Share

Birthday

Author: jess13
last update Last Updated: 2025-11-27 07:33:31

"Ailyn, puwedeng hindi na muna ako umuwi ngayon? Nakahiram na ako ng pang piyansa kay Tatay ipapadala ko na lang..." sabi ko habang patingin-tingin sa pintuan ng apartment ko.

Hindi pa rin nakakabalik si Jorus mula nang umalis siya kanina. At sana magbago pa ang isip niya. Kung ibibigay niya ang pera bago umalis puwede ko pa siyang matakasan. Pero hindi eh, mautak ang mokong na 'yon.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Ailyn sa kabilang linya kaya nakagat ko ang labi. Paniguradong magtatampo 'to kung sakali.

"Ate naman, pati ba naman ang araw na 'to nakalimutan mo? Hindi ko nga sinabi agad sa'yo baka sakaling maalala mo pa eh..."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kalendaryo ng makita ang petsa at para akong tinakasan ng lakas nang magpagtanto kung anong mayroon sa araw na 'to!

"Ate, death anniversary and birthday ni baby. N-Nakalimutan mo?"

Napanganga ako at bigla kong nabitawan ang cellphone ko at nahulog sa sahig Nangilid ang luha sa mga mata ko at sunod-sunod na pumatak ang bawat butil.

Tulala pa rin ako sa kawalan habang matulin ang takbo ng sasakyan ni Jorus. Para akong lantang gulay nang umalis kanina. Naninikip ang dibdib ko at paulit-ulit na gustong saktan ang sarili.

"Miss Buendia, are you okay? You're so quiet..." rinig kong sinabi niya.

Dahan-dahan akong bumaling sa kaniya na seryosong nagmamaneho at patingin-tingin sa akin. I wonder if he didn't really remember me. Sabagay, sino ba naman ako para alalahanin niya. Mas okay na rin siguro 'to.

Pagkatapos ng isang buwan aalis na talaga ako sa pagtatrabaho sa kaniya. Kaya lang din naman hindi ako makaalis dahil maganda ng daloy ng sahod.

Napabuntong hininga ako at umiling-iling. "Wala, Sir..."

Bumuka ang bibig niya pero hindi na ako naghintay ng sasabihin niya. Bumaling ako sa labas ng kotse at tinanaw ang mga nagtataasang gusaling nadadaanan namin.

Nabalot kami nang katahimikan sa loob ng sasakyan at wala nagbalak magsalita. Sumandal ang ulo ko sa sa upuan at pinikit ang mga mata. 'Pauwi na si Mama, baby ko.'

Nagising ako nang maramdaman ang marahan na tumatapik sa mukha ko. Dumilat ako at napabalikwas nang bangon.

"Saan na tayo?" tarantang tanong ko.

Napatingin ako sa palapulsuhan ko kung nasaan ang relong suot at mahigit, apat na oras na ang lumipas! Nilingon ko siya na tumaas lang ang kilay sa akin.

"Kanina pa ba tayo nakarating?" tanong ko.

Lumayo siya ng konti at doon ko lang napansin na nasa site kami na inaayos na building. Malapit na lang dito sa amin, pero kailangan pa rin sumakay.

"Almost 30 minutes," tipid niyang sagot.

"Bakit hindi mo ako ginising agad?" may bahid ng inis sa boses ko.

"You look tired, Althea. Have you been sleeping?"

Nagulat ako sa tanong niya pero ipinagsawalang bahala ko lang 'yob. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya pero naka lock pa ito.

"Uuwi na ako-"

"Ihahatid na kita," putol niya.

Napalunok ako. "Hindi na. Kaya ko na umuwi isang sakay na lang naman."

"Ihahatid na kita-"

"Sabing hindi na eh! Ang kulit kulit mo naman, Jorus!"

Natigilan siya sa naging reaksyon ko. Miskin ako ay hindi inaasahan ang inakto. Napabuntong hininga ako at dahan-dahang yumuko. "I-I'm sorry, Sir..."

Hindi siya nagsalita pero narinig ko ang pag-unlock niya sa kotse kaya mabilis ko iyong binuksan at lumabas. Akmang isasara ko na nang magsalita siya.

"Wait."

Napatigil sa ere ang kamay ko.

"Your cash," inabot niya ang makapal na taglilibong papel na pera at hindi na ako nag-alingangan pang tanggapin iyon.

"S-Salamat. Magkita na lang tayo sa Manila bukas ng umaga," sabi ko at dire-diretso nang naglalakad sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng masasakyan at saktong may dumaan na tricycle.

