TRIDA'S POV
"Nasa'n ka?" bungad ko kay Zee nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko. Kaibigan ko siya simula pa noong high school ako. Nagkakilala kami noong minsan na pinagtanggol niya ako sa mga nambu-bully sa 'kin. Siya rin ang pumigil sa 'kin noong oras na tatalon dapat ako sa rooftop ng school dahil sa matinding depresyon, dulot ng pambu-bully sa 'kin ng mga kaklase ko at iba pang mga estudyante."Bakit? Miss mo na 'ko?" tinawanan niya pa 'ko mula sa kabilang linya."Oo, miss na kita. Pahiram muna 'kong pera. Tinatamad akong mag-withdraw," sagot ko sa kaniya. May pera naman ako sa savings account ko dahil pinapadalhan ako ni kuya. Kaso nga lang, sinaniban ako ni Master Katam. Katamaran."Bakit na naman? Ano'ng tingin mo sa 'kin? ATM mo na basta na lang magluluwa ng pera 'pag kailangan—magkano ba?" Iniba niya agad ang usapan no'ng pabagsak kong binaba ang baso sa sink, at kamuntikan na 'yon mabasag."Five lang. Kailangan ko lang mag-grocery 'tsaka magpa-laundry.""Five pesos lang pala, sure!""G*go ka ba!" Nag-init na naman ang ulo ko. "Ano'ng gagawin ko sa five pesos mo! Baka gusto mong ipako ko pa 'yan sa noo mo!""Ikaw ang nagsabi na five lang, 'di ba? Labo mo kausap! Lukutin ko mukha mo d'yan, eh!""Five thousand, tukmol! Kung five pesos lang ibibigay mo sa 'kin, salamat na lang sa lahat. Mag-iingat ka palag—""Oo na, Trida! May dagdag pang wan-key kung gusto mo!" narinig ko siyang natawa at agad naman akong napangiti ro'n sa wan-key na binanggit niya. "Hintayin mo na lang ako sa dorm, sabay na tayo mag-grocery. Last subject ko naman na. Baka mamaya kung saan-saan ka lang pala pumunta. Mahirap na kapag napahamak ka. Malaking gastos magpalibing ngayon," biro niya sabay tawa.Sinabayan ko naman siya. "Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo. Kung ipapalibing mo 'ko, gusto kong kabaong 'yong tig-isang milyon ang halaga. 'Yong may aircon sa loob para fresh pa rin kahit kalansay na. Tapos 'yong kape starbucks dapat. Cakeland naman ang tinapay. 'Wag na 'wag kang magpapakape ng black at 'wag ka rin bibili ng nakabaldeng tinapay, utang na loob! Gusto ko sosyal. 'Yong mga hindi naman magbibigay ng abuloy, kahit dunkin' donuts na lang at 3in1. Tapos lahat ng maiipon mong abuloy, sa'yo na."Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad binabaan. Mabuti na lang may kaibigan akong yayamanin. Sa edad niyang nineteen ay may sarili na siyang sasakyan, villa at condo. Bukod sa g'wapo na ay galing pa siya sa mayamang pamilya. Kaya nga kahit hindi ko nababayaran ang mga hinihiram kong pera, nakakatulog pa rin siya nang mahimbing with hilik pa.Pero kahit may sarili siyang condo, nagdo-dorm pa rin siya. Ayaw niya raw kasing ma-hassle sa biyahe kapag papasok. Magkasama rin kami sa isang dorm. Sa DS Dorm. Pero sa 4th floor silang mga lalaki. Ang first to third floor naman ay para lamang sa 'ming mga babaeng estudyante. Ang fourth at fifth floor naman ay para sa mga unggoy na tulad niya.Halos thirty minutes akong naghintay bago siya dumating sa dorm. Nasa lobby lang naman ako at nanonood ng tv kaya agad niya 'kong nakita."Akala ko ba mag-grocery tayo? Bakit hindi ka pa nakagayak?" sita niya sa 'kin pag-upo sa tabi ko. Nakasuot lang kasi ako ng shorts na kulay itim at big size shirt na kulay gray. Tapos naka nike na slippers lang ako. Pambahay lang