Share

Kabanata 3

KABANATA 3

I purposely tugged my lips downwards and stick gaze on the floor.

"Sir kasi kelangang kelangan ko po ng trabaho. I get fired from my job and my mother is sick... Please sir i badly needed a job."

I heard his harsh exhale so I lifted my face up to glance at him. I bit my lower lips nang mahuling nakatitig sya roon.

Thanks God it was brick red, it looks more seductive that way. 

Now that i know your weaknesses, I should use it as my strength.

I almost laugh at my own thoughts. Who would think that this day will come?

"Why don't you enter modeling? I'm sure papasa ka dun, mukhang mamahalin naman ang mga alahas at damit mo pwede mong ibenta yan for your mom's sake," he said in a straight face habang iniiwas ang tingin sa labi ko.

Now I regretted using this diamond stud earing. How stupid of me to go here wearing a Balmain dress. Baka mas magulantang sya kapag nakita ang brand new Benz ko sa labas.

Damn. I must get that job.

Lumapad ang ngiti ko nang makita ang ilang ulit nyang paglunok at pag awang ng kanyang labi habang hindi natatabggal sa akin ang tingin.

Good job, Praia!

"Sige na sir, kahit yaya o bodyguard o cook... Hindi po ako namimili ng trabaho!" 

Now I can see amusement in his eyes.

"Your words are opposite from what I see. You look elegant, mahusay kang magdala ng damit, hindi ka nadapa sa mataas mong heels, magaling kang magsalita na para bang isa kang executive," he said and avoided to glance at my lips.

Wrong move for him coz it just landed on my cleavage. It is not that big but I can say it is just right for me. Litaw yun dahil malalim ang neckline ng dress na suot ko. Ngayon lang ako magpapasalamat na dahil sa pagmamadali kanina, nakalimutan ko ang blazer sa kotse ko.

"Hindi po sir, bago kasi ako mag shift sa finance, nag take muna ako ng tourism," I used my hoarse voice.

Ganito ako ka-desperada dahil para to sa mommy ko.

Saka na ako mahihiya, ang kelangan ko munang isipin ay ang trabahong ito.

"Hmm... Interesting. Tutor ang kelangan ko hindi finance officer." 

Doon ako naalarma at mabilis na napatuwid ng upo.

"Pwede po akong tutor sir. Nag-aalaga po ako ng mga bata kong pinsan at pamangkin dati!"

Another lie. Halos kaedad ko ang mga pinsan ko at hindi kami close. Isa pa mayayaman din sila, they can all hire bunches of nannies without exerting any effort.

Only child ako kaya anong alam ko sa bata? Bahala na...

"Okay. Now tell me about yourself."

He looked at the wall and gulped. He is tempted. Nakakuyom ang mga palad nya sa I ibabaw ng lamesa at ilang ulit na inayos ang pagkakaupo sa kanyang swivel chair.

"I am Praia Marceliana. My mother tounge is Filipino, my second language is English. Marunong po ako mag French, Italian, German at Japanese. May konti rin po akong alam sa Mandarin pero mas fluent po ako sa Spanish. Kahit anong topic sa biology, chemistry, physics o earth science pwede ko pong pag-aralan. Kakayanin ko rin po ang algebra, trigonometry, pre calculus, basic calculus o kahit mismong calculus. Sir please kunin nyo na po ako..."

That's true, wala naman akong ibang sasabihin kundi yan. During summer vacation, my mom is enrolling me into a language class. Kaya mukha akong nag-aral ng linguistics.

He looked stunned dahil matagal bago sya nagsalita. Did I talk too much?

"Follow me," tumayo sya at pumunta sa isang pinto na hula ko ay adjacent sa isa pang opisina o kwarto.

Pangisi-ngisi akong sumunod sa kanya pero nawala yun ng makita ko kung ano ang nasa loob.

Like his office, the dominant color is gray and white but there is a large bed where a little girl was lying. Nakatalikod sya samin kaya hindi ko makita ang mukha nya.

