Share

Chapter 60

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-03 19:53:33

BINUKSAN niya ang pinto, akmang lalabas nang biglang tawagin ng katulong na kasama kanina, “Miss, sa’n kayo pupunta?”

Lumingon si Fiona, nakita niyang titig na titig ito habang may dalang tray. Sa palagay niya ay para sa kanya ang pagkain.

“May pupuntahan lang ako.”

“Sa’n po, Miss?”

Hindi siya sumagot saka lumabas. Nang isasara na ang pinto ay nakita niyang humabol ang katulong. Kaya binilisan niya ang kilos, lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas ng gate.

Sa lakas ng ulan ay nilalamon ang boses ng katulong na paulit-ulit siyang tinatawag. Naglakad siya sa ulan, sinasadyang lamigin para kapag nagharap sila ni Jude, ay mukha talaga siyang kaawa-awa.

Sa entrance ng subdivision ay napansin siya ng guard at makailang ulit na tinawag pero tuloy-tuloy lang siya. Naglakad pa siya ng ilang sandali hanggang sa makarating sa malapit na waiting shed.

Siya lang ang mag-isa roon, walang katao-tao habang dinadaan-daanan ng mga sasakyan. Mayamaya pa ay nagsimula siyang lamigin hanggang sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
Tigas ng mukha ni fiona,aakitin dw si Ezekiel hay naku ms A wlang gnon ha,,, di nia maaakit si Ezekiel,,
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ
wag sana patuluyin ni ezekiel c jude at fiona... andyan pa naman c caitlyn....good night ms a
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 64

    LUMIPAS ang mahigit dalawang oras, nang matapos sa pag-aayos ang maintenance personnel sa nasirang tubo sa banyo. Ngunit pinayuhan muna si Caitlyn na huwag agad bumalik. Kailangan pang i-test ng ilang oras para masiguro na wala nang tatagas na tubig.“Babalik na lang kami mamayang alas-otso, Ma’am,” paalam ng head personnel.Pasado alas-tres na iyon ng hapon kaya tumango si Caitlyn. Pagkaalis ng mga ito ay sinara na niya ang pinto para makapaglinis. Isa-isang sinusuri ang furniture at appliances na posible pang mapakinabangan.Habang abala ay narinig niyang tumunog ang cellphone na inilapag niya saglit sa table. Kinuha niya at tiningnan, may message sa kanya si Ezekiel.Ezekiel: Anong ginagawa mo ngayon?Nakangiti niya itong nireplyan.Caitlyn: Naglilinis.Pagka-send niya ay bigla na lang itong tumawag. “Hello—”“Ba’t ka naglilinis? ‘Di mo na kailangan ‘yang gawin. Iniwan ko ang unit na malinis kaya—”Natawa si Caitlyn. “Relax, nandito ako ngayon sa condo ko. Tsinek ko lang kung naayo

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 63

    NANG magmulat ng mata si Caitlyn ay siya na lamang ang mag-isa sa kama. Pagod siyang bumangon sa kama at inalis ang hot compress bag na nilagay niya sa tiyan. Pagkatapos ay tiningnan niya ang higaan, walang bahid ng kahit na anong mantsa kaya nakahinga siya nang maluwag.Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo para maghilamos, sa sink ay may napansin siyang toothbrush na nakasilid pa sa plastic. Hula niya agad ay para sa kanya iyon, upang may magamit siya.Nang matapos magsipilyo ay humarap siya sa salamin. Maingat na inayos ang buhok at sarili para hindi naman siya magmukhang ewan sa harap ni Ezekiel.Bigla siyang natigilan matapos sumagi sa isip ang nangyari kagabi. Mariin siyang pumikit at impit na tumili. Nahihiya na naman sa pinaggagagawa, pagkatapos ay kinausap ang sarili habang nakatitig sa sariling repleksyon, “Ngayon nagsisisi ka? E, ang tapang-tapang mo kagabi?!” At nakuha pang pandilatan ang sarili.Nang mahimasmasan ay lumabas na siya at maingat na binuksan ang pinto, sumisili