ba."Ganito na lang ako tutal pangit naman 'yong kasama ko," I said seriously but he knew it was just a joke."Pangit pala 'ko kaya pala maraming nagkakagusto sa 'kin," natatawa niyang sabi habang nakatingin sa screen ng tv.Binalingan ko naman siya at inirapan. And yes, he's right. Marami ngang nagkakagusto sa kaniya dahil sa itsura niya. From head to toe, his features scream royalty. His face is so symmetrical. It’s scary. He looks almost like a game character or an anime character. His eyebrows are thick and masculine, outlining his adorable brown eyes that can be intense. The bridge of his nose is really high. The shape of his lips are subtle, but I really love how he looks wearing his transparent balm. And his boxy smile is so adorable. He looks like he’s about to brush his teeth every time. He has a really strong eyebrow game — he looks like he could beat you up, honestly. But his personality is so friendly that all intimidation kinda melts. I say kinda, because his stare is still killer. If I saw him on the streets I wouldn’t look twice, one, because he’s incredibly attractive and I would be terrified, two, because his natural expression is pretty intense and I would be terrified. He seems childlike and innocent, but trust me, he can fuck shit up if he wants. He’s also smart. Has a great height, his legs and arms toned with muscle. He's slim for the most part, but is also angular and precisely chiseled.Tumayo na 'ko at inaya na siya. "Let's go." Agad naman siyang sumunod sa 'kin palabas. Naabutan namin ang sasakyan niyang magara sa tapat ng dorm building at mas nauna akong pumasok do'n kaysa sa kaniya. "Mag-grocery muna tayo, then samahan mo 'ko sa salon."Agad niya 'kong binalingan pagkatapos niyang start ang makina. Nakataas ang isang kilay niya. "Oh, akala ko ba grocery lang at laundry?" Imbes na sagutin, nginitian ko lang siya. "Scammer ka talaga!" sabi niya sabay iling.IVY’S POVPaakyat ako sa hagdan habang hinihila ang maleta ko. Sabi sa ‘kin no’ng caretaker ng dorm ay tutulungan niya akong mag-akyat ng mga gamit pero pagkatapos kong magbayad at mag fill-up ng form, hindi na niya ako binalikan. Sa third-floor pa naman niya ‘ko nilagay, ilang hagdan pa ang kailangan kong akyatin."Saan ba dito ‘yong room 303?" luminga-linga ako para tingnan ang mga numero sa bawat pintuan. Nang mahagip ‘yon ng paningin ko ay agad kong nilapitan.Tumayo ako sa harap ng pintuan at nag-aalangan akong pumasok dahil baka may tao sa loob. Ang sabi kasi ng caretaker, may isang naka-room daw dito. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na rin akong kumatok kaysa tumayo at tubuan ng ugat sa tapat ng pinto.Noong walang sumagot ay pinihit ko ‘yong doorknob at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim sa kwarto dahil nakapatay ang ilaw. Hindi ko alam kung nasaan ang switch.Ginamit ko ‘yong flashlight ng cell phone ko para hanapin ang switch at natagpuan ko ‘yon sa tabi lamang ng pintuan. Ang tanga ko talaga. Nang mabuksan ko ang ilaw, tumambad sa harap ko ang magulo at makalat na kwarto.Napaisip tuloy ako. Isa lang ba ang kasama ko rito? Bakit parang mga sampo? Dinampot ko ‘yong unan na nakalaglag sa tiles pati na rin ang twalya at ilang mga damit. Para namang ahas ‘yong kasama ko rito. Kung saan maghunos, do’n na lang.Noong maitabi ko na ang ilang kalat ay