"That is my daughter Sydney at ayaw nyang kumain dahil may sakit sya. Pag nagawa mong ipaubos sa kanya ang laman ng mangkok na yun kukunin kita bilang personal yaya at tutor nya." 

Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Right away sir!"

Pumasok ako sa loob at marahang naglakad palapit sa kama dahil mukhang natutulog yung bata.

Nang lingunin ko sya at naglalakad na sya pabalik sa table nya pero hinayaan na bukas ang pinto. Plano nya atang panoorin ang gagawin ko kaya umupo sya at iniharap sa gawi ko ang swivel chair.

Nag iwas ako ng tingin at tuluyang lumapit sa bata. Gumagalaw sya pero hindi yun halata dahil natatabunan ng makapal na kumot ang kalahati ng katawan nya.

"Hi little girl!" I used my sweet and low voice para makuha ang atensyon nya.

Nagawa ko naman, kaya lang masama ang tingin nya nang bumaling sakin. 

She looked like just a small version of her dad. Ano kayang itsura ng mommy nito?

"Wag mo kong tawaging little girl, malaki na ko at Sydney ang pangalan ko"

'She's just a kid, Praia calm down. You need to feed her the soup so you'll get the job. For your mother remember?' paalala ko sa sarili ko.

Bumuntong hininga ako at ibinalik na muli ang ngiti ko.

"Okay, hi Sydney!"

"Sinong may sabi sayong Sydney ang itawag mo sakin? We're not close enough miss!" mataray nyang giit.

Natahimik ako at napasulyap sa lalaking pangisi-ngisi habang nanunuod. He's watching my reaction huh?! 

"I bet pinadala ka ni daddy dito para pakainin ako."

Okay. He got one hella m*****a kid. Kanino kaya nag mana to? Pero ang mas malaking tanong, paano ko mapapakain ang masungit na batang to?

If I am not mistaken she was just about four or five years old but the way she talks made me think that she's an eighteen year old bitch trapped in a body of a kid.

I succeed seducing her dad but how about her? Paano ko malalaman kung paano mag-alaga ng bata? Eh buong buhay ko wala akong ibang inintindi kundi sarili ko.

"Ganon na nga. Halika kain ka!" marahan kong sagot at sinubukan syang hawakan.

She's hot. Not the hot looks, but literally hot all over. She's burning with high fever for who ever's sake.

"Don't bother miss, I'm not hungry yet," she answered in the same bitchy tone

"Pero kelangan mo to para lumakas ka. Sabi ng daddy mo may sakit ka daw," I said, trying to be patient

"Wala ka ng pakialam dun, hindi ka naman doktor!"

Because of what she said, I suddenly heard the famous line of Tammy when she's annoyed.

'If you can't beat them, join them!'

I'm tired of this kid. She must know how to respect people who's older that her. Praia Del Hugo is about to teach her that damn lesson.

"Dahil hindi ako doktor wala na akong pakialam? Sabi mo malaki ka na pero sa inaasta mo ngayon, para kang bata. A little cute brat?" I raised my eyebrow on her to give her the impression na hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Wag mo kong tawaging cute at lalong hindi ako brat!"

"Owss... Then eat this, prove to me that you're not a brat."

She gave me a straight face.

"I don't have to prove you anything."

"See? You really are a brat."

Marahas syang bumangon mula sa pagkakahiga at tiningnan ako ng masama.

"Fine. Akin na yan, kakain ako mag-isa. I don't need your help. No one needs you here."

I smiled wickedly. This is a victory.

"Done sir. This means I get the job right?" nakangiti kong bungad sa kanya.

Ibinaba ko ang mangkok sa harap nya mismo.

"Not yet miss Marceliana, ang usapan natin ipapaubos mo sa kanya. Kaso kalahati lang ang kinain nya."

He smirked while starring at my lips. This time wala na yata syang pakealam kahit kitang-kita ko yun. He don't even bother to hide it from me.

