LOGINNAGING emosyonal agad si Caitlyn nang matanaw niya ang pamilyar, mataas at magarang gate na matagal na niyang hindi nakikita ngunit malinaw pa sa kanyang alaala ang itsura.
Paghinto ng police car ay pinunasan niya ang luha sa gilid ng kanyang mga mata saka ngumiting tiningnan ang pulis na siyang naghatid sa kanya. “Thank you.”
Lumingon ito habang inaalis ang seatbelt. “Ihahatid na kita sa loob, Miss para maipaliwanag sa parents mo ang nangyari.”
Tumango si Caitlyn at pagkatapos ay sabay na silang bumaba ng sasakyan.
Mula sa labas ay napansin niyang tila nagkakasiyahan sa loob dahil may canopy tent, tables and chairs saka mga bisita na naka-casual dress and suit.
“Mukhang may celebration ata kayo, Miss,” komento ng pulis.
Nagtaka naman si Caitlyn dahil sa pagkakaalala niya, wala silang okasyon sa araw na iyon. No, birthdays, wedding anniversary or special occasion.
Ngunit ilang sandali pa ay ngumiti siya saka nilingon ang pulis. “I think, alam nilang ngayon ang dating ko, tama?” tanong niyang kumikislap ang mga mata sa tuwa.
Napakamot naman sa likod ng ulo ang pulis, naroon ang pagtataka sa mukha dahil hindi niya sigurado kung iyon nga ang dahilan. “S-Siguro… naitawag na namin sa parents mo– pero…” Saka siya ngumiti, hindi na masiyadong inisip ang totoo dahilan kung bakit may okasyon ng sandaling iyon.
Lumawak ang ngiti sa labi ni Caitlyn saka niya binuksan ang gate, inaya ang pulis na pumasok. Habang papalapit sa bahay ay wala ni isang lumingon sa kanila, walang nakapansin. Tuloy, hindi niya alam ang sasabihin para kunin ang atensyon ng lahat, basta lakad lang siya nang lakad.
Hanggang sa naglakas-loob na siyang kausapin ang isang babae, hinawakan niya ito sa braso. “Excuse me–”
Ngunit bago pa man mabuo ni Caitlyn ang salita ay mabilis nang lumayo ang babae, halata ang takot sa mukha matapos makita ang kamay niyang nababalalutan ng benda.
“Who are you?!”
Pinanliitan ito ng tingin ni Caitlyn, ngunit bago pa man siya makasagot ay napansin niya ang standee malapit sa frontdoor, na may nakalagay–
Fiona & Jude
Engagement Party
Confused at hindi agad naunawaan ang nangyayari. “A-Anong…” bago pa niya mabuo ang salita ay nanghina na ang kanyang tuhod. Mabuti na lamang at agad siyang inalalayan ng pulis bago pa man siya tuluyang matumba. “Anong kalokohan ‘to?!”
Bakit ikakasal sa kapatid sa boyfriend niya?!
Dahil sa biglaang taas ng boses ay napalingon na sa kanya halos lahat. Hanggang sa wakas, may nakakilala na.
“C-Caitlyn?!”
Nilingon niya ang nagsalita, walang iba kundi ang Ina ng nobyo.
“T-Tita Lucy?” sumilay ang ngiti sa kanyang labi saka ito nilapitan, akmang yayakap nang mabilis itong umatras.
Saka lang napagtanto ni Caitlyn ang itsura niya ng sandaling iyon. Mukha siyang gusgusin, balot na balot ng itim na jacket ang katawan niya dahil sa iba’t ibang sugat at skin infection. Umatras siya nang kaunti ngunit nanatiling malapit dito. “K-Kumusta na po kayo?”
Bakas naman ang pagkabigla at awa sa mukha ni Lucy habang pinagmamasdan ang dalaga. “A-Anong ginawa nila sa’yo?”
Asiwang ngumiti si Caitlyn, akmang magsasalita nang marinig niya ang boses ng kapatid.
“A-Ate…?”
Nilingon niya si Fiona, may bahid ng luha sa mga mata nito.
Ngunit sa halip na matuwa nang makita ito ay nabaling ang tingin niya sa kasama nito, walang iba kundi ang kanyang nobyo at… magkahawak kamay pa ang dalawa!
