Share

Kabanata 4:

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-29 14:45:01

Pagkababa ni Maxein ng sasakyan, ilang segundo muna siyang nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero maayos at malinis ang buong paligid. May maliit na garden sa kabilang side at may ilang paso rin ng halaman sa harapan.

At isang lumang upuan na nakalagay malapit sa pintuan, napatingin sa kabuoan ng bahay.

Huling beses niya itong nakita noong bata pa lamang siya kaya medyo nakakapanibago na makaapak siyang muli sa pamamahay nito.

''Max?''

Agad siyang napalingon ng marinig niyang tinawag siya, nasa tabi na niya ang kanyang tiyahin.

''Bakit ka nakatayo lang diyan?'' Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok.

''Parang ang tagal ko kasing hindi nakikita itong bahay.'' Tumawa naman ito ng mahina at saka siniko siya ng kaunti sa kanyang tagiliran.

''Eh kasi namang bata ka, ilang taon kapa lang nung huli kang napunta dito sakin,'' Lumapit naman ang kanyang tiyahin sa kanya at kinuha pa ang isa niya pang maleta.

Napatingin siya saglit dito, ''Ako na tita, kaya ko naman nakakahiya napo talaga!''

''Ay, suss! bisita kita kaya hayaan muna ako.'' sabay kindat nito sa kanya, kaya natawa na lamang siyang napabuntot dito.

''Tita talaga, sige na nga?''

Wala pang ilang hakbang ay bumukas na ang p***o. ''Pasok kana, baka pagod kapa sa biyahe.''

Tumango siya at pagpasok niya'y agad niyang napansin ang simpleng ayos ng bahay, hindi marangya pero sapat na upang maging komportable siya. May sofa sa sala at maliit na television, may nakita rin siyang ilang framed na pictures sa dingding at isang malaking cabinet na puno ng mga lumang gamit.

''Diyan nalang muna ang mga gamit mo pamangkin. kasi may aayusin pako sa taas.'' 

Sabi ng tiyahin niya bago umakyat paitaas, napatango rin naman siya.

Habang hinihila niya ang kanyang maleta, napansin niya ang isang lumang litrato na nakalagay sa ibabaw ng cabinet. Larawan iyon ng kanyang ama kasama ang kanyang tiyahin. Magkatabi silang naka ngiti sa isat-isa, bigla naman siyang napangiti. 

''Magkamukha talaga kayo ni papa,'' Bulong niya sa kanyang sarili.

''Talaga?'' Nagulat naman siya sa biglaang pagsulpot nito sa kanyang tabi. Napatingin siya sa kanyang gilid at narinig niya itong natawa ng mahina.

''Mas magkamukha kayo ng papa mo.'' 

Hindi na sumagot si Maxein, sa halip ay ibinaling na lamang niya ang kanyang tingin ulit sa buong silid. Kanina pa siya nababagabag, bumalik na naman ang pagiging mausisa niya. may pangit na namang namumukod tangi sa kanyang isipan.

''May sarili kang kuwarto,'' Dugtong na sambit ng kanyang tiya sa kanya. ''Hindi ko yun pinagamit sa iba, kaya ikaw nalang ang gagamit nun.''

Napatingin naman siya rito. ''Talaga po?''

''Abay oo naman, sinabi mo noon na pupunta ka rito kapag malaki kana.''

Napatawa ang dalaga. ''Sinabi ko ba talaga iyon?''

''Ang dami mo kayang sinabi noon, nakalimutan na agad!''

Pareho na lamang silang natawa sa kanilang naging kwentuhan. Sa unang pagkakataon na umalis siya mula sa kanilang lugar ay yung pangungulila niya'y naibsan ng kunti dahil sa kanyang tiyahin, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam.

At least, hindi pala talaga siya nag-iisa. May tiyahin parin siyang puwedeng lapitan at matutuluyang bahay.

Nang gabing iyon, habang naghahapunan sila'y hindi maiwasang mag-usapan nila ang buhay sa probinsya.

''Kamusta naman ang parents mo?'' panimulang tanong nito sa kanya habang sumusubo sila sa kanilang bibig ng kanin.

''Okay naman po Tita, walang dapat na ipag-alala.''

''Sigurado?''

Nahinto naman ang kanyang mga kamay na sana ay kukuhanin ang isang ulam at napatingin siya bigla dito. ''Yes po Tita, bakit?'' 

''Ahh, wala. natanong ko lang.'' 

