Share

Chapter 03

The whole Sumilon Island trip was fun and I went home with a smile on my face because a specific someone didn't bother me the whole time.

"Pasukan na sa Lunes, Lilianna. Did you prepare your stuff?" tanong ni Mama habang hinihiwa ang steak. Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon because Mama got her pay today. Hindi man halata but my mom always treat us to fancy restaurants or even go anywhere in the Philippines kapag sweldo niya na.

Ayon kay Papa, nakagawian na nilang dalawa ang mamasyal kapag may extra sa mga sahod nila noong magjowa pa lamang sila. I found it very endearing because despite their busy schedules due to their works, hindi pa rin nila nakakalimutan ang isa't isa.

Nilunok ko muna ang kinain ko bago sumagot. "Yes po, Ma. Naka-plantsa na rin ang uniform."

She nodded and said, "Good."

Tumingin naman ako kay Papa at nginitian niya ako na siyang sinuklian ko. Pagkatapos n'on, silang dalawa na ang nag-uusap tungkol sa trabaho ni Mama, sa gastusin sa bahay, at marami pang iba.

Nang natapos kaming kumain ay agad kaming umuwi dahil malapit nang dumilim at marami pang gagawin si Mama na paperworks and other stuff related to work. Syempre, tatambay din sa opisina si Papa at papanoorin si Mama na magtrabaho.

It somehow gives me the creeps but I guess that's how people in love act.

I wonder what it's like to be loved by someone that you hold dear.

Days, hours, minutes, and seconds have passed hanggang sa hindi ko namalayang lunes na pala and I need to prepare for school. May uniform na ako at nakahanda na iyon kaya ang gagawin ko nalang is ang maligo at mag-ayos sa sarili which I did.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay inayos at hinanda ko na rin ang dadalhin kong mga notebooks and such. When satisfied, I went out of the room para kumain ng agahan. Naroon na ang mga magulang ko—Papa with his morning newspaper and Mama with her dear tablet.

"Good morning, Mama and Papa," I greeted my parents and kissed their cheeks.

Noong paupo na ako ay nagsalita si Papa. "Isasabay ka ni Gregory, anak, since iisa lang ang pupuntahan niyong school. Okay lang ba iyon?"

Wala naman akong nakitang problema roon kaya pumayag na rin ako at binilisan ang pagkain. Mama was just silent and was facing her tablet the whole time.

I finished preparing everything and myself kaya lumabas na ako ng bahay at nagpaalam sa mga magulang ko na nasa hapagkainan pa rin at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi yata sila mauubusan ng topic kahit gaano pa iyan ka-boring.

Nakita ko agad si Gregory na nakaupo sa swinging chair, naka-criminology uniform ito. Kung nandito lang si Zoey, baka naglaway na iyon because Greg just looked so fine right now. Bagay na bagay sa kaniya ang criminology uniform ng SCC.

Inangat ni Greg ang tingin niya at agad siyang tumayo nang nakita niya ako. He extended his hand kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Mahina siyang tumawa. "Ako na magdadala ng bag mo, miss."

"Ayoko nga," pagtanggi ko. "Hindi naman 'to mabigat kaya tara na, baka ma-late pa tayo."

I was about to open the door of the car's backseat nang pinigilan ako ni Greg.

"Hephep! Tayo ay magko-commute ngayon, miss."

Kumunot ang noo ko. "What? Why?"

"Bilin sa akin ni Sir Julius na dapat ka rawng masanay na mag-commute dahil tumatanda na si Papa."

"Then, what's your use kung ayaw mong mag-drive?"

He raised his index finger. "Do note that I'm his scholar, not his driver."

"What? Scholars are supposed to do things to their, um, 'employers'!"

"Kaya nga, at hindi binilin ni Sir Julius na ipag-drive kita kaya taralets, miss!"

Aangal pa sana ako pero kinaladkad na ako ni Greg patungo sa waiting shed na nasa gilid lang ng gate ng subdivision.

Nang may dumaang tricycle ay agad pumara si Greg. He noticed that I did not move an inch nung papasok na siya sa tricycle kaya kinaladkad niya ulit ako papasok roon. We were sitting on the back portion of the tricycle. Medyo nahilo pa nga ako noong umandar na ito dahil hindi talaga ako sanay sumakay ng ganito.

Minutes passed at nakarating na kami sa school. Pinasalamatan iyon ni Greg at siya na rin ang nagbayad ng pamasahe naming dalawa. Dapat lang, 'no! Siya ang nagpasakay sa akin sa tricycle kaya siya rin ang magbabayad ng pamasahe.

Tinawanan lang ako ni Greg nang napansin niyang tinitingnan ko siya nang masama at ginulo ang buhok ko na siyang nireklamo ko kaagad.

"Saan ang first class mo?"

I tsked. "4th floor."

Pagdating sa fourth floor ay halos mawalan ako ng hininga. I enrolled at this school but I did not sign up for this! Bakit ba kasi nasa fourth floor ang first class ko? Nang huminto kami sa may hagdanan ay tinignan ko muna ang study load ko at gusto ko nalamg humimlay nang nakitang ang second class ko is on the last floor of this building, the sixth floor.

"Miss, saan ang room mo?"

Binalik ko sa bag ang study load ko at sinabihan si Gregory kung saan ang classroom ko for the class. He ruffled my hair when he left na siyang kinaiinisan ko. I did not spend a couple of minutes combing my hair just to be ruffled! Ang gulo na tuloy ng buhok ko, I looked like a semi-Sadako.

Bumuntonghininga nalang ako at pumasok na sa classroom. There were still a few people around, some were sleeping and some were just facing their gadgets. Ako naman ay umupo sa pinakaharap, beside the window. I can't afford to fail a single semester and I need to pay more attention.

Minutes have passed before the students went inside the room and sat down to their preferred seats.

I was just scrolling through my social media accounts with my headset on nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Hindi lang iyon, full name ko pa and she said it with full voice!

"Lilianna Eureika S. Vera. Nice name!"

Inalis ko ang headset ko sa may bandang kaliwa. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong isa iyong babae. She was wearing the same uniform as mine so she must be a blockmate. Napansin kong hawak niya ang ID ko kaya agad ko iyong hinablot at sinuot. I removed it earlier kasi naiinitan iyong batok ko.

Nilahad ng babae ang kamay niya at nginitian ako nang matamis. "Hi, I'm Sawyer Angelou Ferrolino. Nice meeting you, Lian."

"Lian?"

"Oh!" she giggled. "Mahaba kasi ang pangalan mo so I just shortened it."

Says the girl who has a long name too. Her surname somehow seemed familiar, though. Saan ko nga ba iyon narinig?

Tinanggap ko ang kamay ni Sawyer at inaya siyang tumabi sa akin which she gladly did. She even told me that she's looking forward to work with me on future projects and other school things. Nginitian ko naman siya bilang sagot kasi wala akong masabi. Aside from Zoey, si Sawyer lang ang nagpakita ng interes sa akin so the feeling is really new.

Mayamaya ay dumating na ang prof ng first subject namin at nagsimula na ang klase. Walang ginawang intro-intro ang professor at nagsimula na siya sa first lesson namin sa subject niya. I even heard whispers from the back na this one's a terror kaya I figured I need to focus.

"What's your major, Lian?" tanong ni Sawyer nang lumabas kami sa room. Papunta kami ngayon sa library sa fifth floor kasi may dalawang oras pa kami bago ang next class. Actually, ako lang dapat ang pupunta but since Sawyer wanted to tag along kaya hinayaan ko nalang.

Being with her company is kind of refreshing. Sobrang gaan niya kasama sa kaunting oras na magkakilala kami.

"Financial," I answered. "Ikaw?"

"Marketing," sagot niya at ngumiti. "Ewan, gusto ko lang mangumbinsi ng mga dagkong tae sa kompanya pati na rin sa mga clients."

Natawa ako sa tinawag ni Sawyer sa mga higher ups ng isang kompanya. Dagkong tae is a common phrase here in Cebu used to describe big time people or rich ones. It literally means big poop.

We stopped talking when we reached the library. The librarian collected our ID for security purposes siguro at sinulat namin ang pangalan namin sa log.

I was reading a book about entrepreneurship nang bigla ko narinig ang pagtili ni Sawyer habang mabilis na naglakad patungo sa akin. The other students looked at our direction when the librarian noticed us and made us shut up or else mapapalayas kami sa library.

"Oh my gosh, Lian!" Sawyer exclaimed, hindi pinansin ang pagsita ng librarian sa kaniya. Napahilamos ako ng mukha. "Look! I never thought this school has this book!"

Tinignan ko naman ito at nabasang isa itong libro tungkol sa sex education and whatnots.

"What about it? It's a sex ed book."

She giggled. "Wala lang. I mean, this is a Catholic school and you know..."

I sighed and just let her sit kasi masyado na siyang maingay to the point na tumitingin sa amin ang iba pang mga estudyante na tahimik na nag-aaral o nagbabasa.

Nung napansin ko na trenta minutos nalang ang natitira bago ang second subject ay inaya ko na si Sawyer na umakyat sa sixth floor para sa second class namin. We have the same schedule apparently kaya alam kong hindi ako makakawala sa babaeng 'to.

Not that I don't like her around. Like I said, magaan siyang kasama. Though she's a bubbly girl.

School time was over and Sawyer was still with me rito sa entrance ng SCC, hinihintay ko kasing matapos ang klase ni Greg which will be over by 10 minutes. She said she'll wait with me kaya hinayaan ko nalang siya. Her driver's waiting for her in the parking lot, though.

"Is this Gregory person handsome?" tanong niya bigla na siyang ikinatawa ko. "Why are you laughing?"

"I don't know. Go see for yourself nalang."

True enough, Gregory appeared in front of us after 10 minutes. Hingal na hingal siya dahil sa pagtakbo niya. Napailing nalang ako, akala niya siguro iiwan ko siya... which is impossible. Lagot ako kay Papa kapag umuwi akong 'di siya kasama pero mas lagot ako kay Mama.

Narinig ko ang pagsinghap ni Sawyer sa tabi ko. Pinigilan ko naman ang pagtawa.

Gregory Romanillos and his impact on girls.

"Sorry natagalan klase ko, Miss. Ano, tara na?" ani Greg. Napalingon naman siya nang napansin niyang may katabi ako. "Hello."

"H-Hi..." mahinhin na bati ni Sawyer na siyang ikinatawa ko. Ganoon na ba talaga kagwapo ang iskolar ni Papa?

Nilahad ni Greg ang kaniyang kamay at agad iyong tinanggap ni Sawyer. They exchanged names and talked a bit more bago pa kami nagpaalam kay Sawyer. Tinawagan na rin kasi siya ng kuya niyang naghihintay na rin sa parking lot.

I teased Greg all throughout the trip home. He'd just roll his eyes and shut me up kasi self love daw muna kasi siya. Tinatawanan ko lang siya.

Nagpaalam si Greg sa akin nang nakarating na kami sa bahay at pinuntahan si Mang Ramon na nasa quarter niya sa may garage. Ako naman ay pumasok sa bahay at bumati sa akin si Ate Jane, ang isa sa mga kasambahay dito. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon at siya naman ang scholar ni Mama. She attends the same school and we took the same course.

"Hello, Ate. Sina Mama?"

"Ah, nasa opisina sila Ma'am. May gusto ka bang ulam para sa hapunan? Sasabihan ko si Manang Mary."

"Ikaw na bahala, Ate. Puntahan ko muna sina Mama."

When I reached the office, I knocked three times bago iyon binuksan. As always, Mama was facing her papers and laptop habang si Papa naman ay pasulyap-sulyap sa direksyon ni Mama habang naglalaro ng Bookworm. Oo, alam ko kasi narinig ko ang sound effects ng laro.

Dahil ayaw ni Mama ang madistorbo tuwing nagtatrabaho siya, si Papa ang pinuntahan ko at nagmano.

"My daughter, how's school?" Papa asked gently.

I shrugged. "Still school, Pa."

"I see," Papa chuckled. "Enjoy school at huwag mong ipressure ang sarili mo, okay? Papa's here."

"Don't baby your daughter, Julius. She needs to do her best at school and not just enjoy," Mama removed her glasses and looked firmly at me. "Do your duty as the unica hija of this household and don't play around."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status