Share

Kabanata 3:

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-28 23:13:16

Biyahe Patungong Maynila

Halos dalawang oras na ang nakalipas mula ng umalis si Maxein sa kanilang lugar, pero pakiramdam niya ay parang ilang minuto pa lamang ang lumipas.

Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus habang nakasandal ang ulo sa malamig na salamin. Nakatingin siya sa mga tanawin sa labas na unti-unting nagbabago habang patuloy silang bumibiyahe.

Kanina, puro mga puno at malalawak na bukirin ang nakikita niya pero ngayon, mas dumadami na ang mga bahay at mas dumami rin ang mga sasakyan, hindi rin magpapahuli ang bilang ng mga taong nakikita niya bawat kanto.

At habang papalapit sila sa maynila, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. 

10:50 a.m. May ilang messages siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Flora.

Mama: Nakarating kana ba sa terminal?

Mama: Mag-iingat ka, anak.

Mama: Tawagan mo kami pagdating mo sa maynila.

Napangiti naman si Maxein, mabilis siyang nag type ng reply.

'Okay lang ako, Ma. nasa bus pa ako. tatawag lang pagdating ko kay tiya.'

Matapos niyang ma-send ang mensahe, ibinalik niya ang cellphone sa kanyang kandungan. Napabuntong hininga naman siya, hindi niya mapigilan na makaramdam ng lungkot. Marahil ngayon lang niya tunay na naramdaman na aalis na talaga siya.

Hindi lamang simpleng pagpunta niya sa ibang lugar, kundi mananatili siya sa maynila ng ilang buwan, oh kaya'y maging taon.

At kapag magiging maayos ang lahat, baka matagalan pa bago siya makauwi. Napatingin siya ulit sa labas. ''Maynila. . .'' mahina niyang sabi.

Matagal na niyang gustong makarating sa lugar nayun, hindi dahil gusto niyang mamuhay ng marangya, kung hindi gusto lang niyang magkaroon ng trabaho.

Kahit anong trabaho na maayos at sapat na ang sahod.

Ayaw niyang habang buhay silang umaasa sa kung anong maliit na kinikita ng kanyang mga magulang. kaya kahit natatakot siya ay pinipilit niyang isipin na baka ito na ang chance na kanyang hinihintay.

Kumbaga, para sa kanya'y ito ang tinatawag na panibagong simula ng kanyang buhay.

Napatingin siya sa kanyang bag na nakalagay sa tabi ng kanyang mga paa. Halos lahat ng kailangan niya ay naroon na.

Ilang mga damit at personal niyang mga gamit. Meron rin siyang dinala na isang maliit na notebook kung saan niya isinulat ang mga kumpanyang balak niyang apply-an. Natawa siya nang bahagya nang maalala kung ilang beses niyang inayos ang listahang iyon kagabi. 

Parang isang bata na excited masyado sa unang araw ng klase.

Pero sa kaso niya'y trabaho ang pupuntahan niya, at hindi niya alam kung magiging madali ba iyon,

''Miss?'' Napalingon naman siya nang marinig niyang may tumawag sa kanyang bandang likuran.

Isang matandang babae ang nakaupo sa kabilang side ng aisle at nakatingin ito sa kanya.

''Po?''

''First time mo sa Manila?''

Saglit naman siyang nag-isip at alanganing tumango. Ngumiti naman ang babae.

''Mag-isa ka?''

''May pupuntahan po akong tiyahin, doon muna ako titira.''

''Ahh. Mabuti naman.'' Tumango naman ang dalaga at naghihintay sa sasabihin nitong kasunod.

''First time ko rin po kasi kaya medyo kinakabahan ako.''

''Normal lang yan, masasanay ka rin.''

Napangiti siya ulit bago bumaling ulit sa bintana. Ngunit bago pa niya maibalik nang tuluyan ang kanyang atensyon sa labas, may napansin siyang sasakyan na ilang minuto nang tila kasabay ng bus.

Isa itong itim na kotse, Hindi niya makita nang maayos ang plate number dahil medyo malayo ito, napatingin siya dito ng ilang segundo. Nang bumagal ang bus dahil sa traffic lumapit din ang kotse.

Napaangat ang kanyang kilay. Baka kako, coincidence lang.

Iyon na lamang ang kanyang nasabi sa kanyang sarili, maya maya'y bumilis ulit ang bus at naiwan ang itim na sasakyan.

Huminga siya nang maluwag. ''Overthinking ka nanaman Maxein,'' bulong niya sa kanyang sarili, bago isinuot ang kanyang earphones at nagpatugtog. At mas piniling huwag na lamang pansinin iyon.

