LOGINNagsimulang magka leche-leche ang buhay ni Maxein nang malaman niyang may malaking responsibilidad siyang kailangang harapin. Isang problemang gusto na lamang niyang takbuhanat tuluyang kalimutan. Si Maxein ay isang probinsyanang babae na napadpad sa maynila upang makaahon sa kahirapang matagal na niyang tinitiis. Simple lamang ang kanyang gusto, maghanap ng trabaho saka kumita ng pera para sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Hanggang sa isang araw, bigla na lamang siyang nagulat nang malaman niyang may malaking utang na nakapangalan sa kanya. Ang mas nakakatakot? Hindi niya naman natandaan na may pinag kakautangan siyang Kompanya. Sunod-sunod ang mga tawag na natatanggap niya mula sa iba't ibang numerong hindi niya kilala. May mga naniningil na may kasama naring pagbabanta. Na kapag hindi niya nabayaran ang kanyang utang, siya mismo ang gagawing collateral. 2Milyong Piso, kasama na ang interes na matagal na palang hindi nababayaran. Wala siyang ganoong kalaking pera. Wala rin siyang ideya kung saan siya kukuha ng pambayad sa isang utang na hindi naman niya alam kung paano napunta sa kanyang pangalan. Hanggang sa dumating ang isang lalaking hindi niya akalaing magiging tanging paraan niya para makaligtas. Si Ares Lucian Devereaux. Isang lalaking kayang bayaran ang buong utang niya nang walang kahirap-hirap. Ngunit hindi iyon libre. DAhil kapalit ng dalawang milyong piso ay isang bagay na higit pa sa pera ang kailangan niyang ibigay. Yun ay ang kanyang kalayaan. Sa ilalim ng isang kasunduang hindi niya lubos na naintindihan, mapipilitan si Maxein na mamuhay sa mundong kontrolado ng binata. Isang buhay na puno ng sikreto at kapangyarihan. Makakahanap pa kaya ng paraan ang dalaga para makatakas, sa Tinatawag nilang Mr. Collector?
View MorePrologue
'Hindi Ito dapat Mangyari, ano bang naging kasalanan ko?'
Iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang nakaupo siya sa malamig na sahig ng isang kuwartong hindi siya pamilyar.
Tumingin siya sa kanyang mga kamay at kalaunan napatingin rin siya sa kanyang mga paa, nakagapos ang mga ito at napapangiwi siya sa sobrang hapdi ng bawat lubid na nagmarka sa kanyang mga balat.
Na baling ang atensyon niya sa kabilang gilid, sa harap niya ay may isang malaking bintana ngunit makapal ang kurtinang nakatakip dito. Wala siyang makita sa labas na kahit ano. Hindi niya alam kung gabi naba o madaling-araw na dahil ang tanging pag-kakaalam niya'y naka kulong siya sa isang silid na walang ibang makikita kundi mga kurtinang sinasayaw ng malamig na hangin.
At napatingala siya sa bawat kisame ng kuwarto, ramdam niya ang pananahimik sa buong silid maliban sa tunog ng orasan na nakadikit sa dingding.
Tick.
Tick.
Tick.
Huminga siya nang malalim habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang katawan, hindi niya matandaan kung paano siya napadpad sa lugar na kanyang kinabilangan ngayon. 'Drug cindecate ba 'to?' natakot siya sa sarli niyang hula na baka nasangkot siya sa maling akala kaya siya hinuli. Hindi niya alam kung sino ang mga taong kumuha sa kanya.
Napahawak ulit siya sa kanyang braso na kasing lamig na nang yelo, pinikit niya ang kanyang mga mata habang sinabi niya ang katagang,
Gusto ko nang umuwi.
Ang huling naaalala niya'y tahimik siyang naglalakad sa madilim na eskenita ng gabi ring iyon, pero nabigla na lamang siya nang may isang sasakyang huminto sa kanyang tabi, kasabay ng isang kamay ang mabili na tumakip sa kanyang mga bibig. Bago siya nawalan ng ulirat.
May binanggit ang mga lalaking iyon nang paulit-ulit na pangalan.
Ares Lucien Devereaux.
Napapitlag naman siyang umayos sa kanyang kinaroonan ng makarinig siya nang mahinang tunog, biglang bumukas ang p***o. Sumiksik siya ng pilit sa pader, at dahan dahang inangat ang kanyang paningin tungo sa pintuan kung saan may anino ng lalaki ang nakatayo habang nakatitig lamang sa kanya.
Naging alerto siya bigla. Hindi niya alam kung bakit pero kusang bumilis ang tibok ng kanyang puso na parang sinasabing kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. . . tumakbo siya hanggat sa makakaya.