Umiling lamang ang kanyang tiyahin saka ito kumuha ulit ng adobong manok sa isang mangkok. Natahimik sila panandalian, maya-maya'y muling nagsalita ang kanyang tiya.

''Alam mo, Maxein. . . Maganda na rin na umalis ka muna roon.''

Nahinto siya sa kanyang pagsubo at napatingin siya sa kanyang tiyahin na ngumunguya ng ubas sa kanyang mga kamay. Kumunot ang noo niya sa turan nito.

''Bakit naman po?''

''Para magkaroon karin ng chance na maghanap ng mas magandang trabaho diba.''

''Ahh, iyon din naman po ang naiisip ko,'' Napatango pa siya ng ilang beses.

''Saka, Hindi mo na kailangang isipin palagi ang problema ng parents mo.''

Doon na siya natigilan, ''Problema po?''

''Wala. I mean, alam mo naman ang situation ninyo.''

Hindi na siya nagtanong pa at nagdahilan narin siyang magpaalam sa kanyang tiyahin para makapagpahinga ng maaga.

''Sige, Malinis na ang kuwarto mo kaya magpahinga kana muna.'' kalmado nitong tugon habang naghuhugasa ng mga pinggan.

''Opo tiya.'' 

Tanging naisagot niya bago umakyat sa taas upang mag-ayos ng kanyang mga kagamitan. Hinanap niya ang kanyang maging kuwarto at nang makita niya ito ay binuksan niya na ang p***o, napatingin siya sa loob.

Tunay ngang malinis na ito, mula sa sofa hanggang sa kama. naklita niya rin sa kabilang gilid ang kanyang mga kagamitan, kaya nama'y hinila niya ito at iniisa isang kuhanin ang mga dokumentong gamitin niya sa pag-aaply ng trabaho.

Binuksan niya rin ang alarm clock ng kanyang cellphone para hindi siya matagalan ng gising.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay malakas niyang binagsak ang kanyang likuran sa malambot na kama, napapikit siya sa sobrang sarap ng kanyang pakiramdam, na sa wakas ay nakahiga narin at pwede ng makatulog.

Kinabukasan, Maaga siyang nagising. Wala pang alas-syete nang matapos na siyang maligo at maghanda.

Simple lang ang suot niya, white blouse, black pants at isang maliit na handbag ma hiniram pa niya sa kanyang ina bago siya umalis.

Humarap siya sa malaking salamin. ''Okay lang yan, First Day.''

Huminga siya ng malalim at napagpasyahang lumabas na sa kuwarto.

Pagbaba niya'y nakita niya sa kusina ang kanyang tiya na naghahanda ng almusal.

''Ang aga mo Max,'' Lumingon ito sa kanyang gawi, bago tinuloy ang pag-luluto.

''First day po kasi kaya kilangan na maghanap ng trabaho,'' Umupo siya sa mesa at hinintay ang kanyang tiya Felita na matapos sa pag-luluto. Felita ang pangalan ng kanyang tiyahin, kasi yung ama niya ay si Florante, tapos yung ina naman ay si Flora. 

Nung una nalilito siya sa mga pangalan nito. halos magkapareho na kasi, nung biniro niya ang kanyang ina na baka kamag anak lang pala sila lahat ay nabatukan siya ng wala sa oras. 

Hindi raw sila kamag-anak ng papa niya, sadyang nagkataon lang raw talaga na magkatunog ang kanilang mga pangalan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 5:

    Inabutan naman siya nito ng sandwich. ''Kumain ka muna bago umalis, saka Goodluck.''Malambing niya itong nginitian, saka inabot ang tinapay na binigay sa kanya.''Thank you po tita.''Habang kumakain sila ay inilabas niya muna ang kanyang maliit na notebook mula sa kanyang bag. Nakasulat na doon ang tatlong kompanya na balak niyang puntahan.9:00 AM - office staff tapos sumunod rin ang 11:30 AM - sales agent, at ang panghuli ay ang 2:00 PM ang administrative assistant.''Marami ka palang puntahan?'' Biglang singit ng kanyang tiyahin habang nakatingin din pala sa kanyang notebook.''Ah, Opo tiya. Kilangan ko talagang maka hanap ng trabaho agad.''''Dont worry pamangkin, may pera kapa ba?'' Tumango naman ang dalaga sa naging tanong sa kanya.Bago siya nagpa alam na siya ay aalis na, tinawagan niya muna ang kanyang ina para ipag bigay alam na maghahanap na siya ng mapapasukan.''Mag-iingat ka anak, kung may mangyari-''''Ma, okay lang ako. huwag kana pong mabahala.'' Pinutol niya rin an

