Share

Flash Marriage with the Mad Genius Doctor
Flash Marriage with the Mad Genius Doctor
Author: Lirp49

Prologue

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-09-10 22:41:10

Abril 9, 20XX

Ito ang araw na hinding-hindi makakalimutan ni Caitlyn.

Galing na sila ng kapatid niya sa birthday party ng isang kaibigan at pauwi na ng gabing iyon nang masiraan ang sasakyan.

Na-flat ang gulong kaya kinailangan palitan ng driver nilang si Lito.

Naghintay lang sa loob ng kotse sina Caitlyn at Fiona, pasilip-silip sa ginagawa ng driver. Ngunit nang makitang tila nahihirapan ito lalo na at hawak nito sa isang kamay ang flashlight ay napagpasiyahan na ni Caitlyn na tumulong.

“Wait, sa’n ka pupunta, Ate?” pigil agad ni Fiona habang hawak ang braso ng kapatid.

“Tutulungan ko lang siya para makaalis na tayo rito.”

“Ehh! Natatakot ako, Ate!”

Napangiti si Caitlyn sabay hawak sa pisngi nito. “‘Wag kang matakot, kasama mo naman ako.”

“Kahit na, nakakatako pa rin. Don’t leave me, sasama ako!”

Nagpakawala ng hangin si Caitlyn saka lumabas, na agad sinundan ng kapatid.

Mabilis naman niyakap ni Fiona na braso nito. “Ba’t ba kasi tayo dumaan dito? Ang dilim-dilim tapos wala pang ilaw, parang hunted,” may halong pagrereklamo ang kanyang boses.

Hindi naman pinansin ni Caitlyn ang sinabi ng kapatid at nilapitan si Lito. “Kuya, tulungan ko na kayo.” Saka niya kinuha ang hawak nitong flashlight.

“Salamat, Miss,” ani Lito.

“Mabilis lang bang magpalit ng gulong, Kuya? O, gusto niyong tumawag na ‘ko ng mekaniko?”

“Oo, Miss, madali ko lang ‘tong matatapos,” sagot ni Lito habang inaalis na ang nabutas na gulong.

Mayamaya pa ay hinihila ni Fiona ang braso ng kapatid sabay bulong, “Naiih* na ‘ko, Ate.”

“Seryoso?!” nawindang si Caitlyn, sa isang iglap ay nataranta at nagpalinga-linga sa paligid.

Kasalukuyan silang nasa lugar na madilim, may naglalakihang puno at talahib. Malinaw na walang kabahayan sa paligid.

Biglang tinuro ni Caitlyn ang isang puno. “Do’n ka na lang…” nabitiin sa ere ang salita matapos mapansin ang paparating na sasakyan.

“Hindi ko na talaga kaya, lalabas na!” ani Fiona na biglang tumakbo palayo.

Eksakto naman na padaan na ang sasakyan, isang puting van…

Nang walang ano-ano ay tumigil pagkatapat sa tumatakbong si Fiona. Biglang bumukas ang pinto at hinila ang dalaga, pilit siyang pinapapasok sa loob.

“Ahh!!!”

Pagsigaw ng kapatid ay agad tumakbo si Caitlyn upang iligtas ito.

“Fiona!”

Tumakbo na rin palapit si Lito upang saklolohan ang dalaga.

Ngunit huli na, dahil sa kagustuhang mailigtas ang kapatid ay si Caitlyn ang hinablot ng dalawang lalakeng nasa loob ng van.

“Ate!” sigaw ni Fiona ngunit nagsara na ang pinto ng sasakyan saka humarurot palayo. “Ate!” hiyaw niyang muli ngunit ilang sandali pa ay may sumilay na kakaibang ngiti sa labi.

Samantalang sa loob ng van ay nagpumiglas si Caitlyn, ginamit niya ang buong lakas makawala lang sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. “Pakawalan niyo ‘ko!” Kahit natatakot ay malakas pa rin ang loob niya, hindi siya maaaring sumuko dahil iyon na lamang ang tangi niyang magagawa.