Pinalis ko ang butil ng luha sa mata. "Kuya daan po muna tayo sa sementeryo," sabi ko.

Tumango lang ang driver at niliko ang kaniyang minamaneho. Hindi ko lubusang maisip dahil lang sa trabaho nakalimutan ko ang pinakaimportanteng araw sa buhay ko.

Nakaluhod ako at inayos ang kumpol na bulaklak at nilapag sa gilid ng lapida at sunod na sinindihan ang kandila. Nabili ko lang ito sa bungad at pasalamat ako dahil hindi pa nagka-ubusan.

"Happy birthday baby Marie and d-dea..." hindi ko matuloy ang katagang iyon kaya napahikbi ako.

"I'm sorry baby, na late si Mama. P-Pangako sa susunod aagahan ko na ang dalaw sa'yo..."

Dahan-dahan kong binaba ang ulo at niyakap ang lapida. It's been a year already, baby. Kung hindi ako nagpabaya sana hindi ka nawala sa akin.

Nakatitig lamang ako sa lapida at hindi mahinto sa pag-agos ng luha. Ang tagal na pero parang sariwa pa rin ang lahat-lahat.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili roon bago naisipang umuwi na. Mugto na ang mata ko dahil sa walang humpay na pag-agos ng luha.

"Babalik ako rito, baby. At... hindi ko man maipapangako pero susubukan ko pa rin tuparin ang pangarap mong makilala ang siya. Ang P-Papa mo. Susubukan ko at baka sa susunod kasama ko na siya..." hinaplos ko muli ang pangalan sa lapida bago tumayo.

Mahina akong napahikbi habang nililisan ang lapida ng namayapa kong anak.

Inayos ko muna nag sarili ko nang huminto sa harapan ng bahay ang tricycle na sinasakyan ko. Inabot ko ang bayad sa driver bago bumaba.

Nag-init ang bawat sulok ng mata ko habang nakatitig sa malungkot naming tahanan. Linggo-linggo akong umuuwi rito pero ngayon mas dama ko ang kapighatian.

Bumuntong hininga ako bago naglakad papasok. Kahit paano ay napangiti ako dahil naabutan ko si Ailyn na nag-aayos ng cake.

"Ailyn..."

"Ate!" patakbo siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Sabi na hindi mo matitiis eh."

"Kumusta naman kayo? Si Tatay?"

Nilingon ko si Ailyn na malapad ang ngiti sa labi. "Ate nasa hospital si Tatay kasama si Nanay. Nakalabas na siya kaninang umaga. Napawalang sala siya Ate dahil may CCTV palang nakalagay sa lugar na pinangyarihan.."

Napatango-tango akong ngumiti at hindi na nag-usisa pa. Alam naman kasi namin mabait si Tatay at hindi niya 'yon magagawa.

Mananaig at mananaig pa rin ang katotohanan.

"Hindi pa ba makakalabas si Mama at Marru?" tanong ko habang nilalapag ang dalang bag sa upuan.

Ngumuso si Ailyn. "Baka bukas na raw ulit, Ate. kailangan pa raw obserbahan si Marru..."

"Edi sa hospital na tayo mag-celebrate?"

"Wala naman tayong choice, Ate..." ani Ailyn kaya napatango na lang din ako.

***

Nakasakay na kami papunta sa hospital. May dala kaming cake, pansit at iba pang putahe Halos inorder lang namin lahat dahil hindi makapag.uto si Nanay. Hindi raw kasi maiwan-iwan si Marru dahil pagising-gising.

Nang makarating sa hospital ay nagpatulong kami sa driver sa mga dala namin papasok sa loob. Hinarangan pa nga kami ng guard pero nakiusap na lang din ako at pumayag naman basta ngayon lang.

I feel so much ecstasy while slowly opening the door where my parents occupied the room. Sabay-sabay silang bumaling sa amin at halata ang gulat. Dumalo si Tatay sa amin at tinulungan kami sa mga dala namin.

Nang maipasok lahatng dala ay nagbayad na ako sa driver at umalis na rin ito. Nagmano ako kay Nanay at Tatay na natutuwa sa akin.

"Buti naman nakauwi ka..." si Nanay.

Lumapit ako sa kaniya nagmano, at yumakap. "Hindi naman puwedeng hindi, Nay..." sambit ko.

Sunod kong niyakap si Tatay na tahimik lang pero nakangiti. Hinaplos niya ang ulo ko bago ako kumalas sa kaniya.

Sunod kong nilingon si Marru na unti-unting nagmumulat ang mga mata at diretsong tumingin sa akin.