Matangkad ang lalaki at nakasuot ito ng itim na polo na naging dahilan na maaninag niya ito ng mas maigi kung gaano katipuno ang pangangatawan ng estranghero, bahagya ring nakabukas ang dalawang butones sa leeg. Ang manggas nito ay nakatiklop hanggang siko, at sa isang kamay ay may hawak itong relo na tila kagagaling lamang niyang tanggalin.
Natameme ang dalaga, parang laway na nabara sa kanyang lalamunan.
Walang salitang lumabas sa kanyang labi, titig na titig siya sa binata, wala ring nagsalita sa kanila bagkos kusa na lamang humakbang ng ilang pulgada ang estranghero na mas dumagdag ng sobrang kaba kay Maxein, parang gusto na niyang mamatay sa mas madaling paraan kesa pahirapan pa siya ng mga masasamang loob.
Iyon naman talaga ang tingin niya sa binata, at hindi na siya magduda kung sasaktan siya nito sa paraang nanaisin ng lalaki.
Sa unang impresyon niya kasi dito ay alam na ni Maxein na wala itong matinong gagawin sa kanya, may kakaiba itong confidence sa sarili na parang sanay na sanay itong nasusunod kahit ano paman ang kanyang gusto.
Kalmado naman ang naging postura ng binata habang hindi pa nagalaw ito sa kanyang kinatatayuan, bagay na kanina pa hinihintay ng dalaga kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin nito sa kanya.
Napako ang malamig na mga tingin ng binata bago ito nagsalita.
''Do you know why you're here?''
Iling naman ang tanging naging tugon ng dalaga, hindi siya makapag salita dahil may busal ang kanyang bibig para walang ingay ang maririnig kung sakaling manlaban siya.
Humakbang lalo ang lalaki papunta sa kanyang pwesto kaya mas lalong nanlaki ang kanyang bilugang mga mata. Sa halip na tumakbo nanatili lamang siyang mapaatras at maramdaman ang malamig na pader sa likod niya.
Lumuhod ang estranghero sa kanyang harapan para maging kapantay sa kanya. Hinawakan bigla ang kanyang baba at marahas na tinaas. Nagtagpo ang kanilang mga tingin, napatitig si Maxein sa mga mata nitong kulay Abo.
Nakaka-halina itong titigan na kahit sino ay mapapahinto para nais itong pagmasdan. Ipinilig niya agad ang isipang iyon, marahil ay nagawa niya pang magpantasya sa ganitong sitwasyon na nangyayari sa kanya.
''Because someone put a price on you.''
Nanlaki bigla ang kanyang mga mata. ''P-pero wala akong pera.''
Bahagyang ngumiti ang binata. ''I know.''
''Then what do you want?''
Tumahimik ito at napansing niyang nag-iba ang ekspresyon ng lalaki, naaninag lalo ng dalaga ang malamig na titig ng binata sa kanya.
''You're the collateral right?''
Napatanga bigla ang dalaga sa kanyang narinig.
''A-anong c-collateral! wala akong utang!''
Halos mabingi si maxein sa kanyang nalaman, ngayon niya naintindihan kung bakit siya nadukot. May nag collateral pala sa kanya bilang kabayaran ng utang. Nagpanic si Maxein, halos hindi siya makahinga sa kanyang nalaman.
''Make sure Ms. Alcantara, you're performance can satisfied me.'' NAngunot ang noo ng dalaga saka napalayo agad sa binata na ilang galaw nalang ay magkahalikan na.
kumabog ng mas mabilis ang kanyang dibdib nang nilapitan siya nito saka hinila ng pwersahan ang kanyang batok para kusa silang magkapantay sa isat-isa.
''You will know soon, better to be prepared.''
Pagkatapos nun ay marahas siyang hinila ng malakas saka walang pag-alinlangang siniil siya nang halik ni Ares, nagpumiglas ang dalaga at pilit niyang tinulak palayo ang lalaki.
Kusang humiwalay ang binata sa halik, dumugo ang kanyang labi saka pinunasan niya ito gamit ang kanyang hintuturo. ''Hmnn, Not bad.''
Si Maxein ay hinahabol ang kanyang hininga, pinigilan niya ang kanyang sarili na huwag gumawa ng padalos dalos na hakbang. NAbastusan siya sa ginawa ng binata sa kanya, buong buhay niya'y walang sinumang lalaki ang pinayagan niyang humawak sa kanya.
Ngayon lang nangyari, kung kailan naging dehado siya.
Napatingala siya nang tumayo ito, saka siya tinalikuran ng walang pasabi. Bago masara ang p***o humarap ang binata sa kanya, nakita niyang ngumiti ito ng parang may ibig sabihin. Nangilabot siya para sa kanyang sariling kaligtasan.