bumalik ulit ako sa ibaba para kuhanin ang iba ko pang mga gamit na naiwan sa lobby.Habang inaayos ko ang isang kama na bakante, sumulpot sa pintuan ‘yong babaeng caretaker— si Ate Mildred. Hindi siya mukhang katandaan. Sa tingin ko ay nasa thirty years old pa lamang siya dahil mukha naman siyang bagets. "Pagkatapos mong mag-ayos bumaba ka, may ituturo ako sa’yo.""Sige po," sagot ko at bahagyang ngumiti. Nang maiayos ko na ang kama at mga gamit ko sa cabinet, bumaba agad ako.Naabutan ko sa lobby si ate Mildred. Katapat ng lobby ang maluwang na sala tapos may flat screen tv at sofa. "P'wede kayong manood ng tv dito anytime, pero bawal mag away-away sa channel," paliwanag niya. Naglakad siya at ako naman sumusunod lang. "Dito naman ang kusina. P’wede kang magluto dito kung gusto mo. Pero karamihan sa mga estudyante rito sa dorm, sa labas na kumakain. May nagluluto rin naman pero usually kapag weekend lang o kapag may time sila." Tumango lang ulit ako. Naglakad ulit kami at bumaba sa parang basement. I mean basement nga. "Dito naman ang laundry area. Pagkatapos mong maglaba at kapag tuyo na ang mga damit mo, ipasok mo agad dahil may mga tirador ng panty at bra dito. Maraming estudyante ang nagsusumbong na madalas silang nawawalan ng sinampay." Pati ba naman panty at bra? Napailing ako. Tama ba na dito ako nag-dorm? "’Yong katapat naman na ‘yon, laundry area ng mga lalake."Natigilan ako sa pagsunod sa habang nakaturo naman siya sa kabilang side. "Po?" Tama ba ‘yong dinig ko? May lalaki dito sa dorm?"Sa mga lalaki ‘yong kabilang laundry area, pero parang halos wala naman naglalaba sa kanila. Madalang. Halos karamihan nagpapa-laundry sa labas. ‘Yong 1st floor hanggang 3rd floor, puro mga babae. Ang 4th to 5th, occupied ng mga lalaki. Bawal umakyat do’n ang mga babae. May lobby sa 4th floor at may receptionist do’n na nakabantay," paliwanag niya."Ah..." Napatango ako nang bahagya at nakahinga na rin kahit papaano. Akala ko rambol sa bawat floor ang mga lalaki at babae. Ayoko pa naman nang gano’n."Huwag kang mag-alala, mababait ang mga nakatira rito. Lalo na ‘pag tulog," biro ni ate Mildred sabay tawa nang mahina. "Kung may tanong ka pa puntahan mo na lang ako sa kwarto ko. Sa first floor lang ako, ‘yong kwarto malapit sa sala." Ngumiti siya at iniwan na ‘ko mag-isa. Saglit kong nilibot ang basement bago nagdesisyong bumalik sa taas, sa kwarto ko. Pero pag balik ko ro’n, may tao na."Ikaw ‘yong bago kong roommate?" nakangiti niyang tanong niya sa ‘kin nang makita niya ‘kong pumasok. Tumango naman ako habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha. She has an average-sized face with high cheekbones which are especially prominent when she smiles, medium sized almond-shaped eyes, long and high bridge nose, lips that clearly resemble a heart, and medium to long black hair. She also has an elegant aura. Sa tingin ko magka-edad lang kami. Malayo ang itsura niya sa inaasahan ko. Makalat at magulo kasi ang kwarto na inabutan ko kaya akala ko dugyutin siya! "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya ulit sa ‘kin."Ivy," I said, giving her a small polite smile. "Ivy Piñaflorida.""Wow, ang tamis naman ng apelyido mo, parang ang sarap kainin! Raawwrr!" Umarte pa siyang parang lion na mangangagat. Pero hindi na ‘ko kumibo dahil ‘di ko feel makipag-usap sa