I smiled as my eyes twinkled. "Marru..."

Naglakad ako palapit sa kaniya at agad siyang niyakap. Lumapat ang labi ko sa noo niya kahit na may bendang nakapulupot doon dahil aksidenteng pagkahulog niya at naapektuhan ang ulo.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Hinaplos-haplos ko ang kaniyang mukha na ngayon ay nakangiti. "M-Maayos na ako, Ate. pero 'yong ulo ko minsan parang pinipiga kaya masakit..." medyo nahihirapang wika niya.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Kung puwede ko lang akuin ang sakit niyang nararamdaman ginawa ko na.

"Hayaan mo kapag magaling ka na, mamamasyal tayo sa mall at kakain tayo sa Jollibee. Gusto mo iyon 'di ba?"

Mabilis siyang tumango-tango. "Kailana naman po iyon, Ate? Bukas? Magaling na apo ako..." humagikgik pa ito kaya napuno nang tawanan ang buong kuwarto.

"Kapag balik ko galing trabaho. Siguradong, magaling na magaling kana no'n," nakangiting wika.

Yumakap si Marru sa leeg ko at hinalik-halikan ang pisngi ko. Bumaling ako kay Ailyn na inaayos na pala ang cake at sinisindihan na rin.

Napatayo ako at si Ailyn ang pumalit sa akin habang hawak-hawak ang cake.

Dinukot ko ang phone sa bulsa ng suot na pantalon at nag-take ng video habang kinakantahan si Marru.

"Happy birthday, Marru."

"Happy birthday, Marru."

"Happy birthday, happy birthday..."

"Happy birthday, Marru..."

"Happy 5th birthday, Marru!" sabay-sabay na sigaw namin lahat.

Nag-take pa ako nang maraming pictures namin together bago kami sabay-sabay na kumain.

Habang ngumunguya ay nakamasid ako sa pamilya ko. At lahat ng lungkot at pighati na nararamdaman ko sa tuwing malayo sa kanila ay unti-unting napapawi.

Nagdaan ang buong araw na napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kuwartong kinaroroonan namin. Kwentuhan dito, kwentuhan doon hanggang sa unang makatulog si Nanay at Tatay. Halata sa mga mukha nila ang pagod.

Pinunasan ko muna si Marru bago siya sunod na nakatulog. Nang biglang sumulpot si Ailyn sa tabi ko.

"Ate?"

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "Bakit?"

"Okay ka lang ba? Mukhang ang tamlay mo..." sabi niya.

Naglakad ako palabas ng silid at umupo sa silyang nasa labas. Malapit kasi ang room sa waiting area.

"Ailyn, kailangan niya pa bang malaman?" tanong ko. "Natatakot kasi ako-"

"Iyon mismo ang hiling ni Marie, Ate..." malungkot niyang sinabi.

"Nagkakalapit na ulit kami. At ngayon, makakasama ko siya sa trabaho sa loob ng dalawang linggo..."

Niyakap ako ni Ailyn at hindi na napigilan ang mapahikbi. "Para sa kahilingan ng anak mo, Ate. kung hindi man siya maniwala o hindi man niya tanggapin, ang mahalaga sinabi mo pa rin alang-alang kay baby Marie..."

"Natatakot ako, Ailyn... paano kung maulit na naman?"

"Sasabihin mo lang naman ate. Kagaya nga ng sabi ko nasa sa kaniya na 'yon kung maniniwala siya o hindi at least, wala ka ng tinatago. Isa pa, para rin naman sa'yo 'to..."

Napayuko ako. "Unless, may feelings ka pa rin sa kaniya..." pahabol niyang sinabi.

My fresh tears rolled down my cheeks hearing Ailyn's voice. Sinungaling ako kung sasabihin kong wala na. Pero hindi naman na mahalaga iyon. Gusto ko na lang makalimot at makapag simula ng panibagong yugto ng buhay ko.

We stayed outside the room for a couple of minutes and continued talking and after a couple of minutes, when coldness embraced us we decided to go back inside. Inayos lang namin ang mga ginamit sa pagkain at nagpahinga na rin.

__

Kinabukasan maaga akong nagising dahil maaga ang alis namin. Ilang oras lang naman ang biyahe pabalik ng Manila dahil wala pang traffic sa umaga.

Sunod na nagising Nanay na agad bumangon. "Oh, aalis ka na? Masyado pang maaga, Thea..."

Ngumiti ako sa kaniya at inabot ng sobre.

