Share

Chapter 91

Author: Lirp49
last update publish date: 2026-02-02 23:15:31

NILUKOB ng takot si Fiona sa banta ni Lando, hindi niya akalaing iba-blackmail siya nito. Bigla siyang nanlamig sa kaba, iniisip kung kailan pa kaya nito naisip na gawin ang mga bagay na iyon?

Si Amor naman sa kabilang dako ay agad hinampas ang likod ng bayaw, sabay agaw ng cellphone. “Ano bang ginagawa mo?! ‘Wag mong tinatakot ng ganyan si Fiona!” Tiningnan niya ito nang masama at nang kausapin ang pamangkin ay bigla na lamang naging maamo. “Hello, Fiona… ‘wag mo na lang intindihin ang sinasab
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 121

    NABIGLA si Caitlyn sa sinabi ng ama, napatingin pa siya sa ina at kapatid, nais makasiguro na hindi siya nagkamali ng dinig. "A-Ahm… pero duty pa po niya, Daddy. Hindi siya pwedeng umalis ng ospital ng matagal."Habang nasa tenga pa rin ang cellphone ay narinig niya ang boses ni Ezekiel sa linya."Kung ayos lang sa Daddy mo, pwede ako mamaya sa dinner. Sagot ko na't ako ng maghahanap ng magandang restaurant."Hindi agad naka-react si Caitlyn at tiningnan pa muna ang magulang bago magsalita, "Are you sure? Baka hectic ang schedule mo?""Nope, patapos na duty ko… pakibigay sa Daddy mo 'yung phone at ako na kakausap."nag-alangan si Caitlyn pero ilang sandali pa ay binigay rin ang cellphone. "Gusto kayong makausap, Dad."Kinuha naman ni Alejandro ang cellphone at pagkatapos ay bahagyang lumayo upang mas makapag-usap ng maayos. Nang maiwan ang tatlo ay nilapitan ni Meriam ang anak at niyakap sa bewang. "'Wag kang kabahan, mag-uusap lang sila.""Hindi naman po," deny ni Caitlyn, kahit sa l

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 120

    HABANG bumabiyahe patungo sa airport ay paulit-ulit na pinapaalalahanan ni Consolacion ang apo, "Alagaan no lagi ang sarili, hmm?” aniya habang nakatingin sa labas ng sasakyan. “Huwag kang masyadong magpapakapagod at kumakain sa tamang oras.”Si Caitlyn na nagmamaneho ng mga sandaling iyon ay napangiti kahit malungko sa pag-alis nito. Ilang araw lang niyang nakasama ang abuela matapos ang mahabang panahon, ngunit kailangan na naman nitong umalis pabalik sa Italy. “Opo, "La,” sagot niya. “Sa susunod nating pagkikita mataba na 'ko sa kakakain," pagbibiro niya pa. "Mag-iingat ako rito at kayo rin po ro'n. Kapag may pagkakataon ay bibisitahin ko po kayo.”Sa narinig ay napangiti si Consolacion, ngunit may kirot sa puso. Umuulit sa isip niya ang sinabi nito hanggang sa hindi na nga napigilan ang sariling emosyon. Mabilis niyang ipinaling ang ulo sa labas ng sasakyan upang itago ang namumuong luha sa mga mata. “Sa susunod nating pagkikita, mas bata na 'ko sa'yo."Natawa si Caitlyn sa biro n

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 119

    NAGPUNTA si Yna sa ospital para bisitahin si Jude. May dala siyang isang maliit na bouquet at pagkain na alam niyang paborito nito. Tahimik ang hallway ng ward kahit may mangilan-ngilang tao sa malapit. Marahan ang kanyang mga hakbang habang papalapit sa private room kung saan naka-confine si Jude.Nang sandaling iyon ay mag-isa lang ang binata sa loob ng silid. Hindi niya makita ang bantay, marahil ay umalis sandali, kaya walang ibang tao.Ngunit sa halip na pumasok ay nanatili siya sa tapat ng pinto, pasimpleng sumilip sa maliit na window portion. Kung saan ay kitang-kita niya ang binata na mahimbing ang tulog, bahagyang nakatagilid ang ulo.Dahan-dahan ang pagngiti ni Yna habang pinagmamasdan ito, tila natutuwa. Ngunit kung titingnan nang mabuti ay sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa supot ng pagkain na dala pati sa hawak na bulaklak.Malambing ang tingin niya kay Jude, ngunit may halong galit na hindi kayang ikubli ng mga mata."Tingnan mo tuloy ang nangyari," anas niyang sinus