"What the..." I bit my lower lip so hard to prevent myself from saying unpleasant words "Sir may sakit yung bata at malamang wala syang panlasa kaya given na hindi nya mauubos ang soup sa malaking mangkok na yan!" 

He grinned.

"A deal is a deal. We'll just call you when you get the job."

That's it. Damn this guy. Zurich Monteclaro... Argh...

"Listen. She's sick and yet you let her stay in that room in your office? You're one stupid father. You know what? You should bring her to the hospital kasi mister, inaapoy na ng lagnat ang anak nyo!"

I stormed out of that room and never look back again.

That jerk... Call nya mukha nya, pagkatapos akong pagtarayan ng anak nya? Magsama silang mag-ama. 

Hahanap na lang ako ng ibang paraan para mahagilap ang Florence na yun.

I Facetimed Tammy to tell her what have I just done and she was stunned. Every detail sinabi ko. Wala akong itinago.

"So may anak na si Zurich? At m*****a? Sabi mo hot yung tatay diba? Oh my gosh I wanna meet him!"

Nagtitili sya kaya biglang napabangon ang lalaking nakahiga sa kama nya.

Another different guy. And now she's talking about Zurich while the man beside her is just wearing nothing but a boxer shorts.

Iba ang inaasahan kong reaksyon mula sa kanya.

'Ano bang iniisip mo Praia, bakit mo nilandi ang Zurich na yun? Hindi ka ganon at makakapatay ang mommy mo pag malamang nagpakahirap kang gawin lahat ng yun pagkatapos ay 'we'll just call you' ang natanggap mo?'

Or somethingrelated to that.

Napailing-iling na lang ako ng magpaalam yung lalaki bigla. Sino ba naman ang matutuwa? After having sex, magigising ka na ang partner mong naka robe lang ay nakaharap sa laptop at kausap ang best friend nya?

Worst, tili ang bubungad sayo. Take note na dahil yun sa isang hot na lalaki na nakilala nya lang mula sa description at kwento. 

Baka mahimatay na si Tammy sa kilig kung sya ang nagpa-interview.

"Tamara maghunos dili ka nga, may asawa na yung tao!" saway ko dahil hindi sya mapakali sa kilig.

"So pag walang asawa okay lang? Tss.. uso na ang divorce ngayon, wag ka ngang old school!" taas kilay nyang saad.

I rolled my eyes at her.

"Pilipinas to, ipinapaalala ko lang na hindi kasing liberated ng mga tao---"

Pinutol nya ang mahaba kong lecture tungkol sa pagkakaiba ng Florida at ng Pilipinas.

"Yes. Yes of course I know... Ang akin lang may annulment naman dyan. Malay mo ma-seduce mo pa, jackpot yun girl..."

There is this weird playful smile on her lips.

"Itigil mo yan Tammy ha..." banta ko kahit napapangiti ako sa sinabi nya.

"Bakit gagawin mo ba? Don't worry susuportahan kita in case na itakwil ka ni tita Pelinara," humalakhak sya "Anyway anong feeling na tinitigan nya ang labi mo?"

I growled.

"Stop it. Sabi ko nga kanina, ginawa ko lang yun dahil akala ko madadala ko sa ganon!" katwiran ko.

"Pero hindi mo nabanggit kung anong feeling!" giit nya.

"Damn Tammy, matulog ka na!"

I was about to end the call when she interrupted.

"No Praia, don't press that button... You have to tell me first!"

"No way!"

She pouted like some bitchy school girl. Pwede ng sabitan ng hanger ang nguso nya sa sobrang haba nun. Like that Sydney brat.

"Fine. Nakakailang at nakakalunod okay? Parang may kung ano sa titig nya na... Basta... Kasi malakas ang appeal nya kaya... P-Pero yun lang yun! Gwapo lang! Ewan. Oh ano happy?"

Nag mukha na naman syang ewan ng magtatalak sa kama habang kinikilig.

Crazy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status