Share

Chapter 10: Decline

Mabilis na kumilos si Alessio at nasalo ang katawan ni Yanna mula sa loob ng bathroom.

Matagal silang nagkatitigan. Bago pa man siya matunaw ay si Yanna na ang unang nag-iwas. Mabilis niyang dinampot ang towel robe at isinuot iyon. Niyakap niya ang sarili.

"Sorry. Hindi ko sinasadya na magulat ka. Mabuti na lang at nasalo kita kaagad," paghingi ng paumanhin ni Alessio.

"Okay lang. Umm... may ipagpapaalam sana ako, Alessio..."

"Ano 'yun?"

"Pwede bang umuwi muna ako sa amin? Tumawag kasi si Papa. May kailangan lang akong asikasuhin sandali sa bahay. Okay lang ba?" pagpapaalam niya.

"I see. Is this the reason why you're stalling?"

Napakagat-labi siya. Hindi naman talaga iyon ang dahilan. Sadyang natatakot lang siya na sa katagalan ay masanay siya at baka hanap-hanapin niya sa tuwina ang mga halik nito. Paano na lang kung biglang magbago si Alessio ng pakikitungo sa kanya sa hinaharap? Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

It's not like she will cry over her virginity given away. Wala na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status