Share

42

Author: Boraine
last update Last Updated: 2025-10-10 15:30:50

“Okay,” mahinahong tugon ni Jiro habang inaalis ang kanyang coat at iniabot ito kay Juli. “Paki-hang mo.” Pagkatapos noon ay dumiretso siya sa lababo upang maghugas ng kamay.

Si Jayra naman ay halos tumakbo patungo sa hapag, agad na namangha sa mga pagkain sa mesa. “Wow, Juli, grabe! Ang galing mo pa rin talaga magluto,” papuri niya, sabay amoy sa halimuyak ng mga ulam.

Ngumiti si Juli, bahagyang tumango. “Naku, Miss, sobra ka naman. Simple lang po ‘yan,” sagot nito bago tahimik na umalis ng dining area.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Jiro. Natanaw niyang nakatayo pa rin si Chloe, parang naghihintay sa kanya bago umupo. Sandali niyang tinignan ito, mabilis lang, ngunit sapat para mapansin ang maamong mukha nitong tila kinakabahan.

“Umupo ka na. Let’s eat,” malumanay niyang sabi.

Saka lamang kumilos si Chloe, tahimik na umupo sa tapat niya.

Habang kumakain, pinagmamasdan ni Jayra ang dalawa. Wala siyang makitang bakas ng away sa pagitan nila. Si Jiro pa nga ang kusang naglalag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   37

    “Sigurado ka?” bahagyang tinaas ni Arion ang makapal na kilay. Bumaba ang mga mata niya, hindi mabasa ang tono, parang may itinatago.Pagkarinig ni Alizee, biglang lumiwanag ang mga mata niya. “Sure,” sagot niya agad, halos walang pag-aalinlangan. Matagal na siyang nagtitimpi at naghintay, ngayong gabi, parang sa wakas bumigay din ito.Hindi man lang nagulat si Arion. Umurong siya pabalik sa dati niyang puwesto, naupo nang nakataas ang isang paa, saka kumuha ng kaha ng sigarilyo mula sa bulsa. Isa-isa niyang pinisil ang sigarilyo hanggang ma-deform, parang wala lang.Kumakabog ang dibdib ni Alizee. Hindi niya malaman kung pumayag ba talaga siya o pinaglalaruan lang siya.Matapos durugin ang sigarilyo, pinaglaruan ni Arion ang lighter sa kamay, pero hindi pa rin diretsong sinasagot ang tanong niya.Napabuntong-hininga si Alizee. Akala niya, tulad ng dati, dededmahin lang siya nito. Pero biglang narinig niya ang tamad at malamig na boses mula sa tapat.“Kung ano’ng gusto mo.”Napahigpit

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   36

    Mahigpit na niyakap ni Alizee ang leeg ni Arion. Bahagya niyang pinisil ang labi at pabulong na sumagot, may halong tampo at tapang. “Kung mag-iinvest ka naman sa’kin, hindi imposible ’yan.”Bahagyang sumikip ang mga mata ni Arion. Humigpit ang kapit ng mga kamay niya sa bewang ni Alizee, at ang tono niya’y may halong pang-aasar. “Takot akong malugi.”Alam ni Alizee na wala siyang mapapala sa pakikipagsagutan, kaya tumahimik na lang siya at isinandal ang noo sa balikat nito.****Batan People’s HospitalNaupo si Alizee sa mahabang bangko sa waiting area. Nakapikit ang mga mata niya, parang anumang oras ay makakatulog na. Samantala, si Arion ang kumuha ng ID niya at pumunta sa registration counter.Biglang may pumasok sa paningin ni Alizee, isang pares ng itim na leather shoes. Hindi pamilyar, pero parang nakita na niya dati. Bahagya niyang iminulat ang mga mata at tumambad sa kanya ang mukha ni Jiwan, nakatitig sa kanya nang diretso.Parang may sumabog sa ulo niya. Halos mapasigaw siy