kaniya. Feeling ko kasi ang weird niya. Sayang, maganda pa naman siya. "Anyway, I'm Trida, kahit hindi mo tinatanong," nakangiti niyang sabi sa ‘kin. Tumango lang ako nang bahagya at hindi nagsalita. "Mukhang mahiyain ka, ‘no? Sabagay, sa simula lang ‘yan kasi bago ka pa lang dito. Gan’yan din ako dati. Halos wala akong kausap no'ng kararating ko rito. Pero no’ng nagtagal na, natuto na rin akong makipagbardagulan sa mga estudyante rito. Natuto na 'kong manakal at manapok!" Tumawa siya ulit. Napalunok naman ako dahil sa mga sinabi niya. Manakal? Manapok? Sandali. Hindi kaya member siya ng kung anong kulto? Nag-angat ako ng tingin para sulyapan siya ulit. Sa itsura niya mukhang imposible ‘yon. Mukha naman siyang disenteng tingnan. Disenteng madaldal, gano’n."Tayo lang ba rito sa room?" tanong ko naman sa kaniya."Hay, sa wakas! Nagsalita ka rin!" Tinawanan niya ulit ako. "Oo, tayo lang. Last year may kasama 'ko rito kaso wala na siya." Nalungkot ang mukha niya kaya na curious ako."Pa'nong wala na?""Patay na siya." Natigilan ako. Hindi ko alam pero, bigla akong kinabahan. Hindi kaya...sinakal niya? Napalunok ako. "Lahat ng nagiging roommate ko, namamatay." Hindi ulit ako nakakibo. Natulala lang ako sa kaniya. Seryoso ba siya? Ayoko pang mamatay! Pinagmasdan niya ‘ko ‘tsaka siya biglang humagalpak nang tawa. "Nakakatawa ka!" Nakahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa."B-bakit?" kabadong tanong ko sa kaniya."Napakadali mong utuin. Naniwala ka ro’n? Binibiro lang kita. Ang ibig kong sabihin sa wala na ay umalis na siya dahil graduate na!” Tumawa ulit siya habang nakatingin sa ‘kin. Nakahinga naman ako nang maluwag. Buti na lang. "No'ng sinabi ko kasi na wala na siya, parang iba yata ang nasa isip mo kaya biniro kita, 'di ko alam na madali ka pa lang maniwala. Sorry, ah!" dagdag niya pa."Di kasi ako sanay sa gano'ng biro.""Don't worry, simula ngayon masasanay ka na." She smiled. Ang weird niya talaga. "Nga pala, ano'ng course mo?""Tourism.""Really? Ako rin! Ano'ng year?" excited niyang tanong."Second," tipid kong sagot."Wow, sana maging magkaklase tayo!""Sana hindi," bulong ko, pero alam kong hindi niya 'ko narinig. Tiningnan niya 'yong oras sa suot niyang relo pagkatapos ay tumingin sa 'kin."Halika na sa baba, magluluto ako ng pagkain ko, share na lang tayo." Tumayo siya sa kama pero nag-aalangan akong sumunod sa kaniya. Bago siya tuluyang lumabas sa pinto, nilingon niya 'ko. "Halika na dalian mo, baka maunahan pa tayo ng mga lalaki sa taas." Tuluyan na siyang lumabas at ako napilitan na rin tumayo.TRIDA'S POVLumabas ako ng kwarto at bumaba agad sa kusina dahil baka maunahan na naman ako ng mga unggoy at shokoy sa taas. Magugulo pa naman silang kasama sa kusina.Pagdating ko ro'n, hindi ako nagkamali. Dahil hawak na ni Haze 'yong sandok habang nakapikit na kumakanta sa harap nang niluluto niya na hindi niya namamalayang nangangamoy sunog na.Nilingon ko naman 'yong tatlong nakaupong kulugo sa mesa— si Matthew, Zee at Kayden—pinakaguwapong mga kulugo sa balat ng lupa. Napapamura pa nang mahina si Matthew at Zee habang naglalaro sa phone nila. Si Kayden naman ay nakakrus ang mga kamay sa dibdib habang tinatawanan si Haze sa pagpiyok-piyok nito.Binalik ko na ulit ang tingin ko kay Haze. "P'wedeng pakibilisan? Magluluto rin ako." Natigilan siya sa kaniyang mini