Share

Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire
Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire
Author: LYVY

Chapter 1: Night We Collided

"Isipin mo na para 'to sa kumpanya! Paligayahin mo ang investor natin!" Iyon ang mga katagang paulit-ulit na umaalingawngaw sa tainga ni Yanna del Valle habang pagewang-gewang sa corridor ng isang prestihiyosong hotel.

Ginagawa niya ang lahat upang kalmahin ang kanyang sarili ngunit tila nawawalan na siya ng kontrol. Halos hindi na niya masupil ang ungol na kanyang nauusal. Malalaking butil ng pawis ang patuloy na namumuo sa magkabila niyang sentido.

Kung alam lang niyang hahantong sa ganito ang pagsunod niya sa kanyang ama ay sana'y hindi na siya nakinig pa. Lahat ay ginagawa niya alang-alang sa kanyang ama nang muli siyang kinupkop nito pagkatapos ng mahabang panahon. Sa pagkasabik niya sa isang kumpletong pamilya ay ang kaligtasan naman niya ang namiligro sa mga oras na ito.

Wala siyang ibang matandaan kundi ang ladies' drink na inalok sa kanya ng kanyang ama na si Preston del Valle. Mataas naman ang alcohol tolerance niya kaya't nakapagtataka na mabilis siyang tinamaan sa ilang lagok na kanyang ginawa. Pagkatapos niyon ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nakahiga sa isang hindi pamilyar na kama. Sa pamamagitan ng natitira niyang lakas ay agad siyang lumabas ng kwarto na iyon.

Doon na nabuo ang konklusyon sa kanyang isipan sa binabalak ng kanyang ama sa kanya.

Ipapain siya nito sa leon!

Dahil sa naghihingalong estado ng kanilang kumpanya, ang DV Incorporated, ay kinakailangan ng kanyang ama ng maraming investors. Ngunit sa iilang niligawan nito ay isang tao lamang ang tila kumagat sa alok nito. Ito ay walang iba kundi si Mr. Frederick Welsh. Isa itong 50-year-old half-blooded Aussie na Philippine-based businessman.

Hindi naman mangmang si Yanna para hindi malaman ang ginagawa ng kanyang ama. Ngunit hindi niya matanggap na ang kanyang sariling ama pa ang siyang magkakanulo at magbebenta sa kanya na tila isang sariwang karne sa isang parokyano.

Sa lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayan na nakapasok na siya sa panibagong kwarto. Kahit nanlalabo ang kanyang mga mata ay napagtagumpayan niyang makapasok doon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isang bulto ng katawan ang nakatalikod mula sa kanyang kinatatayuan. Nakaharap ito sa isang malawak na kama. Nakatapis ito ng isang tuwalya na ang ibabang parte lamang ang natatakpan. Ang mga butil ng tubig mula sa buhok nito ay unti-unting naglalandas sa nagpuputukan nitong muscles sa katawan. Halatang well-toned ang kabuuan ng estrangherong ito.

Wala sa loob na napakagat-labi si Yanna at humagikhik. Wala na siya sa kanyang sarili.

Wala sa loob na tinawid niya ang pagitan nilang dalawa at walang anu-anong yumakap sa likuran ng estranghero. Sininghot-singhot pa niya ang balat nito at napapikit.

"Hmm... ang bango mo naman..."

Sa pagkakataong iyon ay nagulat na ang lalaki. Walang iba kundi si Alessio. Mabilis siyang napaharap sa babae ngunit isa iyong maling galaw.

Sumubsob ang mukha ng dalaga sa kanyang dibdib.

"Who are you? What are you doing in here?!" Sinubukan ni Alessio na itulak ang babae para ilayo sa kanya ngunit lalo naman itong nagkunyapit sa kanya.

At hindi iyon ang ginawa ng babae. Nagulantang siya nang bigla na lamang nitong dilaan ang ituktok ng kanyang dibdib.

"What the fuck!"

Narinig niya ang mahinhin na tawa ng babae na hindi pa rin lumulubay sa kanya.

This woman is teasing him! And she's winning it dahil unti-unting nagre-react ang katawan ni Alessio sa ginawang iyon ng estranghera. His little man below started to react. Isang sensasyon na kailanman ay hindi niya naramdaman sa mahabang panahon.