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 118

    BANDANG ALAS-SIYETE NG GABI, gaya ng napag-usapan ay nakipagkita si Fiona sa grupo ng huwad na journalist sa isang liblib na bahagi ng siyudad. Madilim ang lugar at iilan lang ang ilaw ng poste sa gilid ng kalsada. Tahimik din ang paligid dahil bihira ang dumaraang sasakyan.Ipinarada niya ang kotse sa tabi habang palinga-linga siya sa paligid, hawak niya nang mahigpit ang handbag saka naglakad papasok sa isang lumang gusali. Hahawakan niya pa lamang ang handle ng lumang metal na pinto nang biglang bumukas at sumilip ang isa sa limang miyembro ng grupo, na siyang inutusan niya para pasundan si Caitlyn at guluhin ito sa oras na umalis ng condo."Good evening, Ma'am. Kanina pa namin kayo hinihintay," anito.Walang imik na pumasok si Fiona, unang bumungad sa kanya ang kakaibang amoy maliban sa madilim na lugar. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil siya lang mag-isa at lima ang naghihintay sa kanya.Sa dami ng pinagdaanan ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paano pala kung hi

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 117

    PAGPASOK ay may nag-assist agad sa mag-lola. Ngunit dahil parehong malayo ang taste ng isa't isa ay nagtawag pa ng isang kasamahan ang staff ng clothing store."Meron ba kayong…" paunang tanong ni Consolacion saka binanggit ang gusto niyang style at design ng damit.Magalang na tinuro naman ng staff ang kabilang direksyon. "Nando'n po, Ma'am."Tinanguan niya ang apo at pagkatapos ay sinundan na ang saleslady. Habang si Caitlyn ay naiwan ay in-assist naman ang isa pang staff."Ano pong gusto niyong style at design, Ma'am?""Iyong neat at light lang sana… saka, kung pwede 'yung mga longsleeves," aniya dahil kailangan niya pa rin itago ang ilang peklat sa braso, kahit na madalas ay init na init na siya sa suot kapag kailangan niyang lumabas."Okay, saglit lang po, Ma'am," saad ng saleslady, sabay alis upang kunin ang damit na gusto niya.Habang naghihintay ay nagpalinga-linga naman siya sa paligid. Malaki-laki ang store at may ilang customer din sa paligid. Ngunit may nakaagaw ng pansin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 116

    KINABUKASAN, gaya ng napag-usapan ay sinundo ni Caitlyn ang abuela. Sa daan pa lang ay pinaalam na niyang parating na siya at makalipas ang halos kalahating oras ay narating na niya ang hotel.Saglit niyang pinarada sa gilid ng gusali ang kotse kung nasaan ang parking lot at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.Kahit tanghaling tapat ay maraming tao ang naglalabas-masok sa hotel. Pagkatapos ay naghanap siya ng mauupuan para maghintay at nang makakita ng bench na nakahilera malapit sa elevator ay pumwesto na siya roon.Pagtingin sa cellphone ay may reply na ang abuela.Consolacion: Saglit lang at pababa na 'ko.Caitlyn: Okay, nasa may bench lang po ako. 'La.Pagkatapos ay tinago na niya ang cellphone at naghintay. Pero hindi pa man umiinit ang kinauupuan niya ay may isang lalakeng papalapit sa kanya.Base sa paglalakad at kilos ay mahahalatang isa itong binabae. Pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin sa pag-aakalang uupo lang gaya niya pero nang tumigil ito sa harap ay doon na siya n

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 66

    NAPATIIM-BAGANG si Ezekiel kasabay ng pagkuyom ng kamay. Gusto na niyang hilahin ang likod ng kwelyo nito at kaladkarin palabas pero naroon si Caitlyn.Nakaramdam naman agad si Matthew at mabilis na lumapit sa dalaga. “Hi, I’m Matthew pala, kaibigan ni Ezekiel,” pakilala niya sa sarili sabay lahad

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 67

    MATAPOS maghugas ng pinggan ay nagpaalam na si Caitlyn na mauuna nang pumasok sa kwarto. Tahimik niyang isinara ang pinto nang maabutan ang kaibigan sa loob, nakatalikod habang nagbibihis.Lumingon si Mika at nagtanong, “Umalis na ba si Matthew?”“Oo, hindi nga namin napansin, e. Bigla na lang nawa

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 69

    SUMIGAW sa galit si Fiona nang hindi man lang sinasagot ni Jude ang tawag niya. Nanginginig siya sa galit habang mariing hawak ang cellphone.Matapos ay nag-umpisa na siyang maging paranoid—pabalik-balik ang paglalakad sa loob ng kanyang kwarto. Hindi pwedeng wala siyang gawin at hayaan na lamang a

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 70

    MAKAILANG-ULIT na bumuntong-hininga si Jude, ang kamay ni Fiona na paulit-ulit siyang sinasaktan kanina ay naging banayad. Hinahawak-hawakan ang mukha niya, pilit kumakapit pero ayaw na niya.Marahan niya itong tinulak. “Tama na, Fiona… mas lalo lang tayong mahihirapan kung ipagpapatuloy pa natin ‘

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status