'Kung alam ko lang, sana hindi na ako nag punta pa dito.'
Huling bulong na sinabi ng dalaga bago nawalan ng malay.
Inabutan naman siya nito ng sandwich. ''Kumain ka muna bago umalis, saka Goodluck.''Malambing niya itong nginitian, saka inabot ang tinapay na binigay sa kanya.''Thank you po tita.''Habang kumakain sila ay inilabas niya muna ang kanyang maliit na notebook mula sa kanyang bag. Nakasulat na doon ang tatlong kompanya na balak niyang puntahan.9:00 AM - office staff tapos sumunod rin ang 11:30 AM - sales agent, at ang panghuli ay ang 2:00 PM ang administrative assistant.''Marami ka palang puntahan?'' Biglang singit ng kanyang tiyahin habang nakatingin din pala sa kanyang notebook.''Ah, Opo tiya. Kilangan ko talagang maka hanap ng trabaho agad.''''Dont worry pamangkin, may pera kapa ba?'' Tumango naman ang dalaga sa naging tanong sa kanya.Bago siya nagpa alam na siya ay aalis na, tinawagan niya muna ang kanyang ina para ipag bigay alam na maghahanap na siya ng mapapasukan.''Mag-iingat ka anak, kung may mangyari-''''Ma, okay lang ako. huwag kana pong mabahala.'' Pinutol niya rin an
Pagkababa ni Maxein ng sasakyan, ilang segundo muna siyang nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero maayos at malinis ang buong paligid. May maliit na garden sa kabilang side at may ilang paso rin ng halaman sa harapan.At isang lumang upuan na nakalagay malapit sa pintuan, napatingin sa kabuoan ng bahay.Huling beses niya itong nakita noong bata pa lamang siya kaya medyo nakakapanibago na makaapak siyang muli sa pamamahay nito.''Max?''Agad siyang napalingon ng marinig niyang tinawag siya, nasa tabi na niya ang kanyang tiyahin.''Bakit ka nakatayo lang diyan?'' Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok.''Parang ang tagal ko kasing hindi nakikita itong bahay.'' Tumawa naman ito ng mahina at saka siniko siya ng kaunti sa kanyang tagiliran.''Eh kasi namang bata ka, ilang taon kapa lang nung huli kang napunta dito sakin,'' Lumapit naman ang kanyang tiyahin sa kanya at kinuha pa ang isa niya pang maleta.Napatingin siya saglit dito, ''Ako na tit
Biyahe Patungong MaynilaHalos dalawang oras na ang nakalipas mula ng umalis si Maxein sa kanilang lugar, pero pakiramdam niya ay parang ilang minuto pa lamang ang lumipas.Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus habang nakasandal ang ulo sa malamig na salamin. Nakatingin siya sa mga tanawin sa labas na unti-unting nagbabago habang patuloy silang bumibiyahe.Kanina, puro mga puno at malalawak na bukirin ang nakikita niya pero ngayon, mas dumadami na ang mga bahay at mas dumami rin ang mga sasakyan, hindi rin magpapahuli ang bilang ng mga taong nakikita niya bawat kanto.At habang papalapit sila sa maynila, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. 10:50 a.m. May ilang messages siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Flora.Mama: Nakarating kana ba sa terminal?Mama: Mag-iingat ka, anak.Mama: Tawagan mo kami pagdating mo sa maynila.Napangiti naman si Maxein, mabilis siyang nag type ng reply
Paalam ProbensyaMaaga pa lang ay nagising na si Maxein.Hindi paman tuluyang sumisikat ang araw pero ang liwanag na nagmula sa maliit ng kanyang bintana ay unti-unti nang pumapasok. Naririnig niya mula sa labas ang pagtilaok ng mga tandang manok, ang ingay ng mga taong nagsisimula nang maggayak dahil may kanya-kanyang inaasikaso rin ang mga ito para sa pagtrabaho ng mga asawang lalaki. At syempre hindi rin mawawala ang presko ng hanging binibigay ng kalikasan dahil sa pamumuhay na nakaugalan ng mga tao, Ilang minuto namang nakatitig muna ang dalaga sa kanilang kisame.napabuntong hininga siya, marahil hindi siya makapaniwalang ngayong araw ang kanyang alis patungong maynila. Paniguradong lalagnatin siya dahil obvious namang hanap hanapin niya ang naging buhay niya sa kanilang probinsya.Humugot ulit siya ng malalim na paghinga bago siya tuluyang bumangon sa kama.Paglapag palang ng kanyang mga paa sa sahig, agad niyang napansin ang dalawang maleta na nakalagay sa tabi ng kanyang mal












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.