Share

Chapter 2

Chapter 2: First Time With Her

Jack's Perspective

One month later...

Tag-ulan na naman, ang pinaka-ayaw kong panahon, parang ang lungkot kase tuwing umuulan, ang tahimik ng paligid at ang kulimlim. Nakakatamad pumasok pero kailangan, kaya naman nagmadali na ako dahil anong oras na din.

"Dad, kailangan ko na pong umalis, time is running too fast," I said and wave goodbye, at tumango na lamang si Dad. Nasa isang Hospital nga pala ako, my father is a doctor kaya naman pagkalabas ko ng pinto puro puti ang sumalubong sa akin, at lahat ng nurse na nadadaanan ko ay binabati ako, they sometimes calling me, sir, because I'm my father's son, the great owner of this place, he was a well-known doctor for being too kind, minsan halos ilibre niya na yung fees sa ibang pasiyente na mahihirap, and I admire my dad because of that, that is why I decided to take over this Hospital in the future, and to be a successful doctor who help people.

Pagkalabas ko ng hospital agad kong inilabas ang payong ko sa aking bag. Magsisimula na sana akong maglakad nang mapansin ko si Angel, na lumabas galing sa loob. Huminto ako at pinanood siya at napagtanto ko na wala siyang dalang payong.

"It's late, hindi ba siya papasok?" Tanong ko pero nakasuot siya ng uniporme kaya siguradong papasok siya, but I wonder who was the one she visited inside.

Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko na namalayan ang oras, hindi ko na din alam kung ilang oras ko na ba siyang pinagmamasdan, nang bigla siyang tumakbo. Ewan ko pero nagkusa hetong katawan ko na tumakbo at sundan siya.

Maya't-maya ay bigla siyang tumayo sa tabi ng puno upang magpahinga nang mapansin kong nababasa siya.

Huminga ako ng malalim at naglakas loob na lapitan siya.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim... anim na hakbang at tumigil ako. Urong-sulong ako dahil hindi pa rin ako makalapit sa kaniya, ewan ko ba pero ramdam ko ang kaba at hiya ko pagdating sa kaniya.

Naiinis ako sa sarili ko, "Jack, iyan na oh, kaunting hakbang na lang at makakausap mo na siya," pagalit na sinasabi ng isipan ko.

At dahil anong oras na, heto na... Inipon ko lahat ng lakas na loob na natitira sa pagkatao ko at nilapitan siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang unti-unti akong naglalakad papalapit sa kaniya. Nang nasa harapan ko na siya ay inangat ko ang payong na hawak ko sa may tapat ng ulo niya sabay tingin sa ibang direksyon upang alisin ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Jack?" Rinig kong sabi niya, at nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko, kaya agad akong napatingin sa kaniya. And damn! My heart is fluttering, napakalllapit niya sa akin, pero hindi dapat ako magpahalata kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

"Going to school?" Ngiting tanong ko.

She nodded her head, "Oo, kaso hindi ko nadala yung payong ko dahil sa emergency," sagot niya.

"May na-ospital sa pamilya mo, right?" Agad na sabi ko.

"Yes, paano mo alam," tanong niya sa akin at napangiti na lamang ako.

"I saw you outside the hospital and followed you..." Napahinto ako nang mapagtanto ko na nadulas na ang mga dila ko, but then she laugh.

"So, sinusundan mo ako?" Patawang sinabi niya and I am speechless, halos pagpawisan ako sa kaba, ang tanga ko! Hindi ako nag-iingat! You're too stupid, Jack! I wanted to shout pero hindi ko magawa, of course. This is so embarrassing!

Awkwardness na ang humarang sa akin, pero para tanggalin iyon, ngumiti muli ako sa kaniya.

"It's not really my intention na sundan ka, yung katawan ko kase ibinulong sa isip ko na sumunod sa'yo," pagbibiro ko, at bigla na lang siya natawa.

"You're funny!" She said and I know, I'm blushing, ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko nang ngumiti siya, napakaganda niya na wala akong magawa kundi ang kiligin.

"I don't hate the rain right now, I guess I'm starting to love it," I thought.

"Nga pala anong oras na, late na din, sabay ka na sa akin papuntang school, do you want?" Alok ko sa kaniya.

"I think I have no choice," ngiting sabi niya at tumabi sa tabi ko ng maayos, at hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking mga labi.

Napakaswerte ata ng araw ko ngayon, thank you Lord!

"Tara?" Anyaya ko at agad naman siyang pumayag.

****

We're walking under the same umbrella, pero ang awkward kase pareho kaming tahimik, tanging puso ko na lamang ata ang maingay dahil dinig na dinig ko ang bawat tibok nito. At tumingin ako sa mukha ni Angel, she is above my shoulder pala. Ang haba ng mga pilik-mata niya, at ang amo niyang tignan. It's my first time walking with her, and the fact that she is too close from me fluttered my heart again.

"Nga pala sinong binisita mo sa ospital?" Tanong ko to break the silence between us. And I'm glad she answered back.

"Ah, yung lola ko, alam mo na may edad     na din kaya hindi na malakas," sagot niya.

"I'm sorry to hear that," I said at ngumiti siya sa akin. "Don't be sorry, that's life, ready na ako sa mga posibleng mangyari, at tanggap ko na iyon," pagpapaliwanag niya and I found her more interesting, she's brave and positive then.

"You have your point, people come and go, there's nothing we can do," I said.

"Yeah, by the way thank you sa pagsabay sa akin," sabi niya, hindi ko man lang namalayan na nasa harapan na pala kami ng school namin.

"So, goodbye here now? Thank you once again," she said.

"Wait, hatid na kita hanggang sa harapan ng room mo, medyo hindi rin malayo," agad na sabi ko.

"I'm fine, thank you," sabi niya at bago pa man ako magbitaw ng salita ay agad siyang tumakbo habang hinaharangan ang ulo niya, gamit ang bag niya. Napangisi na lamang ako at nang hindi ko na siya matanaw ay nagbalak na rin akong pumunta sa room, but someone just jump at my back.

"Hey, may hindi ata ako nalalaman?" Sabi ng boses, and it was Zio.

"Anong ginagawa mo dito, late na hah?" Pagwawala ko sa sinabi niya.

"Don't change the topic,bro. It's obvious, I'm late, that's why. Pero ang tanong ay kung ano ang nakita ko?" Kinikilig na sabi nito at ngumiti na naman ng parang baliw ang kaibigan kong ito.

"Haha," I laughed... "Wala ka na doon, tara na!" Sigaw ko sabay takbo papalayo sa kaniya upang makaiwas sa mga tanong niya. And I can hear him shouting, telling me that I am unfair. At heto naman ako, natatawa na lamang sa mga pangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status