Makalipas ang ilang oras, tuluyan na nilang narating ang maynila. 

At sa unang pagkakataon nakita ni Maxein ang dami ng tao at sasakyan sa paligid, ''Grabe. . . ganito pala dito?'' Hindi niya napigilang mapabuka ang bibig.

Natulala siya sa sobrang daming sasakyan, kaliwat kanan ang naging takbo ng mga kotse kaya nalilito siya kung saan ang tamang daanan ng mga tao para iwas aksidente.

Hindi niya din alam kung saan siya unang titingin kaya mabilis siyang kumuha ng cellphone at tinawagan ang kanyang tiyahin.

Ilang ring lamang ay agad itong sumagot.

''Hello, Maxein?''

''Hello, Tita.''

''Nasa terminal kana?''

''Opo kakababa ko lang.''

''Saan ka banda?'' Tumingin siya sa paligid at bawat gusaling nakikita niya.

''Sandali po. . . may malaking sign dito.'' sinabi niya sa kanyang tiyahin ang lugar kung nasaan siya.

''Okay. Huwag kang aalis dyan, papunta na ako.''

''Sige po.''

Pagkatapos ng tawag ibinaba niya ang cellphone. Inayos niya ang strap ng kanyang bag at hinawakan nang mahigpit ang hawakan ng kanyang maleta. habang naghihintay, pinagmasdan niya ang mga taong dumadaan sa kanyang harapan. 

May mga taong nagmamadaling pumasok sa sasakyan upang makahabol sa kanilang mga trabaho ng mas maaga. at may mga nag-uusap rin sa cellphone.

May mga nakikita din siyang natitinda sa gilid ng kalsada, ilang minuto pa ang lumipas nang may marinig siyang boses.

''Maxein!'' Napalingon siya agad.

Isang babae na kumakaway mula sa kabilang bahagi ng kalsada, magkaharap na sila habang naka ngiti sa isat-isa.

''Tita!''

Tumawid ang kanyang tiyahin, nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyapos ng maghigpit na yakap. ''Ang laki mo na ah!'' gulat ang naging reaksyon nito sa kanya kaya bahagya siyang napatawa.

''Tita, matagal na po tayong hindi nagkikita.''

''Exactly! kaya nga hindi agad kita nakilala.'' 

Kinuha ng kanyang tiyahin ang isang maleta niya. ''Ako na dito.''

''Okay lang po Tita, kaya ko na po yan.'' Nahihiya siyang tumanggi at pilit na kinukuha sa mga kamay ng kanyang tiyahin ang hila nitong gamit niya.

''Hayaan mo na, malayo pa ang parking. Welcome to Manila Iha.'' 

Napangiti ang dalaga at nahihiyang sumunod, habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasang lumingon sa paligid. ''Parang ang daming tao.''

''Naku! sanayin mo na ang iyong sarili. Pasasaan pa't masasanay karin.''

''Hopefully Tita.''

Sa simpleng biro ng kanyang tiyahin ay medyo gumaan ang kanyang pakiramdam, at medyo nabawasan rin ang kaba sa kanyang dibdib. Sumakay sila sa sasakyan ng kanyang tiyahin at habang umaandar ito tahimik naman siyang nakatingin sa labas ng bintana. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 5:

    Inabutan naman siya nito ng sandwich. ''Kumain ka muna bago umalis, saka Goodluck.''Malambing niya itong nginitian, saka inabot ang tinapay na binigay sa kanya.''Thank you po tita.''Habang kumakain sila ay inilabas niya muna ang kanyang maliit na notebook mula sa kanyang bag. Nakasulat na doon ang tatlong kompanya na balak niyang puntahan.9:00 AM - office staff tapos sumunod rin ang 11:30 AM - sales agent, at ang panghuli ay ang 2:00 PM ang administrative assistant.''Marami ka palang puntahan?'' Biglang singit ng kanyang tiyahin habang nakatingin din pala sa kanyang notebook.''Ah, Opo tiya. Kilangan ko talagang maka hanap ng trabaho agad.''''Dont worry pamangkin, may pera kapa ba?'' Tumango naman ang dalaga sa naging tanong sa kanya.Bago siya nagpa alam na siya ay aalis na, tinawagan niya muna ang kanyang ina para ipag bigay alam na maghahanap na siya ng mapapasukan.''Mag-iingat ka anak, kung may mangyari-''''Ma, okay lang ako. huwag kana pong mabahala.'' Pinutol niya rin an

