Share

Chapter 45

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-06 20:31:43

HUMINTO ang kotse sa tapat ng ospital, sakay sa loob si Jude na katabi ang ina, si Mariel na masama ang pakiramdam dahil sa sumasakit na likod. Nilagnat pa ito kagabi kaya isinugod na niya.

Inalalayan niya itong bumaba sa sasakyan hanggang sa makapasok sila. “Sigurado kayong ayaw niyong magpabuhat, ‘Mmy?”

Umiling si Mariel. “Kaya kong maglakad.” Kahit pa paika-ika na at hindi madiretso ang likod.

Ilang sandali pa ay makikitang parating si Ezekiel na may tulak na wheelchair. Masamang tingin agad ang pinukol sa pamangkin. “Ba’t mo pinaglakad?”

“Gusto niyang maglakad, Uncle. It’s not my fault,” depensa ni Jude sa sarili.

Sunod na binalingan ni Ezekiel ang kapatid. “And you… ba’t ang tigas ng ulo mo? Ilang taon ka na ba?”

“‘Wag mo ‘kong pagalitan, mas matanda ako sa’yo.”

“Exactly! Pero ba’t nagpapasaway ka?”

Tinulak ni Mariel ang kapatid sabay hila sa anak. “Alalayan mo nga akong maupo… Saka, ibang doctor ang gusto ko at baka mag-away lang kami nitong masungit na ‘to.”

Sinunod naman ni Ju
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (7)
goodnovel comment avatar
Lorna Villosis Balongo
next po ang ganda nang kwento
goodnovel comment avatar
Virginia Luna
Ang tagal nmn Ng kasunod.nxt chapter pls!!!
goodnovel comment avatar
Dela Cruz Anewor
update po please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 52

    LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 51

    ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 50

    HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 49

    SA LAKAS ng sigaw ng katulong ay napasugod ang mga nakarinig, kabilang na roon si Meriam na halos madapa sa labis na pagmamadali. Inalalayan siya ng isang kasambahay patungo sa hagdan.Maliban sa sumigaw na katulong ay nasaksihan din nina Alejandro at Sandro ang pagkahulog ni Fiona sa hagdan.“Dad, hindi kaya ay narinig—”“Tahimik,” mahinang saway ni Alejandro, matapos mapansin ang asawa na papalapit sa walang malay na dalaga.“Fiona!” hiyaw ni Meriam matapos makita ang anak sa ibaba ng hagdan. Nagmadali siyang lumapit, nais itong hawakan ngunit agad na pinigilan ni Sandro.“Dali, tumawag kayo ng ambulansiya!” utos ng binata sa katulong. Pagkatapos ay inilayo ang ina at dinala sa sala saka pinaupo sa sofa. “Dito lang muna kayo, hindi natin pwedeng galawin ang katawan niya.”“Jusko!” may isang katulong ang muling sumigaw.Nabahala si Meriam at agad na napatayo. Nilagpasan ang anak upang muling lapitan si Fiona. “A-Anong nangyayari, ba’t ka sumigaw?!” tanong niya sa kasambahay.Ngunit b

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 48

    KADALASAN sa hapon bumibisita si Meriam sa ospital pero nang araw na iyon ay maaga siya sa nakasanayan. Tanghali para makasabay sa pagkain si Caitlyn. “Pinaluto ko ang paborito mong pagkain at baka namimiss mo na,” malambing niyang sabi habang inilalabas ang mga container sa dalang bag.Inayos naman ni Rita ang maliit na table sa tabi para magamit nila.“Salamat,” ani Meriam, matapos siyang tulungan nito. “Saluhan mo na rin kami.”“Sige po, Ma’am,” tugon ni Rita.Pinapanood lang ni Caitlyn ang ina, parang hindi pa kasi siya makapaniwala sa nangyayari. Sa dami ba naman ng nangyari simula nang bumalik siya, ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang pag-aasikaso ng ina.Parang gusto niyang maiyak sa tuwa pero ayaw niya naman maging emosyonal—dapat ay masaya lang siya.“Itong kutsara’t tinidor, kumain ka,” ani Meriam, sabay bigay ng kubyertos. “Kaya mo bang kumain o gusto mong subuan kita?”Umiling si Caitlyn. “Kaya ko, ‘Mmy.” Pagkatapos ay nagsimula nang kumain matapos magdasal.Kumain n

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 47

    MATALIM na tingin ang ibinato ni Ezekiel kay Dr. Ramirez kaya agad itong nagpaalam at lumabas kasama ang nurse. Nang sila na lamang ang naroon sa silid ay nag-stay siya saglit, hinihintay ang kompirmasyon ng dalaga habang isa-isang nilalabas ang libro sa paper bag.“Kompleto naman lahat,” ani Caitlyn, hawak ang listahan. Pagkatapos ay tiningnan ito nang hindi na umalis sa puwesto. “Wala kang pasiyente ngayon?”“Break time,” sagot ni Ezekiel. “Mamaya pa ang schedule sa mga bagong pasiyente.”Tumango lang si Caitlyn at sa sandaling iyon, inabot ang librong ‘Eleanor Oliphant Is Completely Fine’.Napatingin si Ezekiel, medyo nabigla—dahil para pala sa kanya ang libro na iyon. “S-Sa’kin?” nautal pa siya nang tanungin iyon.Natawa si Caitlyn, marahang nangiti. “Alangan naman na sa’kin lang lahat ng libro. E, ikaw ‘tong bumili at pera mo ang pinambayad. Don’t worry, paglabas ko rito, magwi-withdraw ako para mabayaran ka.”“Ayos lang,” tugon ni Ezekiel. May munting ngiti sa labi. “Wag mo na l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status