Share

Chapter 37

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-11-15 22:49:38

SINABI lang ni Ezekiel sa kapwa doktor na kakilala niya si Caitlyn, dating nobya ng kanyang pamangkin. Tumango ang doktor at hindi na nang-usisa pa.

“Tungkol sa kondisyon niya, mas mainam na magpagamot ito habang maaga pa bago lumala ang kondisyon. Kaya ini-recommend ko siya kay doktora Jasmine,” tukoy sa kapwa doctor, who specializes in the female reproductive system—a gynecologist. “Nakikita ko kasi na maaaring magdulot ng komplikasyon ito sa pasiyente.”

“Gano’n ba…” Sa katunayan ay iyon din ang sumagi sa isip niya matapos marinig ang sinabi nito. Ngunit dahil hindi naman niya expertise ang ganoong field kaya hindi siya pwedeng manghimasok.

Naningkit ang tingin ng doctor kay Ezekiel kaya nagtanong ito, “Maliban sa kondisyon niya ay nakitaan ko siya ng mga sugat sa katawan, may luma kaya naging peklat habang ang iba ay bago pa lang… Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious kung anong nanyari sa kanya pero nang tanungin ko naman ay ayaw magsalita.”

Huminga nang malalim si Ezekiel, hindi ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 37

    SINABI lang ni Ezekiel sa kapwa doktor na kakilala niya si Caitlyn, dating nobya ng kanyang pamangkin. Tumango ang doktor at hindi na nang-usisa pa.“Tungkol sa kondisyon niya, mas mainam na magpagamot ito habang maaga pa bago lumala ang kondisyon. Kaya ini-recommend ko siya kay doktora Jasmine,” tukoy sa kapwa doctor, who specializes in the female reproductive system—a gynecologist. “Nakikita ko kasi na maaaring magdulot ng komplikasyon ito sa pasiyente.”“Gano’n ba…” Sa katunayan ay iyon din ang sumagi sa isip niya matapos marinig ang sinabi nito. Ngunit dahil hindi naman niya expertise ang ganoong field kaya hindi siya pwedeng manghimasok.Naningkit ang tingin ng doctor kay Ezekiel kaya nagtanong ito, “Maliban sa kondisyon niya ay nakitaan ko siya ng mga sugat sa katawan, may luma kaya naging peklat habang ang iba ay bago pa lang… Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious kung anong nanyari sa kanya pero nang tanungin ko naman ay ayaw magsalita.”Huminga nang malalim si Ezekiel, hindi ni

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 36

    NAWALAN ng kulay ang mukha ni Caitlyn, at napagtanto na pinagmumukha siyang masama sa harap ng kanyang pamilya. Sa hinuha rin niya ay totoong hindi ang Ina ang nagtext sa kanya, ginamit lang ang numero nito para mapapunta siya sa bahay.“L-Lahat ng ‘to, plinano mo… Hindi pa ba sapat sa’yo na umalis na ‘ko rito sa bahay? Ikaw na nga ang nandito, nakuha mo na loob ng pamilya ko’t pinamukha akong masama sa kanila tapos ngayon ay pagbibintangan mo ‘ko sa kasalanang hindi ko ginawa? Tindi mo rin, Fiona. Baliw ka na, masiyado kang threaten sa’kin.”Napasinghap si Fiona at dumaing sa sakit. “A-Aray!” Sabay kapit nang mahigpit sa braso nito.Agad naman kumilos si Jude at binuhat ito pagkatos ay dali-daling bumaba. “Kailangan natin siyang isugot sa ospital!”“Ako nang magmamaneho,” presenta ni Sandro, na agad sinundan ni Alejandro.Nagpaiwan sandali si Meriam, na sobrang sama ng tingin sa anak. “Umalis ka na at ‘wag na ‘wag nang babalik pa, kahit na kailan.” Matapos iyong sabihin ay dali-dalin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 35

