Share

Chapter 3: Confrontation

Wala nang nagawa si Lola Trina kundi ang ihatid ng tingin ang kanyang nag-iisang apo na si Alessio. Napailing siya at bumuntonghininga.

Sa kanyang tabi naman ay naroon si Lolo Fortuno Dimarco, ang dating utak ng D.M. Group na ngayon ay pinamumunuan na ni Alessio.

"Ano na naman ba ang ginawa mo, hun? Did you make our apo upset again?" tanong nito.

"Gusto ko lang naman na magkaapo na tayo kaagad! Masama bang padaliin ko iyon? He's almost 35, for Pete's sake!"

"Hun, hayaan mo na si Alessio. He is already a well-made man. He can do what he wants in life. Hayaan mo siya."

"But, I'm sure na may nangyari talaga sa kanila no'ng babae sa suite niya! What if she gets pregnant? Kailangan nating hanapin siya at ipakasal sa aking apo!"

"Oh, come on, hun! Let it go! Tara na nga at magtsaa muna sa loob!"

Habang nasa trabaho ay hindi mawala sa isipan ni Alessio si Yanna. He can't wait for the third day to come. Gusto na niya itong muling makasama. Kumusta na kaya ito ngayon? He remembered that she was too sore down there when he left her at the suite.

Pinaimbestigahan din niya ang babae at naging panatag siya matapos malaman na single ito at hindi rin kasal sa iba.

After the meeting, kaagad na pinatawag ni Alessio si Justin sa loob ng kanyang opisina.

"Sir, do you need anything?"

"Arrange everything for Yanna del Valle. Shoes, bags, dress, everything! Gusto ko ay maayos na ang lahat bago pa dumating ang araw na pupunta siya sa akin. I want everything to be exclusively designed just for her. Understood?"

"Yes, sir," sagot nito ngunit halata sa mukha na may nais itong sabihin.

Napatango siya rito. "What is it? Do you want to voice out anything?"

Napatango naman si Justin at tumikhim bago nagsalita. "Well, Sir... sigurado na ba kayo sa desisyon ninyo? What if she refuses to accept your offer? Base sa kanyang profile, she is someone not so easily lured by extravagant things. How can you convince her?"

"If she doesn't come to me in 3 days, I'll get her either by hook or crook. You know that I hate people making me wait. And she won't be able to do that to me," aniya habang nakangisi.

****

Pagkatapos ng tagpong iyon ay napagdesisyunan ni Yanna na bumalik sa bahay ng kanyang ama pasado alas diez ng umaga. Wala na siyang pakialam kung sermunan man siya nito. Hapong-hapo ang kanyang katawan at ang nais niya ay ang makapagpahinga.

Pagkarating niya sa living room ay sinalubong na kaagad siya ng isang pamilyar na babae. Nakahalukipkip ito habang nakaharang sa kanyang dinaraanan.

"Well... look who's here! The promdi bitch girl!" natatawang kantiyaw sa kanya ng babae. Ang kanyang half-sister na si Ree del Valle. Nakasuot ito ng isang mamahaling roba at halatang naglagay ng makintab sa mukha.

Napairap si Yanna. Ayaw niyang makipagtalo sa kanyang kapatid na ni kailanman ay nagpakita ng magandang ugali sa kanya. Ayaw nito sa kanya dahil anak siya ng kanyang ama sa unang asawa. At kahit na si Yanna ang legal na anak ay tila sampid ang turing sa kanya ng mga ito. Ngunit wala na siyang natitirang emosyon para patulan pa ang babaeng ito. Pagod siya at nais lang niyang magpahinga.

"Umalis ka sa dinadaanan ko, Ree. Pagod ako," walang gana niyang sagot sa kapatid.

Napamaang ito at sarkastikong tumawa. "Really? Napagod ka bang lumandi sa iba habang iniwan mo si Dad sa usapan ninyo?!"

Imbes na pumatol ay pinili na lamang ni Yanna na manahimik. Madiin ang pagkakatikom niya ng labi upang hindi makapagsalita ng hindi maganda laban kay Ree. She wouldn't waste her energy toward her.

"Ree, what's happening?" tanong naman ng bagong dating na si Antonia del Valle. Ang pangalawang asawa ng kanyang ama at isang kerida nito mula pa noon. Nang makita siya ng ginang ay agad na napataas ang kilay nito. "Mabuti naman at naisipan mong magpakita. Alam mo naman siguro na galit na galit ang papa mo sa ginawa mo kagabi. Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" sikmat nito. Kumakalansing pa ang samut-saring borloloy nito sa katawan na animo'y isa itong artista sa Bollywood. Kung magsalita pa ng ingles ay tunog konyo.

"Saan pa ba manggagaling ang cheap na babaeng 'yan? Malamang ay lumandi pa kasi sobrang kati ng higad na 'yan! And since narito ka na rin lang, why not pack your bags and get the hell out of our house?!" singit naman ni Ree na halos lumuwa na ang mga mata sa sobrang galit.

Napangisi siya nang hilaw. "Bakit n'yo ako paaalisin? Anak pa rin ako ng papa ko. Karapatan kong tumira rito sa pamamahay na ito."

"Well, this is my house, too! And gusto ko na wala ka na sa landas namin!"

Bigla namang siniko ni Antonia si Ree. "Ree, stop being so rude to Yanna, okay?" Pinandilatan ng ginang ang kanyang kapatid na tila may pinahahatid na mensahe na sila lamang ang nakakaalam. Pagkatapos niyon ay humarap namang muli si Antonia sa kanya at ngumiti. "Alam mo, Yanna, sayang ka, e. Wala ka namang ibang gagawin talaga kundi ang sundin ang papa mo. Pero bakit kailangan mo pang pahirapan ang kumpanya. Ano na lang ang sasabihin ng mga amigas ko? Na may palamunin kami rito at hindi marunong sumunod?"

Gusto na lang matawa ni Yanna sa lahat ng binitiwang salita ni Antonia. Ngunit wala ring saysay kung pagsasalitaan niya nang masama ang dalawang ito dahil sa loob ng pamamahay na iyon ay hindi siya kailanman kakampihan ng kanyang ama.

"Nasaan si Papa?" tanong na lamang niya, pag-iiba sa usapan.

Napabuga ng hangin si Ree. "The nerve, ha? Hoy, Yanna! Wala kang karapatan na hanapin si Dad. Nang dahil sa'yo ay nauubos ang oras niya sa paghingi ng tawad sa investor natin. Napaka-selfish mo talaga! Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Sabagay... ano pa nga ba ang maaasahan namin sa isang cheap na kagaya mo?!"

"Tapos ka na bang insultuhin ako?" kalmadong tanong ni Yanna. Sanay na sanay na siya sa mabahong ugali ng kapatid. Hindi na siya halos tinatablan ng mga kutya nito.

"Anong kaguluhan ito?!" isang sigaw ang nagpatigil sa kanilang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status