Share

Chapter 90

Author: Lirp49
last update publish date: 2026-02-01 18:17:41

MAGKAKATABI silang tatlo sa loob ng van, habang kandong ni Amor ang anak.

Pagkasakay ng dalawang bantay sa likurang bahagi ng van ay nagmaneho na ang driver na siyang tauhan din na binayaran ni Sandro at ang isa pa sa passenger seat—bali apat ang tauhan na binayaran ng binata. Pero dalawa lang ang direktang nagbabantay sa mga bihag.

Habang papalayo sila sa lugar ay sinuotan ng dalawang tauhan sa likod ng sako ang ulo ng apat. Napahiyaw ang mag-anak. Balak pa nga ni Lando na tanggalin ang nakata
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Regalario Min Sentillas
Ganda na sna kaso ininsertan ng mga tauhang gunggong na to,...hay!...hanap Muna tayo mgandang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Epilogue

    PASADO alas-otso na nakauwi si Ezekiel sa tahanan ng mga Salvante. Pagpasok niya sa bahay ay nakasalubong niya ang isang katulong na pababa ng hagdan."Tulog na ba si Caitlyn?" tanong niya dahil sa nakalipas na tatlong buwan ay laging paiba-iba ang oras ng tulog nito.Minsan alas-singko pa lang ng hapon ay natutulog na ito, tapos ay nagigising ng madaling araw at matutulog kapag mataas na ang araw."Hindi ko po sure, Sir," anito hanggang sa tuluyan nang umalis.Nagpatuloy naman si Ezekiel habang pinapanood sa cellphone ang CCTV sa condo. Gusto lang niyang makita ang itsura at mahigit isang buwan na silang hindi umuuwi ng asawa dahil ang gusto nito ay umuwi sa pamilya.Payag naman siya roon kaysa mag-isa ito sa condo at nagdadalang-tao. Minsan nilang napag-usapan na mag-hire ng makakasama nito habang busy siya sa ospital pero mas komportable si Caitlyn na kasama ang magulang, para magabayan ni Meriam tungkol sa pagbubuntis.Huminto siya sa tapat ng pinto at marahang binuksan. Hindi pa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 191

    PAGPASOK ng mag-asawa sa hotel suite ay dumiretso agad si Caitlyn sa floor-to-ceiling window para makita ang south bank.Nasa London sila ngayon dahil natuloy na rin sa wakas ang honeymoon nila makalipas ang apat na buwan."Wow… ang ganda," anas ni Caitlyn habang nakatitig sa magandang view sa labas ng hotel. Nakadagdag pa ang kulay kahel na kalangitan dahil papagabi na ng mga oras na iyon. "Tamang-tama ang dating natin." Sabay kuha sa cellphone upang i-capture ang magandang tanawin.Sumunod naman si Ezekiel matapos itabi ang luggages para samahan ang asawa. "Let me," aniya saka kinuha ang cellphone para makapag-selfie ito nang maayos.Nag-pose si Caitlyn habang nasa background ang magandang view sa labas."Beautiful," untag ni Ezekiel."'Di ba? Ang ganda ng view, puntahan natin bukas.""I mean, you're beautiful," pagtatama ni Ezekiel.Natawa si Caitlyn, hindi niya expected na siya pala ang tinutukoy. "Really?" Dahil natuwa sa sinabi ng asawa ay hinawakan niya ang magkabila nitong pis

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 190

    MABILIS na lumipas ang mga araw at maraming nangyari. Matapos ang biglaang pagbisita ni Marcus ay pinaubaya ni Caitlyn ang lahat ng negosyong iniwan sa kanya ng ama.Ang naiwan lang sa kanya ang bahay, lupat at shares. Nang una ay ayaw tanggapin ni Marcus pero dahil wala naman siyang kaalam-alam sa negosyo, hindi rin naman niya pwedeng abalahin si Sandro maging ang ama.Si Fiona naman ay nais na mag-aral ulit para makatulong sa kompanya at iba pang negosyo ng pamilya. Nang tanungin kung saan niya nais na mag-aral, hindi agad ito nakapag-decide dahil nais na mag-travel abroad.Kaya nag-suggest si Caitlyn na bakit hindi na lang sa Italy. Wala na rin kasing mag-aasikaso ng naiwan na bahay ng abuela. Nag-aalala siyang baka mapabayaan kaya iyon ang sinabi niya sa pamilya.Pumayag si Alejandro at Sandro dahil maganda ang university sa Italy. Si Meriam lang ang nag-aalangan dahil hangga't maaari ay gustong kasama ang mga anak sa iisang lugar."She's not a little girl. Let her do what she want

