Share

Chapter 11: Disrespect

Mabilis na hinila ni Yanna si Wendy pababa ng hagdan. Bumalik siya sa harapan nila Antonia at doon itinulak ang kasambahay na walang habas kung siya ay kutyain.

"Ganito na pala ang ugali ng mga tao rito sa bahay? Magtsitsismisan at maninira?" tanong niya habang malakas ang pagtahip ng dibdib. "Ito ang tatandaan mo, wala akong pakialam nagpapabango ka sa kamag-anak mo, pero sa oras ng trabaho, hindi kasali ang pakikipagtsismisan!"

Napakuyom na lamang ng palad si Wendy. Hindi siya makapaniwala na tiningnan lang siya ng kanyang Tita Antonia habang kinakaladkad siya ni Yanna pababa ng hagdan. Ni hindi man lang siya nito tinulungan. Takot kasi ang ginang na maging pangit ang imahe nito sa harap ng asawa na si Preston. Kailangan nitong itago ang sungay pansamantala kahit na gusto na niyang sampalin si Yanna.

"Tama na 'yan, Yanna! Hindi ito ang dapat na pagtuunan mo ng pansin," pag-awat naman sa kanya ng kanyang ama. "Ang dapat nating pinag-uusapan ngayon ay ang kumpanya. I told you that DV
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status