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   35

    Humarang si Jiwan sa harap ni Arion, isang braso ang nakaunat, at buong tapang na binuksan ang bibig, parang walang takot sa kamatayan.Kung natitinag si Arion sa banta, hindi na siya magiging si Arion.“May kinalaman ba ’yan sa’yo?” malamig niyang sagot. Walang emosyon ang mukha niya habang humakbang palapit.Piliting pinakalma ni Jiwan ang sarili. Doon lang niya tuluyang naintindihan na mali ang nasabi niya. Napalunok siya, nanikip ang mga labi sa takot.Matalas na parang kutsilyo ang mga mata ni Arion. Itinaas niya ang sigarilyong hawak sa pagitan ng mga daliri at inilapit iyon sa dibdib ni Jiwan, huminto sa layong kalahating metro. “Kung may utak ka pa,” mababa pero mabigat ang boses niya, “mag-resign ka na. Baka sakaling may makuha ka pang maayos na exit. Kung hindi—”Unti-unting lumapit ang nagbabagang dulo ng sigarilyo, na para bang anumang sandali ay babagsak sa balat niya.“Gagawin kitang hindi makagalaw sa industriya na ’to.”Matapos iyon, bigla niyang binawi ang kamay at di

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   34

    Nang makita iyon, biglang binitiwan ni Arion ang kamay na nakahawak sa baywang ni Alizee. Sa isang iglap, nawalan talaga siya ng sandalan. Napasigaw siya sa gulat at instinctively napayakap sa leeg ni Arion, pati mga binti niya ay napapulupot sa baywang nito.“Ano bang ginagawa mo?!” singhal ni Alizee, halatang takot na takot, ramdam hanggang likod ang ginaw. Sa sobrang kaba, napilitan na lang siyang magpaka-bold para itago ang nerbiyos.Napatingin si Arion sa pisngi niya, bahagyang kumunot ang noo. “Ikaw pa ang galit?” malamig niyang tanong. “Anong klaseng alak ba ang iniinom mo at ganyan ka?”Sandaling bumaba ang tingin niya sa maputing collarbone ni Alizee, isang segundo lang, bago niya agad ilihis ang tingin, parang sinasaway ang sarili.Isinubsob ni Alizee ang mukha sa matigas na leeg niya, mahina at may tampo ang boses. “Eh ikaw? Hindi ba’t busy kang tumutulong sa iba, humaharang ng alak? Bakit bigla mo akong pinapakialaman?”Tumango si Arion, bumalik ang lamig sa tono. “Bumaba

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   33

    Naalala ni Alizee ang mga sinabi ni Mr. Alvarez noong huli silang nag-usap. Bigla siyang nawalan ng gana kay Arion. Habang nabubuhay ang tatay niya, maayos ang pakikitungo nito kay Arion, kaya paano niya nagawang tapakan ang posisyong pinaghirapan ng ama niya?Dahil doon, nagpanggap si Alizee na hindi niya nakita si Arion at diretso siyang bumalik sa conference room.Sa likod niya, agad pinatay ni Arion ang sigarilyong hindi pa nauubos at itinapon iyon sa basurahan. Tinaas niya ang tingin, sinusundan ng mata ang direksiyong nilakaran ni Alizee. Kilala niya ang ugali nito, dati, kahit kailan, lalapit at babati ito, lalo na’t may hinihingi pa sa kanya. Pero ngayon, nakita niyang dumaan lang si Alizee, diretso ang tingin, parang wala siyang nakita kahit isang taong nakatayo roon.Bahagyang sumikip ang mga mata ni Arion.Natapos ang unang araw ng meeting bandang alas-singko ng hapon. Pinangunahan ng mga interns, kabilang si Alizee, ang grupo papunta sa dinner venue. Nagpalit siya ng damit

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   32

    “Hindi,” matigas na sagot ni Arion.Sa ilalim ng ilaw ng poste, humaba at halos magdikit ang anino nilang dalawa habang naglalakad sa gilid ng kalsada.Tumango si Alizee, parang tanggap pero halatang hindi kumbinsido. “Kung gano’n, bakit galit na galit ka?”Huminga nang malalim si Arion, halatang naiirita. “Ayokong may mangyari sa’yo. Kapag may nangyari, ako ang matatamaan. Sa konsensya, sa pangalan ko, lahat.” Malutong ang tono niya, halatang ayaw nang ipaliwanag pa.Inikot ni Alizee ang mga mata niya, napansin ang tuwid at matigas na tindig ng lalaki. “Mr. Ramirez,” sabay palit ng tono, mas propesyonal, “napag-isipan mo na ba yong huli kong proposal?”Bigla siyang huminto.Hindi nagsalita si Arion. Bahagya niyang ibinaba ang ulo, parang may iniisip na malalim.Tahimik na naglaro si Alizee sa laylayan ng bestida niya, inayos ang bahaging umabot hanggang sakong. Nang tumingala siya, tumambad sa kanya ang madidilim na mata ni Arion na nakatitig sa kanya, diretso, seryoso, at hindi maba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status