"Gamitin ninyo iyan Nay panggastos sa bahay. Dalawang linggo po akong mawawala. Napili po kasi ako na mag-propose ng design ng condo namin kaya malaking opportunity na rin po 'to sa'kin..." sabi ko.

Tumango si Nanay at niyakap ako. "Mag-ingat ka, huh? Tumawag ka pa rin sa amin..."

Niyakap ko siya pabalik at kumalas din. Sunod kong nilapitan si Tatay at pinatakan ng halik sa pisngi. Nilapitan ko rin si Ailyn at niyakap kahit na tulog pa at sunod si Marru.

My chest skipped a bit while staring at them. Sa tuwing aalis ako at babalik sa trabaho laging ganito ang tagpo. Nagpakawala ako ng malalim na hangin at tuluyan nang nagpaalam.

"Mauna na ako Nay, mag-ingat kayo..."

Lumapit si Nanay sa akin. "Ihahatid na kita sa sakayan-"

"Hindi na Nay, kaya ko na po..."

Huling yakap ang iginawad ko kay Nanay bago ko tuluyang nilisan ang kuwartong iyon at saktong nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nakitang si Jorus ang tumatawag.

Napabuntong hininga bago sinagot ang tawag.

"Where are you now?" paos ang boses niyang bungad.

Npalabi ako. "Pabalik na ako ng Manila. Magkita na lang tayo roon-"

"I'm outside the hospital," anito na kinagulat ko.

"Ano?"

He frowned. "Yeah, I'm waiting here...."

Pinutol ko ang linya at patakbong lumabas. "Saan siya natulog kung ganoon? Sana nag-rent muna siya ng space o nag-hotel mayrron naman malapit dito.

Nagpalinga-linga ako sa paligid sa labas ng hospital hanggang sa mapansin ko ang umiilaw niyang sasakyan. Naglakad ako palapit doon at saktong bumukas ang kaniyang bintana.

"Hi," bati niya.

Tumango lang ako at umikot sa front seat at sumakay. Nilingon ko agad siya na panay ang hikab.

"Kaya mo ba magmaneho?" alanganing tanong ko.

"Yeah," he nodded.

"Saan ka pala natulog?"

He chuckled. "Dito lang sa kotse."

"Huh?"

"I was calling you since last night but you didn't answer your phone. So i just waited here," mahinahon niyang sinabi.

Hindi agad ako nakaimik hanggang sa buhayin niya ang makina. "Daan muna tayo ng convenience may nadaanan ako kanina."

Nanatili akong tahimik. Not until I heard him sight heavily.

"I-I'm sorry for making you mad yesterday..."

My eyes teared as I stared at him intently. Nandito lang siya kagabi habang nagsasaya kami sa loob. Parang pinipiga nag dibdib habang iniimagine ang kalagayan niya rito.

Should I tell it now? I sighed heavily in a bit of frustration.

"Jorus..." namaos ang boses ko

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flames of Desire   Jorus POV (THE END)

    After visiting Marie, parang mas lalo akong nadudurog sa mga nalaman. Hindi sapat ang bumawi. Hindi sapat na ibigay ang lahat ng mayroon ako para makabawi sa lahat ng pagkukulang ako. Napaka-irresponsable kong tao. "G-Goodbye Jorus..." "No. It's not goodbye, Althea, It's just, see you soon..." I shook my head and kissed her. Mahal ko kayo kaya kahit masakit nirerespeto ko ang paglayo n'yo, aking mahal. "Where are you going, JR?" Daddy's voice thundered while I'm holding my bags. I face him with my poker face. Ang hirap nang magtiwala kahit sarili mong pamilya lolokohin ka. "I'm leaving..." "This is your house..." Daddy said with his weary eyes. I ignored him as I turned my back. Hindi ko kayang harapin si daddy. Hindi ko siya kayang kausapin. "Son, I'm sorry. It wasn't really my-" "It's all done, Dad. Hindi na magbabago

  • Flames of Desire   Jorus POV (PART 3 ENDING)

    Mahina akong natawa sa mga sinabi niya at agad kong naisip si Thea. She must raise him well."Yakap mo nga ako," sabi ko at nagpatuloy sa pagmamaneho."Ang bango mo po. Ano pong pabango n'yo? Pwede po ako hinge? Para lagi ako ki-kiss ni Mama?""Sige ba. P-Puwede mo ba akong kwentuhan?""Tungkol po saan?" sumubsob ang kaniyang ulo sa balikat ko at hindi mapigilan ang sayang nararamdaman."Kahit ano...""P-Papa... bakit po kaya ayaw ako ipakilala ni Mama na anak niya? Alam n'yo po minsan naiinggit ako sa mga batang kumpleto ang pamilya. B-Baka po nahihiya siya-""Hindi, hind. Mahal ka ng mama mo. Balang araw malalaman mo rin kung anong dahilan niya..." kahit ako gusto kong malaman."Opo, Papa. Lagi ko naman ko iintindi si mama, eh..." tumawa siya. "Papa?""Hmm?" it feels the wildest ecstasy whenever he calls me Papa."Nagugutom po ako. Puwede po tayo biling hotdog? Favorite ko po 'yon," bulong ni