Tinitigan niya si Jude na agad naman binitawan ang kamay ni Fiona, halata sa mukha ang guilt.
“Anong nangyayari–” Sabay turo sa standee. “Pa’nong engagement niyo ngayong araw?”
Wala ni isang sumagot, maging ang mga bisita sa paligid ay tahimik at ramdam ang namumuong tensyon ng sandaling iyon.
“Caitlyn, anak!” basag at garalgal ang boses na iyon.
Paglingon niya ay naglalakad na palapit ang Ina, si Meriam. Kasunod nito ang kanyang ama, si Alejandro at nakakatandang kapatid, si Sandro.
“Jusko, nagbalik ka na!” saad pa ni Meriam, akmang yayakap nang magsalita si Fiona.
“Mommy, sandali lang–” Pinigilan niya ito sa braso at bumulong malapit sa tenga ng Ina, “Tingnan mo ang balat niya.”
Natigilan si Meriam saka tinitigan ang leeg ng anak na may kung anong rashes. “A-Anong ginawa sa’yo ng mga kidnapper na ‘yun?”
Hindi naman sumagot si Caitlyn dahil ayaw na niyang alalahanin ang bangungot na kanyang naranasan. “S-Saka ko na lang ikukwento sa inyo. Sa ngayon ay gusto kong–”
“Nakakahawa ba ‘yan?” mula sa malapit ay may isang bisita ang nagsalita.
Lahat ay napalingon kaya nagpatuloy ito, “Iyang nasa leeg mo. I think, nakita ko na ‘yan dati.”
Mabilis na inayos ni Caitlyn ang suot na jacket upang matakpan ang kanyang leeg.
“Ganyan na ganyan ‘yung itsura ng mga pasiyenteng may H*V sa ospital–”
“Doctor ka ba?” putol ni Caitlyn.
Napakurap-kurap ang bisita saka lakas loob na nagsalita, “H-Hindi pero nurse ako kaya–”
“Kung hindi ka naman pala doctor ay tumahimik ka,” supalpal ni Caitlyn. “Wala kang alam sa pinagdaanan ko kaya ganito ngayon ang itsura ko.”
Namula ang mukha at agad nakaramdam ng hiya ang naturang bisita kaya nanahimik na lang sa kinatatayuan. Ngunit ang kasama nitong lalake, isa sa third degree cousin niya na hindi ka-close ay nagsalita, “‘Wag mong ipahiya ang girlfriend ko. Concern lang siya bilang isang nurse at baka makahawa ka pa. Oo, hindi nga namin alam ang pinagdaanan mo simula nang ma-kidnap ka pero isa lang ang nasisiguro ko… imposibleng hindi ka nila pinagkainteresan.”
“Jason!” dumagundong ang boses ng ama ng binata. “Ano ba ‘yang sinasabi mo?! Mahiya ka naman at pinsan mo ‘yan!” Matapos ay humingi ito ng paumanhin sa lahat ng naroon, “Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, medyo talagang–”
“Tito,” tawag ni Caitlyn. “Ako ang sinabihan niya ng masama pero bakit sa iba niyo sinasabi ‘yan at hindi sa’kin?”
Umismid si Jason. “Nagbago nga ang itsura pero ugali, gano’n pa rin.”
“Anong sinabi mo?! Ulitin mo ‘yun!”
“Caitlyn!” saway ni Alejandro. “‘Wag mo sirain ang mahalagang okasyon ngayon!”
“Pero Daddy!” Saka tiningnan ang kapatid. “Kuya!” tawag niya rito, naghahanap ng magtatanggol.
Ngunit nanatiling tahimik si Sandro, nakatingin na parang hindi siya nakikilala.
Kumirot bigla ang puso ni Caitlyn, hindi inakalang ang pamilyang binalikan ay iba na ang trato sa kanya ngayon. Hindi man lang siya magawang ipagtanggol at tila diring-diri pa sa itsura niya.
Nasasaktan siya ngunit sa halip na ipakita ang kahinaan sa mga ito at tumalikod siya paharap sa pulis na siyang naghatid sa kanya.
Hinawakan naman siya nito sa balikat at marahang tinapik-tapik. “Ayos lang ‘yan, nabigla lang sila.”