Sa sobrang likot ng dalaga ay nainis na ang isang lalake at sinuntok ito sa tiyan. Biglang nanghina si Caitlyn, hindi agad nakahinga at parang gusto niyang maiyak sa sobrang sakit ng ginawa sa kanya.

Sinamantala ng dalawang kidnapper ang panghihina ni Caitlyn saka ginapos ang kamay nito at binusalan ang bibig upang hindi makapag-ingay. Tinakpan din ng sako ang ulo nito gaya ng inutos sa kanila upang hindi magamit ni Caitlyn ang lokasyon at malito kung saan dadalhin.

AKALA ni Caitlyn, hindi siya magtatagal sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Na ilang araw lang din ay maliligtas siya dahil tiwala siyang hindi titigil ang kanyang pamilya para mahanap siya.

Ngunit hindi ganoon ang nangyari…

Dalawang taon siyang nabilanggo, ikinadena sa kulungan kasama ng mga baboy.

Sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti siyang nawawala ng pag-asa.

Halos mabaliw siya sa lungkot at pangungulila. Araw-araw, minu-minuto niyang naiisip ang dating buhay at pamilya.

Pinalaki siyang parang isang tunay na prinsesa ngunit matapos ng masaklap na kapalaran.

Parang gusto na lang niyang mawala sa mundo dahil pagod na pagod na siya, hindi na niya kaya ang nangyayari sa buhay niya.

Lalo na at makailang ulit din siyang muntik-muntikan ng gahas*in.

Gabi-gabi niyang pinapanalangin na kung hindi naman siya makakaalis sa masaklap na buhay… tapusin na lang sana ang kanyang paghihirap.

Hanggang sa dumating ang pag-asang kay tagal na niyang inaasam.

Nagkaroon ng sunog sa lugar kung saan siya ikinulong at kinadena. Dahil doon ay nakahingi siya ng tulong sa bumbero na agad tumawag ng pulis.

Nahuli ang mga dumukot kay Caitlyn at pagkatapos ay dinala siya sa malapit na ospital upang mabigyan ng medikal na atensyon ang kanyang kondisyon.

“Ahm… a-anong nangyari sa inyo, Ma’am?” tanong ng nurse na siyang unang tumingin kay Caitlyn. Kung wala marahil suot na mask ay baka nasuka na ito.

Palinga-linga naman sa paligid si Caitlyn, hindi pa rin makapaniwala na wala na siya sa kulungan ng baboy…

Malaya na siya! –sigaw ng kanyang isip.

Sa isang iglap, bigla siyang naluha. Humikbi matapos magbalik sa alaala ang lahat ng mapapait na karanasan sa loob ng dalawang taon.

“A-Ayos lang kayo, Ma’am?” natatarantang tanong ng nurse, akmang lalapit upang alamin kung may iniinda itong sakit. Ngunit hindi naman magawang hawakan dahil sa dami ng skin disease. Kaya dali-dali siyang kumuha ng disposable gloves.

Eksakto namang dumating ang doctor na titingin sa dalaga.

Nagsuot ito ng gloves saka sinuri ang balat ni Caitlyn dahil iyon ang mas kapansin-pansin sa dalaga bukod sa sobrang payat nito dahil sa malnutrition.

May kasamang pulis si Caitlyn ng sandaling iyon na nasa malapit, nakabantay. At sa halip na ang dalaga ang tanungin ng doctor ay lumingon ito sa pulis.

“May I ask what happened to her?” tanong ng doctor dahil umiiyak si Caitlyn, nasisiguradong hindi ito makakausap nang maayos.

Lumapit ang pulis at bumulong malapit sa tenga ng doctor na unti-unti naman nanlalaki ang mga mata. Pagkatapos ay gulat na may halong awang tiningnan si Caitlyn.

“Kumuha ka nga ng tissue at ibigay mo sa kanya,” utos ng doctor sa nurse.

Pagkatapos maibigay ang tissue sa emosyonal na si Caityn ay nagpasalamat siya.

