na sahig ng isang kuwartong hindi siya pamilyar.Tumingin siya sa kanyang mga kamay at kalaunan napatingin rin siya sa kanyang mga paa, nakagapos ang mga ito at napapangiwi siya sa sobrang hapdi ng bawat lubid na nagmarka sa kanyang mga balat.Na baling ang atensyon niya sa kabilang gilid, sa harap niya ay may isang malaking bintana ngunit makapal ang kurtinang nakatakip dito. Wala siyang makita sa labas na kahit ano. Hindi niya alam kung gabi naba o madaling-araw na dahil ang tanging pag-kakaalam niya'y naka kulong siya sa isang silid na walang ibang makikita kundi mga kurtinang sinasayaw ng malamig na hangin.At napatingala siya sa bawat kisame ng kuwarto, ramdam niya ang pananahimik sa buong silid maliban sa tunog ng orasan na nakadikit sa dingding.Tick.Tick.Tick.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinipigilan ang pangingi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status