Umiling-iling si Caitlyn, na kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nito ay hindi na mababago ang katotohanan na ang pamilyang pinangarap niyang balikan sa loob ng dalawang taon niyang paghihirap ay ibang-iba na ang turing sa kanya ngayon.
LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin
ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka
HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig
SA LAKAS ng sigaw ng katulong ay napasugod ang mga nakarinig, kabilang na roon si Meriam na halos madapa sa labis na pagmamadali. Inalalayan siya ng isang kasambahay patungo sa hagdan.Maliban sa sumigaw na katulong ay nasaksihan din nina Alejandro at Sandro ang pagkahulog ni Fiona sa hagdan.“Dad, hindi kaya ay narinig—”“Tahimik,” mahinang saway ni Alejandro, matapos mapansin ang asawa na papalapit sa walang malay na dalaga.“Fiona!” hiyaw ni Meriam matapos makita ang anak sa ibaba ng hagdan. Nagmadali siyang lumapit, nais itong hawakan ngunit agad na pinigilan ni Sandro.“Dali, tumawag kayo ng ambulansiya!” utos ng binata sa katulong. Pagkatapos ay inilayo ang ina at dinala sa sala saka pinaupo sa sofa. “Dito lang muna kayo, hindi natin pwedeng galawin ang katawan niya.”“Jusko!” may isang katulong ang muling sumigaw.Nabahala si Meriam at agad na napatayo. Nilagpasan ang anak upang muling lapitan si Fiona. “A-Anong nangyayari, ba’t ka sumigaw?!” tanong niya sa kasambahay.Ngunit b
KADALASAN sa hapon bumibisita si Meriam sa ospital pero nang araw na iyon ay maaga siya sa nakasanayan. Tanghali para makasabay sa pagkain si Caitlyn. “Pinaluto ko ang paborito mong pagkain at baka namimiss mo na,” malambing niyang sabi habang inilalabas ang mga container sa dalang bag.Inayos naman ni Rita ang maliit na table sa tabi para magamit nila.“Salamat,” ani Meriam, matapos siyang tulungan nito. “Saluhan mo na rin kami.”“Sige po, Ma’am,” tugon ni Rita.Pinapanood lang ni Caitlyn ang ina, parang hindi pa kasi siya makapaniwala sa nangyayari. Sa dami ba naman ng nangyari simula nang bumalik siya, ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang pag-aasikaso ng ina.Parang gusto niyang maiyak sa tuwa pero ayaw niya naman maging emosyonal—dapat ay masaya lang siya.“Itong kutsara’t tinidor, kumain ka,” ani Meriam, sabay bigay ng kubyertos. “Kaya mo bang kumain o gusto mong subuan kita?”Umiling si Caitlyn. “Kaya ko, ‘Mmy.” Pagkatapos ay nagsimula nang kumain matapos magdasal.Kumain n
MATALIM na tingin ang ibinato ni Ezekiel kay Dr. Ramirez kaya agad itong nagpaalam at lumabas kasama ang nurse. Nang sila na lamang ang naroon sa silid ay nag-stay siya saglit, hinihintay ang kompirmasyon ng dalaga habang isa-isang nilalabas ang libro sa paper bag.“Kompleto naman lahat,” ani Caitlyn, hawak ang listahan. Pagkatapos ay tiningnan ito nang hindi na umalis sa puwesto. “Wala kang pasiyente ngayon?”“Break time,” sagot ni Ezekiel. “Mamaya pa ang schedule sa mga bagong pasiyente.”Tumango lang si Caitlyn at sa sandaling iyon, inabot ang librong ‘Eleanor Oliphant Is Completely Fine’.Napatingin si Ezekiel, medyo nabigla—dahil para pala sa kanya ang libro na iyon. “S-Sa’kin?” nautal pa siya nang tanungin iyon.Natawa si Caitlyn, marahang nangiti. “Alangan naman na sa’kin lang lahat ng libro. E, ikaw ‘tong bumili at pera mo ang pinambayad. Don’t worry, paglabas ko rito, magwi-withdraw ako para mabayaran ka.”“Ayos lang,” tugon ni Ezekiel. May munting ngiti sa labi. “Wag mo na l