Marahan at may ingat na tinapik ng doctor ang balikat ng dalaga. “Don’t worry, hindi malala ang skin condition mo at tiyak na gagaling kapag natutukan. Magsi-set ako ng schedule, bumalik ka ulit dito sa makalawa. Sa ngayon ay bibigyan kita ng vitamins at magpahinga ka.”

“S-Salamat… maraming salamat,” ani Caitlyn.

Pagkatapos matingnan ng doctor ay hinatid siya ng pulis pauwi sa tahanan na matagal na niyang gustong uwian.

Ngunit sa kanyang pagbabalik ay isang nakakabiglang balita ang sasambulat sa kanya…

Dahil si Jude, ang kanyang nobyo ay ikakasal na kay Fiona!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 55

    PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay kahel na ulap.“Caitlyn.”Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niyang papalapit si Fiona. “Bakit?”“May gusto sana akong kunin sa study room kaso nando’n si Daddy at Sandro. Pwedeng ikaw na ang kumuha?”Napakunot-noo siya. “Why me? ‘Di ba pwedeng ikaw na ang kumuha?”Huminga nang malalim si Fiona at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid. “Disappointed si Daddy sa’kin at hindi niya ‘ko pinapansin.”“At bakit?” Gusto niyang malaman na kung bakit ang most favored na anak ay biglang neglected na.Kumuyom ang kamay ni Fiona, naiinis siya pero kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang maging successful ang lahat. “Alam kong may idea ka na kung bakit. I lied, at nalaman ni D

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 54

    TUMANGO-TANGO ang katulong habang hinihimas-himas ang braso na para bang kinikilabutan. “Nakakatakot po ‘yung tawa, Miss.”Ngumiti si Caitlyn. “Baka wala lang ‘yun,” iyon na lamang ang sinabi niya ng sandaling iyon para hindi ito matakot. “Kung tapos ka na, gusto ko sanang magpahinga.”Nang maiwan siyang mag-isa, pumasok siya sa banyo. Naghintay na marinig ang tawa ni Fiona pero wala naman, kaya inisip niyang baka kung ano-ano lang ang naririnig nito.Mga bandang hapon, nagising siya sa ingay ng cellphone. Nang tingnan ay tumatawag si Mika, “Hello, Caitlyn?”“Hmm, napatawag ka? Nasa condo ka na?”“Nasa university pa ‘ko, may last class pa. Tumawag lang ako para tanungin kung kumusta ka riyan sa inyo?”“Ayos lang, kagigising ko lang.”“Si Fiona, na-discharge na rin ba?” bulong ni Mika, na tila ba ay may ibang makakarinig sa sasabihin niya.“Oo, magkatabi kami kanina sa kotse habang pauwi.”“Inaway ka?”“Hindi, tahimik nga lang siya. Which is… ang weird lang, ‘di ako sanay.”“Baka ‘di p

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 53

    SA KABILA ng init ng sikat ng araw ay may kakaibang lamig na naramdaman si Caitlyn. Tila naging malabo rin ang buong paligid at tanging si Ezekiel lang ang nakikita ng mga mata.“Nakita mo na ba ang sasakyan niyo?”Doon lang natauhan si Caitlyn, mabilis na iniwas ang tingin at nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kotse sabay turo. “A-Ayon pala!” At nauna na siyang maglakad papunta roon.Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Nang malapit na sila ay lumabas ang driver. “Hello po, Miss Caitlyn,” magalang nitong bati.Tumango siya at nagsalita, “Nasa loob pa si Mommy, sinundo si Fiona.” Pagkatapos ay hinarap niyang muli si Ezekiel. Pero nang magtagpo ang tingin nilang dalawa, muli siyang kinabahan kaya ibinaling niya ang tingin kay Rita. “Salamat, Ate.”“Wala ‘yun, Ma’am,” anito saka nagpaalam na mauuna nang umalis.Hinatid nila ito ng tingin habang papalayo. At nang sila na lamang ang naiwan ay doon na narealize ni Caitlyn.Kailangan niyang harapan, worst ay k

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 52

    LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 51

    ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 50

    HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status