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 189

    SABAY na lumabas ng bahay ang mag-asawa. Kasunod nila si Meriam at Fiona na bagama't may ngiti sa labi ay bakas naman ang lungkot sa mga mukha.Ngayong araw na kasi bubukod sina Caitlyn at Ezekiel. Habang inaayos pa ng driver at ilang katulong ang mga luggage sa kotse ay niyakap niya ang ina upang muling magpaalam."Ingat kayo," iyon na lamang ang sinabi ni Meriam.Matapos ay si Fiona naman ang sunod na yumakap. "Tawag ka lang, Ate. Kapag gusto mo nang kausap."Tumango lang si Caitlyn. "Lagi naman akong bibisita."Si Ezekiel na nasa isang tabi ay nagsalita, "'Wag po kayong mag-alala at 'di ko po pababayaan si Caitlyn."Lumawak ang ngiti sa labi ni Meriam, alam niyang magiging maayos ang buhay ng anak sa piling nito—tiwala siya roon.Matapos nang mahabang paalamanan ay sumakay na ang mag-asawa sa kotse. Binaba ni Caitlyn ang bintana ng sasakyan saka kumayaw sa ina at kapatid.Ganoon din ang ginawa ng dalawa hanggang sa umandar na nag kotse paalis sa lugar.Mahigit dalawang oras ang nag

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 188

    NANINGKIT ang mata ni Caitlyn habang ang cellphone ay nasa tenga pa rin. Naku-curious tuloy siya kung anong ibabalita nitong maganda."Kumusta naman ang kaso? Kailan ba ang susunod na trial?""Mga isang linggo pa. 'Wag mo nang masyadong isipin 'yun. Ang balita ko ay may nangyayari rin diyan sa inyo?""Kanino mo nalaman?" ani Caitlyn, medyo nabigla at updated sa nangyayari sa kanila kahit nasa malayo ito saka may kinakaharap ding problema."Of course, twenty-four seven nakabantay ang mga tauhan ko sa'yo.""Really? Ba't 'di ko man lang napapansin. Kahit sila Mommy, walang sinasabi.""Kasi 'di naman nila alam. Half of my top security, pinadala ko riyan just to make sure na walang mangyayaring masama sa'yo at sa pamilya mo."Napangiti si Caitlyn sa narinig at saglit pa silang nag-usap bago nito tuluyang tapusin ang tawag. Pagbaba ng phone ay tinanong siya ni Fiona na tahimik lang sa tabi, nakikinig."Ate, 'yun ba 'yung isa mo pang kapatid?""Oo.""Mukhang close kayo."Saglit na napaisip s

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 187

    MAHIGIT isang linggo na ang nakakalipas mula nang makunan si Fiona. May pagkakataon na normal ang ang reaksyon nito habang lumilipas ang araw pero kapag mag-isa lang, alam ni Caitlyn na lihim itong umiiyak—hindi matanggap na kung kailan unti-unti nang minamahal ang bata sa sinapupunan ay saka naman mawawala.Gabi-gabi, lumalabas siya ng kwarto para alamin kung anong nangyayari kay Fiona, minsan naririnig niya itong umiiyak at sinisisi ang sarili. Ngunit madalas ay paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa anak dahil naging pabayang ina.Naaawa si Caitlyn pero wala naman siyang magawa dahil magaling magtago ng nararamdaman si Fiona. Kapag kasama sila, lagi lang itong nakangiti na para bang hindi gabi-gabing nagluluksa.Kaya kapag may pagkakataon ay sinasama niya ito kapag lalabas siya. Minsan magmo-mall o hindi naman ay kakain lang sa restaurant.Dahil lagi lang naman silang nasa bahay ay naisipan niyang isama ito nang muli siyang mag-take ng art class."Ayoko," tanggi ni Fiona.Nasa kwa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 12

    NAGTAAS ng kilay si Ezekiel, sa biglaang pagsulpot ng dating nobya ng pamangkin. Kasalukuyan siyang abala sa pag-reply ng message nang bigla itong naupo sa harap niya at nagtaas ng boses.“May kailangan ka, Miss Salvante?” tanong niya matapos ilapag sa table ang cellphone.Napakurap si Caitlyn, ang

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 91

    NILUKOB ng takot si Fiona sa banta ni Lando, hindi niya akalaing iba-blackmail siya nito. Bigla siyang nanlamig sa kaba, iniisip kung kailan pa kaya nito naisip na gawin ang mga bagay na iyon?Si Amor naman sa kabilang dako ay agad hinampas ang likod ng bayaw, sabay agaw ng cellphone. “Ano bang gin

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 63

    NANG magmulat ng mata si Caitlyn ay siya na lamang ang mag-isa sa kama. Pagod siyang bumangon sa kama at inalis ang hot compress bag na nilagay niya sa tiyan. Pagkatapos ay tiningnan niya ang higaan, walang bahid ng kahit na anong mantsa kaya nakahinga siya nang maluwag.Pagkatapos ay pumasok siya

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 15

    PAPASIKAT pa lang ang araw nang lumabas si Caitlyn. Gaya ng nakagawian ay naglakad-lakad siya, nag-eexcercise. Pagbalik sa silid, una niyang tiningnan ang cellphone at napansin ang notifications sa private group.“Anong meron?” Saka niya clinick.Doon ay natuklasan niyang bumaba ang stock sa mercad

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status