concert at bumaling sa 'kin. Ngumuso naman ako sa kawali niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pansin na maitim na 'yong tocino niya."WOOOOAHH!" Agad siyang nataranta nang makita 'yon. Hinawakan niya 'yong kawali para ilagay sa sink kaso nakalimutan niyang gumanit ng potholder. "ARAY! ANG INIT T*NGINA!" sigaw niya.Binalingan ko naman si Ivy. "Halika, umupo ka muna rito." Sumenyas ako sa kabilang mesa na bakante. Dalawang malaking mesa kasi ang mayro'n sa kusina. Isa 'yong inuupuan nila Zee at katapat no'n ang isa pa kung saan ko pinalapit si Ivy."Sino siya?" tanong ni Matthew sa 'kin. Hindi ko namalayang nakatingin na pala sila kay Ivy at parang kinikilala ito."Bago kong roommate," sagot ko. Mukhang hiyang-hiya naman si Ivy dahil nakayuko lang siya."Ano'ng nangyari sa ulam natin?" tanong ni Zee nang ilapag ni Haze sa mesa nila 'yong sunog na tocino na nasa plato."Ano ba 'yan? Tocino o uling?" halakhak ni Matthew na naging dahilan para mawala na naman ang mga mata niyang singkit. Siya 'yong tipo na kapag tumawa o ngumiti, parang mahahawa ka na lang bigla. His smile lights up his whole face, like he’s so happy and there’s no room for anything else. He has a very ‘warm’ face, I would say. He looks like the cute boy next door who’s really nice to everyone. It’s true he has quite a baby face, and honest looking eyes. His lips are a bit more rounder though. I find that his features are interestingly symmetrical, but not quite. It’s quite evenly spaced, like the traditional proportions of a human face, but there are subtle differences that make for the uniqueness of his face."Magluto ka na lang ulit, 'di natin makakain 'yan. Mas maitim pa sa budhi mo," seryosong sabi ni Kayden sa kaniya. Kayden has sharp edges and angles. His face is very unique to me. His eyes are slanted but very sharp like icicles. His gaze is very cold and empty, and you can't see anything but a dark dim forest. But when his emotions show, his eyes turn into a warm sunset. He has a soft face shape, black hair and thin physique, making him an ice cold prince. His lips are carved. The upper lip dips in a little deeper than the lower does, very daintily. And in all honesty, Kayden has somewhat of a baby face that’s stark with his demeanor and natural expressions. It’s almost mismatched, such an intimidating glare from such a cute face and someone of small stature, but he wears it so well that you won’t notice he’s cute until he smiles."Gagawin ko sana talagang uling 'to, nahiya lang ako sa inyo!" singhal ni Haze sa kanila. Sa pagkakaalam ko, siya lang ang marunong magluto. Hindi nga lang kasarapan, pero p'wede na."Kung 'di na kayo magluluto, ako muna. Nagugutom na 'ko." Tumayo na ako sa upuan at dumiretso sa refrigerator. Inilabas ko 'yong manok sa freezer para simulan 'yon hugasan at hiwain."Trida, baka naman?" parinig ni Matthew. "Baka may pa sobra ka d'yan kahit pang-apat na tao lang?""Bakit apat lang? Lima tayo, ah?" singit ni Haze."Gano'n talaga kapag ex na, hindi na sinasali. Kahit magutom ka d'yan walang pakialam sa'yo si Trida," tumawa ulit si Matthew kaya nilingon ko siya para bigyan nang nakakamatay na tingin. Then I turned my gaze to the very good looking guy who broke my heart into a quadrillion pieces— Haze Cartajena.TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra