Share

Kabanata 4

Prian's Return To The Mansion With Al

"Ma'am Althea!" 

Nalingunan ko ang kasambahay na pababa na ng hagdan at papalapit na sa akin.

Tumigil ito sa harapan ko. "Hinahanap na po kayo ni Sir. Ezekiel ganun na din po ang mommy at daddy niyo." 

Nagulat ako sa sinabi nito. "Nagising sila Mama?" 

I hurried up and went to the mansion, sumunod naman ang kasambahay.

"Opoh ma'am nagising po yata sa komosyon sa mansyon." Aniya nito.

Ano ba naman yan! Naistorbo ko pa tuloy ang mga magulang galing sa pagtulog.

Papalapit na ako ng makita silang lahat sa bukana ng bulwagan. Nang makita ako ay nagmamadaling bumaba ng hagdan si Khael at inalalayan ako.

"Where did you go!?" Nag-aalala ngunit may halong galit na tanong niya. 

Instead of answering him, I went straight to Mama and Papa especially when I saw Mama's worried face, while Papa was sighing.

"Ma, Pa." Mahinang tawag ko sa mga magulang at lumapit dito.

"Anak ano ka ba naman! Pinag alala mo kami! You just finished your birthday party and I can't help but to think of some superstitious belief that accident might happened during birthday's!"

"I'm sorry po Ma, Pa. Naabala pa tuloy ang tulog ninyo."

"Khael, son, please call your friends and tell them to go home now. I'm sorry for interrupting their sweet conversation but there's no need to stay outside, we can give them some time to talk here at home--"

Natigil si mama ng matunog na ngumisi ng bahagya si Pia. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"I'm sorry tita. Pa-special po talaga ang dalawang iyon. Pwede naman dito mag-usap. May palabas-labas pang nalalaman." Aniya nito nito at humagikhik pa.

Napabuntong hininga si Mama, "I know you just want to take this opporunity to spend more time together, pero baka kung ano pang mangyari at kami ang managot sa mga magulang ninyo."

"Yes tita. I'm sorry for causing trouble. I'll call Al, excuse me." Khael nodded and immediately picked up the cellphone.

"I thought you are leaving tommorow? Anong oras ba ang alis niyo?" Tanong naman ni Papa.

"Tomorrow morning po Tito." sagot naman ni Pia.

"Kung ganun ay kaylangan niyo ng magpahinga, it's almost 12 PM.." Papa turned to me. "Anak, pagkauwi ng mga kaibigan mo, matulog na kayo." 

"Opo Pa, I'm sorry, pinag-alala pa namin kayo ni mama." sabay tingin ko kay Mama.

Napabuntong hininga ito at napailing.

"It's ok, wag na sanang mauulit." Paalala ni Papa sa akin. 

I nodded. "Opo."

"Good night then." He came over and kissed my forehead.

"Good night." mahinang aniya ko at tiningnan si mama sa likod ni Papa.

He sighed and approached me before kissing me on the cheek.

"Good night mama, I'm sorry po."

Nakangiti siyang tumango at hinaplos ang buhok ko.

"All right, you should rest. I'm sure you're tired ganun nadin ang mga kaibigan mo." magaan ang pagkakasalita niya kaya alam kong maayos na siya. 

"Ezekiel, you take care of this. We're going back to our room." rinig kong paalala ni Papa kay Kuya.

"Yes Pa." Mabilis na sagot ni kuya bago ako sinulyapan.

Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga magulang ay binalingan niya ako.

"You should go inside so you can rest. Ako na ang maghihintay dito." Sagot niya at napatango nalang ako.

"I'll wait inside our living room kuya, uupo muna ako duon. I'll go to my room after they get back."

She sighed and stared at me. Hindi na siya nakapagprotesta ng magsimula na akong pumasok at sumunod naman si Pia.

Napabuntong hininga ako. "Ano na kayang pinag-uusapan ng dalawa?" 

"Who knows?" Nagkibit balikat si Pia.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa din ang dalawa.

"Where did the hell they go, bakit ang tagal!" Inis na saad ni Pia. 

Napasulyap kami sa labas ng marinig ang ingay duon.

"Nandito na ata sila." si Pia.

Tumayo ako at sumunod ng lumabas siya.

Tama nga ang sinabi ni Pia dahil paglabas namin sa double door ay kausap na ni Kuya Kiel at Khael si Al.

Mabilis naman akong lumapit kay Al. Samantalang dumeretso naman si Pia kay Prian na ngayon ay namamaga at namumula ang mga mata. Halatang napagod sa kakaiyak.

"Anong nangyari?" Magkasalubong ang kilay ko habang tinatanong si Al.

"Sana naman nagpaalam ka samin, you have your phone but your not even answering!" 

Napabaling kaming lahat kay Pia na nasa harapan na ngayon ni Prian. Halata sa boses ni Pia ang pinipigilang galit.

"Nakakahiya kay Tito at Tita, pinahanap ka pa sa mga tauhan, and don't you dare do that to us again! were so worried about you!" Dagdag pa nito. 

"I'm sorry." mahinang aniya ni Prian.

"Pia that's enough, she's tired." Pigil naman ni Al. Lumapit siya sa kinaroroonan nila at hinawakan ang braso ni Prian mula sa likuran.

Pia and I looked at each other.

Nagulat kami sa ikinilos nito lalo na ng hindi tumanggi si Prian sa pagkakahawak ni Al. Dati rati ay nagbabangayan pa ito at baka nasapak na naman si Al pero ngayon ay parang wala lang.

Nagtataka ko silang tiningnan, tumaas naman ang kilay ni Pia, samantalang lumapit naman si Khael sa akin habang may tinatagong ngiti.

lumapit si Kuya at mabilis akong nailayo kay Khael. "All of you should go inside so you can take a rest."  "I'll take you to your room Althea." he put his arm around me and glanced at Khael with a smirk.

"Kuya!" Saway ko sa kanya.

Pilit Kong binalingan ng tingin si Khael pero hinawakan ni Kuya ang ulo ko at ibinaling sa harapan!

"Ano ba kuya!" Inis na sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

Hindi na ako nakapag protesta ng paakyat na kami sa staircase, lalo na nang maramdaman ko ang sakit sa ilalim ng mga paa. 

"Ano ba kasi kuya ang ginagawa mo?!" Inis na tanong ko at pinipilit na makawala sa pagkakahawak niya.

Nang makarating sa kwarto ko ay mabilis niyang binuksan ang pintuan at pilit niya akong ipinasok sa loob.

"Let me atleast say goodnight to my friends!" 

"You're just giving me excuses so you can see your boyfriend!, Get inside--" Itinulak niya ako papasok.

"Hindi nga kuya--"

"Hmmp" itinutok niya sa akin ang isang daliri. 

"Don't you dare leave this room, kung ayaw mong patulugin ko sa sala ang boyfriend mo." Pagbabanta niya pa!

"Kuya!--" tuluyan niya na akong naipasok at naisarado ang pinto.

Sa sobrang inis ko ay kinalabog ko ang pinto pero napaatras ako sa gulat ng kalabugin rin niya iyon pabalik!

Inis akong nagmartsa sa walk in closet at kinuha ang pantulog ko, hindi na ako nag-abalang maglagay ng kung ano-ano. After getting dressed I went straight to bed and arranged the comforter that covered half of my body. Bahagya ko itong inangat at inilabas ang paa. 

"Sh*t" napamura ako ng makita ng maiigi ang kuko sa paa, may konting dugo iyon. Kung wala sigurong kulay ang mga kuko ko ay makikita na ang pagviolet nito.

Hinawakan ko ito ngunit agad ding natigilan ng maalala ang lalaki kanina.

Hindi ako pwedeng magkamali, I know I’ve seen him before because he’s familiar to me. Pero saan at kaylan?

Nakasimangot ako ng maalala na hindi niya man lang sinagot ang tanong ko kanina. Nakuryoso tuloy ako. What happened earlier is very unusual.  Ngayon lang ata ako naka-encounter ng ganun.  

Napatango ako ng may marealize...

So Siya pala talaga yung nakita ko janina sa seashore. It means He's staying at our resort or maybe at our hotel! There is no other hotel near us, so it is impossible for him not to stay in. Isa pa, gabi na. I wonder why he is on the seashore.

Nanlaki ang mga mata ko ng lumayo na ata ang iniisip ko. I should be sleeping right now instead of thinking of that man. I'm just curious Tss.

I adjusted the comforter and picked up the cellphone on the bed side table. I type a simple message for Khael.

To: Khael <3

Good night, I'm sorry kay Kuya. I love you!

I lay down while holding the cellphone. I saw the screen lit up.

From: Khael <3

Good night. You should rest now. I love you too.

Napangiti ako sa simpleng message namin sa isat-isa. Napanguso nga lang ako ng mapansin ang contact name. 

Ayaw niyang gumawa ng kahit anong endearment namin. Masyado kasing common, lahat daw kasi ng nasa relasyon ay may mga endearment. He wants our call sign to stay the same, besides he likes calling me by my name.

Napangiti ako sa naisip. 

Mataas na ang araw ng magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pakiramdam ko kahit papaano ay nakabawi na sa pagod kagabi.

Tumayo ako at naramdaman na hindi na masyadong masakit ang paa. Pahinga lang siguro  ang kaylangan. 

I went into the bathroom to take a shower and get dressed. I wore a white floral dress before coming down.

"Good morning Althea!"

Nagulat ako ng makita ang mga kaibigan na nasa lamesa at nag-aagahan na.

Tumayo si Khael at lumapit sa akin bago ako mabilis na ginawaran ng halik sa pisnge. Uminit ang pisnge ko sa ginawa niya.

"Good morning." bulong niya habang natatawa sa naging reaksyon ko. 

I blushed when I noticed that we're in front of our friends, especially when I saw Mom and Dad at the table. Sinulyapan ko naman ang kasambahay na malaki ang ngiti sa akin habang dala-dala ang juice pitcher at nagsasalin sa isa sa mga baso ng kaibigan.

Inalalayan ako ni Khael na maupo sa tabi niya, ngunit nahuli ko ang masamang tingin ni Kuya Ezekiel kay Khael.

"Hindi ka na namin ginising anak, at mukhang napagod ka kagabi." sabi ni mama.

"Tinanghali na nga po kami tita ng gising, it's almost 9 am." Pia said while looking at her wrist watch. "Fortunately, I set the alarm, so we still have time to pack when we woke up." She added and glanced at my plate.

Nang tiningnan ko din iyon ay nakita na may rice na ang plato ko, nilagyan din ni Khael ng ulam.

"Prian hija, you sure your ok? Maputla ka." si mama.

Hinanap ko tuloy sa lamesa si Prian at nakita na maputla nga ito. Namumula ang ilong, at maga ang mga mata. Ngayon ko lang din napansin na katabi niya si Al.

"I'm fine Tita, it's just cold." Sagot niya pagkatapos suminghot.

Tumingin si Al sa pagkain ni Prian."Finish your food.." binalingan niya si Mama, "Tita may gamot po ba kayo sa colds?"

"Yes, meron hijo. Manang pakikuha nga ng gamot diyan." utos ni Mama sa kasambahay.

I'm smiling now as I look at Al who is staring at Prian.

"Hay naku, sana all may jowa!" 

Nagugulat akong napabaling kay Pia sa sinabi nito.

Sila na?! Hindi nga?

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Mama at Papa. Natawa din ang mga kasambahay.

Nagugulat Kong inilipat ang tingin kay Al at Prian patungo kay Pia, nagtatanong ang mga mata. Pero kinindatan lang ako ng kaibigan.

Natapos ang agahan ng may makahulugang tingin sa mga mata namin. Nandito kami sa garahe kasama si Mama, Papa at kuya.

Pinagmamasdan ang pag-aayos ng mga gamit sa compartment ng malaking SUV.

"Thank you po Tita, Tito, Kuya Ezekiel." si Pia.

"Your welcome Hija, as long as Althea is happy." si Mama.

"Maybe I'll come back here and think about taking a vacation."

"Sure hija, your very welcome in our house." si Papa.

"Ah, not that Tito, gusto ko po sanang ma-try ang resort at ang hotel niyo. Hindi kasi namin masyadong nabisita. Ngayon po sana kaso... aalis na kami."

"Oo nga naman, sayang. but I'm sure this won't be the last." Si mama.

"Yes naman po." Masayang sabi ni Pia.

Nasulyapan namin ang paglapit ni Prian. "I'm so sorry po for what happened last night. I didn't mean to make you worry po."

"Oh it's ok Prian, we understand your situation. Khael explained it to us." Mama answered.

Nagugulat namang binalingan ni Prian si Al na papalapit na sa amin galing sa pagsarado ng compartment.

"Thank you po Tito, Tita. What happened last night means so much to me..."  He glanced at Prian. "I was given the opportunity to reflect and fix a lot of things between me and Prian."

"Uyyyy..." si Pia.

Halos mamilog ang mga labi ko sa sinabi ni Al. I have never seen how serious he is while saying this to other People even right in front of my parents. Madalas kasi ay maloko ito at hindi masyadong seryoso.

"All right, all right .. that's enough at baka ma late pa kayo sa flight niyo. Good luck with your exam next week." Si Papa habang tinapik si Al.

Al came up to me and hugged me tightly. I caught Prian looking on us, I grinned at her.

"Good bye Althea. Thank you." he whispered softly, napangiti naman ako.

Lumapit naman si Prian, nakanguso na ito but when she saw my smile got bigger she smiled and hugged me too.

"Thank you and sorry." mahinang aniya niya.

I smiled and whispered to her. "Take care, I'm not going to ask for what happened last night. I'll just wait and see."

Kumalas siya ng yakap at sinamaan ako ng tingin pero hindi nakatakas ang tinatago nitong ngiti. 

Nasulyapan ko ang pagtapik ni Kuya Kiel kay Al. Tinanguan naman siya ni Al but my forehead furrowed when my brother just stared sharply at Khael after He said goodbye to our parents.

"Take care. See you at school." Saad ni Pia at niyakap ako.

Sa huli ay lumapit sa akin si Khael at yinakap ako ng mahigpit. "I'll text you when we get home." He whispered and I nodded. 

Hinawakan niya ang pisnge ko at tinitigan ang mukha ko. Tipid naman akong ngumiti bago niya ako tinalikuran.

Pinagmasdan ko ang sasakyan ng makalayo. Napabuntong hininga ako ng tuluyan itong mawala sa paningin ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status