Kay tagal na iniwasan ni Alessio ang ganitong tagpo ngunit heto siya at nakulong sa isang imposibleng sitwasyon.

"Ohh... Hala, lumalaki 'yang birdie mo, oh!" hagikhik na kantyaw ng babae sa kanya.

Damn with the nickname!

"Patingin!" Walang anu-ano na mabilis dinakma ng babae ang kanyang naghuhumindig na sandata sa ilalim ng nakatapis niyang tuwalya.

"Fuck!" Hindi malaman ni Alessio ang dahilan kung bakit nakipagtitigan lang siya sa babaeng basta na lang pumasok sa kanyang kwarto. At ngayon ay minamasahe pa nito ang kanyang alaga.

Ilang beses na napamura ang binata hanggang sa hindi na niya natiis ang lahat. Mabilis niyang ginagap ang babae at siniil ito ng halik. Habang naglalakbay ang kanyang kamay ay itinulak niya ito sa kama at pinatungan, saka niya ipinagpatuloy ang naudlot na pinagsaluhan.

****

Napakislot sa sakit ng ulo at balakang si Yanna pagkamulat ng kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang bumangon at natagpuan sa kanyang tabi ang lalaking kanyang nakaniig kagabi. Nakasandal ito sa headrest ng kama. Hantad ang matipunong dibdib nito at natatabunan ng makapal na kumot ang kayamanan nito sa ilalim.

Napasinghap siya at agad na napayakap sa kanyang kahubdan. Sa pagkakataong iyon ay napagmasdan niya ang gwapo ngunit walang emosyon nitong mukha. At saka doon rumagasa ang alaala ng kanilang pinagsaluhan.

Tandang-tanda pa rin ni Yanna ang lahat ng pangyayari. Kung paano siya angkinin nang lubos ng isang isang estranghero. Ramdam pa rin niya ang mahapdi na sensasyon sa pagitan ng kanyang dalawang hita.

Pinaningkitan niya ng mga mata ang lalaki. Mukhang pamilyar sa kanya ito ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Pagkatapos niyang estimahin ang kabuuan nito ay napaiwas siya ng tingin.

"A-anong ginagawa mo rito?" masungit niyang tanong dito.

"I should be the one asking you that question, my butterfly... because this is my room," pagtatama naman ng lalaki sa kanya.

Nagtataka man ay inilibot ni Yanna ang kanyang mga mata. Mula sa kama at sa disenyo ng kwarto ay inusisa niya.

There is no way that her father would book her a suite this luxurious!

Ito ay ang D'Marc Hotel. Nakakalula sa ganda ang muwebles sa paligid. Alam niya na ang hotel na ito ay nag-aalok ng penthouse view suite sa VVIPs. At natitiyak niyang isa ito sa pinakamagandang kwarto doon! Imposible na ito ay ang kanyang kwarto.

Agad na napapikit si Yanna dahil sa kahihiyan. ‘Shit! Ano ba itong pinasok ko?!’ himutok niya sa kanyang sarili.

Humarap siya sa lalaki at napayuko. "I'm so sorry. Hindi ko alam na kwarto mo pala ito. 'Wag kang mag-alala, hindi kita hihingian ng kahit na anong pananagutan dito. Kalimutan na lang nating dalawa ito, okay?" Akma na siyang tatayo ngunit mabilis namang hinablot ng lalaki ang kumot dahilan para humantad ang kanyang kahubdan.

Nangislap ang mga mata ng lalaki habang nakatanaw sa kanyang malulusog na dibdib. Agad siyang napatagilid at niyakap ang sarili. "Bastos!"

"Relax. I've already seen everything, Ms. del Valle. Hindi mo na kailangang takpan iyan. Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay nakatatak na sa utak ko ang katawan mo," nakangising usal nito.

Naningkit ang kanyang mga mata. "P-paano mo nalaman ang apelyido ko?"

May inilapag siyang malapad na papel hantad ang kanyang picture ang ibang personal niyang impormasyon. "This is you, right? Marianna Aleinne del Valle. Hmm... Beautiful name. It suits you.," komento pa nito.

Napasinghap siya. "Pinaimbestigahan mo ako?!"

"Bakit hindi? You're my woman, so I have the right to know about you," nakakibit balikat na tugon nito.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Ano raw? Siya? Babae ng damuhong ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status