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 4:

    Pagkababa ni Maxein ng sasakyan, ilang segundo muna siyang nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero maayos at malinis ang buong paligid. May maliit na garden sa kabilang side at may ilang paso rin ng halaman sa harapan.At isang lumang upuan na nakalagay malapit sa pintuan, napatingin sa kabuoan ng bahay.Huling beses niya itong nakita noong bata pa lamang siya kaya medyo nakakapanibago na makaapak siyang muli sa pamamahay nito.''Max?''Agad siyang napalingon ng marinig niyang tinawag siya, nasa tabi na niya ang kanyang tiyahin.''Bakit ka nakatayo lang diyan?'' Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok.''Parang ang tagal ko kasing hindi nakikita itong bahay.'' Tumawa naman ito ng mahina at saka siniko siya ng kaunti sa kanyang tagiliran.''Eh kasi namang bata ka, ilang taon kapa lang nung huli kang napunta dito sakin,'' Lumapit naman ang kanyang tiyahin sa kanya at kinuha pa ang isa niya pang maleta.Napatingin siya saglit dito, ''Ako na tit

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 3:

    Biyahe Patungong MaynilaHalos dalawang oras na ang nakalipas mula ng umalis si Maxein sa kanilang lugar, pero pakiramdam niya ay parang ilang minuto pa lamang ang lumipas.Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus habang nakasandal ang ulo sa malamig na salamin. Nakatingin siya sa mga tanawin sa labas na unti-unting nagbabago habang patuloy silang bumibiyahe.Kanina, puro mga puno at malalawak na bukirin ang nakikita niya pero ngayon, mas dumadami na ang mga bahay at mas dumami rin ang mga sasakyan, hindi rin magpapahuli ang bilang ng mga taong nakikita niya bawat kanto.At habang papalapit sila sa maynila, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. 10:50 a.m. May ilang messages siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Flora.Mama: Nakarating kana ba sa terminal?Mama: Mag-iingat ka, anak.Mama: Tawagan mo kami pagdating mo sa maynila.Napangiti naman si Maxein, mabilis siyang nag type ng reply

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 2:

    Paalam ProbensyaMaaga pa lang ay nagising na si Maxein.Hindi paman tuluyang sumisikat ang araw pero ang liwanag na nagmula sa maliit ng kanyang bintana ay unti-unti nang pumapasok. Naririnig niya mula sa labas ang pagtilaok ng mga tandang manok, ang ingay ng mga taong nagsisimula nang maggayak dahil may kanya-kanyang inaasikaso rin ang mga ito para sa pagtrabaho ng mga asawang lalaki. At syempre hindi rin mawawala ang presko ng hanging binibigay ng kalikasan dahil sa pamumuhay na nakaugalan ng mga tao, Ilang minuto namang nakatitig muna ang dalaga sa kanilang kisame.napabuntong hininga siya, marahil hindi siya makapaniwalang ngayong araw ang kanyang alis patungong maynila. Paniguradong lalagnatin siya dahil obvious namang hanap hanapin niya ang naging buhay niya sa kanilang probinsya.Humugot ulit siya ng malalim na paghinga bago siya tuluyang bumangon sa kama.Paglapag palang ng kanyang mga paa sa sahig, agad niyang napansin ang dalawang maleta na nakalagay sa tabi ng kanyang mal

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 1:

    Prologue'Hindi Ito dapat Mangyari, ano bang naging kasalanan ko?'Iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang nakaupo siya sa malamig na sahig ng isang kuwartong hindi siya pamilyar.Tumingin siya sa kanyang mga kamay at kalaunan napatingin rin siya sa kanyang mga paa, nakagapos ang mga ito at napapangiwi siya sa sobrang hapdi ng bawat lubid na nagmarka sa kanyang mga balat.Na baling ang atensyon niya sa kabilang gilid, sa harap niya ay may isang malaking bintana ngunit makapal ang kurtinang nakatakip dito. Wala siyang makita sa labas na kahit ano. Hindi niya alam kung gabi naba o madaling-araw na dahil ang tanging pag-kakaalam niya'y naka kulong siya sa isang silid na walang ibang makikita kundi mga kurtinang sinasayaw ng malamig na hangin.At napatingala siya sa bawat kisame ng kuwarto, ramdam niya ang pananahimik sa buong silid maliban sa tunog ng orasan na nakadikit sa dingding.Tick.Tick.Tick.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinipigilan ang pangingi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status