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 62

    PASADO ALAS-ONSE ng gabi ay naalimpungatan si Caitlyn matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan. Hindi iyong tipong kailangan niyang magbawas ng kinain.Ang nararamdaman niya ay may kasamang pananakit ng likod. Bumangon siya sa kama at pumasok sa banyo. Tiningnan niya ang underwear at nakumpirmang nagka-menstrual period na siya.Pagod siyang naupo sa toilet, hawak ang noo at problemado. Sa dinami-dami ng araw na magkakaroon siya ay iyong nasa ibang bahay pa siya.Worst, wala siyang dalang sanitary napkin.Makailang ulit siyang bumuntong-hininga. Sa dami ng mga nangyari ay nakaligtaan niya kung kailan siya magkakaroon kaya napo-frustrate siya.Paglabas ng banyo ay nilapitan niya si Mika na mahimbing na natutulog. Marahan niyang niyugyog ang balikat nito pero ayaw magising kaya pinakialaman na niya ang bag nito para tingnan kung may dala ba itong magagamit niya.Ngunit nadismaya lang siya nang makitang wala kahit isang piraso man lang ng sanitary napkin. Kaya, isa lang ang ibig sabihin—k

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 61

    ASIWANG ngumiti si Jude saka pinaliwanag ang nangyari at kung maaari bang mag-stay roon kahit isang gabi si Fiona.“Gusto mong matulog rito?” tanong ni Ezekiel sa dalaga.Tumango-tango si Fiona, may mapang-akit na ngiti. “Kung papayag ka, Uncle.”Nanatiling blangko ang tingin ni Ezekiel sa dalaga patungo sa pamangkin. “Well, may iba kasi akong kasama rito. Kausapin ko muna saka ko kayo balikan.” Akmang isasara ang pinto nang pigilan ni Jude.“‘Di ba pwedeng pumasok muna sa loob, Uncle?” Sabay lingon sa nobya. “Kanina pa nilalamig si Fiona.”Madiing dinilaan ni Ezekiel ang ibabang labi, senyales na malapit na siyang mairita. “Okay, pero ‘pag hindi pumayag ang kasama ko rito. Sa iba na lang kayo pumunta,” aniya, hindi mangingiming paalisin ang dalawa.Ang ngiti sa labi ni Fiona ay unti-unting nahahaluan ng inis. Hindi niya akalaing masama pala talaga ang ugali ng tiyuhin ni Jude.Mas lalo siyang ginanahang gawin ang binabalak. Gusto niya itong paglaruan bilang ganti.Nang makapasok sila

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 60

    BINUKSAN niya ang pinto, akmang lalabas nang biglang tawagin ng katulong na kasama kanina, “Miss, sa’n kayo pupunta?”Lumingon si Fiona, nakita niyang titig na titig ito habang may dalang tray. Sa palagay niya ay para sa kanya ang pagkain.“May pupuntahan lang ako.”“Sa’n po, Miss?”Hindi siya sumagot saka lumabas. Nang isasara na ang pinto ay nakita niyang humabol ang katulong. Kaya binilisan niya ang kilos, lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas ng gate.Sa lakas ng ulan ay nilalamon ang boses ng katulong na paulit-ulit siyang tinatawag. Naglakad siya sa ulan, sinasadyang lamigin para kapag nagharap sila ni Jude, ay mukha talaga siyang kaawa-awa.Sa entrance ng subdivision ay napansin siya ng guard at makailang ulit na tinawag pero tuloy-tuloy lang siya. Naglakad pa siya ng ilang sandali hanggang sa makarating sa malapit na waiting shed.Siya lang ang mag-isa roon, walang katao-tao habang dinadaan-daanan ng mga sasakyan. Mayamaya pa ay nagsimula siyang lamigin hanggang sa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 59

    UMIILING-ILING si Fiona, habang nakikiusap ang tingin sa ama na huwag sabihin ang totoo. Hindi niya kakayanin kung maging ang ina ay tuluyang mag-iba ang tingin sa kanya.“Daddy, please,” pakiusap niya pa.Ngunit nanatiling madilim ang ekspresyon ni Alejandro hanggang sa magsalita na nga, “Ang nangyaring pagkidnap kay Caitlyn ay—”“Hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal kay Jude!” mariing sigaw ni Fiona. “Kapag nangyari ‘yun, sigurado akong—”“Pinagbabantaan mo ba ‘ko?” ani Alejandro, lalong tumindi ang galit na nararamdaman sa puntong namumula na ito at kitang-kita ang ugat sa sentido.Si Meriam na hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status