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 4:

    Pagkababa ni Maxein ng sasakyan, ilang segundo muna siyang nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero maayos at malinis ang buong paligid. May maliit na garden sa kabilang side at may ilang paso rin ng halaman sa harapan.At isang lumang upuan na nakalagay malapit sa pintuan, napatingin sa kabuoan ng bahay.Huling beses niya itong nakita noong bata pa lamang siya kaya medyo nakakapanibago na makaapak siyang muli sa pamamahay nito.''Max?''Agad siyang napalingon ng marinig niyang tinawag siya, nasa tabi na niya ang kanyang tiyahin.''Bakit ka nakatayo lang diyan?'' Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok.''Parang ang tagal ko kasing hindi nakikita itong bahay.'' Tumawa naman ito ng mahina at saka siniko siya ng kaunti sa kanyang tagiliran.''Eh kasi namang bata ka, ilang taon kapa lang nung huli kang napunta dito sakin,'' Lumapit naman ang kanyang tiyahin sa kanya at kinuha pa ang isa niya pang maleta.Napatingin siya saglit dito, ''Ako na tit

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 3:

    Biyahe Patungong MaynilaHalos dalawang oras na ang nakalipas mula ng umalis si Maxein sa kanilang lugar, pero pakiramdam niya ay parang ilang minuto pa lamang ang lumipas.Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus habang nakasandal ang ulo sa malamig na salamin. Nakatingin siya sa mga tanawin sa labas na unti-unting nagbabago habang patuloy silang bumibiyahe.Kanina, puro mga puno at malalawak na bukirin ang nakikita niya pero ngayon, mas dumadami na ang mga bahay at mas dumami rin ang mga sasakyan, hindi rin magpapahuli ang bilang ng mga taong nakikita niya bawat kanto.At habang papalapit sila sa maynila, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. 10:50 a.m. May ilang messages siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Flora.Mama: Nakarating kana ba sa terminal?Mama: Mag-iingat ka, anak.Mama: Tawagan mo kami pagdating mo sa maynila.Napangiti naman si Maxein, mabilis siyang nag type ng reply

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 2:

    Paalam ProbensyaMaaga pa lang ay nagising na si Maxein.Hindi paman tuluyang sumisikat ang araw pero ang liwanag na nagmula sa maliit ng kanyang bintana ay unti-unti nang pumapasok. Naririnig niya mula sa labas ang pagtilaok ng mga tandang manok, ang ingay ng mga taong nagsisimula nang maggayak dahil may kanya-kanyang inaasikaso rin ang mga ito para sa pagtrabaho ng mga asawang lalaki. At syempre hindi rin mawawala ang presko ng hanging binibigay ng kalikasan dahil sa pamumuhay na nakaugalan ng mga tao, Ilang minuto namang nakatitig muna ang dalaga sa kanilang kisame.napabuntong hininga siya, marahil hindi siya makapaniwalang ngayong araw ang kanyang alis patungong maynila. Paniguradong lalagnatin siya dahil obvious namang hanap hanapin niya ang naging buhay niya sa kanilang probinsya.Humugot ulit siya ng malalim na paghinga bago siya tuluyang bumangon sa kama.Paglapag palang ng kanyang mga paa sa sahig, agad niyang napansin ang dalawang maleta na nakalagay sa tabi ng kanyang mal

  • Find By Him: Mr. Collector   Kabanata 1:

    Prologue'Hindi Ito dapat Mangyari, ano bang naging kasalanan ko?'Iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang nakaupo siya sa malamig na sahig ng isang kuwartong hindi siya pamilyar.Tumingin siya sa kanyang mga kamay at kalaunan napatingin rin siya sa kanyang mga paa, nakagapos ang mga ito at napapangiwi siya sa sobrang hapdi ng bawat lubid na nagmarka sa kanyang mga balat.Na baling ang atensyon niya sa kabilang gilid, sa harap niya ay may isang malaking bintana ngunit makapal ang kurtinang nakatakip dito. Wala siyang makita sa labas na kahit ano. Hindi niya alam kung gabi naba o madaling-araw na dahil ang tanging pag-kakaalam niya'y naka kulong siya sa isang silid na walang ibang makikita kundi mga kurtinang sinasayaw ng malamig na hangin.At napatingala siya sa bawat kisame ng kuwarto, ramdam niya ang pananahimik sa buong silid maliban sa tunog ng orasan na nakadikit sa dingding.Tick.Tick.Tick.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinipigilan ang pangingi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status