  • Flames of Desire   Jorus POV (PART 2 ENDING)

    Bahagya siyang gumalaw kaya napabalik ako sa aking upuan. Nanatili ang titig ko sa kaniya at kusang ngumiti ang labi ko nang narinig ang mahina niyang hilik.I chuckled as leaned her head to my shoulder. I continued watching her until I didn't notice that I fell asleep too."Bye Marru, I miss you too and I love you more baby..." those words came from Althea.I don't know how to react. She said she's single. I was hoping that I would have a chance at her, but she lied!"Jorus..." he whispered.As I looked at her eyes there's something of a mixed emotion written on it. Fear, longing, spiteful. And seeing her face with tears makes me soften.Does she already have a boyfriend? Did she really lie? But damn this heart! I don't fucking care if she had. Aagawin ko siya sa kung sino man ang nagmamay-ari sa kaniya.Whoever that Marru is, I will steal Althea with you. And no one could stop me!My body is a bit trembling bu

  • Flames of Desire   Jorus POV (PART 1 ENDING)

    Jorus Rye Silverio "Jorus..." It's dark and I couldn't see where I was but I knew I was somewhere in a familiar room. Someone's female voice moaning my name but I don't know her. "Ah! Jorus!" She kept on moaning my name as soon as she sobs silently. Napabalikwas ako nang bangon sa higaan dahil sa muling masamang panaginip na parang totoo. My hands immediately combed my hair in frustration as I stood up. I then glanced to the wall clock and it's 2:00 am in the morning. Lumabas ako ng kuwarto upang magtungo sa kusina habang habol-habol ang sariling paghinga. I wiped my sweaty forehead as I breathed out heavily. Huminto ako sa paglalakad at napatingala, napahilot sa aking sentido. "Fuck! Who the hell are you?!" I screamed in my mind as I opened my eyes and continued walking. When I reached the kitchen I immediately got a glass of wat

  • Flames of Desire   Stay

    Suminghap ako nang humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ko mula sa sasakyan at humakbang palapit sa mga nakahilerang lapida.Hindi naging madali ang lahat para sa amin ang nangyari. Jorus lost his father without talking to him for how many days. Nagkaroon pa sila ng sagutan ng hindi man lang naayos.I lost my parents, my sister. My family. Hindi ko alam na huling araw ko na pala silang makikitang nakangiti sa araw na umalis sila.I didn't expect everything. Masyadong mabilis at hindi ko nasundan. Dahan-dahan akong lumuhod sa harap ng puntod ng apat na taong mahahalaga sa buhay ko.Isa-isa kong hinaplos ang kanilang pangalang nakaukit at muling nanariwa ang mga nangyari, dalawang taon ang nakakaraan.Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Masakit pa rin hanggang ngayon at hindi ko pa rin matanggap. Pero kailangan, dahil may taong kailangan ako.Tumingala ako nang may biglang pumahid ng luha sa aking mga mata.

  • Flames of Desire   Time

    "Sinong nand'yan?!"Nanginig ang kalamnan ko nang maglakad siya palapit sa pintuan ng silid na aking kinalalagyan. Pinilit kong huwag matapakan ang basag na base sa paanan ko.Nakikita ko pa rin sa butas ang tahimik na paglabas ni Dos at Tres na sumenyas kina Ailyn at Marru na huwag maingay.Unang kinuha ni Dos si Marru at tahimik na inilayo. Hawak naman ni Tres si Ailyn na tahimik na naglalakad ngunit..."Who the hell are you?!" malakas niyang sigaw at nagpaputok ng gatilyo.Nataranta akong binuksan ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan ko dahil kamuntikan ng matamaan si Ailyn buti na lang ay nahila siya ni Tres."Madam, sumuko ka na!" Dos voice boomed.I was about to run but she suddenly spoke and it makes me freeze to where I'm standing,"What are you doing here?!" sigaw niya sa akin at para akong kinapos ng hangin ng makita ang pagtapat niya sa akin nang hawak na baril."Oh fuck you, naisahan n'yo '

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status