    MATAPOS ang rounds ni Ezekiel ay bumalik siya sa opisina. Pagod siyang naupo sa swivel chair at marahang huminga nang malalim bago dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang white gown.May ilang notification at mensahe siyang natanggap, pero ang sa private group chat lang ang binasa niya.Dalawa sa mga miyembro ang nagtatanong kung may alam siyang magandang dermatologist clinic. Saglit siyang nag-isip bago sumagot.King: May kakilala ako.Ewan, pero magaan talaga ang loob niya kay Miss Inno. Kahit minsan ay magkaiba sila ng pananaw, madali pa rin siyang kausap.Mayamaya pa, nag-reply ito.Miss Inno: Okay.Napakunot ang noo ni Ezekiel. Parang may kakaiba sa tono ng sagot—masyadong maikli, parang may kulang. Walang emoji, walang follow-up. Tahimik.Kaya nag-direct message siya.King: Gusto mo bang i-send ko ang location?Sa kabilang dako, nakatitig lang si Caitlyn sa screen. Hirap siyang mag-reply. Mula nang matuklasan niyang si “King” at si Dr. Ezekiel ay iisang tao, parang hindi na si

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 34

    KINABUKASAN ay bumalik si Caitlyn sa bahay para kunin ang ilang furniture na naiwan, lalo na ang cabinet na bagong bili lang niya noong nakaraan. May kasama siyang apat na lalaking trabahador na binayaran para maghakot ng gamit.Habang abala sa loob ng kuwarto, may narinig siyang ingay sa labas, parang may dumating na kotse. Lumapit siya sa bintana at sumilip. Saglit siyang natigilan nang makita na pareho ng brand at kulay ng kotse niya ang sasakyan sa labas. Kung hindi niya pa nakita ang plate number ay aakalain niya talagang kanya.Kasunod noon ay nakita niya si Fiona na patakbong lumapit at niyakap si Jude. “Thank you! Hindi ko akalaing ibibigay mo talaga sa’kin ‘tong kotse.”Napailing si Caitlyn, natawa sa eksenang nakikita. Halata namang nagpapakitang gilas lang ang dalawa, para magmukhang masaya at in love kahit alam naman ng lahat na muntik nang magkahiwalay ang mga ito.“Ilalabas na po namin ‘tong gamit, Ma’am,” saad ng isa sa apat na trabahador.Natuon ang atensyon niya sa mg

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 33

    MARAHANG hinila ni Caitlyn ang braso ng kaibigan. “‘Wag mo na lang pansinin, tara na do’n sa table natin,” bulong niya malapit sa tenga nito.“Bakit hindi? Siya ‘yung dating owner ng condo.”“Oo, pero as you can see—may kasama siya kaya hayaan na natin.”Tumango-tango si Mika. “Mukhang may date nga, sayang gusto ko pa naman sana mag-hi.” Matapos ay naglakad na patungo sa table.Nahuhuli naman si Caitlyn dahil tiningnan pa ang table kung nasaan ang binata. Sakto namang nag-angat ito ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mata.Bakas sa mukha ni Ezekiel ang pagkabigla nang makita niya ito. Sa hindi malamang dahilan ay natuwa siya pero ang ekspresyong ipinapakita ay taliwas sa totoong nararadaman.Ang babaeng kasama sa table na kanina pa nagnanakaw ng tingin kay Ezekiel dahil natitipuhan ito ay sinundan ang tingin nito. “D-Do you know her?”Tumango si Ezekiel. “Sandali lang,” aniya saka naglakad patungo sa table nila Caitlyn.“Pero—” akmang pipigilan ng babae pero nakalayo na ito kaya wa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 32

    Naguguluhan ang tatlo sa sinasabi ni Caitlyn, hindi mapaniwalaan na magagawa ni Fiona ang ganoong bagay.Kitang-kita sa mukha na hindi naniniwala ang kanyang pamilya. Kaya hinamon niya ang mga ito, “Mahirap bang paniwalaan o talagang ayaw niyo lang maniwala? Sige, para mapatunayan na nagsasabi ako nang totoo… ba’t ‘di kayo mag-imbestiga? Alamin niyo lahat at nasisiguro kong matutuklasan niyong kamag-anak niya ang dumukot sa’kin.”“S-Sinungaling!” sigaw ni Fiona. Ang galit sa mukha ay napalitan ng takot at luha. “Walang katotohanan ang sinasabi mo! Gumaganti ka!”Umismid lang si Caitlyn, hindi na umuobra ang paiyak-iyak nito. “Sagutin mo muna ang tanong ko. Kung gawa-gawa ko ang lahat para magmukha kang masama ba’t ka—”“Tama na! Tumigil ka na!” sigaw ni Alejandro, halos dumagundong ang boses sa buong kabahayan.Na maging ang mga katulong ay napasugod upang alamin ang nangyayari sa pamilya habang nakatago ang iba sa pader para hindi mapansin.Puno ng kirot ang ginawang paglingon ni Cai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status